Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8: D-A-T-E

Hindi yata nakatulog si Mona nang gabing iyon dahil sa tawag ni Felix. Nakahanda na ang tatlong dress na pagpipilian niyang isuot pagkagaling niya sa trabaho. She also already made several plans for the day para maisakto niya sa alas kwatro ang uwi. Kailangan niyang magpaganda nang bongga.

Dapat nga ay hindi na rin siya papasok. Ang kaso, hirap siyang iwanan ang trabaho. So she made a list of things to do for her team. And she will insist that they call her if anything goes wrong. Syempre hindi niya ikakansela ang date, pero baka madala niya si Felix sa bakeshop nang wala sa oras.

Nang mapansing alas kwatro na ng umaga, nag-set siya ng alarm at saka pumikit. Exactly 2 hours later, she woke up, cooked breakfast, and got ready for work.

Nang makarating namans a trabaho, hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Tingin siya nang tingin sa relo. Check nang check ng phone, inaabangan kung magka-cancel si Felix. It happened before, a few times, so sanay na siyang ma-disappoint. Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa kanya na magdi-date sila. Kahit pa sabihing dahil lang 'yon sa special cupcakes na ginawa niya para kay Bullet, date pa rin 'yon!

"Umuwi ka na kaya," sabi sa kanya ni Tatay Ben nang mapansin nitong hindi niya mairolyo nang maayos ang fondant.

"Tatapusin ko lang 'to, 'Tay."

"Kaya na namin 'yan." Lumapit ito at kinuha ang fondant sa kanya. "Umuwi ka na."

"Alas tres pa lang e."

"O, ayaw mo no'n? May apat na oras ka pa para magpaganda," sabi nito nang may ngiti.

Kalat na kasi sa buong bakeshop na idi-date siya ng crush nya. Ang mga empleyado naman niya, sobrang supportive. Ilan kasi sa mga ito ay matagal na niyang kilala at hinihintay na rin siyang makapag-asawa.

"Kami na dito, Ate Mona," sabat ni Tess.

"Umuwi ka na. Para sa pag-ibig!" Ralph raised his closed fist in the air.

Nailing siya. "Seryoso, guys. Lalo nyo akong pinakakaba."

"E bakit ka ba kasi kinakabahan? Gusto mong i-date ka nya, di ba?"

"Wishful thinking lang kasi 'yon," sagot niya. "Hindi ko naman inisip na magkakatotoo e."

Nilapitan siya ni Tatay Ben at inakbayan. "Mabuti nga nagkatotoo pa e. 'Yong iba dyan, hanggang pangarap lang. Kaya 'wag kang matakot. Kasi kapag pinangunahan ka ng takot, saka ka mamalasin."

Ngumuso siya.

"Kaya umuwi ka na at maghanda. Kapag successful ang first date nyo, ilibre mo kami pagbalik mo."

Sinamaan niya ng tingin ang matanda. "Sabi na may kapalit 'yong moral support nyo, e."

Tumawa si Tatay Ben.

"At kapag nagkatuluyan kayo, pakitaasan po 'yong sahod namin," dagdag ni Tess.

She waved her hand dismissively. "Ewan ko sa inyo! Uuwi na 'ko, ha! Kapag may problema—"

"—kami na ang bahala. Sige na. Alis na."

Wala na siyang nagawa nang ipagtulakan siya ng mga ito palabas ng work station. Dala ang bag at bitbit ang kaunting worry, insecurities, at self-doubt, nagpaalam na siya sa mga nasa likod ng counter at saka umuwi.

--

Mona took a bath for one and a half hours. She dried her hair and did her makeup for another hour. 'Yong ayos niya, bonggahan level talaga. 'Yong tipong may plano siyang kabugin.

She chose a sexy dress to wear. Pencil skirt, itim at hapit na hapit sa katawan. Itim, para hindi masyadong malaking tingnan ang balakang niya. Malaki kasi talaga ang balakang niya, mana sa mommy. Ang itaas ng dress ay sleeveless, see-through na printed.

It's a little revealing, but she's not 22 anymore, so who would object?

At exactly 7 o'clock, nakaupo na siya sa isang one-seater, nasa gilid ang pouch, at naghihintay. Sinundan ng mga mata niya ang bawat galaw ng kamay ng orasan. And the more that it strays away from the number twelve, the more that she doubts that it's really happening.

Hanggang sa tatlumpong minuto ang lumipas. Napabuntong-hininga siya.

Surely, he'd think of calling her if he wants to cancel the date? O baka naman nananaginip lang talaga siya noon at wala naman talagang yayaang naganap?

Bago pa niya maisipang ngumawa, nakarinig na siya ng pagparada ng sasakyan. Hindi muna siya gumalaw, afraid that this is just another one of her daydreams.

But when she heard the knock, her body automatically lifted itself from the seat. She gingerly walked towards the door and opened it.

"Hi! Sorry I was late! I was—"

Tumigil sa pagsasalita si Felix at napatitig sa kanya. Bigla siyang tinamaan ng hiya. He was what?!

"Is there something wrong with my face?" she asked with a frown.

"Nothing." Umiling ito. "You look pretty. Anyway—"

"Really?"

"Yeah," walang kaabog-abog nitong sagot. He doesn't know what his words do to her system!

She tucked her hair behind her ear and tried her best to supress her smile. Pero kusang lumalabas kasi kinikilig sya!

"'Yan talaga ang isusuot mo?"

Napatingin siya sa suot na damit. Kumunot ang noo.

"What's wrong with my outfit?" Is it too much? Not enough? Masyado bang see-through 'yong itaas o baka naman lalo siyang tumaba sa suot niya?

"Casual place kasi 'yong pupuntahan natin. Masyado kang formal."

"Ah..." That's a relief. Akala naman niya may mali na naman sa kanya. "Hindi mo naman kasi sinabi."

"Hindi ka kasi nagtanong," nakangiti nitong sabi.

"So... magpapalit ako?"

"Sayang naman 'yong suot mo. You can bring a change of clothes para makapagpalit ka after dinner."

"Fancy restaurant ba 'yong pupuntahan natin?"

Nag-isip ito sandali. "Uh... not really."

"Magpapalit na lang ako. Can you wait?"

Tumango si Felix. "Sure."

Pinapasok niya ito ng bahay at pinaupo. She didn't notice his outfit earlier. Naka-plaid dress shirt ito at jeans. Casual nga. Samantalang siya, binonggahan talaga ang outfit at makeup.

So, since she needs to change into a more casual outfit, for sure kasama na roon ang pagbabawas ng makeup. She painstakingly made her face look flawless, mahihiya ang mga filter at photo editor sa ganda ng pagkaka-contour ng mukha niya. But sadly, she has to remove the false eyelashes. Kailangang bawasan ang mascara, foundation, at blush on. Kailangan din niyang magpalit ng kulay ng lipstick. 'Yong medyo tame ang kulay.

Who knew that dating Felix would be like this?

Pero kahit na. Para sa unang date nila. She's going to do everything o make him like her enough to ask her for a second date. Sana lang, hindi ito ma-disappoint sa kanya o ma-disappoint siya rito. Because if that happens, what then?

--

After more than 30 minutes, she went back to the living room and found him checking out the display of paintings on the wall. Puro pagkain iyon. Kaya madalas na magutom ang mga bumibisita sa kanya.

He turned around when he heard her foosteps. Ngumiti ito sa kanya.

"Better?"

Nag-thumbs up ito.

"Sa'n ba tayo pupunta?"

"Perya."

"Perya?!"

Ngumisi si Felix. "What? You don't want to go?"

Kumunot ang noo niya. Kinagat ang labi. Of course, she'll go! Anywhere is fine as long as magdi-date sila!

"Gusto."

"Then, let's go."

After making sure that the house was locked, Felix opened the car's door for her. She slid inside the passenger's seat and fastened her seatbelt, but Felix remained by the door, leaning towards her.

She met his gaze. "What?"

"Just so you know, may hidden agenda ang date na 'to."

"Huh?"

"By the end of this date, you will give me the cupcake recipe," he said with a smirk before closing the door.

She didn't know why she didn't find it offensive.

--

True to his word, sa perya nga siya dinala ni Felix. It turns out that he's never been on one. Unang beses daw nitong pupunta sa ganoon. Iba kasi ang amusement parks sa perya. Ang perya, parang cheaper and more localized version ng amusement parks. He told her that he thought of bringing her there on their first date because she seems like the type who wouldn't complain.

Hindi raw kasi siya mukhang maarte. Which is true. Sabi rin nina Fresia, magaling daw syang makisama. Will that be enough to keep him interested?

Tuso rin si Bullet, e. Dahil ayaw niyang ibigay dito ang recipe niya, he drew the Felix card just to get what he wants. But no matter how much she likes Felix, she won't give up the recipe. Kanya lang 'yon, e. Sya lang ang gumagawa noon. Sya lang din ang may alam.

Pagka-park ng kotse, una nilang pinuntahan ang mga food stall na nasa isang parte ng perya. Casual nga. Karamihan, puro turo-turo.

Mabusog kaya siya sa ganoon?

"Ano'ng gusto mong kainin?" Humingi si Felix ng dalawang plastic na baso at barbeque sticks sa nagtitinda. He gave her one of each and said, "Kuha ka lang. Tres daw isa."

Tumango siya at kumuha ng kung anu-anong nakalagay sa strainer. Saka niya binuhusan ng sweet sauce at suka ang baso.

Dahil gutom siya, naka-dalawang baso siya ng kung anu-ano. Pero ganoon din naman si Felix kaya hindi sya nahiya. After that, they tried the burgers on the next stall. Pagkatapos makakain ng burgers, medyo kumalma na ang tiyan niya.

"Rides tayo, gusto mo?" tanong nito nang makita ang Ferris Wheel na kaunti lang yata ang taas sa isang two-storey house.

"Sige."

Nakipila sila sa ilan pang gusto ring sumakay.

"Seryoso ba 'yong sinabi mo kanina?" tanong niya.

"Alin do'n?"

"'Yong sa recipe."

"Ah..." Felix chuckled. "Yeah."

"Bakit sinabi mo agad? Pa'no kung hindi ko ibigay?"

"Ibibigay mo rin 'yon," sagot nito, parang paniwalang-paniwala sa sarili.

"Paano nga kung hindi?"

He looked at her intently and said, "Then it's not my problem anymore, Mona. Hindi naman ako ang may kailangan no'n." Saka ito tumawa.

"Dinate mo lang talaga ako para do'n?"

Nagkibit-balikat ito. "You can call this a date or just two people hanging out and wanting to have fun. Ikaw naman ang bahala do'n."

"Are you always this straightforward?"

"Well, it is what it is, so what's the point of sugarcoating it, right? Matatanda naman na tayo."

"Pa'no pala kung hindi ako pumayag makipag-d—I mean, lumabas kasama ka?"

Felix smirked. Nagpamulsa ito saka sumagot, "Bakit? Tatanggi ka ba kapag crush mo ang nagyaya?"

Napatigil siya sa pag-usad at napanganga. "Alam mo?!"

Tumawa ito nang malakas. Pinagtinginan tuloy sila ng mga tao.

"Yeah. They told me."

They?! She knew Fresia wouldn't dare. Brandi, hindi niya sure. Si Aika, takot kay Felix kaya sure syang hindi rin 'yon ang magsasabi. So that leaves Mickey and Bullet. Balatan kaya niya nang buhay 'yong dalawa?

"Don't worry about it."

"Okay lang sa 'yo?"

"Sanay na 'ko."

"Yabang!"

Humalakhak ito at pinagtinginan na naman sila. Papansin talaga ang tawa nito kahit kailan.

--

They rode the Ferris wheel and it was surprisingly comfortable beside him. Walang ka-ere-ere si Felix. Madaldal. Malakas tumawa. Nawala agad 'yong intimidation na nararamdaman niya dati. He's quite reachable.

He's also very honest. Kapag kaya nitong sagutin, sinasagot nito nang diretso. Walang mabulaklak na pambobola. But even he has things he couldn't say and questions he's not ready to answer yet.

"Kayo pa rin ba ng girlfriend mo?" tanong niya. "Nakwento kasi nila na on and off kayo. So why not break up with her for good?"

Tumaas ang kilay nito sa tanong niya. Gusto tuloy niyang bawiin. Did she offend him?

"First date pa lang natin, ang dami mo nang tanong."

She bit her lip. "Sorry. You don't have to answer them."

He smiled. "Okay."

And that was the last time that they spoke about it that night.

--

"Bakit nga pala first time mo lang sa perya?" tanong niya habang naglalaro sila. They went to one stall, the one with pellet guns and balloons. Paramihan ng matamaan na lobo.

"Ayaw kasi ni Mama na nagpupunta sa perya. Masyado raw maraming tao."

"You didn't go with Andrea?"

He shook his head. "Ayaw nya rin. Masikip daw. And people smell like..."

He let the last sentence hang, but she knew the next words. Amoy nga namang maasim dahil siksikan. Tumatagaktak na nga rin ang pawis nilang dalawa. Imagine kung 'yong bongga niyang outfit at makeup ang nadala niya sa perya?

"You didn't go with Felix and Bullet?"

"They're not interested."

"E, 'yong mga dating dates mo?"

Umiling itong muli. "I don't think they would have liked it here."

So ako pa lang talaga? gusto niyang itanong. At least, she's his first... na isinama sa perya.

--

Nilibot nila ang buong perya, tinigilan ang lahat ng pwedeng kainan para kumain at lahat ng pwedeng laruan para maglaro. Lahat din ng rides, nasakyan na nila. When they were already too tired to walk and too full to it, Felix decided to call it a night.

Pero dahil medyo maaga pa, inaya muna siya nitong magkape bago umuwi.

"Nag-enjoy ka?" tanong nito. Bago pa siya makasagot, nagsalita itong muli. "Syempre, di ba? Naka-date mo crush mo."

Tumawa ito nang samaan niya ng tingin.

"You're such an airhead. My God!" She rolled her eyes and pretended to be disgusted.

"Pero seryoso nga, nag-enjoy ka?"

"Oo naman."

Sumahod ito. "Then you'll give me the recipe?"

She smiled sweetly and slapped his hand. "Mukha mo."

Ngumisi ito at binawi ang kamay. Saka ito sumandal at bumuntong-hininga.

"Hmm... I didn't think it would be this hard."

It was her turn to raise an eyebrow.

"Gano'n? So porket crush kita, lahat ng gusto mo, susundin ko na?"

He brought his hand to his lips and said, "Hmm..."

"Pinag-isipan pa talaga?!"

Tumawa ito, but then he quickly switched back to his more serious self. "I enjoyed the date."

"Talaga? Baka naman modus mo lang 'yan para makuha 'yong recipe, ha."

"Totoo nga!" depensa nito. "I've never had a date with a woman who's up for literally anything. Hindi ko alam kung ganyan ka lang talaga o nagpapa-impress ka lang sa 'kin."

She made a face. "Okay na, e. Humangin lang ulit."

He sipped his coffee, but the smile remained on his face.

"Labas uli tayo minsan?"

Muntik na siyang mapatayo sa pagkakaupo at magtatalon. Pinakalma niya ang sarili saka nagtanong. "Seryoso 'yan?"

"Oo nga."

Nagkibit-balikat siya. "Okay," she answered as casually as she could. Pero sa loob-loob niya, may cheerleaders na nagtatatalon, their pompoms up in the air.

Hindi na sya hanggang pangarap lang!

--

Sorry kung may typo. Di ko na-check.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #twthhwp