Chapter 11
Chapter 11
Ang imperyo kung saan ako ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang siyang imperyong ngayon ay humahamak sa akin.
Ang lugar kung saan binigyan ko ng matinding kalinga at pagmamahal ay kasalukuyan akong binabato ng mga paratang na kahit sa aking mga panaginip ay hindi mangyayari.
Talaga ba na ganito ang buhay sa mundong ito? Walang karapatang paniwalaan ang mga kagaya kong walang kapangyarihan? Hindi na ba maaaring marinig ang aking mga salita? Wala na ba akong karapatang ipagtanggol ang aking sarili?
Nakalapat ang aking mga kamay sa malamig na sahig habang nakayuko ang aking ulo, walang tigil sa pagbuhos ang aking mga luha.
Maging ang lalaking inakala kong makakasama ko habangbuhay, ang lalaking inakala kong gagawin ang lahat para sa akin ay nagawang magduda at hindi ako tingnan.
"Ina, alam kong kilala mo ako. Hindi ko minsang ninais makasira ng relasyon ng dalawang bampirang itinakda para sa isa't-isa. I respect the value of natural mates, dahil ito ang nakikita ko sa inyo ni ama simula nang bata pa lamang ako."
"K-Kalla..mahal na hari, mahal na reyna. Makinig kayo sa aking anak, hindi niya kayang gawin ang mga paratang nyo. Nagkakamali kayo." Hindi na napigilan ni ina ang kayang sarili at dinaluhan ako nito.
Mahigpit akong yumakap sa kanya at humagulhol ako ng pag-iyak. Halo-halo ang sakit na nararamdaman ko, pisikal at emosyunal. Para sa aking sitwasyon kung saan palagi na lamang sa akin isinisisi ang lahat, maging ang ginawa sa akin ng lalaking kaya kong gawin ang lahat para lamang paligayahin siya.
That's the most painful part, ang hindi tingnan sa mata ng lalaking inakala mong tatanggapin ka sa kung anuman ang estado mo sa mundong ito.
He doubted me because I was just a slave. A lower rank vampire, not a princess and not a royalty like him.
Ano nga ba ang laban ng mga salita ko sa mga matataas na opisyal ng aming imperyo? Ano ang laban ko sa paratang ng prinsesa?
"Morias! Isa ka sa pinagkakatiwalaan ko sa palasyong ito! Hindi dapat pinagtatakpan ang maling gawi ng 'yong anak!" sigaw ng reyna.
"Tumayo ka Morias, kung ayaw mong pareho ko kayong parusahan ng 'yong anak." Malamig na sabi ng hari.
Agad akong kumalas sa yakap ni ina at nag-angat ako ng tingin sa hari.
"No! Huwag nyong idadamay si ina. Wala siyang kasalanan, wala kaming dapat tanggapin na kaparusahan." Humarap ako sa lalaking katabi ng prinsesa.
"Paano naaatim ng konsensiya mong ibato sa inosenteng katulad ko ang pagtataksil mo sa babaeng ipinagkaloob sa'yo?" nanghihinang sagot ko.
Sumulyap ako sa Prinsesa na matalim ang mga mata sa akin. Sa isang iglap ay nakalapit ito sa akin at lumipad ang palad nito sa mukha ko.
Agad kong nalasahan ang dugo sa aking mga labi.
"Huwag kang bastos! Inilatag na ang ebidensiya Kalla, umamin na si Azure! Inakit mo siya at dinala sa aking silid! Sa tingin mo ay maniniwala sa'yo si ina at ama? Hindi pa ba ebidensiya ang pagpunta mo sa Parsua para sulyapan mo ang isa pang lalaking biktima? You even tried to seduce Prince Rosh!"
Taas noo akong humarap sa kanila at habangbuhay kong ipagtatanggol ang karapatan ko.
"Inosente ako, wala akong inaakit, walang kahit sinong lalaki ang naugnay sa akin, alam ko, alam mo at alam ng lalaking katalik mo ang totoo." Muling may tumamang sampal sa aking mukha.
Hindi na magawang makalapit sa akin ni ina para tulungan ako dahil pinipigilan na ito ng mga kapwa namin tagasunod.
"Bastos! Napaka-walang galang na babae!" sigaw nito sa akin.
Pansin na bahagya nang nalilito ang konsehong babae kung sino ang paniniwalaan sa amin ng prinsesa.
"Please, give me a chance to prove my innocence. Bakit hindi kayo humanap ng isang magaling na babaylan? Maaari niyang patunayang isa pa rin akong malinis at nananatiling birhen. Walang kahit sinong nakagalaw sa akin, walang lalaking tinangka kong agawin." Buong loob na sabi ko.
"I want to consider her words." Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang sinabi ng babaeng konseho pero nanatili pa rin matalim ang mga mata nito.
"Papanigan mo ang maduming babaeng ito?" angil na sabi ng reyna.
"Walang dapat ikabahala kung nagsasabi ng totoo ang inyong prinsesa. Gusto kong parusahan ang nararapat, I almost died when my unfaithful mate did sex with someone else. Wala nang kapatawaran."
Hindi na muling nagsalita ang babaeng konseho at umalis na ito sa silid. Hinabol ito ng walang hiya nitong kapareha habang nawalan ng malay ang prinsesa.
Ipinag-utos ng hari na dalhin ako sa kulungan para sa hatol na mangyayari sa akin kinabukasan. Kahit ang pagdalaw ni ina ay hindi na pinayagan pa.
Wala akong tigil sa pagluha nang mapansin ko ang isang dilaw na paru-parong lumilipad patungo sa akin. Sa kabila ng dilim at lamig sa kulungang ito, hindi ko akalaing may makakarating na magandang nilalang sa lugar na ito.
Hinayaan koi tong dumapo sa aking kamay pero hindi rin nagtagal ay hindi ko napigil ang sarili kong sumubsob sa aking mga tuhod at humagulgol ng pag-iyak.
Hindi na ba? Hindi na ba talaga siya darating para iligtas ako? Para ipagtanggol at paniwalaan ako?
"Bilisan mo, ipinag-uutos ito ng reyna. Isipin mo na rin na malaking pabuya ito, magandang bampira ang pinagkakaguluhan ngayon."
Nangatal ang buo kong katawan nang makarinig ako ng boses ng dalawang lalaking nagtatawanan. Anong gagawin nila sa akin?
Lumipad ang paru-paro nang umingay ang selda. Iniluwa nito ang dalawang lalaking bampira na nag-aapoy na ang mga mata habang tinititigan ako ng tagusan.
"Anong ginagawa nyo rito?!" kinakabahan akong napaatras.
"Maglalaro lamang tayo, magandang bampira."
"No.." nanghihinang sabi ko nang makita kong nagsisimula nang maghubad ang dalawang bampira.
"No..please..nagmamakaawa po ako sa inyo. Hayaan nyo na lamang akong makulong nang habang-buhay." Maging ang pagsasalita ko ay may pangangatal na rin.
Naalarma ako nang lumapat na sa pader ang likuran ko.
"Makinis at napakaganda." Nangilabot ako nang lumabas na ang kanilang mga pangil.
"No, nagmamakaawa po ako. Alam kong may mga kapatid kayong babae, ina, babaeng minamahal. Hindi nyo nanaisin na mangyari rin ito sa kanya. Parang-awa nyo na po."
"Tumahimik ka!" tuluyan ko nang lumabas ang dugo sa aking bibig nang makaramdam ako nang mas malakas na sampal.
Natumba ako dahilan kung bakit nagkaroon sila ng pagkakataong mas malapit sa akin.
Napasigaw ako nang walang habas sirain ng unang lalaki ang kasuotan ko. Humantad ang aking mga binti sa kanilang mga matang namimilog sa pagnanasa.
"Bitawan nyo ako! Bitawan nyo! Nakikiusap ako!"
"Busalan mo! ang ingay!"
"Kung patulugin na lang natin?"
"Mas maganda at masarap kung gising siya."
Sapilitan nilang iginapos ang mga kamay ko. Marahas nilang binusalan ang bibig ko.
Kahit anong lakas at pagtutol ang ginawa ko ay wala akong magawa. Dahil iritado na ang isa sa kanila ay pinatamaan ako ng suntok sa aking tiyan dahilan kung bakit namulupot ako sa sakit.
Walang awa nila akong inihiga nang maayos. Halos magmadali sila sa pagtatanggal ng kanilang kasuotan at maging ang kanilang sinturon. The first vampire positioned himself in front of my face while the other one went between my legs.
Alam ko na ang susunod nilang gagawin sa akin. They should have killed me. Mas mabuting patayin na lang nila ako kaysa babuyin nila ang katawan ko.
Kung sana ay maaga kong natuklasan ang kapangyarihan ako, kung sana ay malakas lamang ako at kayang labanan ang katulad nila.
Ipinikit ko na ang aking mga mata nang marinig ko ang sabay na pagbaba ng zipper ng kanilang mga pantalon.
Buong akala ko ay makakapanlaban ako sa ganitong sitwasyon, makakapalag pero kapag nasa sitwasyon ka na ang tangi mo na lamang magagawa ay lumuha at mangatal sa susunod pang mga mangyayari.
Ramdam kong sapilitang hinawakan ng lalaki ang mukha ko at maging ang mga binti ko pero saglit lamang lumapat ang kanilang mga kamay sa akin nang makarinig ako ng malakas na ingay at sunod-sunod na daing na boses ng mga lalaki.
Nang magmulat ako ng aking mga mata ay nakalutang na sa ere ang dalawang bampirang muntik nang magsamantala sa akin. Agad akong naupo at niyakap ko ang sarili ko.
Hindi ko man nakikita ang mukha ng prinsipeng may hawak sa leeg ng dalawang bampira, ay agad ko itong nakilala.
"Isang malaking kalapastanganan."
Malakas ibinagsak ni Rosh ang katawan ng dalawang bampira. Hindi ko magawang titigan ang mga ito dahil malapit na sa hubad ang kanilang kaanyuan.
Umulan ng itim na rosas at unti-unti itong pumupuno sa bibig ng mga bampira. Hindi ito tinitigilan ni Rosh hanggang halos hindi na ang mga ito makahinga sa dami ng itim na rosas na nakabusal sa kanilang mga bibig.
The Prince withdraws a thorny vine. At isang malakas na latigo ang iginawad nito sa dalawang bampira. Buong akala ko ay tatamaan ang mga ito at naghintay ako ng reaksyon ng mga ito.
Hanggang sa magwala ang mga katawan ng mga ito na parang hindi magkaintindihan kung saan dadaing ang sakit.
"Simula ngayon, tinatanggalan ko na kayo ng kakayahang manggahasa ng kahit sinong babae."
Unti-unting nabalot ng makakapal na dahon ang mga katawan ng mga ito hanggang sa hindi ko na makita ang mga ito at lamunin ng halaman.
Lumingon sa akin si Rosh at hinubad nito ang kanyng kasuotan at isinuot nito sa akin.
"Sorry, I was late." Tinanggal nito ang busal sa bibig ko.
At agad ako nitong kinabig dahilan kung bakit ako lalong humagulhol.
"Salamat..salamat..maraming salamat..mahal na prinsipe.."
"I'm sorry, I tried to help lalo ka lang napasama. What kind of empire is this?" pakinig ko ang mga mura nito.
"S-Si..Finn.." lumuluhang sabi ko.
"He's in coma, huli na nang matauhan siya sa nangyari. His power is taking him over at pilit niyang iniisip na ilusyon lamang ang lahat nang nangyari, maging ang biglang pagkuha sa'yo. He can't control his power, na maaaring maging dahilan sa literal na pagkabaliw nito. Finn's power is fragile compared with other Gazellian's power Kalla. And Parsua can't move yet, mahina sila ngayon."
"A-Anong nangyari kay Finn?"
"Kalla, it wasn't Zen's power but it's Finn's power that this world should be afraid of. Inamin sa akin ni Zen na humiling sa kanya si Haring Thaddeus na pagtakpan niya ang totoong kapangyarihan ng kanyang kapatid. Zen claimed that his power can be the reason for this world destruction. But it wasn't, it was Finn's power. Pinuprotektahan ni Zen at Dastan si Finn and they can't take the risk of leaving their brother after Finn's power was triggered."
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Rosh.
"Kalla, sumama ka na sa akin. Itatakas kita, Deltora will accept you. Be my sister, become a Le'Vamuievos."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro