Prologue
"A confident woman is a sexy woman."
Hindi iyan ang mantra ni Mona. All her life, she's been... well, to put it lightly, heavy. Pun intended.
Hereditary ang taba niya. Malusog ang angkan ng mga Ferrer. Kaya tuwing may salu-salo sila, bumabaha ng pagkain. Takot kasi yata talaga silang magutom.
Ang tanging nakakaligtas lamang sa sumpa ay ang mga anak ng mga kamag-anak niyang nakapag-aasawa ng payat na malakas ang genes.
Ang masaklap, parehong tabain ang nanay at tatay niya. Sa kanilang magkakapatid, isa lamang ang hindi tumaba ng sobra. Madalas nilang tuksuhing ampon ang kapatid niyang lalaki dahil payatot ito, lalo na noong high school. But college happened and he became one of them. Na ikinatuwa naman ng nasabing kapatid dahil sa wakas daw ay hindi na ito maipagkakailang kapamilya nila.
Madalas matukso si Mona noong kabataan niya. Biik. Baboy. Lechon. Babe (the pig). Lahat na yata ng panlalait ay narinig na niya. At some point in life, masasanay ka na rin kapag paulit-ulit mong naririnig ang isang bagay.
She got used to it. Tumigil siya sa pag-iyak. Pinilit na ilabas sa kabilang tenga ang kung anong pumapasok sa isa.
She eventually accepted the fact that food is laced into her system. She loves food! Hindi lamang sa pagkain kundi sa paggawa noon.
Mahilig siyang mag-bake. Passion niya iyon. Iyon ang bagay na alam niyang hinding-hindi niya pagsasawaang gawin. So instead of shying away from food, she made it her business. And she became really good at it.
But she never got over her insecurities. She never got over her body issues. Kaya hirap siyang tumanggap ng atensyon galing sa mga lalaki. Pini-friendzone kaagad niya ang sarili bago pa man siya masaktan. Kaya kahit lumampas na sa kalendaryo ang edad niya ay hindi pa rin siya nakakapag-asawa. Simple lamang naman ang hinahanap niya sa isang lalaki.
She doesn't need a man to make her feel beautiful. She needs a man who will make her see that she already is.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro