Chapter 6: Getting To Know Him
Ayos na ang gamit ng magbabarkada nang dumating sina Bullet at Fresia galing sa kasal ni Izzy. They had fun doing cooking tutorials and touring the town all afternoon. Pinakamasaya siguro siya noong nagluluto sila.
Felix thinks she's awesome because she can cook. At lahat ng niluto niya, nagustuhan nito. She could just imagine how pleased he would be if they ended up together. Lalo pa naman siyang ginaganahang magluto kapag ganado ang kumakain. 'Yon nga lang, baka mamulubi sila in the long run dahil mas malakas pa itong kumain kay Fresia.
It's like feeding a blackhole. It takes him a long while to be full.
He will like her family. Sila kasi 'yong tipo ng taong hindi aalis sa hapag hanggang may pagkain.
After the cooking sesh, nagkayayaan naman silang gumala sa kabayanan. Fresia's town was like any other town. Nasa kabisera na halos lahat. Pinakang gitna ang plaza. Katabi noon ang simbahan, isang school, at munisipyo. Nandoon na rin ang terminal ng mga sasakyan.
Everything seems ordinary to her. Si Felix ang manghang-mangha. Palibhasa, born and raised sa QC ito. And he still lives there. Kapitbahay raw nito ang mga kamag-anak, na medyo similar sa kanya. Isang buong kalsada kasi, kabilaang mga bahay, sa kanilang magkakamag-anak.
That's why he was so excited to hike... na kabaliktaran naman niya. She didn't want to leave the comforts of Tita Simone's home. Pero kung magpapaiwan siya, ano naman ang gagawin niyang mag-isa? At paano na lang ang plano niyang pagpapapansin kung sakali?
So she had no choice but to go.
On their way to the camp site, she made sure that she gets to walk beside Felix. She didn't get to talk to him because it was too dark. Naging abala silang lahat sa pagtingin sa daan.
Nang makarating sa patutunguhan, agad na nagtayo ng tent ang mga lalaki kasama si Manong Ed, 'yong tour guide na kinuha ni Fresia. Nang maiayos nila ang mga gamit, gumawa naman sila ng bonfire at sa paligid noon sila nagsiupo. Brandi passed the Off lotion, na muntik na niyang maubos dahil nangangati ang mga binti niya. Ewan ba niya kung bakit siya nag-shorts. Nakita lang niyang naka-shorts si Felix, gumaya na siya. Ngayon tuloy, pinapapapak na siya ng lamok.
Nang may kanya-kanya na silang hawak na beer, kinuha ni Mickey ang gitara at saka iyon itinono.
"Any song request?" tanong nito sa kanila.
"Thinking Out Loud!" agad na sagot ni Aika.
She groaned. "Beh, hindi ka pa umay sa kanta na 'yan?"
"Maganda kaya!" depensa ni Aika.
"Iba na lang! OPM!" hirit naman ni Brandi.
Sumimangot si Aika at humalukipkip. Gustong-gusto kasi nito ang mga kanta ni Ed Sheeran, especially Thinking Out Loud. She once played that song for a day. That song alone... on repeat. Napaka-romantic daw kasi ng kanta.
But the three of them don't like it. Sobra kasing cheesy. She personally prefers funky and groovy music.
Pinagbigyan ni Mickey si Brandi pero habang kumakanta ito, si Felix ang ini-imagine niya. Magaling din kaya itong kumanta? Because that would be really great. Hindi pa kasi siya nakaranas ng harana.
After Mickey, si Manong Ed naman ang nag-gitara. Nabuhay ang dugo niya nang mag-presinta si Felix na kumanta. If he can sing, then he's the one, sa isip niya.
Todo cheer at palakpak siya nang tumikhim si Felix. Mukhang natuwa naman ito sa suporta. She knows that she's being a little too obvious, but who cares?
Pero nag-iba ang ihip ng hangin nang kumanta na si Felix. Unang linya pa lang ng kanta, gusto na niyang lumubog sa kahihiyan. Hiyang-hiya siya para rito! He sounded worse than a dying cat with damaged vocal chords! And what's even more horrible is that his voice was so loud! At feel na feel pa talaga nito ang pagkanta! Tone-deaf siguro.
Lord, is this a sign?!
Nailing siya. No. I can do without a nice voice. Okay lang. Pwede naman syang mag-hire ng manghaharana sa 'kin kung talaga, dahilan niya sa sarili.
When Felix finished singing, he looked at her with an expectant face. Gusto yatang i-compliment niya. Isang pilit na pilit na ngiti lang ang naibigay niya rito.
--
That's not all that she learned about Felix that night. Nalaman din niyang mahilig ito sa gore. Habang nagpapalitan sila ng horror stories, nanginginang ang mga mata nito. He's had his fair share of stories pero karamihan, pamilyar sa kanila. Galing kasi sa mga movie.
He described all the gory details perfectly that had them flinching all night.
Hindi siya nakatulog nang maayos dahil doon. But it turned out to be a good thing because they had to witness something incredible that night. And the next morning, they also get to witness the aftermath of Fresia's one crazy impulse.
"Are you okay? You look pale," puna niya sa kaibigan. Nakaupo siya sa isang tabi habang pinanunuod magsaing si Felix nang lumapit ito sa kanya.
"I'm okay. Hindi lang nakatulog nang maayos."
"Uy... bakit?"
"Kasi nag-ingay kayo agad. Patulog pa lang ako kanina."
"Umaga na kasi, Beh," sabi niya sabay higop ng kape. "Ang umaga, para sa paggising, hindi para sa pagtulog. Kung mag-date naman kasi kayo, madaling-araw na."
Pinandilatan siya nito. "D-Did you—"
"See what you did?" Tumango siya. "We saw it."
She patted Fresia's back.
Napasapo ito. "I'm dead," naiiling nitong sabi.
Tumawa siya. "Ano ka ba! Okay lang 'yon, 'no. Mukhang nag-enjoy din naman sya sa kiss nyo."
Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi ng kaibigan nang sumulyap ito kay Bullet at nakitang nakatingin dito ang lalaki. Kung tama ang hinala niya, attracted din si Bullet kay Fresia. It can't be helped. Fresia's really attractive. Maganda at sexy kasi ito. Minus the temperament, her family, and the black hole in her stomach, she's perfect.
"It was nothing, Mona."
"Okay lang namang ma-attract ka sa kanya. Single ka. Single din naman sya. You're both adults."
"Wala nga lang 'yon."
"Sus!" Tinaasan niya ito ng kilay. "Wala lang ba, e tinitingnan ka pa lang, hindi ka na mapakali."
"Because I did something stupid, okay? 'Yon lang. Dahil lang do'n kaya hindi ako mapakali."
She gave her a teasing smile. "Okay. If you say so..."
"Luto na!" nakangiting anunsyo ni Felix. Mukhang proud na proud ito kahit wala naman talaga itong ibang ginawa kundi tumayo sa tabi ng sinaing at bantayan iyon hanggang maluto.
Mabilisan silang nag-agahan. Pagkatapos noon, nagpalit na sila ng damit para lumangoy sa falls. She put on a bathing suit. Navy-blue para hindi halata ang taba. But she covered it up when she saw Brandi wearing a bikini. Magmumukha kasi siyang trying hard kapag nagtabi sila ng kaibigan.
Fresia and Aika seemed to have thought of the same thing. Si Brandi lang kasi ang kumportable sa suot.
The boys just took off their shirts and were already good to go.
Napakapit siya sa braso ni Aika nang makita si Felix na walang suot na shirt. Napalunok siya.
"Nauhaw ako bigla, Beh," bulong niya sa kaibigan.
"Why are you wearing a shirt?" kunot-noong ni Brandi kay Aika.
"What else would I wear?"
Itinuro nito ang suot. "This is called a bikini. This is worn for swimming, okay?"
"Leave her alone, Brandi," singit niya. "Hindi kasi kami kasing confident mong magpakita ng katawan."
Brandi rolled her eyes and walked back to Fresia.
"Thanks, M."
"Wala 'yon. Pero alam mo Aiks, if I have your body, I'd flaunt it. Maganda naman ang katawan mo, e."
"Maganda rin naman ang katawan mo, e."
She made a face. She knew that her friends mean well—except for Brandi, but no amount of compliment could lift her spirit if she doesn't feel the same.
--
Tuwang-tuwa si Mona sa panunuod at patagong pagpi-picture kay Felix. He looked like a water god, a hot kind of god, with all those water dripping down his body. Jusko po! Punong-puno na ng kasalanan ang utak niya.
But the swimming got cut short because of Fresia's outburst. Nagmagaling kasi itong si Bullet at inakyat ang ga-pader na batong nakapalibot sa tubig. Tumalon ito mula sa itaas.
Fresia panicked and got angry. Ayon, nag-walk out ang kaibigan nila. Hindi rin ito kumain ng tanghalian, which was a huge deal because Fresia doesn't usually decline food.
Hanggang sa pag-uwi nila, masamang-masama ang timpla nito. Kaya alam nila, halata nilang magkakaibigan... there's something else going on between the two. Fresia won't be fuming mad at Bullet for what he did if she's not worried about his safety.
--
Nang sumunod na Lunes, balik na naman sa dati ang routine ni Mona. Dahil ilang araw din siyang nawala sa shop, hindi maiwasang maipon ang tanong at concerns niya. Na-stress siya kahit hindi naman kailangan. Pero ganoon talaga siya kapag nawawala nang matagal. Kaya minsan, mas gusto ng mga itong hindi na lang siya bumalik galing sa bakasyon. She's so nitpicky.
Kung wala siyang makikitang mali, hahanap at hahanap siya ng pupunahin.
Dumagdag pa sa hindi kailangang stress niya ang phone call galing sa Ninang Sally niya. Tinatanong nito kung kailan siya available para raw masabihan nito si Baste.
Gusto niyang itanong kung bakit hindi siya kinu-contact ni Baste nang direkta. Wala ba itong phone? Imposible. Doktor ito. Dapat palaging naku-contact. Mahiyain pa rin ba ito? Imposible. He was in the US for more than 10 years. Dapat wala na itong hiya sa katawan by now.
"Are you free this week?" tanong ng Ninang niya.
"Medyo hectic ang sked, 'Nang, e," dahilan niya. But truthfully, she was just iffy with the idea. Naiintindihan naman niyang parang anak na ang turing ng Ninang niya kay Baste. After all, she adopted him when his parents died. Pero sobra naman kasi 'yong sumama pa ang Ninang Sally niya pag-uwi sa Pilipinas.
May separation anxiety kaya si Baste at hindi ito mahiwalay sa tiyahin?
"Gano'n ba? Kahit ilang oras lang, Hija, hindi pwede?"
Napakamot siya ng ulo. Kailangan ba talaga niyang makipagkita sa lalaki? Hindi ba pwedeng kapag 36 na siya at hindi sila nagkatuluyan ni Felix, saka na lang?
"Er... pwede naman po. Kaso nasa trabaho po ako hanggang 8PM. Kaya wala rin akong time mag-prepare."
"Ayos lang, Mona. Papupuntahin ko na lang sya dyan."
"Okay po." Para lang matapos na ang usapan. Alam naman niyang pipilitin siya nang pipilitin hanggang sa pumayag siya.
"Sige, Hija. I'll tell him. He's already in the area anyway."
"Po? Ngayon na?!"
Tumawa ito. "Yes. Ngayon na."
"Hala! Ninang naman! Next time, please give me at least two days to prepare! Kaloka!"
Lalong lumakas ang pagtawa nito. "Silly girl! Oh, how I missed you!"
Napangiti siya. "I missed you, too, 'Nang. And all the gifts you didn't give since I was ten," she joked.
"Don't worry, Hija. Si Baste na ang bahalang bumawi sa lahat ng utang ko," her Ninang replied. "I have to go now. Be patient with him, okay? He's not used to being around people like you."
"People like me?"
"Fun people," paliwanag nito.
"Oh. All right, 'Nang."
--
Sinabi ni Baste through text kung anong oras ito pupunta sa shop. Her mother must have told him where to find her. So, an hour before their dreaded meeting, nag-ayos na siya.
Five minutes before his arrival, she's already behind the cash register. Iyon kasi ang unang makikita pagkapasok ng pintuan ng shop. She didn't know where else to wait.
Habang naghihintay, pinilit niyang alalahanin kung ano ang hitsura ni Baste noong mga bata pa sila. She remembered his chubby face and big pot belly. But the details came to her in a blur. She couldn't picture him as a grown man. Sa tagal na kasi ng panahon, nakalimutan na rin niyang makipag-communicate dito.
Recently, she tried to find his Facebook account. He doesn't have one. Ang Ninang Sally naman niya, bihirang mag-post ng picture na kasama ito. It's like Baste's hiding from the world.... which could only mean one thing. Na ipinagdarasal niyang huwag sanang magkatotoo.
She was in deep thought when the door opened. Halos sabay-sabay sila ng mga kasama niyang napahigit ng hininga nang pumasok ang isang matangkad na lalaki. Nagpalinga-linga ito, tini-check ang mga naka-display na pagkain.
Tapos ay tumingin ito sa kanya. Una sa kanya dahil siguro sa red lipstick niya. Masyadong agaw-eksena. God, he's gorgeous! Prominente ang panga, medyo makapal ang kilay, at matangos ang ilong. His eyes looked intense, na para bang sinisilip ang kaluluwa ng tinitingnan.
Tumuro ito sa kanya. Kumunot ang noo.
"Mona?"
Nalaglag ang panga niya. Don't tell me—
"Baste?!"
Tumaas nang bahagya ang sulok ng mga labi nito.
"It's Sebastian now." He held up his hand and added, "It's nice to finally meet you... again."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro