Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"SIR? SIR?"

"You were saying, Mrs. Castañeda?" baling ni Nick sa executive assistant niya. Matandang babae ito, masiyahin, pero istriktopagdating sa trabaho. Dati itong sekretarya sa opisina ni Bridgette ngunit nang alukin niya itong maging executive assistant niya ay pumayag ito.

Agad tumaas ang isang kilay ng matanda, bagaman may bakas ng ngiti ang labi. "You've been smiling all morning, Sir."

Bigla siyang napatawa. Walang dahilan, masaya lang siya. He felt so light and... he had to admit that he was very happy. Very happy indeed. Noon lang siya nakadama ng ganoong pakiramdam. Ang maalala si Bibi ay sapat na para mapangiti siya. At labis na siyang nangungulila sa babae dahil tatlong araw na niya itong hindi nakikita. Kailangan niyang asikasuhin ang negosyo niya sa Maynila, kahit wala siyang nais gawin kundi ang umuwi sa Territorio.

Dapat ay isinama niya si Bibi sa Maynila ngunit alam niyang wala siyang matatapos na trabaho kapag kasama niya ito. Mas pinangungunahan siya ng pagnanais na mamasyal kasama ang babae. Maybe they can even spend a weekend in Hong Kong. Tiyak niyang matutuwa ito. At parang iyon ang naging main goal nila nitong nakaraang tatlong linggo—ang pasayahin ang babae.

"What's her name?" tanong ng matanda.

Napatawa na naman siya. At muli, dahil iyon sa masaya siya, magaan ang pakiramdam. "Bibi."

"Bibi, hmmm. Is she pretty?"

"She's beautiful!"

Ngumiti ito. "I like seeing you this way, Sir. You look and seem... younger."

"You mean immature?"

Tumawa ito, saka tumayo. Pinisil nito ang balikat niya. "Enjoy it. Be happy. Don't fight it."

Hindi siya umimik, palaisipan ang sinabi nitong huli. Kailan niya nilabanan ang kaligayahan niya? "What about the... the thing we're supposed to do, Mrs. Castañeda?"

"I'll take care of it. You may take the rest of the day off."

Napangiti siya. "You're the best!"

Nagmamadali na siyang umalis sa opisina matapos maayos ang lahat ng gawain. Sa halip na tumulak na pa-Territorio ay nagpasya siyang dumaan sa isang mall. Nakakita siya ng alahas na sa tingin niya ay babagay kay Bibi. It was a simple necklace from Tiffany and Company. Dumaan din siya sa isang flowershop at nagpasadya ng bouquet para sa babae. Saka siya tumulak sa Territorio.

"Ang ganda po ng ngiti n'yo, Boss," puna ng driver niya.

Muli, napatawa siya sa kasayahan. "Masaya ako, Badong."

"Mukhang pinasasaya kayo ni Ma'am Bibi, Boss."

Nakangiti pa ring tumango siya. Kapag kasama niya si Bibi, parang napakasimple lang ng buhay. Kapag kasama niya ito, simple lang ang mga pangarap niya at parang wala na siyang hihilingin pa. Hindi siya nakikipag-unahan sa ibang mga negosyante, hindi nag-aalala tungkol sa ekonomiya ng bansa, at mga katulad na bagay. With Bibi, everything he had was more than enough. Nauunawaan din niya na kung may isang bagay na kulang sa kanya, iyon ay ang oras. Oras para sa sarili niya. Kung tutuusin, wala siyang inilaang panahon para sa sarili niya kailanman. Nagsikap siyang umasenso. Ang mga magulang niya ay mahirap sa buhay. Teenager siya nang pumanaw ang kanyang mga magulang. Salamat sa ama ni Bridgette, na siyang amo ng kanyang ama, ay nakapagpatuloy siya ng pag-aaral. Kinuha siya ng lalaki bilang empleyado at nagtuluy-tuloy na mula roon ang suwerte niya. Sa huli, kinuha siyang partner ni Bridgette sa negosyo at nagtayo rin siya ng sarili niyang negosyo.

Kahit noong naikasal sila ni Tomasa ay hindi siya nag-leave para sa honeymoon nila, para lang sa kasal nila. They never had a proper honeymoon. Araw ng Biyernes sila ikinasal at lumiban siya sa trabaho. Sabado at Linggo ay walang opisina bagaman araw ng Sabado ay sumaglit pa siya sa opisina. Nangako siya sa babae na magtutungo sila sa Europa ngunit hindi pa man niya nasisimulang iplano ang lahat ay naratay na ito. Sa katunayan, isang buwan pa lang silang naikasal ay parati nang masama ang pakiramdam nito. At ang mga pagliban niya sa opisina nang mga panahong iyon ay hindi para magpakasaya kundi upang damayan ang asawa.

Ngayon, sa piling ni Bibi ay nauunawaan niyang walang halaga ang mga pinaghirapan niya kung wala siyang oras para sa sarili niya. Para sa mga nakakapagpasaya sa kanya—at nangunguna ito sa listahan.

"Mukha pong mabait si Ma'am Bibi, Boss," patuloy ni Badong.

Tumango siya. Nakikita niya rito ang sarili niya pagdating sa pagmamahal nito sa ama nito. Tiyak niyang magiging mabuting magulang din ito sa magiging anak nila. And speaking of the baby making... Ah, he was very excited about it too. Hindi niya inasahan na magtatagal nang ganito ang lahat ngunit ayaw niya itong biglain. He wanted it to come naturally.

"Guwapong-guwapo kayo, Boss, kapag ganyang masaya kayo."

"Bakit, hindi ba ako masaya noon? At teka... hindi ba ako guwapo noon, Badong?"

Ang lakas ng tawa ng komedyanteng tsuper. "Kapag kasi nakangiti kayo nang ganyan, Sir, ang laki ng ibinabata ng hitsura ninyo. Baby face, 'ika nga. Parang bagets lang. Eh, ako, Sir? Parang natutulog lang."

Napahalakhak siya. "'Di ba pinopormahan mo si Bebang? Sinagot ka na ba?"

"Boss, si Cita ang pinopormahan ko noon. Pero hindi ko na rin pinormahan, Boss. Mayabang, eh. Mantakin n'yo ba namang sabihin sa aking hinding-hindi raw po ako papasa sa kanya dahil driver lang ako. Wow, Boss! Ni-lang-lang ang trabaho ko. Bakit, ano ba siya? Kung magsalita, akala mo hindi taga-laba ng brip n'yo, Boss."

Patuloy na nagkuwento si Badong. Aminado siyang bihira sila nito kung mag-usap. Ngunit bagaman nakakaaliw kausap ang lalaki ay natagpuan niya ang isip na lumilipad patungo kay Bibi. He wondered what she was doing, what she was wearing, what she was thinking. Iniisip din kaya siya nito?

"Nakow, sa pagkakangiti ninyo, Boss, parang nadarama kong malapit na kayong magpahigop ng mainit na sabaw. Mukhang magiging Mrs. Montero po si Ma'am Bibi."

Funny, he wasn't alarmed by the suggestion at all. Napangiti siya. "Tingnan natin, Badong."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro