Chapter 28
Pinagmamasdan ni Nick ang singsing na nasa loob ng kahita. Galing siya sa Singapore at doon niya binili ang singsing. Sorpresa para kay Bibi. Alam niya, sa tuwing kasama nila ang ama nito, ay naiilang ito sa sitwasyon nila. Hindi na niya dapat tanungin dito, nakikita niya iyon sa ikinikilos nito.
At ni minsan ay hindi ito nagpahiwatig ng kahit na ano tungkol sa sitwasyon nila. Para doon ay lalo siyang humanga rito. Gayunman, sa pag-andar ng mga araw ay hindi niya maiwasan ang mabagabag. Hindi tama ang kalagayan nila pareho sa relasyon na iyon. Hinding-hindi kailanman magiging tama.
Ni hindi niya alam kung paano niya naisip noon na magiging maganda para sa lahat ang ideya niya. At marahil, hanggang ngayon ay hindi mababago ang opinyon niya kung hindi lang sa hindi sinadayang pagsibol ng pagmamahal niya para kay Bibi. His first and only true love.
Finally, he understood. Finally, he had experienced what other people raved and ranted about. At naunawaan niyang sa lahat ng opinyon niya tungkol sa pag-ibig ay nagkamali siya. Oo at tama ang iniisip niyang kaya iyong piliin ng isang tao, ngunit piliin sa lebel kung saan hindi maaaring baguhin ang damdamin nito para sa taong iyon. Maaaring piliin ng isang taong kalimutan ang isang minamahal, ngunit hindi iyon nangangahulugan na hindi na nito mamahalin ang taong iyon.
Lalong hindi tama ang iniisip niya noon na madaling kalimutan ang isang taong minamahal dahil napakaraming bagay sa mundo na mas kailangang unahin o pagtuunan ng pansin. An opinion by someone who had never fallen in love yet. At ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit maraming tao ang nababaliw sa pag-ibig.
It was something vast and powerful. And with Bibi, love was more than beautiful, it was breathtaking. He enjoyed every moment he was in love with her. Kahit sa mga sandaling hindi niya ito kasama ay masaya siya. At ang bawat sandali ng paghihintay kung kailan niya ito muling makikita ay mayroong dulot na pananabik sa kanya, may dulot na kasiyahan. Mayroon pa rng kagandahan. Sapagkat kasama ng pagmamahal parati, naunawaan na niya ngayon, ay pag-asa.
Iyon ang hindi niya naunawaan noon sa kaso ng mga magulang niya. Pinili ng kanyang ama na mahalin ang kanyang ina sa kabila ng lahat at nanatili sa puso nito ang pag-asa—na magbabago ang kanyang ina, na sa huli ay mananaig ang pagmamahalang minsan sa pagitan ng mga ito ay naging napakabusilak marahil. Hindi pa rin nababago ang opinyon niya tungkol sa dapat sana ay ginawa ng kanyang ama noon, ngunit ngayon ay mas nauunawaan niya ito.
At sa kabila ng lahat ng pasakit nito sa kanyang ina, sa lahat ng sama ng loob, marahil ay may nakuha itong kasiyahan sa pag-aalaga ng pag-asa sa puso nito. Marahil. Hindi niya tiyak. Marahil, ang naging pagkakamali lang ng kanyang ama ay hindi nito sinigurong nanatili ang pagmamahal dito ng kanyang ina. Sapagkat kung nanatili itong minamahal ng kanyang ina, marahil ay hindi masisira ang kanilang pamilya. Wala sana siyang ina na mas minahal ang alak at barkada at ang pangarap ng magandang buhay. Kung sana ay nanatili ang pagmamahal ng kanyang ina sa kanyang ama, naunawaan sana nitong hindi agad-agad maibibigay dito ng kanyang ama ang magandang buhay na labis nitong inaasahan.
Hindi mangyayari ang ganoon sa kanila ni Bibi. Nadarama niya ang pagmamahal sa kanya ng babae. At ngayon ay hindi siya makapapayag na hindi sila maikakasal gayong nagsasama na sila. It was simply not right. With Bibi, he can see things clearly. At naunawaan niyang tama ang ibang taong ikinukumpara ang pagmamahal sa kidlat. Biglang-bigla iyong tatama sa isang tao nang walang babala, at kapag tinamaan ka na ay wala na kang magagawa.
He was so in love with Bibi he wanted to please her so, be the best partner he can be. And soon, be the best husband he can be. He was sure she was going to be a wonderful wife and mother as well.
Maaga siyang umuwi sa araw na iyon ngunit wala ang babae sa bahay. Nagpaalam ito sa kanya kanina na dadalawin ang ama nito. Hindi nito alam na pauwi siya sa araw na iyon. Nais niyang maging isang malaking sorpresa ang lahat.
Nang makarating siya sa bahay ay agad niyang inutusan ang mga kawaksi na ihanda ang hardin sa likod-bahay. Gusto niyang doon ganapin ang proposal, sa ilalim ng mga bituin. Simple lang ang proposal niya. Sa totoo lang ay mas gusto niya na huwag na iyong bigyan ng dramatikong palabok. Mas romantiko para sa kanya ang hawakan ang kamay ng babae habang naroon sila ay nakatanaw sa mga bituin. And there, they can look ahead, plan their future together.
"I will order food from the hotel. You set it up, okay?" aniya kay Cita.
"Mukhang may okasyon, Sir. Hindi naman ninyo birthday ngayon. Birthday po ba ni Ma'am Bibi?"
"No. But it's a special day, nevertheless. Soon, this home will have a new and official queen. Gusto ko nang lumagay ulit sa tahimik, Cita. Alam kong matagal na rin kayong naiinip na ako lang ang kasama ninyo rito. Hindi ba at masaya tayo rito nang dumating si Bibi?"
"Kuwan, Sir..." Nagkasamid-samid ito, tila mayroong nais sabihin ngunit ipinagkibit iyon ng balikat. Inignora na lang niya ito at tumuloy sa kanyang silid. He showered and made sure he looked perfect for the ocassion. Makaraan ang isang oras ay bumaba na siya. Alas-siete na at nakahanda na ang hardin. Ngunit wala pa rin si Bibi. Nagpasya siyang huwag na muna itong tawagan at baka parating na rin ito. Masisira ang sorpresa niya. He was very excited he found it hard to breathe. An honest to goodness proposal. Iyon ang kauna-unahang pormal na proposal na gagawin niya, bagaman mayroon na siyang naranasang dalawa—ang isa kay Bridgette na mas business proposal kaysa marriage proposal; at kay Tomasa na mas kasunduan ng magkaibigan kaysa proposal.
He couldn't understand why a lot of men do this thing. It was nerve-wracking!
Habang nakasa bulsa ang kahita ay pumuwesto na siya sa garden set, sinamantalang wala pa roon si Bibi upang mag-ensayo sa isip kung ano ang sasabihin kay Bibi at kung paano iyon sasabihin sa paraang ikatutuwa nito at hindi magiging corny kundi romantiko.
I'm crazy. Talking to myself like this.
Napailing na lang siya, napabuntong-hininga, nakangiti. Just the thought that he was going to spend the rest of his life with Bibi was making him feel overwhelmed. Like a big blessing had been granted to him though he was not particularly deserving of it—such a pure, innocent woman, so beautiful inside and out.
Noon niya napansin ang tatlong kawaksi na lumapit, dala ang ibang mga pagkain. Tinanong niya si Cita, "Wala pa ba ang Ma'am mo?"
"Wala, Sir."
"I better call her up."
"Sir?" si Cita, parang nag-aalumpihit ito. "Kuwan, Sir, hindi naman sa nakikialam ako, Sir, pero... siguro po may dapat kayong malaman tungkol kay Ma'am Bibi."
"Really? What is it?"
Ayaw man niya ay kinabahan siya sa reaksiyon ng tatlo. Para bang mayroong napakasikretong bagay na ayaw sabihin ng mga ito. Hindi nakaligtas sa kanya si Bebang na parang maiiyak na at pawis na pawis. Mas kalmado sina Cita at Fely bagaman halatang kabado rin ang mga ito.
"Ano ba 'yon?" Bahagya nang tumaas ang tinig niya.
Siniko ni Fely si Cita na agad nagsalita. "Sir, sa palagay po namin kasi may relasyon si Ma'am Bibi at 'yong Axl. Pati na rin po si Sir For."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro