Chapter 19
Chapter 19
Simula nang dumating sa aking tore ang makisig na salamangkero ay napapadalas akong nag-aanyong ibon.
I need to make myself full, dahil kumukuha ito ng dugo sa akin para manatili itong buhay at humihinga.
Kumpara sa akin at sa ibang mga bampira, mas madalas itong mauhaw. Natatandaan ko pa na nagawa kong makayanan na hindi uminom ng dugo sa loob ng ilang buwan. Pero ang salamangkerong ito ay mukhang parang laging babawian na ng buhay.
His words are the most heart tagging statement I've ever heard. Sa tuwing nagbibitaw ito ng salita, sinasampal ako ng konsensiya na sinasabing isa akong babaeng walang puso para lamang pabayaan ang isang hamak na salamangkerong mauhaw hanggang dalhin na sa kanyang kamatayan.
Nagbigay akong muli ng isang malakas na huni para bigyan ito ng hudyat na paparating na ako.
Agad akong sumampa sa bintana nang makarating ako sa tore, nakaupo lamang ito sa may harap ng aking tokador na may salamin, marahan itong nagkasubsob dito habang pinagmamasdan niya ang sumasayaw na ballerina sa aking music box.
Simula nang makita niya ito ay lagi ko na lamang siyang napapansing nakatitig at tulala rito.
Lumingon ito sa akin.
"Kalla.." tumayo na ito at isinarado ang music box.
Nagtungo ito sa may bintana at tumanaw sa labas. Ito lagi ang ginagawa niya nang makapagbihis ako.
Lumipad ako patungo sa aking tokador, mabilis ibinalik ang aking totoong anyo at nagsimulang magbihis.
"How's your fly?"
"Good, nauuhaw ka na ba?"
"Hindi pa," may kasama itong pag-iling. Hindi ko inaasahan ang sagot niyang ito, kanina lamang ay nagtangka itong kagatin ako.
"Are you good? You looked gloomy."
"Really?"
"Yes.."
Nang makapagbihis ako ay humakbang ako patungo sa kanya at tumanaw rin sa labas ng bintana.
"Where did you get that music box?"
"The music box," I smiled bitterly when I remembered King Thaddeus Gazellian.
Hindi ko man lang nasulyapan ang mga labi nito sa huling pagkakataon at nagawa ko pa na idawit ang kanyang pangalan sa isang malaking eskandalo.
"A gift from my second father," I almost whispered.
"Second father? Stepfather?"
"No!" mahigpit ang pagtutol ko.
"Oh, sorry.."
"Maybe you won't believe on me, but I considered the late King Thaddues Gazellian as my second father." Agad itong napalingon sa akin na may nakakunot ang noo.
"W-Why is he and your mother---"
"No! It wasn't like that. Hindi nga sila magkalapit ni ina, si Haring Gazellian ang tumulong sa akin noon nang may isang prinsipe mula sa Parsua na sumama sa kanya. He was my protector when he was alive." Nanatiling nakakunot ang noo nito.
"He was protecting you? Why?"
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagtaka sa mga katanungan niya.
"Kilala mo si Haring Gazellian?"
"Ofcouse, he was admired by all. Why was he protecting you?" nagkibit balikat ko.
"Hanggang ngayon ay katanungan pa rin ito, salamangkero. At kung anuman ang dahilan niya, napakalaki na ng pasasalamat ko. He was a good King and I was happy that I've given a chance to meet him."
I tried to pull down my eye cover before meeting his eyes. Punong-puno pa rin ito ng pagtataka.
"Did he tell you anything else?"
Ngumiti lamang ako sa kanya bago ako muling tumanaw sa labas.
"He's happy telling me about how great his family was. From his Queen and even his children, they were so lucky having a father that was so proud of them. Kahit sa mga pagpupulong sa palasyo ay lagi silang bukang-bibig ng hari."
Nang sumulyap akong muli pansin ko ang tipid na ngiti sa kanyang mga labi.
"How about you? Papaano mo nakilala si Haring Gazellian?"
"I love his smile, calming." Maiksing sagot nito.
Buong maghapon ay hindi humingi ng inumin sa akin ang salamangkero, sa halip ay bumalik ito sa gawaing paghabol ng titig sa akin.
"Nauuhaw ka na ba?" I asked him for fifteen times. His stares are distracting me.
Umiling ito.
Lagi itong nakaupo sa upuan na nakaharap sa sandalan. Gamit niya ang kanyang mga braso na siyang pinagpapatungan ng kanyang mukha.
"You've been staring at me, can't you quit that?"
Umiling ito.
"Y-You're giving me creeps. Hindi ko alam kung nauuhaw ka ba o may iba ka pang gusto."
"Is it bad staring at you? You're not naked or something." Mahinang sabi nito.
Nakalugmok pa rin ito sa kanyang mga braso at mata niya lamang ang nakikita ko sa kanyang mukha.
"But your stares are undressing me!" I blurted out.
"I don't use eyes to undress women. I use my hands or teeth, it depends."
"Huwag mo akong titigan, paano kung humangin at mawala ang belo sa aking mukha? You'll turn into stone."
"Hindi ito mangyayari, alam ko kung kailan ko dapat ipikit ang aking mga mata at hindi 'yon sa mga oras na nakatitig ako sa'yo." Ngumiwi ako.
"A-Are you giving me your sweet talks?"
"Hindi lang mga salita ko ang matamis, kung nanaisin mo ay patutunayan rin ito ng aking mga labi, maging ang sarili kong dugo ay hindi ko ipagkakait sa'yo Kalla."
Nabasa ko sa isang aklat na likas na sa mga salamangkero ang mabubulaklak na mga salita. I should not let his river of words drown me into the waves of lies.
Pero pansin ko na kanina pa itong nag-iisip.
"What were you thinking? Kanina pa kitang napapansin."
"What if we're mates?"
Naibaba ko ang aklat na hawak ko.
"W-What? Papaano mo nasabi? Didn't I tell you that this curse restricted me from feeling my mate's bond?"
Nagkibit balikat ito.
"What if I can feel my mate's presence in you?"
"It's impossible," sagot ko.
He titled his head on the right side showing his pouting lips. He's still looking at me.
"Why don't we kiss, Kalla?"
"W-What?!"
"I mean to break the curse? Doing the cliché thing, have you read some human stories? Some curse can be beaten by a kiss. Thought, it was quite opposite with my brother and his mate. Nagkahiwalay sila nang halikan nila ang isa't-isa." He showed a bitter smile.
"W-Why? What happened to them?"
"Long story, so why don't we try?" tanong nito sa akin.
"A true love's kiss," matabang na sabi ko.
Muli itong sumubsob sa braso niya at mata na lang muli ang nakikita ko.
"True love's kiss.." bulong nito.
"A-And in human stories, the male leads are princes. Hindi sila mga salamangkero." I heard a short laugh coming from him.
"Oh, my bad. I am not a prince, Kalla. Are you waiting for a prince?"
"I hate royalty," natahimik siya sa sinabi ko.
"So, what is your plan? Hindi ka lalaban sa sumpa? You'll stay here forever?"
"I-I have plans.."
"I want to help you, just tell me what to do."
Bumaba ako sa kama at muli kong inilapag ang aking aklat. Inabot ko ang lampara at sinindihan ito.
"I want to show you something,"
Tumayo ito at sumunod siya sa akin. Ito ang unang pagkakataon na ipakikita ko sa kanya ang ibabang parte ng tore.
Ang tagal na rin simula nang bumaba ako rito matapos ang insidenteng 'yon.
"What is this place?"
"Ibaba ng tore,"
Hindi ko na inabalang sindihan ang mga simbong dinaraanan namin dahil hindi naman kami magtatagal.
Ang ilalim ng tore ay napupuno na ng tubig at may mahabang batong daraanan para magtungo sa silid na napupuno ng aklat.
"Where is this water coming from?"
"Sa paliguan, hindi natigil ang daloy ng tubig. Ngunit huwag mag-alala, hanggang sa nararapat na taas lamang ng tubig ang inaabot nito. Hindi ito minsang umaawas, parang may mahika." Paliwanag ko.
"This place is so familiar,"
"You've been here?"
"Maybe inside my illu—" itinigil nito ang sasabihin niya.
"C-Can I see the bathroom?"
Nang kumunot ang noo ko ay mabilis itong nagsalita.
"I want to use it, maybe tomorrow? I need to freshen up."
"Follow me,"
Kabubukas ko pa lamang ng pintuan ay halos mapapikit ako sa mura nito.
"Shit! K-Kalla, it's y--"
Nasa likuran ko ito at nang lumingon ako sa kanya ay nakalabas na ang pangil nito at nagniningas na ang kanyang mga mata.
"N-Nauuhaw ka na ba?"
Ilang beses nitong iniling ang sarili niya at tinapik ang kanyang pisngi.
"I'm sorry," tumabi ito sa may pintuan at hinayaan niya akong dumaan. Siya na mismo ang nagsarado ng pinto.
Nagtungo kami sa aklat, ramdam ko siya sa likuran ko at sobrang lapit niya sa akin. He's smelling my hair!
Tumitindig ang balahibo ko sa kanya. Tumigil ako sa paglalakad.
"Do you want to bite me?"
"No, I'm good."
He's acting weird.
Nagpunta ako sa bookshelves at hinanap ko ang maliit na aklat ni Lorcan. Siguro ay may nalalaman siya sa ganitong klase ng letra.
"Salamangkero, can you read this book?" humakbang ako sa kanya at inabot ko ang libro.
He's looking at me. Hindi sa libro kundi sa akin, why is he restraining himself? Alam kong nauuhaw na siya.
Hindi na ito naupo sa upuan kundi sa isang lamesa. He crossed his legs and opened the small book in one hand.
"Can you understand?"
"Yes, a little bit." Lumapit ako sa kanya at sinilip ang libro.
I pointed a certain symbol from the upper part of the page.
"What do you think is this?"
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang hintuturo niya malapit sa dibdib ko.
"What do you think is this giving me sins in front of my eyes. Nauuhaw na ako, Kalla.." basta na lamang nito inihagis ang libro sa isang upuan.
"I thought—" umiling siya.
His movement was so fast, I just found myself lying on the table with both of his hands locking me from side to side.
"The book said that the curse will be weaker if you'll surrender yourself to the first vampire who tasted your blood. The first fangs on your skin, Kalla." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. My throat went dry, this isn't good.
"W-What are you talking about?" sinubukan ko siyang itulak.
"I'm serious Kalla, did someone tasted your blood already? Did Lorcan tried to---"
"No!"
Hinuli nito ang kamay ko at masuyo niyang hinalikan ito sa harapan ko.
"I'm glad to hear that," bumaba ito sa akin at napasinghap ako nang lumapat ang labi niya sa tenga ko.
"Now Kalla with the book blessing, will you allow me to weaken the curse?"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro