Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Natigilan si Nick. Ang sabihing nabigla siya ay kulang. Ang una niyang nais gawin ay sesantehin ang tatlo. How dare these three say that about Bibi? Nilalapastangan ng mga ito ang babaeng mahal niya. Ngunit nanaig sa kanya ang pagnanais na malaman kung bakit nasabi ng mga ito iyon.

"Ano ang dahilan kung bakit naisip mo 'yan, Cita?"

"Hindi lang po ako, Sir. Kaming lahat po. Kasi po, noong nagpunta dito iyong Axl, narinig namin siya, ang sabi niya sinabi raw ni Ma'am Bibi na mahal niya si Axl. Kaya nagpunta iyong Axl dito. Para namang nagkasundo sila sa usapan."

Sumingit si Fely. "Saka, Sir, hindi naman sa minamasama namin ang pagpunta dito ni Sir For pero nagtataka lang kami kung bakit sa tuwing wala kayo, saka sila nag-uusap. Saka ilang ulit na rin silang namasyal na magkasama. At alam ba ninyo, Sir? Sila ang magkasama ngayon."

Tumayo siya. Sa init ng ulo niya ay baka hindi niya matantiya ang tatlo. Tumuloy siya sa kanyang silid, taas-baba ang dibdib, hindi kayang tanggapin ang sinabi ng mga kawaksi. Hindi siya naniniwala, natural. Ngunit bago niya paalisin ang tatlo ay kailangan niyang magpakahinahon.

Hindi siya mapakali sa kanyang silid kaya nagtungo siya sa silid ni Bibi. Naghahanap siya ng kahit na anong palatandaan, ng kahit na anong kakaiba. Binuksan niya ang aparador nito. Hinila niya ang drawer. There must be something hidden there, a love letter maybe? Some receipt of sorts? Hindi niya tiyak. Ngunit hindi pa man ay parang napahiya na siya sa sarili niya sa ginagawa niya.

What the hel am I doing? tanong niya sa sarili, naunawaang nais niyang isa-isahin ang pangloob ng dalaga sa paghihinala na may itinatago ito roon. He was pathetic. Isasara na niya iyon nang mapansin niyang may makintab na bagay sa isng panig ng drawer. Kinuha niya iyon at natuklasang isa iyong banig ng pills. Contraceptive pills. Araw ng Miyerkules noon at bukas ang bahagi ng tableta kung saan nakasulat ang araw. Samakatuwid, aktibong ginagamit iyon ng dalaga.

Isinara na niya ang aparador, mainit ang ulo. Mayroong mali at nais niyang malaman kung ano ang nangyayari. Wala sa usapan nila na magpi-pills ang babae. Niloloko siya nito. Wala itong ideya na nais niya itong pakasalan, ang alam nito ay may kasunduan silang kailangan siya nitong bigyan ng anak. Iyon ang usapan. Nagpatingin sila sa doktor. Ngunit gumagamit pala ito ng pills.

Naisip niya na marahil ay nahihiya itong magbuntis, o baka inaalala nito ang ama nito, gayunman ay hindi tama na ilihim nito sa kanya ang bagay na iyon.

Well, can you blame her? You've met her father. Of course she wants to get married first. She doesn't want to hurt her father's feelings.

Napabuntong-hininga siya. Hindi pa rin siya komportable sa ideya na nagsinungaling ang babae sa kanya sa ganoong paraan. Naiisip niya na marahil ay nag-aalala itong sabihin sa kanya ang lahat ng iyon ngunit dapat ay sinabi pa rin nito. Gayunman ay magyoong masamang kutob sa dibdib niya. Ayaw niya iyong bigyang-pansin ngunit hindi niya maiwasan.

Ang mga kawaksi niya ay matagal nang naninilbihan sa kanya at wala siyang mairereklamo sa mga ito. Matapat ito sa kanya. Walang dahilan ang mga ito upang siraan si Bibi. Nakikita niyang maayos ang samahan ng mga ito. Maging si Bibi ay sinasabi sa kanya na inaasikaso itong maigi ng mga kawaksi. Kung gayon, bakit magsisinungaling ang mga babae sa paraang tila ayaw ng mga itong sabihin ang totoo at napipilitan lang?

Parang huwag siyang masaktan ngunit naisip na ang tamang gawin ng mga ito ay ipagtapat na rin sa kanya ang nalalaman? Malaking posibilidad iyon. Hindi siya dapat na magalit sa mga kawaksi dahil lang sinira ng mga ito ang nabuong ideya sa isip niya na perpekto ang relasyon nila ni Bibi.

Marahil, mas maraming alam ang mga ito kumpara sa kanya.

And For. Would he really betray him? Siguro naman ay alam nitong karelasyon niya si Bibi. Matapos ba ang nangyaring pagtalikod sa kanya ng kapatid nito ay totoong plano nitong agawin sa kanya si Bibi? O naglalaro lang ito? Notorious si For, maging ang kakambal nitong si Thirdy sa mga babae. Noon pa man ay kilala na niya ang karakas ng mga ito. Pagdating sa babae, walang tatalo sa dalawa. At marahil, naglalaro-laro lang si For.

Ngunit bakit hindi siya nito ikinonsidera?

Hindi. Kahit matinik sa babae si For ay hindi siya nito tataluhin, natitiyak niya. For liked him. For treated him like a real brother. Kung gayon, posible bang si Bibi ang gumagawa ng hakbang para mapalapit sa lalaki? Come to think of it, Bibi never really told him what went on between her and For. Ang parati nitong sinasabi ay mayroong itinayong negosyo si For at nais nitong maging dealer noon. Normal ba na si For mismo ang sumasama rito sa mga lakad patungkol sa negosyo?

Batid niyang isang malaking negosyo ang hawak ni For. Bakit kailangan nitong personal na samahan si Bibi gayong simpleng puwesto lang ang binabalak na itayo ng babae? Hindi naman kaya at napipilitan din lang si For dahil na rin sa request ni Bibi na samahan ito?

Ah, masyado nang malayo ang nararating ng mga hinala niya ngunit sa totoo lang, may katuturan ang mga bagay na itinatakbo ng isip niya. Sasamahan lang ni For si Bibi kung mayroon itong personal na motibo, kundi man ay si nakahiyaan nitong tanggihan ang hiling ni Bibi na samahan ito. Isa lang sa dalawa iyon. At dahil kilala niya si For, ikonsidera pang napahiya siya sa pagtalikod ng kapatid nito sa kanya noon, sa palagay niya ay mas lamang ang ikalawang dahilan kaya parating magkasama ang dalawa.

At ang Axl na iyon... Hindi niya maunawaan kung bakit tinatangkilik pa ni Bibi ang lalaki gayong ito ang dahilan kung bakit nakulong ang dalaga. Noong kaarawan ng ama ni Bibi ay dumating din ang lalaki. Natanawan niya ito at si Bibi na nag-uusap mula sa silid na kinaroroonan niya. Hindi niya iyon binigyang-malisya sapagkat nag-usap lang naman ang dalawa at saglit din lang iyon.

Was it possible that Bibi was playing him and For, with instructions from that Axl? Hindi ba at mga miyembro ng sindikato ang mga kasamahan nitong magnanakaw?

Natutop niya ang kanyang noo. Bigla ay hindi niya malaman kung ano ang tama niyang gawin. Lumabas na siya sa silid ni Bibi at nagtuloy sa silid niya. Noon niya narinig ang pagparada ng isang sasakyan sa labas. Pagsilip niya sa bintana ay nakita niya si Bibi. Tama ang mga kawaksi, si For ang kasama nito.

Kung naghanap lang ng puwesto ang dalawa, bakit inabot ng alas-nuebe ng gabi ang mga ito?

"Shit," sambit niya. Ayaw niyang pag-isipan ng hindi maganda ang dalawa ngunit tuluy-tuloy na ang pasok ng hindi magandang ideya sa sistema niya. Mayroong nangyayaring hindi tama at hindi niya alam kung paano itatanong ang lahat kay Bibi. Isa lang ang malinaw sa kanya sa mga sandaling iyon—the proposal would simply have to wait.

Bumaba na rin siya. Nagtama ang mga mata nila ni Bibi. Halatang nabigla itong makita siya. "O, akala ko bukas ka pa uuwi?"

Kaya ka ba sumama kay For? Ngumiti siya rito, pilit. "Where have you been? Kanina pa kita hinihintay."

"Naghanap kami ng puwesto. Nagkaroon ng kaunting kainan. Kumusta? Hinagkan nito ang pisngi niya. "Pagod na pagod yata ang pogi?"

Muli ay pinilit niyang ngumiti rito. Niyaya na niya itong kumain sa hardin. Naisip niyang sayang ang gabing iyon. Perpekto sana. Pero hindi niya makuhang mag-propose. Not when he was feeling like crap.

"Wow naman, ang special naman ng dinner. Para saan ang lahat ng ito?"

"Nothing. I just missed you so much, that's all." May bahid ng katotohanan iyon. Tulad pa rin ng dati ay hindi siya makapaghintay na makasama ito. Inabot niya ang kamay ng dalaga, hinagkan iyon. "Tell me, how's everything coming along? Sa negosyo mong plano, ano na ba ang nangyayari?"

"Hindi nga kami nakakita ng matinong pwuesto."

"Oh, really?" Parang gustong mag-init ng ulo niya. May isang buwan na mula nang sabihin nito sa kanyang maghahanap ito ng puwesto. Sa loob ng isang buwan, hindi pa rin ito nakakita? "Ano ba ang hinahanap mong puwesto, Bibi?"

"Hmmm... gusto ko 'yong malaki ng kaunti pero hindi kalakihan ang upa. Eksakto naman na may itinatayo sa bayan pero sa susunod na buwan pa raw uuwi ang may-ari. Sa susunod na buwan pa rin daw bubuksan ang upahan. So may isang buwan pa bago ako babalik."

At hindi mo 'yan nalaman bago ang araw na ito at kinailangan mong magpabalik-balik sa bayan sa loob ng isang buong buwan na kasama si For? "That's great. Honey?"

"Ano po?"

"Are you pregnant yet?"

"Hindi pa nga, eh. Hindi ko nga rin alam na puwede palang magtagal ng ganito nang hindi nabubuntis, maliban na lang siguro kung may diprensiya ang isa sa atin, pero wala naman. Nagpatingin naman tayong dalawa. Siguro hindi pa lang talaga panahon. Nag-pregnancy test nga ako noong nakaraang linggo, eh. Pero negative pa rin."

Noon gustong umalsa ng galit niya. Gusto niyang tumayo at pamukhaan ang babae. Niloloko talaga siya nito! Sa mismong mukha niya ay nagsisinungaling ito nang ganoon-ganoon na lang! How dare she! Gumagamit ito ng pregnancy test gayong napi-pills ito? Sino ang niloloko nito?!

Gayunman ay sumubok pa rin siya. Biniro niya ito, "Baka naman nagpi-pills ka, hon?"

Umingos ito. "Ang corny naman ng joke mo. Ni hindi ko nga alam kung paano gumamit ng pills. Saka delikado raw 'yon."

Liar. "Kumain ka na. Malay mo, naglilihi ka na."

"Sana nga rin. Ewan ko ba, Nick. Noong una, parang kinakabahan ako magbuntis. Pero ngayon, parang naiinggit ako sa mga kakilala kong may anak na. Ito pang si Tatay, ang kulit. Parating sinasabi sa akin na sana raw bago siya mag-adios sa mundo, mahawakan man lang niya ang apo niya."

Liar! "Hindi bale, makakabuo rin tayo, Bibi."

Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis. His heart broke. Naunawaan niya sa mga sandaling iyon na kayang ngumiti ng babae sa kabila ng matinding pagsisinungaling. She cannot be trusted. She was an amazing actress. Even he can't pretend and lie that comfortably. Wala ni anumang bakas ng pagkakonsensiya rito, ni anong senyales na kinikilabutan ito sa pagsisinungaling nito sa kanya.

Suddenly, his world came crashing down. And he felt so helpless. Bibi was his first true love. She was also his first heartbreak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro