Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15

Hindi ako naghintay na may makita pa akong higit sa nararapat. Mabilis akong tumalikod sa kanya.

"W-Who are you?" nangangatal na tanong ko sa kanya.

Hindi ko nagawang makita ang mukha niya dahil nagmula ang mga mata ko sa ibaba.

Did he just transform from a bird to a male vampire? How is that possible?

Bakit wala pa akong nababasang ganitong klase ng kapangyarihan. Ano ang ginagawa niya sa toreng ito? Papaano siya nakarating dito?

"Someone who needs your help?" rinig ko ang yabag nito na papalapit sa akin.

"Kailangan mo ng tulong ko? Can't you see my situation? I am trap here inside this dead tower. Wala akong tulong na maibibigay sa'yo. Isa pa, paano ka nakasisiguro na tutulungan kita?"

"Can you lend me your blanket or something? We can't talk like this, ayokong nakatalikod sa akin ang babae kapag kinakausap ako."

"How would I know that you're not one of the disciples from the castle? Baka isa ka lamang sa tauhan nila para paglaruan ako." Pagsisiguro ko.

"I brought something that is valuable to you. Your mother asked me to bring this to you. King Thaddeus' music box. Aside from that, I am from the empire of Parsua."

Dito napukaw nang tuluyan ang aking interes. Who is this vampire? Bakit parang hindi ito nakakatakot sa akin?

Hindi niya ba alam ang kakayahan ng sumpang nakadapo sa akin?

"You talked to my mother?"

"Yes? I was actually looking for the woman who has the white curse."

"W-Why?"

"Just give me the blanket, please?"

Hinagip ko ang kumot ko sa aking kama at nakatalikod kong inabot ito sa kanya.

"Thanks," pakinig ko ang pagbalot niya sa kanyang sarili.

"You can now face me, but please don't look at my eyes. Ayokong maging bato."

I should scream or doubt his words. Dapat ay hindi ako magtiwala sa kanya, pero dala niya ang bagay na hiniling kong sana ay kasama ko ngayon. He even mentioned my mother, King Gazellian and Parsua.

Nakaupo na ang bampira sa may bintana habang balot ng kumot ang pang-ibabang parte ng katawan nito.

Higit pang matipuno at maganda ang pangangatawan nito kumpara sa mga kawal na nadadaanang kong nagsasanay sa palasyo.

"Lorcan Clione, I was an ex Prince from the prophecy. If you're familiar with the blue fire, mirror and human girls." He shrugged.

Nabasa ko na ang tungkol dito.

"Kallaine Seraphina,"

"Yeah, Verlas.."

"Bakit mo kailangan ang tulong ko?"

"It's just simple, I need money. I need your pearls." Tipid na sagot ko.

"That's it?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Buong akala ko ay mabigat na bagay ang kailangan nito sa akin.

Bumaba ito sa bintana at pinulot niya ang music box na galing sa sahig. Isinarado niya ito at nagsimula siyang humakbang patungo sa akin.

I am avoiding his eyes, ayoko nang may magawang bato dahil sa sumpang ito.

"Here," inabot ko sa kanya ang music box.

"Sorry, but I can't help you with your money issue. Ang luha ko ay hindi nakalaan para gumawa ng kayamanan. Vampires can earn through business, gumawa ka nang paraan na nararapat sa'yo." Matigas na sagot ko.

If my answer backfired, I am willing to fight against him. Higit na malakas ang aking sumpa laban sa kahit sinong bampira.

"But you'll also need me, my information and power. Uminom ka na ba ng dugo simula nang ikulong ka dito? Soon, your body will ask for blood. What will happen to you?"

Naisip ko na rin ang bagay na ito, pero hanggang ngayon ay hindi na ako naghahanap ng paraan para dito.

Palagay na ang loob kong dito na sa toreng ito matatapos ang aking buhay.

"I have already accepted my future."

"Nah, papaano naman ang itinakda sa'yo? You'll leave him hanging."

"Wala rin itong ipinagkaiba, kahit manatili akong buhay ay kailanman ay hindi namin makikilala ang isa't-isa." Humina na ang boses ko.

"So your plan here is to die without fighting?"

"How can I fight then? Can't you see my situation? Wala na akong magagawa." Matigas na sagot ko.

"You can still do something, lend me three pearls." Inilahad nito ang kanyang kamay sa akin.

Nanatili akong hindi gumagalaw.

"Come on, maaari mo akong gawing bato kung walang saysay ang sasabihin ko sa'yo."

Tumayo na ako mula sa kama at nagtungo ako sa lumang aparador, kinuha ko ang kahon kung saan dito ko inilalagay ang aking mga luha.

Kumuha ako ng tatlo at ibinigay ko ito sa kanya.

"Thanks, so here's the hint. Hindi ikaw ang unang ikinulong sa toreng ito." Tipid lang akong tumango dahil alam ko na ito.

"There are things around, like books. Madaling hulaan."

"Did you read some of them?"

"About my curse? Yes." Ramdam ko na maraming nalalaman sa puting sumpa ang lalaking ito.

"The white curse was originated from an unknown family."

"Hmm, what else? Did you know the first courier of the curse?" umiling ako.

"Base sa nabasa ko sa isang aklat, may isang prinsesang humawak ng sumpa. But the book didn't state if she's the first courier." Ngumuso lamang ang lalaki.

"Nahalungkat mo na ba ang buong toreng ito?"

"No, I just focused with books." Kunot noong sagot ko. "Have you been here?"

"A lot of times," ngising sagot nito.

"W-Why?"

"Trying to be friends with every woman with white curse?"

"I said, why?"

I can feel that he doesn't like to answer my questions. Kung ganoon ay hindi lang ako ang nakausap niya sa toreng ito.

Marami nga itong nalalaman.

"I can offer you my body and then supply me with your pearls." Agad akong dumistansya sa kanya habang yakap ko ang sarili ko.

"Asshole! Get out! Gagawin kitang bato!" sigaw ko.

Tumawa ito sa sinabi ko.

"Sorry, I thought you're like those previous women."

"Don't t-tell me..you are—"

"Oh no, my balls are only for my mate. I was just flirting and entertaining them." He waved his hand.

"Can't you quit talking about your damn balls?!" he laughed.

"Just tell me your reason for pearls, maybe I'll change my mind and give you some."

Bumuntong-hininga ito.

"Since I heard that you were quite close with King Thaddeus, the king I respected the most. I'll tell you some facts. Yes, totoo akong nakikipagkaibigan sa lahat ng dinadapuan ng puting sumpa. And I never tried to help them to remove the curse, dahil ang sumpang nakadapo sa kanila ay kailangan ko."

"User," malamig na sagot ko.

"But I have my reason Kalla, my mate needs the pearls to survive. Serena. Iniinom niyang parang gamot ang perlas para mabuhay siya."

"W-What? What disease is that?"

"She was an ex-human, but the blue fire gave her a powerful ability. She can copy the every vampire power, but for her to keep her body healthy and alive she needs to take pearls. Nauubusan na ako ng dagat sa mundong ito para hanapan siya ng perlas."

"What's with the pearls?" nagtatakang tanong ko.

"Pearls are clear and pure that signifies her power, to control it she needs the symbolism to seal her exceeding power. I need to feed her with pearls."

"A-Alam niya ba ang mga sakripisyo mo? Maaari ka maging bato sa ginagawa mo, hindi mo hawak ang pag-iisip ng bawat babaeng may hawak ng sumpa." Bumuntong hininga ito sa akin.

"I have a very complicated story, Kalla."

"I don't mind," sagot ko.

"Right now, buong akala ng Parsua ay patay na si Serena. The other women from the prophecy are now locked inside the toughest block of ice, walang kahit sino ang makakatunaw nito kung hindi ang isang babae mula sa propesiya. Alam kong buhay si Serena, pero pinalabas kong patay na siya. Pinalabas kong naluluksa ako sa ilalim ng aming palasyo, dahil kapag nalaman ng buong Parsua na buhay ang babaeng mahal ko na kasalukuyang kontrolado ng mga mangkukulam ay papatayin nila ito."

Natahimik ako sa lahat ng sinasabi niya. He's willing to do everything for the sake of his mate.

"She is now living away from Parsua and I'm helping her brothers to feed her with pearls. Dahil kontrolado ang pag-iisip niya ng mga mangkukulam, malaki ang galit niya sa akin sa maling ideya. I want to help her, I want to free her but I don't have the ability, ito lang ang kaya kong gawin sa kanya. To keep her healthy, habang hinihintay ang susunod na itinakdang babae."

"Oh, that's the power of mate bond."

"Yes, I love her so much Kalla. That's why I am asking for your help. I won't restrain you from asking me about those previous women of White Curse. Hindi lang libro ang makikita mo sa loob ng toreng ito, explore and there's more."

Tumitig lamang ako sa kanya.

"Supply me with pearls and I'll try my best to help you with your curse."

"Is that reliable? Kung ang sumpang ito ang matinding kailangan mo."

"Parating na rin ang unang itinakdang babae sa panahong ito, mapapalaya nito si Serena mula sa mga mangkukulam at magagawa na nitong kontrolin nang maayos ang kanyang kapangyarihan."

Kahit hindi ko pa masyadong nakukuha ang patakaran sa mga propesiyang sinasabi niya ramdam ko ang matindi niyang pag-asa tungkol dito.

"Anong mapapala ko kung tutulungan kita?"

"I can give you the real history of the white curse. Maaaring ikaw ang unang makatalo dito." Muling kumunot ang noo ko.

Nakasaad na sa librong kailangan lamang itong ipasa kung gustong kumawala dito.

"Aside from that, I can give you a slight freedom. Maaari ka rin mabuhay nang matagal na hindi nangangailangan ng dugo."

"How?"

"My power can make myself or even other vampires into different birds. Maaari kitang bigyan ng abilidad na maging isang ibon para pansamantalang makalabas sa toreng ito at maghanap ng pagkain. Your presence was sealed inside this tower, but your bird presence isn't. You can fly away from this filthy tower, temporarily."

--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro