Chapter 7: Date?
Hindi makapaniwala si Mona. Maituturing ba niyang swerte na gwapo si Baste? Na matambok din ang pwet ni Baste? Dapat ba niya iyong ikatuwa? Paano na lang si Felix? Bakit ba kasi kaakit-akit din si Baste? Unlike Felix, he has this air about him. He's very serious. Madamot sa ngiti. Hanggang snarky smirk lang ang kayang ibigay.
Nasaan na 'yong dati niyang kaibigang mahilig ngumiti at tumawa, na kahit nabu-bully ay palagi pa ring masaya?
Her Ninang Sally was right. Baste has changed so much. He used to hate his name. He said that it was a cat's name. Mas bagay raw dito 'yong Baste. Tunog-kalog. That was then. Now, he prefers his other name.
Hindi ito nagtagal sa shop. Dumaan lang daw kasi iyon dahil napakiusapan ng Tita nito. Pagkaalis nito, saka siya pinutakte ng tanong ng mga empleyado niya.
Siya naman, pinutakte ang ina sa tawag.
"My! Hindi mo naman ako winarningan!" bungad niya sa ina.
"Saan?"
"Si Baste, My! I mean... Sebastian! Jusko! Puberty hit him so hard, so many times! Nakakaloka!"
Tumawa ang ina sa kabilang linya.
"Hot ba, Anak?"
"Hot na hot!" kunsumido niyang sagot.
"E, di mabuti. Kayo na lang ang magpakasal, 'Nak!"
"My, alam mo namang may pinagnanasahan na ako."
Kahit pa attractive din si Baste, mas gusto niya si Felix. Felix has something that Baste doesn't have. Ease. Mabigat ang vibe ni Baste. Parang maraming dinadalang problema. It's hard to be around people like that. Saka medyo attached na rin kasi siya kay Felix dahil ilang beses na niya itong nakasama. Marami na rin itong pictures sa phone niya na pwede niyang tingnan araw-araw.
Hindi madamot sa ngiti si Felix. He's open to the world. He'd laugh whenever he wants to.
"Matagal pa bago ka mag-kwarenta, Anak. Sigurado ka bang maikakasal ka na bago ka mag-trenta y singko?"
"Wala kang tiwala sa 'kin, My?"
"Wala na, Anak," walang kaabog-abog nitong sagot. "Ikaw ta ay. Ilang beses mo na kaming binigo."
Sumimangot siya. Nag-iisa kasi siyang anak na babae kaya sabik na sabik na ang mga magulang niyang makasal siya. Her mother even saved her old wedding dress for her. Iyon nga sana ang gusto niyang isuot sa kasal niya. Ipaaayos na lang niya kay Fresia para magmukhang modern.
Her three brothers are already married. Siya na lang ang wala man lang productive na love life. It's no wonder na kung kani-kanino siya inirireto ng pamilya niya. Naunahan pa kasi siya ng bunso ng pamilyang si Manolito na maikasal.
--
A few days after Baste's visit, si Fresia naman ang dumalaw sa shop, namumroblema. Her poor friend was so confused about her feelings and went to her for clarity. Siya talaga ang puntahan ng mga problemadong tao. Marami rin naman siyang problema, pero mas namumroblema pa ang mga ito sa kanya.
When Fresia came to her, she helped her friends sort out her feelings for Bullet. Kung ano ba ang kahulugan ng pag-aalala nito sa lalaki. Para kasi sa kanya, may feelings na si Fresia kay Bullet. It's not just worry. It's something else. At ang kaibigan niya, hindi man lang nahalata ang pagbabago ng feelings nito para sa lalaki.
Nakipagtalo pa siya rito. Alam kasi nila parehong problemado si Bullet dahil sa apartment lang ni Fresia ito nakakatulog nang maayos. Si Fresia naman, nakukonsensya dahil doon, pero ayaw pa rin nitong makipagkita sa babae.
She somehow convinced her friend to let go of her pride and just make nice with Bullet. Nangako pa siyang bibigyan ito ng special cupcakes na tuwing Valentine's lang nya normally ginagawa.
Ang bait-bait nya kaya hindi niya alam kung bakit lumampas na ng kalendaryo ang edad niya ay wala pa siyang asawa. Siguro hindi in-demand ang mga taong mababait?
--
'Yong pag-push niya sa kaibigan, nakitaan kaagad niya ng resulta. Nagulat na lamang siya isang araw nang magbalita ito. They're apparently sleeping together but not having sex. How two physically perfect, hot-blooded adults managed to do that, she doesn't know.
Since Fresia's problem looks like it's already been resolved, pinagtuunan naman niya ng pansin ang sariling problema. Ang Ninang Sally at mommy niya kasi, kinukulit siyang makipag-date na kay Baste since nag-meet naman na raw ulit sila. Pero hindi siya maka-oo sa dalawa.
Paano na lang kung magustuhan niya agad si Baste? Paano na lang si Felix?
She wants to try dating Felix first, to see where it will go. To see if there's a possibility for them. Kasi dalawa lang naman ang pwedeng patunguhan noon: either lalo niya itong magustuhan o mawalan siya ng interes.
But until that curiosity is satisfied, hindi siya makamu-move on.
She just wants to give it a try first. Normal kasi iyon sa kanya. Kapag may tao siyang gusto pero hindi pa niya masyadong kilala, gusto niya itong kilalanin para malaman kung bakit niya ito nagustuhan, kung malalim lang ba ang nararamdaman niya at kung may patutunguhan ba ang nararamdaman niyang iyon.
Nang ma-open naman iyon nang mag-usap sila ni Fresia pagkatapos ng weekend trip ng dalawa sa Pampanga, medyo nag-alangan siya nang nagpresinta itong maging tulay sa kanila ni Felix.
Fresia plans on taking the guy with them to Pampanga. Pinababalik daw kasi ito ng lola ni Bullet. Siguro nahihiya itong bumalik nang mag-isa kaya isasama sila. She'll be seeing Felix by then, pero wala naman silang mapag-uusapang iba kundi pagkain kung sakali. And their interaction will be limited since they'll be around friends.
So... Fresia had a few brilliant ideas.
"I have his number. Bigay ko sa 'yo. Ask him out," sabi ng kaibigan.
"Ano naman ang idadahilan ko?"
"Ipa-renovate mo 'yong bahay mo!" Fresia answered.
She rolled her eyes. Ang ganda-ganda ng ayos ng bahay niya. Well-maintained pa! It doesn't need to be renovated. "Magagastusan pa 'ko."
"Then ask him out on a date. Like a normal person."
Napakagat-labi siya. Kung kaharap lang niya ang kaibigan, napanggigilan na niya ang braso nito. But they're conversing on the phone so that's a bit hard to do.
"Pa'no kung hindi sya pumayag?"
"Friendly date lang naman. Malay mo magustuhan nya tapos sya naman ang mag-aya sa 'yo next time."
Nakakahiya. Iyon ang una niyang naisip. Nakakahiya dahil baka direkta itong umayaw. Masasaktan siya. Nakakahiya rin naman kung pumayag ito tapos biglang ma-turn off sa kanya. So many things could go wrong.
"Nahihiya akong mag-aya."
"If you want, I can ask Bullet to ask Felix to ask you," Fresia offered.
Napasapo siya. "Mas nakakahiya naman 'yon."
"Mon, you're an adult and you like him. Hindi na uso ngayon 'yong paghihintay sa lalaki. Malay mo matuwa sya kasi nagti-take ka ng initiative."
"Malay mo ma-turn off sya kasi ako ang naunang mag-aya," she countered.
"E, di fine. Maghintay ka kung gusto mo."
"Kung kasingganda nyo lang ako, ego boost pa sa lalaki kung ako ang mag-aaya."
It's hard to date a hot guy when she looks the way she does. Pwedeng mapagkamalang ate o cougar o tsimay.
"If I have your body, I'd still feel beautiful."
Ngumiti siya sa sinabi nito. Her friends always try to make her feel better about herself. Sadly, it doesn't always work. Iba kasi ang nakikita niya sa salamin sa nakikita ng mga ito. At hindi niya alam kung sino sa kanila ang bulag: kung siya ba o sila.
"Palit na lang tayo ng katawan."
"Kung pwede nga lang, e."
"Sana kasi pwedeng ipamigay ang taba. Bibigyan ko si Brandi ng marami."
"Itatakwil ka no'n, sige ka. Alam mo namang takot na takot 'yong tumaba."
"Kaya nga sa kanya ko gustong-gustong ibigay ang fats ko—" Nahinto siya sa pagsasalita nang may marinig na ibang boses sa kabilang linya.
"Sige. Thanks," sabi nito sa empleyado. "Mon—"
"Yeah, I heard. Sige na. Don't keep him waiting."
"I'll talk to you later, okay? Bye!"
After the call, she went back to what she was doing. Another wedding cake. Another reminder that someone out there is already getting married while she gets another day older.
Saklap! So what's it gonna be: swallow the pride and ask Felix out or just agree to dating Baste? she asked herself. Either way, things could go wrong.
--
Alas nwebe na nang umuwi si Mona. Pinagod niya ang sarili sa trabaho para pagkauwi ng bahay, matutulog na lang siya. She was a little down because of overthinking kaya nawalan na rin siya ng ganang kumain. Maybe it's for the better. Maybe she'll shed a few fats.
She changed into her pajamas and watched TV. Pinigilan niya ang sariling manuod ng programs about food para hindi siya magutom. She ended up watching a really cheesy serye. Medyo nabi-bitter na siya nang biglang tumunog ang phone niya.
It's a call from an unknown number.
"Yes, hello? Who's this?" she asked the caller.
"Mona?"
Para siyang na-taser sa lakas ng kilabot na gumapang mula sa kamay na nakahawak sa phone hanggang sa batok niya. Lumunok siya at tumayo.
"Yes?"
"Hi! It's Felix!"
I know, Beh. Boses mo pa lang, pinagnanasahan ko na.
"H-Hello. Napatawag ka?"
"Bullet gave me your number."
Naupo siya nang makaramdam ng panlalambot ng tuhod. Kumuha siya ng throw pillow at niyakap iyon. 'Yon ba ang bayad ni Bullet sa special cupcakes na ipinadala niya rito? Should she send him another box?
"Uhm... kinuha mo 'yong number ko?"
Huwag munang mag-assume, paalala niya sa sarili.
Baka naman kasi magpapaluto lang si Felix since hindi naman ito marunong magluto. Or baka naman nakwento lang ni Bullet 'yong tungkol sa cupcakes at gusto nitong humingi?
Pero kahit na. He still has her number and he called!
"Uh... sort of? Nakwento nya kasi 'yong tungkol sa cupcakes na binigay mo."
Napa-face palm siya. Sabi na nga ba.
"I was about to ask for your number when he gave it to me."
"Oh. Gusto mo rin?"
"Yes," mabilis nitong sagot.
"Okay. Pero hindi libre 'yon, ha."
Humalaklak ito. Nakiliti naman ang tenga niya.
"For Valentine's lang kasi talaga dapat 'yon, e. Hindi ko sya ginagawa kapag hindi Feb. Special case 'yong kay Bullet," paliwanag niya. Felix can bribe her with anything, though. Madali lang naman siyang kausap.
"Good to know. But that's not why I called."
Nabuhayan siya ng pag-asa.
"Talaga? E, bakit ka napatawag?"
Narinig niya itong tumikhim.
"Uh... are you free tomorrow night?"
Nag-isip siya. Marami-rami yata siyang gagawin kinabukasan.
"Bakit?"
"Baka lang gusto mong lumabas?"
"Lumabas saan?"
Felix chuckled. Kinilabutan na naman siya.
"Kahit saan."
"Wait... are you... asking me out on a date?"
Safe na bang mag-assume? gusto niyang itanong.
Tumawa si Felix.
"Yes, Mona. I'm asking you out."
Na-blangko siya.
"Free ka ba bukas?" pag-uulit nito.
"Y-Yes?"
"Great! Where and when can I pick you up?"
"Uh... sa bahay ko? Around seven?"
"All right."
"Sure ka ba?" tanong niya.
"Yes. Ikaw, sure ka?" Tumawa itong muli. "You ask weird questions."
Napanganga siya. She felt her pulse quicken. Shit! Magwawala ako kung panaginip lang 'to!
"Did you really mean to call me? Baka naman ibang Mona 'yong gusto mong i-date?"
"Mona, you can say no if you don't feel like going. Hindi naman kita pinipilit."
"It's not that!" agad niyang sabi. "Naninigurado lang ako. Kasi baka nagkamali ka lang."
"Nope."
"Ah..."
"So... tuloy ba bukas?"
She nodded her head vigorously. "Yeah!"
Felix sure likes to laugh. Ang lakas ng tawa nito kahit wala naman siyang nakakatawang sinabi. "Okay. I'll see you tomorrow!"
After that, he ended the call. At siya naman, napahiga sa sofa at natulala. What just happened?!
--
Sorry sa typos at errors. Nagmamadali lang!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro