Chapter 1
Chapter 1
"Kalla, madali ka at gisingin mo na ang ating prinsesa. Dumating na ang ating mga panauhin."
"Masusunod ina,"
Hinugasan ko muna ang aking mga kamay at pinahid sa puting tuwalya para malinis ang sarili ko. Hindi gusto ng prinsesa na madumi akong papasok sa kanyang silid.
"Ina, hindi na ba ako amoy kusina? Maaaring magalit na naman sa akin ang ating prinsesa."
Lumapit si Ina sa akin at malambing niya akong inamoy.
"Mabango ka na, Kalla." Hinaplos nito ang aking pisngi.
Matamis akong ngumiti sa aking ina bago ko siya hinalikan sa kanyang pisngi.
"Sige na po hinihintay na ako ni Prinsesa Theresa."
Palabas pa lamang ako ng kusina ay nginingitian na ako ng mga tauhan ng palasyo, na siyang katulad namin.
"Mas maganda ka pa sa gabi munting Kalla, hayaan mo na lang ang prinsesa. Makukuha mo rin ang ugali niya."
Laging ito ang sinasabi sa akin ng ibang tagasunod ng palasyo dahil ikalabing-anim na akong tagasunod ng prinsesa, karamihan sa kanila ay hindi na natatagalan.
"Gagawin ko po ang aking makakaya!" masiglang sabi ko.
Ilang linggo na akong personal na tagasunod ng aming prinsesa, ngunit hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin niya ako nagugustuhan kahit anong gawin ko.
Siguro ay talagang iba ang tingin niya sa mga batang tagasunod na katulad ko.
Tagasilbi sa palasyo ang aking ina at isa sa pinaka pinagkakatiwalaan ng aming hari at reyna. Minsang dumalaw sa aming tahanan ang mag-asawa dahil sa sakit ng aking ama, dito nila ako nakitang pinagtitiyagaang magbasa ng isang sirang aklat.
Natuwa ang hari sa akin at inalok niya ako sa aklatan ng palasyo ngunit ang kapalit nito ay kailangan kong maging tagasilbi at kaibigan ng kanilang nag-iisang prinsesa.
Agad kong tinanggap ang alok niyang ito at hanggang ngayon ay ginagawa ko ang alam kong tama para makuha ko ang loob ng prinsesa.
Nakasalubong ko sa harap ng pintuan ng prinsesa ang bampirang taga-ayos nito. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti nang magtama ang aming mga mata.
"Napaka-gandang bata mo talaga, Kalla." Ilang beses akong inubo nang lagyan niya ng pulbos ang mukha ko.
"Bakit may pawis ka na agad? Gabi pa lamang." Natatawang sabi nito.
"Gising na po ba siya?"
"Gising na, hinahanap ka na niya. Babalik na lang ako kapag pinatawag akong muli."
Tumango ako sa sinabi ni Corazon. Nang sandaling papasok na ako sa pintuan ay nagulat ako sa kasuotang tumama sa akin.
"Why are you late?! Mas naunahan ka pa ni Corazon!" yumuko ako.
"Paumanhin aking prinsesa, ano po ang inyong ipag-uutos?"
Nanlaki ang mata ko nang sinadya niyang basagin ang mamahaling maliit na estatwa na nakapatong sa kanyang lamesa.
"Mahal na prinsesa.."
"Pick them, pagkatapos ihanap mo ako ng damit at sapatos. Yung hindi ko pa naisusuot. Bilisan mo!"
Nagmadali na akong nagtungo sa direksyon niya, nagawa pa ako nitong banggain dahilan kaya nawalan ako ng balanse. Napadaing ako sa sakit nang mapahawak ang mga kamay ko sa mga bugbog.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako mapasigaw sa sakit. Nagsisimula nang magdugo ang aking mga palad.
"What?!"
Hindi na ako sumagot sa prinsesa at sinimulan ko na ang pagpulot sa mga bubog.
Araw-araw ay lumalala ang ugali niya sa akin, ginagawa ko naman ang lahat para magustuhan niya ako ngunit parang lagi siyang may galit sa akin.
Ginamit ko ang panyong nakatali sa aking buhok para balutin ang aking nagdurugong kamay.
"Faster!"
"Opo prinsesa.."
Nang malinis ko na ang nabasag na estatwa ay nagsimula na akong maghanap ng kanyang kasuotan.
"Bulag ka ba?! Nasuot ko na 'yan!" ilang ganito ang natanggap ko mula sa kanya hanggang sa magustuhan niya ang ikasampung kasuotan at sapatos.
Bumalik na si Corazon, mabilis kong itinago ang aking kamay. Ayokong makarating kay Nanay ang totoong nangyayari.
Nais kong manatili sa palasyo at magpatuloy magbasa ng mga aklat. Gusto kong magbasa nang magbasa na siyang kasiyahan ko, isa pa ayokong masira ang tiwalang ibinigay sa akin ng hari at reyna.
"Nakalugay ang mga buhok mo Kalla, mas bagay sa'yo." Puri sa akin ni Corazon habang inaayusan niya sa harap ng salamin si Prinsesa Theresa.
May isang tagasunod mula sa hardin ng palasyong ito na nagsabi sa akin na malaki ang inggit ng prinsesa sa akin dahil higit akong maganda dito. Ngunit kahit saang anggulo ko tingnan ay hindi ako lalamang kay Prinsesa Theresa.
She has the great beauty. Nagsusumigaw ang kanyang dugong bughaw sa kanyang buong presensiya. Walang dahilan para kainggitan niya ang kagaya kong isang hamak lamang na tagasunod.
Magpapasalamat sana ako nang tampalin ni Prinsesa Theresa ang kamay ni Corazon.
"Ulitin mo!"
"Maganda na po mahal na prinsesa," pagsabat ko.
"Tumahimik ka! Lumabas ka na dito, walang alam." Sinenyasan na ako ni Corazon. Marahan akong tumango at nagpaalam na ako sa kanila.
Patakbo na ako para makalayo sa kwarto ng prinsesa para wala nang makakita sa akin nang matigilan ako sa hindi pamilyar na babae.
Masasabi kong isa rin siyang maharlika ngunit nagmula siya sa ibang imperyo. Nakatitig ito sa nakasabit na larawan ng dating reyna ng kaharian.
Napanganga na ako dahil sa kagandahan niya. Buong akala ko ay magaganda na ang prinsesa sa imperyong itp ngunit mukhang marami pa akong hindi nakikita.
Naagaw ko ang kanyang atensyon.
"Magandang gabi," bati nito sa akin.
"Magandang gabi po," eksaktong nalaglag ang isang panyo mula sa palad ko.
Dumako ang kanyang mga mata sa aking kamay.
"So it's your blood."
Lilimutin ko na sana ang panyo nang maunahan ako nito. Nakaluhod na siya sa harapan ko at kasalukuyan nang magkalebel ang aming mga mata.
"Naalala ko sa'yo ang aking anak na si Lily."
Sa sobrang ganda ng babae ay halos hindi na ako makagalaw. I allowed her to hold my hands.
"What happened to you little girl?"
"You are so pretty," humahangang sabi ko.
"You are prettier," she smiled back at me. Sinuklay ng ilang daliri niya ang aking nakalugay na buhok.
Humanga akong lalo nang may isang matabang kuneho na nagmamadaling tumakbo papunta sa babae.
"He's so cute.." nanggigigil na sabi ko.
Saan nanggaling ang kunehong ito?
"I will allow you to touch my rabbit if you'll allow me to clean your wounds. Is that a deal little girl?" nakangiti na akong tumango sa kanya.
Nakatitig na ako sa kuneho. May inabot itong maliit na bote sa babae at ipinatak niya ito sa aking mga palad. Ilang segundo lang ang lumipas ay nawala na ito.
"Wow!" Napakagaling ng kanyang gamot.
"Good girl, come on Lumps. You captured this little girl's heart." Lumapit sa akin ang kuneho at hinayaan niya akong humamplos sa kanya.
"He's too cute!" Kinurot ng babae ang pisngi ko.
"You can play with Lily, my daughter is a good girl." Nagulat ako sa sinabi niya.
Another princess? Ayaw nila sa akin.
"Talisha, mahal ko."
Sabay kaming lumingon ng babae sa bagong dating na lalaki. Nabitawan ko ang kuneho at napatitig na ako sa bampirang papalapit sa amin.
Isang napakakisig na bampira. Who are these vampires?
"What's wrong?"
Dumungaw ito sa akin dahil hindi niya ako makita na siyang nasa harapan ng babae.
"Oh, hi little thing." Bati nito sa akin.
"I missed Lily, Thaddeus. Ilang linggo na natin silang hindi nakikita." Tumayo na ang babae at tumabi ito sa lalaki.
"What is your name little girl?" tanong sa akin ng lalaking makisig.
"Kalla,"
"Oh hi Kalla, kasing edad siguro siya ni Lily?"
"I think she's younger, maybe it's Finn." Sagot ng babae.
"Oh, ang pilyong batang 'yon." Natatawang sabi ng lalaki.
"Haring Gazellian, nakahanda na po ang pagkain."
Napanganga ako nang marinig ko ang tawag sa kanya ng isa sa mataas na katiwala ng kaharian.
Siya ang haring aming panauhin? Kung ganoon ay ang babaeng ito ay isang reyna?
"Do you want to join us?" umilling ako sa alok ng reyna.
"Paumanhin po sa abala, mahal na hari at reyna." Yumuko ako.
"It's nothing. Mauuna na kami Kalla," tinalikuran na ako ng hari at reyna.
"I like her,"
"Should we bring Finn?"
"What is that Thaddeus?! Pilyo ang anak mo, magpapaiyak lang siya ng kapwa bata."
Hindi ko na narinig ang usapan nila. Tumalikod na rin ako at sa kabilang daan na sana ako magtutungo nang makasalubong ko si Prinsesa Theresa.
"Kahit kailan talaga! You want to be a princess?! You want to steal my spot?! Come here you ugly rag!" hinila niya ang mahaba kong buhok.
"Mahal na prinsesa, nasasaktan po ako! Mahal na prinsesa!"
"Nasasaktan?! Walang karapatang masaktan ang mga alipin!" lalong lumakas ang paghila niya sa aking buhok.
Magsisimula na sana akong umiyak nang makakita kami ng isang napakalaking halimaw na patakbo nang magtutungo sa akin.
"Kalla!"
"Prinsesa!"
Sumigaw na kaming dalawa. Ipinikit ko na ang aking mga mata nang pasugod na ito sa amin.
"Ina!"
"Help us! Help us!"
Hinintay ko na kainin na kaming dalawa ng prinsesa pero wala akong nararamdaman. Nanantili akong nakapikit dahil sa matinding takot nang agawin ang atensyon ko ng isang malakas na tawa mula sa boses ng batang lalaki.
Nang magmulat ako ng mata ay nakapamulsang isang batang prinsipe ang sumalubong sa amin. Katabi niya ang mabalahibong halimaw.
"How dare you!" sigaw ng Prinsesa.
"May embargo kayo sa imperyong ito? Mahina pala ang imperyo niyo." Mayabang na sabi nito. May hawak pa itong holen na paulit ulit niyang ibinabato sa ere.
"Who is he?" tanong ko.
"Prinsesa Theresa!"
Nang may dumating na ilang tagasunod ay sumigaw rin ito nang makita ang halimaw. Nangangatal pa rin ang tuhod ko habang tawa nang tawa ang batang lalaki.
"Mahihina pala kayo, wala kayong magagawa sa Parsua."
Dumami na ang mga bampira at karamihan sa kanila ay mga malalakas na lumalaban sa tuwing may gyera.
"Theresa!" may mga bampirang humarang sa amin para protektahan kami laban sa batang lalaki at halimaw.
"Anong halimaw ito? Papaanong nakapasok?!"
Iling kami nang iling ng prinsesa. Hindi ko na alam ang nangyayari.
"What the—Finn! What are you doing here?!" narinig kong muli ang boses ng hari kanina.
"Ama.."
Biglang nawala ang halimaw na parang bula. Malalaki ang hakbang ng hari at iniharang niya ang sarili sa batang lalaki.
"Paumanhin, anak ko ang batang ito. At ilusyon lamang ang inyong nakita." Hinawakan nito ang kamay ng batang lalaki.
"I just scared them, nag-aaway silang dalawa."
"Why are you here Finn?!" lumapit na rin ang babae ang reyna.
"Your son possesses that kind of power?" tanong ng aming hari.
Bigla akong kinabahan nang nagningas ang mga mata ng lahat ng mga bampira na parang anumang oras ay aatakehin nila ang mabait na hari at reyna.
Muli kong sinulyapan ang batang prinsipe. There is something about his power.
"Ilalayo ko na kayo, hindi na makakabalik nang buhay ang mga taga Parsua."
Bubuhatin na sana kami ng bampirang nagpuprotekta sa amin pero may kung anong nagpupumilit sa aking magsalita.
"No! no! Everyone! Just forget everything you saw! He is not a bad prince! He helped me! Forget everything!"
Bumagsak ang katawan ko sa sahig kasabay ng lahat ng mga bampira. The only one remained standing was King Gazellian.
I felt weak and unable to move. I can barely see. What just happened?
"Oh god, I've been looking for that power. It's you Kalla." Naramdaman kong binuhat ako ng hari.
Pinaupo niya ako at pinasandal niya ako sa isang pader.
"I need to do this."
With my poor vision, I saw him talking with his son. But I saw a different aura from his hand, is he— is he manipulating his own son?
Inalalayan niya ang kanyang anak papalapit sa akin.
"Drink from her wrist, son." Tumango ang tulalang batang lalaki.
I want to run and to fight back, but I really can't move. The Prince sinks his fangs on my wrist.
My tears fell when I felt his fangs on me. Hindi pa ako kinakagat ng kahit sinong bampira.
I saw how King Thaddeus kissed his son's head.
"Drink more and learn to savour your thirst from her blood." Mas lalo akong nanghihina.
Nang matapos siyang uminom sa akin ay inilapit niya sa labi ko ang palapulsuhan ng kanyang anak.
Pinilit kong umiling.
"You need it Kalla, hija."
The king made a small cut on his son's wrist and as the of his blood linger on me, my fangs urge to sink on his skin.
Tuluyan na akong kumagat sa kanyang tulalang anak.
"Kalla, I love my son so much and you are the only one who can keep him alive."
I don't understand.
"From now on you can call yourselves as mates."
Hinaplos ng Haring Gazellian ang pisngi ko.
"Ngunit hindi nyo pa kailangang makilala ang isa't isa sa panahong ito. Papawiin ko ang inyong mga alaala at magbabalik lamang ito sa takdang panahon."
Hinalikan rin ni Haring Gazellian ang ibabaw ng ulo ko.
"Gazellian's love is the finest hija. Mamahalin ka ng aking anak nang walang kapantay."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro