Chapter 14
Chapter 14
Habang patuloy sa pagputi ang aking buhok ay nakikita kong nagsisimula nang magkulay itim ang buhok ng babae.
Ipinapasa na nila sa akin ang sakit o kung anumang klase ng sumpang dumapo sa kanya.
"No!"
I tried to remove my hands but they pushed me brutally. Hanggang sa tuluyan nang maging puti ang aking buhok, kahit ang aking balat ay nagsisimula nang mamutla.
"I'm sorry," bulong nito sa akin bago siya hilahin papalayo sa akin.
Napasubsob na lamang ako sa sisidlan habang patuloy na lumuluha, hindi na ito tubig kundi isang kumikinang na perlas. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
Gusto kong lumaban ngunit wala akong kakayahan, habang buhay na ba akong magiging api? Habang buhay magiging biktima? Anong nagawa kong mali sa mundong ito?
"Tumayo ka na! Kailangan ka nang lagyan ng cadena sa'yong leeg!" Sigaw ng isang kawal sa akin.
Sa takot kong muling hagupitin ng latigo ay pinilit ko ang sarili kong tumayo, pero masyado nang mahina ang katawan ko dahil kusa na itong bumibigay.
My whole body landed on the cold floor.
Alam kong pinapanuod ako ng napakaraming bampira at nalulungkot akong wala kahit isa sa kanila ang nagbukas ng kanilang mga mata para makita ang katotohanan.
Sapilitang hinawakan ng dalawang kawal ang mga braso ko, gusto kong magsalita at magmakaawa. Bawat galaw ng katawan ko ay may kapalit na hapdi at sakit, hindi na yata ako tatagal pa.
Sa nanlalabo kong mga mata ay pilit kong sinalubong ang mga mata ng isang kawal pero ang ikinagulat ko ay ang biglang pagputi ng mga mata nito, hanggang sa unti-unting mabalot ang katawan nito ng puting bato na kawangis ng kanyang pigura.
Nakarinig ako ng malakas na sigawan at singhapan ng mga bampira.
"Anong demonyo ang sumapi sa babaeng 'yan?!" bumitaw sa akin ang isang kawal.
Nagtataka akong lumingon sa isang kawal pero nang sandaling nagtamang muli ang aming mga mata ay bigla rin itong naging bato.
"Isang halimaw!" sigaw ng isang konseho.
"Anong nangyari sa puting sumpa?!" tanong ng panibagong bampira.
Nabalot ako ng takot sa aking sarili, anong nangyayari sa akin? Bakit sila natatakot sa akin?
Nang sandaling lumingon akong muli sa panibagong bampira at magtama ang aming mga mata ay agad itong naging bato.
"Halimaw!"
Kita ko ang pagtatakbuhan ng mga bampira dahil sa akin.
"Huwag kayong titingin sa kanyang mata! May sa demonyo ang kanyang mata!" sigaw ng isa pang konseho.
Si Prinsesa Theresa, ang reyna, ang hari at ang konseho ay dumistansya sa akin. They are all avoiding my eyes.
"Kill her! Just damn kill her!" sigaw ni Prinsesa Theresa.
"No! Hindi maaaring mamatay ang nagdadala ng puting sumpa, dahil may posibilidad itong lumipat sa inosenteng bampira sa imperyong ito na hindi na kakailanganin ng ritwal." Giit ng konseho.
May umatake sa aking likuran at marahas piniringan ang aking mga mata, naramdaman ko rin ang pag-cadena sa aking leeg.
"Saan natin siya ikukulong? Mapanganib siya kung mananatili siya sa palasyo."
"Sa abandonadong isla ng imperyong ito, sa pinakamataas na toreng nalipasan na ng napakaraming panahon." Gusto ko pang malaman kung ano ang plano nila sa akin pero may kung anong mabigat na bagay nang tumama sa aking ulo dahilan kung bakit ako tuluyang nawalan ng malay.
Nagising ako nang makaramdam ako ng matinding uhaw. At sa pagbangon ko ay sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na lugar.
Punong-puno pa rin ng galos ang aking mga braso at binti, maging ang matinding hapdi sa aking likuran ay damang-dama ko pa rin. Nang lumingon ako sa aking bandang kanan ay tumambad sa akin ang isang salamin.
Ang aking sariling repleksyon.
I cried, humagulhol ako nang napakalakas kasabay nang pagpatak ng mga perlas mula sa aking mga mata.
Hindi ko ininda ang matindi kong pagkauhaw dahil naging abala ko sa pag-iyak nang napakahabang oras. Nagpasya lamang akong bumaba sa aking kama nang makarinig ako ng mga humuhuning ibon.
Nang sandaling abot kamay ko na ang bintana, isang napakalaking kagubatan ang sumalubong sa akin.At nasa gitna nito ang toreng kinalalagyan ko. Isang lugar na walang buhay.
"No, I can't stay here. Hindi ako maaaring manatili sa lugar na ito."
Sinubukan kong isampa ang aking mga kamay at paa sa bintana para makaalis sa tore, para sa isang bampira madali lamang tumalon dito ngunit masyado pa akong mahina.
Ngunit kailangan kong sumugal. Nang akma na akong tatalon ay may kung anong pwersa ang nagbalik sa akin sa loob ng tore. Parang may harang itong hindi ko nakikita.
Ayokong mag-aksaya ng oras, sinubukan ko ulit tumalon ngunit naibabalik lamang ako nito.
Dumaing muli ang aking sariling katawan dahil sa paulit-ulit na pagbagsak ko. Pinahid ko na rin ang dugong lumalabas sa aking ilong, masyado pang mahina ang aking katawan para mapwersa.
I tried to open my vampire eyes to see something, but I can't feel the power from my eyes. Halos gumapang na ako patungo sa salamin para makita kung nagniningas ang aking mga mata, pero tanging puting mata lamang ang nakikita ko.
They are right, isa na akong napakapangit na halimaw.
"They sealed me here, they sealed me." Nangangatal na sabi ko habang nagpapatakan ang mga perlas mula sa aking mga mata.
Ilang linggo akong nakaratay mag-isa sa kama. Walang pagkain o kahit inumin. Vampires can survive without blood for months, pero ikamamatay na nito kung taon na ang bibilangin.
Naghilom na ang mga sugat ko, ilang beses kong tiningnan ang kabuuan ko sa salamin at halos magpasalamat ako nang walang naiwang pilat dito. Ayokong sa tuwing mapapatingin ako sa aking balat ay babalik ang lahat ng masasamang alaala.
Sa isang buwan kong pananatili mag-isa sa tore, pinili ko lamang maglagi sa tuktok nito at tumanaw sa labas ng bintana.
Umaawit ng kalungkutan sa isang walang buhay ng kagubatan.
At ngayon lamang ako naglakas ng loob bumaba sa mahabang hagdanan ng tore para malaman ang mga nasa ibaba nito.
Sinindihan ko ang lampara na siyang gagabay sa aking pagbaba, habang dumarami ang aking hakbang lalong dumidilim ang paligid kasabay ng lalong pagtahimik.
Tanging ang aking mga yabag at ang aking paghinga na lamang ang naririnig ko. Ano kaya ang nasa ilalim nito?
Nang makarating ako sa pinakadulo ng baitang ay inangat ko ang lampara para makita ang aking nasa harapan.
To my surprise, I saw shelves of books! Napakaraming lumang aklat. Hindi ako nagdalawang isip at mabilis akong lumapit dito para suyurin ang mga librong nandito.
Ang balak kong pagkitil sa aking sariling buhay ay natigil, dahil inabala ko ang aking sarili sa pagbabasa ng mga aklat. Dinala ko ang mga posibleng aklat na magbibigay sa akin ng kaalaman tungkol sa sumpang iginawad nila sa akin.
Hanggang sa may mabasa akong pahina na may nakalagay na 'Puting Sumpa'
Ngunit hindi ito ang mismo ang aklat na nagsasabi ng tungkol dito, dahil ito ay librong nilimbag lamang ng isang konseho na nagbibigay ng kaunting impormasyon tungkol sa mga sumpang kanyang nasaksihan.
Lumukso sa tuwa ang aking dibdib nang mabasa ko ito. Kahit hindi ito buo, maaari itong makatulong sa akin.
Saan nagmula ang puting sumpa at kung papaano ito maaalis na hindi kailangang magsakrispisyo ng ibang bampira.
Ang puting sumpa ay nilikha ng isang pamilyang bampira bago ang mga ito sabay-sabay na bawian ng buhay at maging mga bato. Hanggang ngayon ay katanungan pa rin ang kakilanlan ng pamilyang ito, ang dahilan ng kanilang pagpanaw at maging ang kinalalagyan ng kanilang mga labi. Ngunit sa kasalukuyan ay dinadala ng isang prinsesa ang puting sumpa na siyang nagbahagi ng ilang pangitaing ipinakita sa kanya ng nasabing pamilya.
Isang malaking misteryo ang dahilan ng pagiging bato ng pamilya na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sinasaliksik ng mga kilalang konseho ng mundong ito.
Ang puting sumpa ay habangbuhay nang magpapasalin-salin sa bawat henerasyon, hindi ito kailanman mamamatay sa halip ay malilipat. Maisasalin lamang ito kung maghahalo ang dalawang klase ng dugo sa isang malinis na tubig. At kung may babaylan magtatangkang burahin ang sumpang ito, malilipat lamang sa ipagbubuntis nito ang sumpang kanyang nilabanan.
Ang magdadala ng puting sumpa ay magtataglay ng kakaibang anyo. Puting balat, mga mata at wala ng matang magniningas. Hindi na rin ito magkakaroon ng kakayahang makilala ang nilalang na itatakda sa kanya, ganito rin sa kanyang kapareha dahil ang puting sumpa ay iginawad para habangbuhay mapag-isa ang isang nilalang.
Ngunit may magandang dulot din ang puting sumpa, dahil ang luha ng lalapatan ng sumpang ito ay magiging purong perlas sa bawat pagpatak nito. Samantalang, pili lamang ang nilalang na magkakaroon ng kakayang gawing bato ang kanyang kapwa sa pamamagitan ng kanilang mata. Tanging mga nilalang na may malalakas na presensiya.
Ibig sabihin mas malakas ang aking presensiya kumpara sa unang bampirang humawak ng sumpa.
Ilang oras akong natulala nang unti-unti kong maintindihan ang nabasa ko. Ibig sabihin lamang nito ay habang dala ko ang sumpang ito, hinding-hindi ko makikilala ang lalaking nakatakda sa akin.
Nanghina ako sa mga nabasa ko. Saan pa ako kukuha ng lakas para magpatuloy?
Inihiga ko ang aking sarili sa kama, hindi rin magtatagal ay magugutom at mauuhaw ko.
I'll die here alone.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang may mapansin akong isang napakagandang ibon na lumapag sa aking bintana at halos tumalon ako sa tuwa nang makita ang tangay nito.
King Gazellian's music box.
Binitawan ito ng ibon dahilan kung bakit ito nabuksan at tumugtog ng isang mahinahong musika.
Abala ako sa pagtitig sa regalo sa akin ng hari nang mag-ingay ang mga pakpak ng ibon hanggang sa magliwanag ito at unti-unting gumawa ng isang anyo ng lalaki.
My eyes started on his masculine feet travelling up to his knees and between his—oh my god!
"Stop right there sweetheart, it's for my mate only. Wait for your mate's balls."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro