Chapter 9
Lumingon si Bibi sa paligid, saka ikinubli sa likod ang talong mula sa ref. Patakbo siyang tumaas sa hagdan, nakayuko sa tinatakbuhan, nasa likod ang kamay, at halos mapasigaw nang mabangga niya si Nick. Nakaamerikana ito, handa nang lumakad para sa araw na iyon. Animo isang pugante na napaatras siya, kabado.
Kumunot ang noo ni Nick. "Ano'ng ginagawa mo?"
"W-wala."
Lalo nang kumunot ang noo nito. "Ano 'yang hawak mo sa likod mo?"
Agad niyang inilabas ang bakanteng kamay. "Wala. W-wala akong itinatago."
"Sa kabila mong kamay."
"W-wala, Nick."
Nagdilim ang mukha nito. "Bibi, may usapan tayo. Malinaw ang usapan natin. Naniwala ako sa 'yo kahit may kaso ka. Ang pinakaayoko sa tao ay iyong malikot ang kamay. What's the matter with you? Sa lahat ng binigay ko, kulang pa ba sa 'yo?"
"Hindi sa ganoon, Nick! Promise, wala akong ninanakaw!"
"Bakit ayaw mong ipakita 'yang nasa likod mo? Show it to me. Now, Bibi!"
Dama niya ang pagtakas ng dugo sa mukha niya. Nanglambot ang tuhod niya. Paano niya ipapaliwanag ang lahat ng iyon dito? Umiling siya, bumaba ng isang baitang. "May pribado akong pakay, Nick. At sa palagay ko, wala ka nang karapatang alamin ang mga ganoong b-bagay."
"Fine. Mga pulis na lang ang magtatanong sa 'yo, kung ganoon."
"Teka! Sobra ka naman!" Napilitan siyang ilabas ang kabilang kamay. Napayuko. "Ibabalik ko naman ito, eh."
"An eggplant," sambit nito.
Napatingin siya rito. "Hindi ko ito nanakawin, ano ka ba?"
"Ano ang gagawin mo diyan?"
Ang tagal niyang nag-isip ng alibi ngunit sa huli wala siyang maisip na hindi magtutunog-kalokohan kaya napilitan siyang aminin dito ang totoo. "N-naghahanda ako sa... sa... sa gagawin natin."
"Oh, hell no." Agad nitong inagaw ang talong. "Mas gusto mong ito ang... ang... You want an eggplant to be first?"
"Anong first?" tanong niya, ilang sandali bago naunawaan ang ibig nitong sabihin kaya nanglaki ang mga mata niya. "Loko! Hindi, ah! Ano'ng akala mo sa akin?! Sapakin kaya kita? Gusto ko lang matuto noong nakita ko sa internet. Iyong alam mo na."
Sukat tumawa ito nang malakas. "No, hindi ko alam. Tell me."
"Nick, ha?" Dama niya ngayon ang pag-iinit ng kanyang mukha.
"Do tell. Come on."
"Sapakin kita!" ingos niya, lalo nang nangliit.
"Well, when the time comes, everything should be very interesting. Okay, here's your eggplant. Carry on."
"Nick, naiinis ako sa 'yo!" Naipadyak niya ang paa, hinablot ang talong, saka ito nilagpasan ngunit inagapan nito ang braso niya, saka siya hinigit patungo rito. Napakapit siay sa mga balikat nito. "N-Nick, ano ka ba?"
"You're making me so hot right now, it's crazy." Hinapit nito ang baywang niya.
Pinupuno ng bango nito ang kanyang ilong at bigla ay init na init ang pakiramdam niya. Dumampi ang labi nito sa kanyang pisngi, saka iyon nagtungo sa kanyang tainga upang bahagyang kagat-kagatin iyon. Parang kuwerdas ng gitarang kinalabit ang gulugod niya sa panginginig niyon. Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan.
"N-Nick..."
"God, Bibi, I want you right now."
Hindi niya magawang makakibo, lalo na at muling dumampi ang mga labi nito sa tainga niya, saka iyon nagtungo sa gilid ng kanyang leeg. Ang isa nitong kamay ay nagtungo sa kanyang mga labi, binakas ng daliri iyon.
"Damn..." buga nito, marahan siyang pinakawalan. "Kailangan kong umalis. May meeting pa ako sa Manila ngayon. I will be back tomorrow night. Or maybe you can come with me today. Or maybe I can just cancel the meeting... Oh, God." Bumaba na ito sa hagdan. "You're making me crazy, Bibi."
"W-wala naman akong ginagawa."
Tumawa ito. "Easy on the eggplant. I'll see you tomorrow."
Hindi na siya nakatugon. May pagmamadali na itong lumabas ng bahay. Napangiti siya, nagpatuloy sa pag-akyat. Nang makarating sa silid ay agad niya iyong ipininid. Nakangiti pa rin siya habang nakahiga sa kama. Sa totoo lang ay masyadong masagwa ang mga napanood niyang video at nakapagbigay ng takot sa kanya ang mga iyon. Kaya sa halip na ipagpatuloy ang panonood ng animo horror na pelikula para sa isang birheng katulad niya, nagpasya siyang magtanong na lang sa nakakaalam. At kung may isang taong nakakaalam ng lahat ng iyon nang hindi siya huhusgahan, iyon ay walang iba kundi ang kapitbahay nila noon na si Claribel. Isa itong GRO.
Tinawagan niya ang babae. Agad nitong sinagot iyon. "Ano, Ganda, meron ka nang talong diyan?"
"Oo. Heto na."
"O, galingan mo at bilisan mo ang pick-up at inaantok na ako. Pagod na pahod ako, bruha ka. Buong gabi akong busy, alam mo na."
"Oo, sige. Salamat, Claribel. Sana makaganti ako sa pagtulong mo."
"Loka. O, ganito, ha? Hawakan mo sa ilalim, dapat magaan lang ang paghawak," anito sa tonong tila isang istriktong guro sa isang engot na estudyante. Ginagawa niya ang mga sinasabi nito. Nakinig siya sa mga puntos na ibingay nito—tulad ng habilin tungkol sa mga parteng hindi puwedeng saktan, at mga parteng dapat pagtuunan ng pansin, kung anong galaw ang tama, kung kailan bibilis at babagal.
"In fairness, nag-e-enjoy ako," tawa nito mayamaya. "O, ngayong alam mo na, practice lang nang practice. Tandaan mo—dapat mong i-greatest performance of your life ang lalaking 'yon. At 'eto nga pala ang pinakamagandang payong maibibigay ko sa 'yo—mag-ahit ka."
"Ay, Claring, nagbubunot ako. Kasi kapag ahit lang, mabilis tumubo. In fairness, makinis at maputi naman ang kilikili ko, hindi nakakahiya."
"Gaga! Sa ibaba ang sinasabi ko! May tinawag ba Brazilian wax. Iyon ang ipagawa mo. Ipa-wax mo. Mababaliw sa 'yo ang jowa mo."
"Totoo, Claring?"
"Oo. Sa mga sosyal na lalaki, mahalaga ang mga ganyan! Kumbaga, iyan ang normal sa kanila. Kaya nga nauuso ang mga waxing salon dahil ayaw ng mga mamayaman ng buhok. Ipa-wax mo. Maghanap ka ng waxing salon."
"Salamat, Claring, ha? Sana 'wag na itong makalabas sa ibang tao. Iyon lang ang request ko sa 'yo."
"Oo naman. Ikaw pa? Pagluwas mo na lang, ilibre mo ako ng pancit. O siya, matutulog na ako. Rarampa pa ako mamayang gabi."
Nagpasalamat siyang muli at nawala na ito sa linya. Kung bakit kapag naiisip niya ang lahat ng iyon, at kapag naiisip niya ang katawan ni Nick, ay para ba siyang nilalagnat. Hahalikan siya nito sa buong katawan niya at kanina ay naka-sample siya kung paano ito humalik. Masarap itong humalik.
Nagiging makasalanan na ako nang sobra-sobra.
Napabuntong-hininga siya, nagpasyang itapon na ang talong. Naligo siya at tumawag sa front desk ng Territorio. Nagpasundo siya sa bahay ni Nick. Mayroong ibinigay sa kanya si Nick na card na maaari niyang gamitin sa lahat ng esrtablisimyento sa loob ng Territorio. Salamat at alam ng driver na mayroong waxing salon sa loob at doon siya nito dinala.
Parang ibig niyang mapahiya nang makita ang mga babaeng pumapasok sa loob ng establisimyento, maging sa mga naglalakad sa labas ng lugar na iyon. Nasa isang mall siya, bagaman napakasosyal na mall noon at sa palagay niya ay walang department store doon, kundi mga boutique lang.
Damit na damit pa lang, talbog na siya sa mga pumapasok sa loob. Kung tutuusin, hindi naman kahiya-hiya ang damit niya—blusa, pantalong maong, sandalyas. Ang kaibahan lang sa kanya ng ibang mga babae roon ay ang gawi ng pagdadala ng sarili, maging ang kabuuang pagkakaayos. Bigla, damang-dama niya ang layo ng pagitan nila ni Nick. At damang-dama niya ang totoong pakay nito sa kanya. Mayroong hangganan. Ngayon niya ganap na naunawaan iyon.
Eh, ikaw, eh. Pumayag-payag ka, pagkatapos ngayon malulungkot ka. Ano ang inasahan mo? Na magiging kayo? Samantalang malinaw naman na sinabi niya kung hanggang saan ka lang sa buhay mo. Huwag mo na munang isipin ang mga ganoong bagay. Isipin mo na lang, hindi mawawala sa 'yo ang anak ninyo at magiging maganda ang buhay mo. Hindi ba, iyon naman ang mahalaga sa mundo? Oo, hindi iyon tama, pero mas maganda pa rin iyon kaysa habang-buhay kang magdildil ng asin. At talagang mas maganda na ito kaysa kabi-kabila ang utang mo, mga utang na hindi mo kayang bayaran, para mapahaba ang buhay ng tatay mo.
Tandaan mong hindi pa tapos ang laban. Buwan-buwan pa ang checkup, ang mga gamot ay abot-langit ang presyo. Ganoon ba ang gusto mong buhay? Lapit dito, lapit doon, mukhang timawa at napagsasalitaan pa ng masakit kahit hindi naman mapapahiram ng pera. At kapag wala ka nang malapitan, tatanggapin mo na lang ang kapalaran mong mamatay nang dilat ang tatay mo. So ano'ng mas maganda? Isang matuwid na buhay kung saan may posibilidad na mamatay nang walang kalaban-laban ang tatay mo, o isang buhay na ganito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro