Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

IT'S JUST wrong. This is just wrong. I can't go on loving you this much from this far.

Nick was slowly dying inside. Ang makita si Bibi na tumatanggi nang ganoon katigas sa simpleng nahilingan niyang ihatid ito sa bahay ng mga ito ay labis ang sakit na dulot sa kanya. Hindi niya ito kayang mahalin sa ganito kalalim na paraan at mahalin ito nang ganoon kalaki ang pagitan nila. Hindi niya kaya.

Alam niyang kailangan niyang maging matalino, ipreserba ang sarili niya, lalo na at hindi ito naging matapat sa kanya, ngunit paano nga ba ang magmahal nang totoo kung hindi todo? How can anyone claim to love someone if they can't love with all their heart?

At gusto niyang sabihin kay Bibi na magbalik na ito, na magpapakasal sila. Ngunit alam niyang marami itong lihim na ayaw nitong ibahagi sa kanya. Bigla itong anging misteryo sa isip niya gayong isa sa mga dahilan kaya minahal niya rito nang husto ay dahil totoo itong tao. Iyon ang inakala niya.

Ngunit maraming hindi umaakma sa mga paniniwala niya patungkol sa mga nangyayari ngayon. Tulad na lamang ng bagong trabaho nito. Parang wala sa karakter ni For ang ipasok ito bilang serbidora sa Territorio. O baka naman iyon ay bahagi lang ng pagpapanggap ni Bibi? Hindi niya alam. Ang tanging alam niya ay itinatanggi pa rin ng babae hanggang ngayon ang pag-inom nito ng contraceptives. Maaari sanang sinabi nito sa kanya ang totoo at maaaring gumawa na lang ito ng dahilan na mauunawaan niya. Ngunit mas pinili nitong ilihim iyon sa kanya.

Alam din niyang nang gabing tangkain niyang ayusin ang sitwasyon nila dahil hindi niya iyon matanggap na lumala ay narinig niya ito sa teresa na kausap si Axl. Alam din niyang nagkita ang dalawa kinabukasan.

"Gusto lang sana kitang makausap," huling hirit niya.

"Ayoko nang makipag-usap, Nick."

Humiwa iyon sa puso niya. Ang ilang linggong paglayo niya upang malimutan ito, isang kita pa lang niya sa mukha nito ay naglahong parang bula. At naunawaan niyang kahit ilang milya pa ang ibiyahe niya, hindi niya matatakasan ang pagmamahal niya rito. Nasa puso niya iyon, isinisigaw ng kaluluwa niya. Mahal niya si Bibi. Mahal na mahal.

"I will give you time."

"Hindi. Anong give me time? Ano ito, laro at may time first? Walang time-time, Nick. Tapos na ang lahat. Goodbye." Tumayo ito, ilang dipa na lang ang layo ng shuttle bus. Humimpil iyon sa likod ng kotse niya at agad na roong lumulan ang babae.

Nanatili lang siyang nakatanaw dito. Nakaupo ito sa tabing-bintana, nakayuko. Gusto niya itong habulin pero hindi niya magawa. Bumuntong-hininga siya at umuwi na. Nagtuloy siya sa kanyang silid. Dapat na magpahinga siya. Ilang linggo na siyang kung hindi tatlo ay apat na oras lang ang tulog. Nadarama niya ang kapaguran sa bawat himaymay ng katawan niya ngunit dahilan iyon upang lalo siyang hindi dalawin ng antok. Para siyang may naiwang nakasaksak na plantsa, hindi mapakali at baka masunog ang bahay.

Hindi na niya namalayan kung ilang oras siyang nanatiling nag-iisip, kahit walang partikular na paksa na matutukan. Alas-onse nang bumaba siya para uminom ng gatas. Pagdating sa sala ay nakarinig siya ng ingay mula sa maids' quarters. Nagtungo siya roon. Nabigla siyang makita sina Cita at Fely na pinagtutulungan sabunutan si Bebang. Halatang hindi siya napapansin ng mga ito. Aawat na sana siya kung hindi pa niya narinig ang tinig ni Bebang.

"Totoo namang magmula nang umalis si Ma'am Bibi, naging malungkot na si Sir. Halos hindi na nga siya kumakain sa tuwing uuwi siya rito! Iyan ba ang gusto ninyo? At ang kapal ng mukha mo, Cita! Kahit kailan, hindi ko ibibigay sa 'yo ang gayuma ni Madame Tomasa! Kahit isang milyon pa ang ipangako mo sa akin! Hindi ako mukhang pera na tulad ni Fely!"

"Paano, gusto mong ikaw ang pakasalan ni Sir Nick! Ingudngod mo pa ang mukha, Cita!" si Fely, mukhang gigil na gigil habang hawak ang buhok ni Bebang.

"Tama na, Fely. Daanin natin sa matinong usapan. Magkano ba ang kailangan mo, Bebang? Sabihin mo sa akin. Napapansin kong malapit kayo ni Badong. Bibigyan ko kayo ng perang panimula. Mapagkakasunduan natin ang lahat. Ipinangako ko kay Fely ang isang milyon. Gagawin kong one point two million ang sa inyo ni Badong. Siguro sapat na 'yon para mamuhay kayo ng tahimik sa probinsiya. Ibigay mo na sa akin ang papel. Kailangan ko nang mapainom si Sir Nick ng gayuma bago pa magbalik si Bibi."

"Ang kapal ng mukha mo!" singhal dito ni Bebang. "Hindi mo pera, ipinapangako mo sa iba! Mabait si Ma'am Bibi! At para sabihin ko sa inyong dalawa, noong ako na ang naatasan ninyong magpainom ng pills kay Ma'am, hindi ko ginawa! Sana nabuntis na lang siya! Sana buntis siya para natapos na sana ang mga pantasya ninyo, mga pangit!"

"What the hell is going on?!" singhal niya sa mga ito, galit na galit.

Animo naging estatwa ang tatlo habang nakahandusay sa sahig. Si Cita ang unang nakabawi. Agad itong tumayo. Sumunod si Fely, saka si Bebang.

"W-wala po, Sir. May kaunting iringan lang po kami," si Cita.

"'Wag mo akong lokohin, Cita! Narinig ko kayo. Pinapainom ninyo ng pills si Bibi? Kayo ang naglagay ng pills sa drawer niya?"

Umiyak si Fely. Si Cita ay natulala. Si Bebang ang nagsalita. "Sir, totoo po. Si Fely po ang inutusan ni Cita na maglagay ng pills sa drawer ni Ma'am Bibi. Paano, iniisip nilang puwede ninyong pakasalan ang isa sa kanila. Si Cita rin po ang nagsabi doon sa Axl ng I love you, at akala noong Axl, si Ma'am Bibi ang kausap niya. Noon iyon, noong naiwan ni Ma'am ang cellphone niya noong nag-abroad kayo."

"What the fuck?!" sigaw niya, hindi na maawat ang pagtaas-baba ng dibdib sa galit. Parang gusto niyang wasakin ang lahat ng gamit sa silid na iyon.

"Kasama rin po si Bebang, Sir!" si Fely, agad itinuro ang babae. "Sa katunayan, ideya niya ang lahat, Sir! Siya po ang nakakita ng gayuma, Sir."

"Oo nga, Sir," susog ni Cita. "Wala po kaming kaide-ideya nang bigla niyang ipagyabang sa amin ang tungkol sa gayuma ni Madame Tomasa."

"Hindi po totoo 'yon, Sir! Ako po ang nakakita ng gayuma sa gamit ni Madame, oo, pero pinag-agawan po namin 'yon. At hindi ko na po ginustong sumali sa plano noong nakilala ko si Ma'am Bibi dahil mabait siya. Hindi po ako mapagsumbong sa inyo dahil natatakot ako sa dalawang ito. Pero sinabi ko sa kanila kanina na magtatapat na ako sa inyo at bigla na lang nag-alok ng pera itong si Cita, na tinanggap naman ni Fely. At pinagtulungan na nila ako dahil ayaw kong tanggapin ang pera. Pera po ninyo ang inaalok ni Cita—kapag nagpakasal na kayong dalawa. At siniraan pa nila sa inyo si Ma'am Bibi. Wala po akong magawa, Sir. Alam kong pagtutulungan nila ako."

"Nasaan ang gayuma?" singhal niya.

Mabilis na inilabas nina Cita at Fely ang mga piraso ng papel mula sa kanya-kanyang panloob. Binalingan niya si Bebang. "Sir, sinunog ko ang sa akin, pero saulado ko po. Kaya ko pong ilista."

Inignora niya ito, pinagdikit ang dalawang bahagi ng punit na papel at binasa ang nakasulat. Kung sira-ulo lang siya ay ipinakain na niya sa dalawang kawaksi ang papel, ngunit sa halip ay kinuyumos niya iyon at ibinato sa pader.

"Walang aalis. I will deal with you tomorrow. Hindi puwede ngayon at baka may magawa akong hindi maganda."

Tumalikod na siya. Nang makarating siya sa silid ay bigla siyang nataranta. God, he threw Bibi out and she was telling the truth after all. What have I done?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro