Chapter 13
Chapter 13
I just found myself running out from the castle. Kailangan kong makarating sa Parsua sa lalong madaling panahon. I want to see King Thaddeus, the King I valued the most.
My second father and my protector. Hindi ako maaaring mag-aksaya pa ng mga oras, lalo na at kaunting araw na lamang ang ilalagi nito sa palasyo.
Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo hanggang sa makita ko na ang pila ng napakaraming karwahe patungo sa iba't-ibang karwahe.
Ilang hakbang na lamang ako dito nang nang makarinig ako ng maraming yabag ng kabayong patungo sa direksyon ko. Nang sandaling lumingon ako ay nanlaki ang aking mga mata dahil sa matinding pagkagulat.
Anong ginagawa ng mga kawal ng palasyo? Kilala ko ang nangunguna sa kanila, isa ang namumuno sa paghuli ng mga kriminal dito sa Lodoss.
Sinong kriminal ang hinahanap nila? Bakit wala akong nababalitaan sa palasyo?
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nasa akto na akong makikipag-usap sa matandang kasalukuyang hinahaplos ang kanyang kabayo nang marinig ko ang sigaw ng isang kawal.
"Tumatakas ang babaeng lapastangan!"
Babae? Lumingon ako sa direkyson ng mga kawal. At bigla na lamang kumalabog ang dibdib ko nang makitang patungo ang mga ito sa aking kinatatayuan.
Are they after me? Anong kasalanan ang ginawa ko?
"Hulihin ang babaeng lapastangan! Gusto pa nitong tumakas!"
Natakot ang mga matatandang nagbabantay sa kanilang mga kabayo at kapwa ang mga itong yumuko sa takot na baka madamay.
Agad bumaba ang dalawang kawal at mabilis ang mga hakbang ng mga itong hinuli ang mga braso ko.
"Sandali, bakit?" nangangatal na ang boses ko.
"Tumahimik ka!" asik nito sa akin.
Nagsimula akong pumiglas sa kanila, hindi nila ako pwedeng itrato ng ganito dahil para lamang ito sa mga bampirang may ginawang masama sa imperyo.
I didn't do anything.
"Why? Bakit nyo ako dinakip?" ulit ko sa kanila.
They didn't answer me, sa halip ay mas naging marahas ang mga ito sa akin. Iginapos ng mga ito ang aking mga kamay at walang habas ng mga itong isinabit ang katawan ko sa kabayo.
Mabilis ang pagpapatakbo ng mga ito at nang sandaling makabalik kami sa harap ng palasyo ay halos kalikarin nila ako para lamang muling maipasok.
"Bakit?! Kailangan ko ng paliwanag! Wala akong ginagawang masama, nagkakamali po kayo! Wala po akong ginagawang masama!"
"Walang kriminal ang umamin sa kanyang kasalanan. Tumahimik ka na lamang!" dumaing ako nang may tumamang malakas na sampal sa aking pisngi.
Mabilis tumulo ang aking mga luha, ang kirot at sakit ng sampal niya ay nanunuot sa aking pisngi.
They brought me to the hall where criminals are being judge. Dito ipinapataw ang mga kaparusahang nararapat sa mga bampirang nagkasala sa imperyo.
Bigla na lamang nabuksan ang bubong ng palasyo dahilan kung baki tumama sa akin ang sinag ng bilog na bilog na buwan.
Napasigaw na lamang ako sa sakit, ramdam ko ang unti-unting pagkalapnos ng aking balat.
"Why? Why? Bakit nyo ako pinarurusahan?" nanghihina na ako dahil sa sinag ng buwan.
May kung anong klase ng batong ginagamit ang mga bampira na siyang direktang kumukuha ng liwanag ng buwan at ang liwanag mula sa bato ang siyang lumalapnos sa akin.
Hinayaan nila akong manghina nang lubos bago nila inalis sa aking katawan ang liwanag na nagmumula sa bato.
Napakaraming bampira ang nanunuod ngayon sa akin mula sa iba't-ibang direksyon.
Biglang pumasok sa isip ko ang imahe ng aking inang nakangiti sa akin, nasaan siya? Sana ay hindi niya ako nakikita sa ganitong sitwasyon. Ayokong masaktan siya nang dahil lamang sa akin.
"Siya ba?" lumabas mula sa madilim na anino ang pamilyar na babaeng konseho.
Sa tabi nito ay ang reyna, si Prinsesa Theresa at ang lalaking katalik nito. Nabuo ang katanungan sa aking isipan? Papaano at bakit ako nakarating sa ganitong sitwasyon?
Ramdam ko ang init at matinding galit ng babaeng konseho sa akin. Humigpit pa ang hawak nito sa cadenang hawak niya.
"Halika isa ka pang inutil!"
Marahas niyang hinila ang cadenang hawak niya at tumambad sa akin ang isang babaeng puti. White hair, skin and her presence is already dead. Para na itong walang buhay at tanging pisikal na kaanyuan na lamang ang mayroon.
Katulad ko ay halos sumubsob na ito sa lupa dahil sa walang habas na ginawa sa kanya ng konseho.
Tumaas ang kilay sa akin ng Prinsesa na may halong ngisi sa kanyang mga labi. Sa likuran nila ay ang trono ng hari at ilang mga konsehong nakatindig malapit dito.
Bakit kailangan ng presensiya nilang lahat? Anong kasalanan ang ibinabato nila sa akin?
"Can you see her? Siya na ang magpapalaya sa'yo. Isang babaeng masahol pa sa ginawa mong kalapastanganan. Isang maduming babae!" sigaw nito.
Maduming babae?
Nang sulyapan ko ang babaeng puti ay lumuluha na rin ito, pero purong perlas ang pumapatak mula sa kanyang mga mata.
"Ano ang ginawa ko? Wala akong ginagawang masama." Litong sabi ko.
"Sinungaling! Hagupitin ng latigo!" sumigaw ako sa sakit nang may tumamang latigo sa aking likuran.
"Para 'yan sa pang-aakit sa aking kapareha!" nag-aapoy sa galit ang mga mata ng konseho na parang nais na ako nitong patayin.
Tumulo ang mga luha ko kasabay ng pilit pagsalubong sa kanyang mga mata.
"Pang-aakit?"
Napuno ng bulungan ang mga bampira.
"Maduming babae! Kasiraan sa imperyong ito!"
"At nag-mamaang maangan ka pa?! You seduced my mate!" itinuro nito ang lalaking nakatungo na siyang katabi ng reyna.
"No! I never seduced him! Kahit mag-usap ay walang namamagitan sa amin!"
Pinilit kong salubungin ang mga mata ng konseho. I want her to see my eyes, gusto kong makita na walang halong pagpapanggap ang lahat ng mga sasabihin ko.
"Sinungaling! Tatlong latigo!" sigaw ni Prinsesa Theresa.
Umalingawngaw ang malakas kong sigaw sa buong bulwagan ng kaparusahan nang ilang beses tumama sa akin ang latigo.
Why? Bakit kailangang maranasan ko ang ganitong klase ng pang-aabuso? Bakit kailangan kong matanggap ng latigong hindi nararapat sa akin?
Halos lumugmok na ako sa malamig na sahig dahil sa tindi ng hapdi ng aking likuran. Gusto ko nang ipikit ang aking mga mata at tuluyan nang tumakas sa kanilang mga kalupitan.
"Bakit sa akin mo ibinabato ang kasalanang hindi ko ginawa, mahal na prinsesa?" ang reyna naman ngayon ang nag-utos sa kawal dahilan kung bakit sumuka na ako ng aking saliring dugo sa walang tigil na paglatigo sa aking katawan.
"Walang galang! Walang modo! Bakit mo ibabalik sa aking anak ang kalandian mong alipin ka?! Muntik pang pagkamalan ang aking anak dahil ginagamit mo ang kama nito sa kalandian mo!" kung mailuluha ko lamang ay dugo siguro ay kanina pa akong naubusan.
"Bibigyan mo pa ng eskandalo ang malinis kong anak! You disappointed us Kalla, we trusted you. The king trusted you because we thought that you'll be good as your mother! Pero dudungisan mo lamang ang pangalan ng aming anak!" Gusto kong itanong kung saan kinukuha ng reyna ang mga sinasabi niya.
Naging mabuti ako sa kanyang anak, naging mabuti ako sa kanilang pamilya at wala akong natatandaang masamang ginawa laban sa kanila.
"No, kahit kailan ay marunong akong gumalang sa kasagraduhan ng pagkakapareha ng mga bampira. Kailanman ay hindi ko nanaising sumira ng pagmamahalan. Malaki ang respeto ko rito." Nanghihinang paliwanag ko.
"Isang malaking kasinungalingan! Isang malaking patunay na ang pagtakas na gagawin mo ngayon. Hindi ba?!" sigaw ng prinsesa.
"Hindi ako tumatakas, nais ko lamang puntahan si Haring Gazellian. He is my--"
"Pakinig nyong lahat! Kahit ang hari ng Sartorias ay inakit nito!"
"No! He was like a father to—"
"Malanding babae!" hindi na nakapagpigil ang konsehong babae at sinampal ako nito.
"May mga saksi at nagsasabing nahuhuli kayong naghahalikan ng hari sa likuran ng palasyong ito! Sino pa? Sino pa sa iba't ibang imperyo ang bibiktimahin mo?!"
Ilang beses akong umiling sa kanilang lahat. Sino? Sino ang mga saksi? Papaano sila makakapagsalita ng mga pangyayaring kailanman ay hindi naganap?
"Mahal na konseho, maniwala kayo sa akin. Hindi ko kailanman gagawin ang mga paratang nyo sa akin. Bakit hindi nyo itanong sa inyong kapareha? Bakit hindi mo sa kanya sabihin ang katotohanan? Hindi ako ang may kasalanan." Tumalim ang titig sa akin ng prinsesa.
Pansin ko ang pag-aalangan ng lalaking bampira pero nang pansin kong sumulyap ito Prinsesa Theresa ay saka lamang nito sinalubong ang aking mga mata.
"Umamin ka na Kalla. You seduced me, ilang beses mong inihain ang katawan mo sa akin. You told me that you can satisfy me better than my own mate. I tried to push you..but you casted something on me..hindi ko na alam ang ginagawa ko."
Tumulo ang luha ng konseho sa pahayag ng kanyang kapareha at itinaas nito ang kanyang kamay. Sunod-sunod na latigo sa iba't-ibang parte ng aking katawan ang tumama sa akin.
"Malandi! Malanding babae!"
Dumanak na ang sarili kong dugo sa bulwagan at nakalugmok na ang hindi ko maigalaw na katawan. Nanlalabo na rin ang aking mga mata, mamamatay na yata ko.
"Kalla! Kalla anak!"
"Ina.." walang tigil sa pagluha ang aking mga mata nang makita ko si inang pinipigilan ng mga kawal para makalapit sa akin.
Ako at ang babaeng puti ay walang awang hinila ng mga kawal patungo sa isang hindi kataasang ngunit malawak na sisidlang may tubig. Marahas ng mga itong hiniwa ang aming mga palapulsuhan at sabay ng mga itong itinubog ang aming mga pulsing nagdurugo.
Malakas na boses ni Prinsesa Theresa ang pumuno sa buong bulwagan kasabay nang unti-unting pagputi ng aking buhok.
"Salubungin! Ang bagong silang na babaeng puti ng sumpa!"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro