Chapter 15
"Biko, Ma'am. Ano po ang gusto ninyong katerno, kape o juice?"
Hindi na mabilang ni Bibi kung ilang ulit tumaas ang kilay niya nitong nakaraang ilang araw sa pagbabago ng pakikitungo sa kanya ng mga kawaksi. Bumait ang lahat ng mga ito sa kanya, lalo na itong si Cita. Kulang na lang, maglatag ito ng carpet sa daraanan niya. Lihim siyang napangiti at naisip na dapat na siyang masanay. Malamang na kinausap ang mga ito ni Nick kaya nagsiurong ang mga buntot at sungay.
"Kape na lang, Cita, salamat. Kumain na rin kayo," aniya. Hindi siya balasubas na tao. Ganitong bumait ang mga ito sa kanya, kailangan din niyang ipakita sa mga ito ang tamang pakikisama.
"Yes, Ma'am." Ngumiti ito sa kanya, bahagyang yumukod at tumalikod na rin. Nang magbalik ito ay dala na ang kape niya. "Bagong giling ang kape, Ma'am. Ubusin ninyo iyan at sariwang-sariwa ang kape."
"Sige, salamat, Cita."
Tumalikod nang muli ang babae. Kinain na niya ang biko at inubos ang masarap na kape. In fairness, masarap magluto si Cita. Siya na ang nagdala ng pinagkainan sa kusina. Agad siyang sinalubong ni Fely.
"Naku, Ma'am, hindi na sana kayo nag-abala. Ako na po ang magliligpit."
"Okay lang." Ngumiti siya rito. "Magluluto na rin naman ako kasi tumawag na si Nick. Pauwi na rin siya. Simpleng pesang dalag lang ang lulutuin ko. Paborito niya daw 'yon, sabi ni Mrs. Castañeda," aniya. Tumawag siya sa opisina ni Nick ngunit wala na ang lalaki roon. Kinausap siya ng nagpakilalang sekretarya nito at sa maiksi nilang pagkukuwentuhan ay nabanggit nitong isa raw sa paborito ni Nick ay pesang dalag. Nagpabili siya agad ng mga rekado sa palengke.
Inasistehan siya ni Fely sa pagluluto. Nang matapos ay agad siyang naligo at pagbaba niya ay eksaktong pumarada na ang sasakyan ni Nick. Agad niya itong sinalubong, animo asawa ng isang nag-abroad sa higpit ng pagkakayakap dito. Ngiting-ngiti ito, kasing-init ng sa kanya ang yakap.
Hinagkan nito ang pisngi niya. "How is the sweetest, prettiest girl in town?"
"Ako ba 'yon?"
Ang lakas ng tawa nito. "Sino pa?"
"Dino-double check ko lang. Okay naman po ako. At ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa?"
"Okay naman. Happy to be home."
"Nagluto ako. Promise, hindi siya maalat."
"Kiss me."
"Ha?"
"Kiss me, quick."
Dinampian niya ng halik ang pisngi nito ngunit hinawakan nito ang kanyang baba at sinimsim ang mga labi niya. Para siyang nawala sa sarili niya. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay nais niyang tumutol. Bakit ang lupit nito at pinagkaitan siya?
"I missed you, hon. Come, I have a gift for you." Hawak ang kamay niya ay pumasok na ito sa bahay. Tumaas sila sa silid nito at inabot nito sa kanya ang isang kulay-mapusyaw na berdeng kahita. Sa ibabaw niyon ay may nakasulat na "Tiffany & Co." "Open it, honey. Sana magustuhan mo."
Kung bakit bigla na lang siyang kinabahan na hindi niya maunawaan. Noon lang mayroong nagbigay sa kanya ng isang hula niya ay alahas. Oo at binigyan siya ng hikaw at pulseras ni Axl pero nangitim ang hikaw, kahit iginiit nitong tunay daw na ginto. Ang pulseras naman ay ginawang kulay-berde ang balat niya at nabura ang pagkaginto makalipas ang ilang buwan.
Nang mabuksan na niya ang kahita ay bigla siyang napaluha, kahit hiyang-hiya siyang ipakita iyon kay Nick. Para siyang nalunod sa mga emosyon niya sa regalo nito. Hinagkan nito ang kanyang pisngi.
"You're so sweet."
"Nick, salamat. Ang ganda." Kulay pilak ang alahas, manipis lang ang chain, mayroong palawit na paruparo na may mga diamante. Simpleng-simple lang iyon, pero ang kasimplehan ng alahas ang nakapagpaganda roon.
"Let me." Kinuha nito iyon at isinuot sa kanya.
"Alam mo, mas gusto ko ang ganito, silver. Kaysa iyong gintong kulay-dilaw kasi mahirap ternuhan ng damit. Nick, salamat talaga."
"It's platinum, honey," nakangiting imporma nito, nilalaro ng daliri ang pendant.
"Platinum? Ang mahal daw noon, ah! Nick, baka sobra naman ang mahal nito? Tama na sa akin kahit silver. Kahit wala, okay lang. Ano ka ba? Bakit nag-abala ka pa?" Bigla siyang nakadama ng hiya. Kuwento ni Claribel sa kanya noon ay binigyan daw ito ng platinum na singsing ng jowa nitong Hapon at mil de mil daw ang presyo noon.
"Silly girl. I love how this pendant falls on your skin."
Ang daliri nito ay lumipat na mula sa pendant patungo sa kanyang balat. Biglang-bigla ang pag-iinit ng pakiramdam niya. Tumaas ang balahibo niya sa katawan nang bahagya pang bumaba ang daliri ng lalaki. Napasinghap siya nang hagkan nito ang bahaging iyon.
Pinangko sya nito at maingat na ibinaba sa kama nito. Naglapat ang kanilang mga labi para sa isang napakainit na halik. Tila narinig nito ang piping reklamo niya kanina na masyadong maiksi ang paglalapat nila ng labi. Sinulit nito ang halik sa pagkakataong iyon, hindi tumigil hanggang sa kapwa na sila tila mauubusan ng hininga.
Napakalakas ng pintig ng puso niya, buhay na buhay tila ang kalamnan niya. Bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg at isang anas ang kusang kumawala sa mga labi niya. Hindi niya alam na ganito pala katindi ang pagnanais niyang magkalapit silang dalawa sa ganitong paraan.
Mumunting pagtikim at banayad na pagkagat ang ginawa nito sa kanyang leeg at bahagya siyang napahagikgik sa pagkakiliti, bagaman nakatayo ang mga balahibo sa katawan. Nadama niya ang pagngiti nito sa kanyang balat. Nagpatuloy ito at nilaro ng bibig ang kanyang tainga. Bigla siyang napasinghap, burado na ang ngiti.
Naging mapagsaliksik ang kamay nito na bumaba sa kanyang katawan sa paraang marahil ay tanging mga eksperto lamang ang nakakagawa, sapagkat nakaya nitong ipadama sa kanya ang pinaghalong matinding pagkainip at matinding pagnanais na patagalin ang dagsa-dagsang sensasyong bumalot sa katawan niya.
Isa siyang estudyante, ito ang guro. Tila mas marami pa itong alam tungkol sa sarili niyang katawan kaysa sa kanya—mga lugar na noon ay hindi niya naiisip na maaaring pagmulan ng sidhi.
Nagtungo sa kanyang dibdib ang mga labi nito at napasinghap siya sa mas matinding sensasyong bumalot sa kanya. Tila bawat himaymay ng katawan niya ay ibig ihiyaw ang pangalan nito. Nang bumaba pa ang mga labi nito ay bumangon siya, nahihiya man ay inalis ang pagkakabutones ng pang-itaas nito. Tinulungan siya nito. Nang ganap na nito ng mahubad ang saplot ay naitakip niya ang kamay sa mukha, bagaman nakaawang ang mga daliri niya.
Tumawa ito. "So shy, hmmm?"
Kinabahan siya. Oras na para isagawa niya ang itinuro ni Claribel sa kanya. Ngunit hindi pa man niya naidadampi ang palad sa balat nito ay ginapi nito ang mga kamay niya at ihiniga siyang muli sa kama.
Teka, ako naman yata dapat? Sa isip-isip niya. Hinding-hindi niya nalilimutan ang matinding habilin ni Claribel—na ang isang lalaking nasiyahan sa isang babae ay babalik at babalik at hindi na maghahanap pa ng iba. Oo at hindi sila magkatulad ng trabaho ni Claribel ngunit nais niyang magkaroon ng espesyal na talento sa aspetong iyon. Nais niyang wala nang ibang isigaw ang puso, kaluluwa at katawan ni Nick, kundi siya lamang. Aspetong pisikal iyon, kailangan niyang maging reyna roon.
"Kailangan kong i-greatest performance of my life ito," sambit niya, naalalang muli ang matinding habilin ni Claribel.
Sukat tumigil si Nick sa paghalik sa kanya. Tumingin ito sa kanyang mukha, nakakunot ang noo bagaman ngiting-ngiti. "No pressure there, hon—especially since you're perfect."
Nag-init ang kanyang mukha. Hindi niya intensiyong sabihin ng malakas ang isipin niya. Nagpatuloy ito sa paghalik sa kanya hanggang sa nakarating sa sentro niya ang mga labi nito. Naipikit niya ang mga mata. At dumiin nang dumiin ang pagkakapikit niya habang pabilis nang pabilis ang galaw ng bibig ng lalaki. Nadaklot niya ang kumot sa hindi inaasahang pagsabog sa loob ng kanyang katawan.
"Nick, santisima!" bulalas niya.
Umunat ito, nakangiti. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Bumangon siya, hinigit ito, saka itinulak nang bahagya ang mga balikat patungo sa headboard ng kama. Ang inisyal niyang kaba ay nauwi sa pananabik. Nagsimula siyang hagkan ang leeg nito at tulad nito ay bumaba ang mga labi niya sa magandang katawan nito. Kinagat-kagat niya ang bahagi ng abs nitong nakaumbok, may pagmamalaking nadama na batid niyang matindi ang atraksiyon para sa kanya ang lalaki base sa reaksiyon ng katawan nito.
Nagsimula siya sa greatest performance of her life. Natuklasan niyang bukod sa mga nalaman niya kay Claribel ay mayroon din siyang sariling "da moves." Pinakinggan niya ang dikta ng bawat anas nito. At naunawaan niyang ang bagay na iyon ay lalong nakakapagpainit sa sidhing nadarama niya dahil sa isang banda, sadyang siya ang reyna sa mga sandaling iyon.
"Bibi," sambit nito, banayad siyang hinigit pataas, hinawakan ang kanyang pisngi, saka siya siniil ng halik sa mga labi. Ang pangahas nitong kamay ay sinaliksik ang kanyang katawan. Tiyak ang mga lugar na pinuntirya nito at hindi pa nagtagal ay may hingal na ang kanyang paghinga.
Noon nagtagpo ang kanilang mga katawan at napakapit siya rito sa kirot na nadama. Naging maingat ang bawat galaw nito, mapag-alalay. At dahan-dahan, naibsan ang sakit at napalitan ng nakakabaliw na sensasyon. Hanggang sa mahigpit niya itong yakapin at sambitin nito ang pangalan niya.
Mukhang pareho sila ng overall score sa greatest performance of their life. Sa naisip ay bigla tuloy siyang napahagikgik.
"Please don't tell me you find this funny," anito.
"Hindi. Naisip ko lang na parehong mataas ang score natin kaya greatest performance natin pareho."
"The best is yet to come, honey. I promise." Hinagkan nito ang pisngi niya. Parang nasa langit na siya. Kunsabagay, dinala niya ako doon. At willing akong mag-tour ulit, sa isip-isip niya.
Nanatili siyang nakakulog sa init ng bisig nito. At naunawaan niyang ayaw na niyang umalis doon. Doon siya nababagay. Doon siya nararapat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro