Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Long Weekend

Ilang araw matapos ang pagbisita nila sa apartment ni Fresia, nalaman nina Mona na may insidenteng nangyari. Pumunta raw si Richard sa apartment ni Fresia isang umaga. It's probably because he was asked by her parents. Ganoon naman kasi madalas. Kaya rin napipilitang makipagbalikan si Fresia kay Richard, mahilig kasing makialam ang parents nito.

Nadatnan ni Richard si Bullet sa apartment and they had a misunderstanding... which the latter didn't clear up. And then, Fresia learned from her aunt that Richard will be going to the wedding with someone else. Fresia had to go as well, pero wala itong date. Supposedly, si Richard ang kasama nito. Kaso, hindi nga nagkaayos ang dalawa.

Aika had this brilliant idea for Fresia to ask Bullet to go with her. Syempre, sumang-ayon sila ni Brandi. Pero nang pakiusapan sila ni Fresia na sumama rin, they had to decline. They already met their friend's parents. To say that they're horrible is a huge understatement.

Fresia's parents have this condescending air about them, which automatically makes everyone around them feel inferior, lalo na kung hindi doktor ang mga ito. Nagkataon naman na wala ni isa sa barkada nila ang doktor o abogado.

Fresia begged them to go. She even tried to bribe them. Ipakikilala raw sila nito sa mga pinsan nitong lalaki. Wrong move. Ayaw nga kasi nilang mapabilang sa angkan nito.

"Mapapasama mo lang ako kung sasama si Felix," sabi niya sa kaibigan.

She knew that Felix was already fed up with Fresia's complaints. Baka hindi ito sumama. So that means na hindi siya mapipilit ng kaibigan. On the other hand, kung pumayag ito... e di mabuti. Hindi lang siya makakasilay rito. Makakasama pa niya ito ng tatlong araw.

That is, if Felix would say yes.

--

Nagpaalam naman si Mona sa mga empleyado para just in case na matuloy, may aasahan na siyang gagawa ng mga maiiwanan niyang trabaho. Si Tatay Ben ang mamamahala sa ilang araw na mawawala siya. The old man was actually goading her to go. Bihira lang kasi siyang magbakasyon. At dahil wala rin syang love life, halos sa shop na siya tumira.

The day before their trip, her mother called her again. Akala niya ay mangungulit na naman ito. 'Yon pala, may dala itong balita.

"Anak, umuwi raw si Baste galing Amerika. Makipagkita ka, ha? Sasabihin ko kay Mareng Sally."

Nangunot ang noo niya. "Umuwi ba sya for good o magbabakasyon lang?"

"Bakasyon laang yata. Hindi pa raw sigurado."

"Nakikipagkita sa 'kin, My? Baka naman may girlfriend na 'yan?"

"Wala pa, 'Nak. Kaya nga kikitain mo. Para ikaw ang maging girlfriend."

Napabuntong-hininga siya.

"Saka kinukumusta ka rin ni Baste," pagpapatuloy ng ina.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Maraming pwedeng rason kung bakit single pa rin si Baste. Pero hindi niya alam kung ano ang mga rason na kaya niyang palampasin at kung alin ang hindi. She didn't want to taint the beautiful memories she had with him when they were kids.

And besides, there's no need to rush. She still has less than three years bago 'yong deadline niya. Marami pang pwedeng mangyari.

"My, may plano kasi kami nina Fresia this weekend. Hindi ko pa lang sure kung tuloy." ...si Felix. Si Felix lang naman kasi ang kundisyon niya. He will determine if she will go or not.

"O, sige. Pero kung hindi kayo matutuloy, sabihan mo ako kaagad, ha. Para masabihan ko rin sina Mareng Sally."

"Agad-agad talaga, My?"

"Ganay-on talaga, Anak. Hindi ka hihintayin ng edad mo."

"Aray naman!"

Humalakhak ang ina niya. "O, sya, anak. Papunta pa akong niyugan. Walang signal doon."

"Okay, My. Pakikumusta na lang ako sa kanilang lahat."

After the call with her mom, si Fresia naman ang tinawagan niya para itanong kung napilit ba nito si Felix na sumama. She got excited when her friend told her yes.

"Sure ka, Beh?!"

"Sure nga."

"Pa'no mo napapayag?!"

Fresia let out a laugh. "Syempre, magaling ako. So, pa'no ba 'yan? G ka na ha."

"Sure ka talaga?"

"Oo nga. Kita-kita tayo bukas sa apartment. Kotse ni Bullet 'yong gagamitin natin. Oh, and bring swimsuits and hiking gears, okay?"

"You know I don't hike. Saka hindi ako kumportableng mag-swimsuit."

"Nando'n si Felix kaya dapat magpa-impress ka. Show him your curves!"

Napangiwi siya. "As if he'd be impressed."

"Haynako. Alam mo, hindi naman 'yang katawan mo ang problema e. 'Yang mind set mo ang kailangang baguhin. If you don't feel confident in yourself, natural lang na hindi mo mapi-feel na sexy ka!"

Bumuntong-hininga siya. Fresia's right, pero mahirap kasing bumangon na lang bigla isang umaga na limot mo na ang lahat ng problema mo sa katawan. It doesn't work like that.

"Huwag na lang, Beh. Baka malait lang ako ni Brandi."

Fresia tsk-ed. "Bahala ka. Mukha pa namang hindi ulit okay si Felix at 'yong girlfriend nya. Chance mo na sana."

"Sus. Magkakabalikan din naman sila."

"Not if you'd do something while they're on a break."

--

Friday afternoon. Inubos ni Mona sa paghahabilin ang hapon niya. Nang halos ipagtulakan na siya ni Tatay Ben palabas ng shop ay wala na siyang nagawa kundi ang pumunta sa apartment ni Fresia. And she could not believe her eyes! Nandoon nga si Felix!

"He's actually here!" Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ng kaibigan. Naka-casual getup lang si Felix pero talagang malakas ang dating nito.

"Sabi ko naman sa 'yo, di ba? Wala ka kasing tiwala sa 'kin, e." Inilapit . "Do'n kayo sa pangalawang upuan. I already told Brandi and Aika where to sit."

Sinunod niya ang bilin ni Fresia. Doon siya naupo sa pangalawa. Umuna naman sina Brandi, Aika, at Mickey sa likuran. Si Felix, naupo sa tabi niya.

Ngumiti ito sa kanya pagkapasok. Her hello got stuck in her throat. Hindi na niya nailabas. Bigla kasi siyang tinamaan ng hiya. So habang may sariling mundo si Aika sa likuran at magkakausap naman sina Brandi at Mickey at Bullet at Fresia, siya naman ay nakatitig lang sa kawalan. She couldn't stare at Felix. Maglalaway siya. Kaya nakinig na lamang siya sa usapan ng mga kasama, particularly Bullet and Fresia's conversation.

"Kapag tinanong ka nila kung ano'ng trabaho mo, just lie and tell them that you're a doctor," payo ni Fresia sa lalaki.

"Why?" tanong naman ni Bullet

"Because they like doctors," sagot ng kaibigan niya.

Fresia's father is a doctor. Abogada naman ang mommy nito. Halos lahat ng kamag-anak nito, kasama na ang namayapa nitong kapatid at ang ex nitong si Richard, mga doktor din.

"No," Bullet told Fresia.

"Fine, then pretend to be a lawyer instead."

"They like lawyers as well?"

When Fresia nodded, Bullet said, "Then no."

Napangisi siya. Malakas ang paninindigan ng lalaki.

"Please? Just for one night."

"What if they liked me and wanted to keep in touch? E, di magsisinungaling ako palagi?"

"Ako na ang bahala pagkatapos ng wedding. If they still want to keep in touch with you after it, then I'd say that I already broke up with you."

"They won't believe you. Why would you want to break up with me?"

Her internal became louder. Malakas talaga ang bilib sa sarili ni Bullet.

"E, di sasabihin ko na ikaw ang nakipag-break."

"Then won't that make you kind of pathetic?"

"Maybe you'll need to keep the ruse a little longer than one night," she interjected.

Lumingon sa kanya si Fresia.

"Maybe for forever," nakangisi niyang dagdag.

"Are you subjecting me to eternal misery?" natatawang tanong ni Bullet.

"Maka-eternal misery ka naman!"

"Oo nga!" pagsang-ayon niya. "Fresia's not that bad! Sure, she can't cook, she doesn't know how to take care of someone other than herself, she has a bad temper, she hates her whole clan, she doesn't like pets, she's heartless sometimes, but... yeah, you're probably right."

"Mona!"

Tinawanan niya ang kaibigan. "Pasensya ka na, Beh. Masama kasing i-oversell ka, e. Baka tumaas ang expectations nitong si Bullet. Kapag na-disappoint 'yan, baka ako pa ang masisi!"

"Don't worry, Mona. My expectations, at this time, are already at their lowest," nakangising sabi ni Bullet.

Pinalo ni Fresia nang malakas sa braso ng lalaki. "That was mean!"

"No. That sounds about right," natatawa niyang dagdag.

--

After a few hours, nakarating din sila sa probinsya ni Fresia. Since bihira lang umuwi ang Tita Simone nito, walang stock ng pagkain sa bahay ng matanda. After having dinner at a steakhouse, namili na rin sila ng groceries.

Mickey, being a bar owner, was used to having drinks every night. Bumili ito ng mga alak, na napagkasunduan naman nilang inumin. Gwapo rin ito, pero payat. Siguro konting work out pa, papasa na ito sa taste niya. And he should cut that hair. Hindi niya type ang haba ng buhok nito.

Totoy na totoy kasi ang hitsura ni Mickey para sa kanya. Without his facial hair, parang nakababatang kapatid lang nya ito. Mas bet niya 'yong may manlier physique na kagaya ng kina Bullet o Felix. Ang kisig kasi ng datingan. Kahit ano'ng gawin ng dalawa, ang gwapo ng dating sa kanya.

Felix, she found out, becomes really loud when a little drunk. Lumalaki lalo ang boses nito. Pumupungay rin ang mga mata. Mas gumagwapo.

Ito ang pinakaunang nalasing sa mga lalaki. Sa kanila namang mga babae, si Fresia. It's because Bullet forces her to drink every time na magtatagay ito. Hindi kasi nito alam na may nangyayaring kakaiba kay Fresia kapag nalalasing ito.

Kaya nga hindi siya masyadong uminom. Para kung sakaling may mangyari man, maaasikaso niya ang kaibigan. Wala naman kasi siyang aasahan kay Brandi.

At nang nangyari na nga ang kinatatakutan niya, agad na nakapagtago si Brandi sa itaas. Ang hindi niya inaasahan, pati si Felix, nagtago rin! Takot din palang maglinis ang walanghiya!

Sina Aika at Mickey ang naiwan para tumulong. While she's cleaning Fresia up, 'yong dalawa naman ang naglinis ng sinukahan ng kaibigan nila.

--

To forget about what happened last night, nagluto na lamang siya ng masarap na agahan. Bullet helped because he's the only one who can. Mukhang hanggang tagakain lang 'yong tatlo. Si Fresia naman, tulog pa.

She made baked potatoes with cheese and bacon. Habang nagpi-prepare siya ng pagkain, nilapitan siya ni Felix, nagtatanong tungkol sa ibi-bake niya. Bullet gave her a knowing smile.

"Okay lang naman sa 'yo ang potatoes?" nahihiya niyang tanong kay Felix. Baka naman kasi todo effort siya tapos ayaw pala nito ng inihahanda niya.

"Yeah. I'd eat anything as long as it's edible," nakangisi nitong sagot.

Hindi pihikan sa pagkain, check!

"So wala kang favorite food? Kasi kinakain mo lahat e."

Tumawa ito. Nang malakas. Medyo napaurong siya sa lakas.

"Meron naman. Nagluluto ka ng paella?"

"Oo naman! Masarap ang paella ko!" pagmamayabang niya. That sounded like something else. Napa-mental facepalm siya.

"Matakaw 'yan sa paella," singit ni Bullet. "Actually, matakaw lang talaga 'yan. Period. Kaya luging-lugi ang mga buffet dyan."

Malaki ang appetite, check!

"Oh? Para ka palang si Fresia. Sino kaya ang mas matakaw sa inyo?" she thought out loud.

"I-test natin 'yan minsan," sabi nito sa kanya.

"Sa sobrang takaw nyan, minsan ayaw na ni Andrea na mag-dine out. Nakakahiya raw."

Kinunutan niya ng noo si Bullet. Kailangang banggitin ang girlfriend?!

"Yeah," pagsang-ayon ni Felix. "Palibhasa, takot na takot tumaba."

"Baka naman kasi nagmi-maintain lang ng figure. Halos lahat ng babae naman, conscious sa weight at figure nila."

"I know that. Pero mas maganda kasi sa babae 'yong hindi masyadong maarte sa katawan. 'Yon bang kung gustong lumamon, lalamon. Hindi 'yong nagpipigil para lang hindi tumaba."

"So... okay lang sa 'yo ang babaeng mataba?"

"Oo naman!" agad nitong sagot. Mukhang oblivious ito sa hint na nasa tanong niya. "As long as she carries herself well and she's happy, okay na okay sa 'kin 'yon."

Pakiramdam niya'y nagtatalon ang puso niya sa tuwa.

Hindi judgmental, check!

--

Sorry kung may typos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #twthhwp