Chapter 28
Chapter 28
We settled for few days inside the castle. Wala kaming ibang ginawa ni Finn kundi abalahin ang isa't-isa na walang iniisip.
Natutulog si Finn sa aming silid nang iwan ko siya at isiping maglakad-lakad muna sa palasyo. Dito ko nakita si Haring Tiffon na nakatanaw sa bintana habang may hawak na kopita.
"Haring Tiffon,"
"Kalla, bakit gising ka pa rin sa mga oras na ito?"
"Hindi ako makatulog mahal na hari,"
"Ako rin,"
Nagsimula akong humakbang patungo sa kanya at katulad niya ay tumanaw rin ako sa malayo. Hindi katulad ng labas ng aking tore, ang kalawakang aking kasalukuyang pinagmamasdan ay may buhay at kulay.
"Napag-isipan mo na ba ang nais ng aking asawa? Nais ka niyang ampunin at gawing aming opisyal na anak Kalla." Bumilis ang tibok ng aking puso sa narinig mula sa hari.
Ngunit bigla ko rin naisip ang sitwasyon ng aking tunay na ina, may pag-asa pa kayang kami ay muling magkasama? O bibigyan ko lamang siya ng matinding suliranin dahil sa sumpang hanggang ngayon ay wala pa rin lunas.
"Sana ay pag-isipan mo Kalla. Ang aking asawa ay hindi binigyan ng kakayang magbuntis, ngunit nang minsan ka niyang masilayan nabigyan siya ng pag-asang makaranas mag-alaga ng babaeng anak. Lalo na at may pareho kayong kakayahan. Hindi na mahirap sa mundong itong opisyal na ianunsyong isa ka nang ganap na maharlika. At walang kahit sinong hahamak sa'yo kahit nakadapo sa'yo ang puting sumpa. Sa mundong ito, bibigyan ka namin ng kalayaan at pagmamahal."
Natahimik ako sa sinabi ng hari. Ang kalayaang aking hinahangad ay maaari niyang ibigay sa akin at wala akong ibang nilalang na madadamay.
"Iniisip mo ba ang kapakanan ni Finn?" tumango ako sa hari.
"Magaan ang loob ko sa salamangkerong kasama mo Kalla, ngunit hindi naman siguro lingid sa kaalaman mong ang kahit sinong may hawak ng puting sumpa ay walang kakayahang makilala ang kanilang kapareha. Hindi ba?" muli akong tumango sa hari.
"Kung mananatili ka rito, mahahawakan mo na ang kasiguraduhan ng 'yong kalayaan. Pero sa sandaling muli kayong lumabas ni Finn sa mundong ito, masisigurado mo ba na ikaw ang babaeng itinakda sa kanya? Nais ko lamang iparating sa'yo na iba ang lakas ng koneksyon ng dalawang bampirang itinakda sa isa't-isa. Oo at mahal nyo ang isa't-isa sa mga oras na ito pero sa sandaling makilala na niya ang talagang babaeng itinakda sa kanya, bigla na lamang mawawala ang inaakala niyong pagmamahal. He'll leave you with your wrecked heart and the white curse with you."
Humigpit ang hawak ko sa hamba ng malaking bintana, lahat ng sinasabi ng hari ay tama.
"Sa sandaling makilala mo ang 'yong kapareha Kalla, siya at tanging siya na lamang ang 'yong maririnig at makikita. At sa pagkakataong mangyari 'yon sa salamangkerong kasama mo, naiisip mo na ba ang 'yong kahihinatnan?" bumigat ang pakiramdam ko sa sinasabi ng hari.
"Mahal na hari, masama bang umasa na sana ako talaga? Masama ba na sana mawala ang puting sumpa para malaman kong ako talaga ang itinakda sa kanya?"
"Hindi masamang umasa Kalla, ngunit sinasabi ko sa'yo ang katotohanang wala pang nakatakas sa hagupit ng puting sumpa. At ngayong may lugar at palasyong handang tumanggap sa'yo sa sitwasyong nagkulong sa'yong kalayaan, hindi mo pa ba ito tatanggapin?"
Hindi na pinahaba pa ng hari ang aming usapan at nagpaalam na ito sa akin. Sinabi nitong hihintayin niya ang aking kasagutan dahil malugod niya akong tatanggapin kasama ng kanyang asawa.
Bumalik ako sa silid namin ni Finn at ilang minuto ko siyang pinagmasdan.
"Papaano kung hindi nga ako?" Hanggang ngayon ay wala kaming panghawakan ni Finn.
Kinabukasan ay naging abala na kami ni Finn sa paghahanap ng kasagutan sa aming gagawing paglabas sa mundong ito. Hindi man ako makapaniwala, kasalukuyan ay nakikita kong nakaupo sa harap ng malawak na lamesa si Finn habang abalang nagbabasa ng mga aklat mula sa palasyo.
Gustong-gusto na nitong makalabas sa mundong ito.
"F-Finn.."
"May nakita ka na?" tanong nito sa akin.
Natigil ito sa pagbuklat ng mga pahina nang makita niyang nakatitig ako sa kanya.
"Kalla, hindi ba at napag-usapan na natin ito?" hinawakan niya ang aking kamay.
"Finn, papaano kung hindi talaga ako? Hindi talaga tayo?"
"Ito na naman ba tayo, Kalla?"
"I am just stating the fact,"
"Ngayon ka pa ba susuko, Kalla? I-I just discovered something."
"Something?"
"Maaaring maalis ang puting sumpa sa'yo." Suminghap ako sa maganda niyang balita.
"P-Paano mo nalaman?"
"I read, nagbasa ako nang nagbasa." Kaya ba tulog na tulog ito nitong nakaraan? Ito ang pinagkaabalahan niya nang nagpaalam siya sa akin na mawawala siya ng ilang araw?
"P-Paano kung ganoon?"
"The white curse can be healed by a certain priestess but the curse will be transferred to her unborn child." Napatayo ako sa sinabi ni Finn.
"W-What?! Mandadamay tayo ng inosenteng bata, Finn?! Naririnig mo ba ang sarili mo?"
"But the priestess has a blood that can heal any kind of curse, may posibilidad na hindi tumalab ang puting sumpa sa magiging anak nito. May patak rin ng dugo ng mga dyosa ang babaylan, siguradong hindi ito pababayaan." Hindi pa rin pumasok sa isip ko na gugustuhin ang paraang ito.
"F-Finn, are you that desperate? Hindi ko kayang gumamit ng ibang nilalang para sa sarili kong kaligayahan. Lalo na kung isang inosenteng bata ang pag-uusapan. Anong klaseng libro ang nagturo nito sa'yo?!" I shouted.
Hindi ko gusto ang mga sinasabi niyang ito.
"Then, what? K-Kalla that's the only way that we can remove the curse from you. Dahil kung sa ibang bampira natin isasalin ng sapilitan, hindi kakayanin ng kanilang katawan at magiging bato lamang sila, babalik lang sa'yo ang sumpa."
"Saan? Paano mo nalaman? Papaano mo nalaman na nagbubuntis na sa mga oras na ito ang babaylang sinasabi mo?"
"I have my own ways, Kalla. Kailangan na natin makalabas sa mundong ito. We'll break the curse."
"F-Finn, hindi sa paraang nalalaman mo. You are too desperate!" bigla na itong tumayo at napapikit ako nang ihampas niya sa lamesa ang kanyang dalawang kamay.
"Papaano ako hindi magiging desperado Kalla?! I heard it! I fucking heard it! Titigil ka sa lugar na ito? Tatanggapin mo ang alok ni Haring Tiffon? Magpapaiwan ka sa akin? Hindi ka sasama?! Hindi ba at sinabi ko sa'yong ilalaban kita? Or you just wanted to be a royalty?!" biglang kumulo ang dugo ko sa ibinatong salita sa akin ni Finn.
How could he?
Isang malakas na sampal ang lumipad sa mukha ni Finn kasabay ng pagtulo ng aking mga luha.
"Sa tingin mo ay pinangarap kong maging isang maharlika?! Sa tingin mo ay may naging magandang naidulot sa akin ang pag-iisip sa salitang maharlika?! I am damn locked inside this curse because of those royalties!" sigaw ko sa kanya.
"At kung tatanggapin ko ang alok ni Haring Tiffon, Finn hindi 'yon dahil sa posisyon at karangyaan! Gusto ko nang kalayaan. Hindi mo ako naiintindihan Finn, hindi mo kailanman maiintindihan ang naramdaman ko sa mga salitang ibinigay sa akin ni Haring Tiffon. He gave me hope, new life away from pain. Finn, hindi mo naranasan ang mamuhay mag-isa sa tore, hindi mo naranasan ang lumuha gabi-gabi, hindi mo naranasan ilang beses matulala mag-isa, hindi mo naranasan na ilang beses na humiling na sana mamamatay ka na lang. Ilang taon akong nakakulong, ilang taon akong mag-isa, ilang taon akong namuhay sa kalungkutan. Sa tingin mo ba Finn, maiisip ko pang maging isang maharlika sa lahat ng naranasan ko?" his face softened.
"K-Kalla, I'm sorry. I was just doing this for you. Hindi si Haring Tiffon at ang mundong ito ang magpapalaya sa'yo, ako. Please cooperate with me, kailangan na natin lumabas rito. King Tiffon and his wife is not helping at all."
"Papaanong hindi nakakatulong, Finn? Lahat ng pabor ay kaya naming ibigay kay Kalla." Pagsabat ni Reyna Lumina, kasama na nito si Haring Tiffon.
Biglang nag-iba ang awra ni Finn at marahas itong lumingon sa mag-asawa.
"You gave her the wrong idea. Hindi namin problema ni Kalla, kung hindi kayo magkaanak!"
Sa sobrang bilis nang pangyayari nakita ko na lamang ang katawan ni Finn na lumipad sa matigas na pader ng palasyo. Kapwa kami nagulat ng reyna dahil dito.
"Huwag kang bastos at walang respeto sa aking teritoryo. Tinanggap kita nang maayos at hindi ko pinauunlakan ang pananatili ng mga bastos sa aking kaharian. Ngayon ko na kailangan ang 'yong desisyon Kalla."
Umawang ang bibig ko sa sinabi ng Hari, nagsisimula nang bumangon si Finn mula sa pagkakalipad ng kanyang katawan.
"K-Kalla, let's go. Bumalik na tayo sa sarili nating mundo, hayaan mo akong magpalaya sa'yo." Inilahad sa akin ni Finn ang kanyang kamay.
"Hahayaan mo siyang sirain ang kinabukasan ng isang inosenteng bata, Kalla?"
Agad nagningas ang mga mata ni Finn at lumabas ang mga pangil nito. Malakas niyang sinigawan ang reyna.
"You fucking shut up bitch!"
Lalong pumutok sa galit si Haring Tiffon at sumugod muli kay Finn, ngunit sa pagkakataong ito ay agad nang nakaiwas si Finn.
But the king si faster. Agad nitong nahawakan sa leeg si Finn at itinalang sa ere.
"Tiffon no!" sigaw ng reyna. Nagniningas na ang mga mata ng hari at alam kong hindi na ito mag-aalinlangang patayin si Finn.
Tuluyan nang kumawala ang aking mga luha.
"F-Finn, umalis ka na. Iwan mo na ako, umalis ka na! Umalis ka na!"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro