Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38: Torture

"Only you can fill that space inside

So there's no sense pretending

My heart is not mending"

Iritang-irita si Mona nang marinig ang nagbi-videoke na kapitbahay. Katanghaliang tapat. Kung kailan nagsi-siesta siya. Padabog siyang bumangon at pumunta ng banyo para maghilamos. It's almost 12 noon. Dahil gising na rin naman siya, naisipan na niyang kumain ng tanghalian.

Nangangalahati na siya sa pagbaba sa hagdan nang makasalubong ang ina.

"Maigi naman at gising ka na. Kakain na."

Tumango siya at sinundan ito sa kusina. Simula nang makapag-asawa ang tatlo niyang kapatid, bumukod na ang mga ito ng tirahan. Siya ang madalas na kasabay ng mga magulang sa pagkain. Minsan, niyayaya rin ng mga ito si Baste at ang ninang niya para doon mananghalian o hapunan, kagaya ng araw na 'yon.

Usually, she sits on the chair to her father's left while her mother occupies the seat to his right. But since she's mad at her father for being a jerk last night, she made her ninang Sally sit next to him instead. Doon siya sa tabi ng ina. Tapos katapat niya si Baste.

"Bebe..."

Hindi niya pinansin ang ama. Kumuha lamang siya ng kanin at kare-kare saka tahimik na kumain.

"Anak..."

She gave her father a bland look. Sumimangot ito.

"Galit ka pa rin?"

"Kausapin mo na ang daddy mo, Mona. I'm sure he has his reasons why he did that," her Ninang told her. Saka nito tiningnan nang matalim ang daddy niya. "At sure naman akong pinagsisisihan na ng daddy mo ang ginawa nya."

"Nadala laang ako ng galit, Anak," sabi ng daddy niya. "Paano'y matapos kang saktan ng lalaking iyon ay bigla-bigla na laang siyang susulpot dito para suyuin ka. Ni hindi man laang kami kausapin ng nanay mo."

"Paano kayo kakausapin e pinagtatabuyan nyo?" she replied acidly. "If you gave him the chance to say what he has to say, e di sana tapos na."

Her mother squeezed her hand to calm her down. "Anak..."

Ibinaba niya ang mga kubyertos saka siya tumayo. "Mamaya na lang po ako kakain. Excuse me."

--

Mona went back to her room and stayed there for a while. Nakatingin lamang siya sa bintana, pinakikiramdaman ang tiyan habang nakatulala sa kawalan. Maya-maya ay narinig niya ang paglangitngit ng pintuan. She looked up to see Baste holding a tray of food. Inilapag nito iyon sa bedside table niya.

"Pinadala ng mommy mo. Kumain ka raw."

She nodded and thanked him. But he didn't leave just yet. Umupo ito sa gilid ng kama habang kumakain siya.

"What are you going to do with him?" he asked.

She swallowed her food and drank her water. "I don't know," she replied after.

"Kung gusto nyang magkabalikan kayo, makikipagbalikan ka?"

Umiling siya. "Hindi ko alam. Ayaw ko na pero..."

"Pero gusto mo rin?"

She nodded.

"Then why don't you talk to him?"

Tuluyan na siyang napatigil sa pagkain. "Hindi ko alam," pag-amin niya. "Siguro kasi napi-feel ko na unfair sa 'kin? He came back after a year. Wala sya noong mga panahong hinihintay ko sya."

"But you never gave up hoping."

"My heart didn't allow me to."

Bumuntong-hininga ito. Umakbay sa kanya. "They're going to make him pay for what he did to you, you know that, don't you?"

She nodded again.

"Do you think he'll endure them all for you?"

She didn't know how to answer that. She couldn't speak for Felix. He might leave again if things get too difficult for him. But she hopes that he will endure them all. If he really wants her back. If he's here to stay, he has to.

--

Felix didn't show up for the rest of the day. Hindi niya sigurado kung umuwi na ito o natakot lang mangharana ulit. But she heard that he's staying at one of their employee's house. Nakituloy daw ito at planong magtagal hanggat hindi siya nakakausap, ayon sa mga pinsan niyang tsismosa.

Kinabukasan, umagang-umaga ay hinila siya nina Len patungo sa palayan. Wala naman siyang gagawin doon dahil hindi siya marunong magtanim ng palay. Ang mga magulang niya ang nandoon para magluto ng pananghalian ng mga trabahador at para magsupervise na rin. But her cousins insisted on bringing her, so she had no choice.

Hila-hila siya ng mga ito hanggang makarating sila sa palayan.

Nagulat siya nang makitang nakaupo ang mga magsasaka sa may kubo na pinaglulutuan ng pagkain. Nagpapahinga lamang ang mga ito. Nakakapagtaka dahil ganoong oras, abala dapat sa pagtatanim ang mga magsasaka nila.

"Ano'ng meron? Bakit walang nagtatrabaho?" tanong niya sa pinsan.

Ngiting-ngiti nitong itinuro ang palayan. At doon, may dalawang lalaking nag-aararo. Sina Felix at Baste. Napanganga siya sa nakita.

Baste sometimes helps with the things around the farm. Kapag wala itong seminars o convention na pinupuntahan, tumutulong ito sa mga gawain sa kanila. He told her once that he didn't want to go back to being a neurosurgeon. Anito, kagustuhan lang iyon ng Ninang Sally nito. He's planning on studying a different field of science, but for now, he's toiling the soil with Felix. The latter, she's sure, has no experience with farming. Halata naman sa kilos nito na hindi ito sanay. But he's trying.

Umupo silang magpipinsan sa tabi ng mga trabahador at nakipagkwentuhan habang pinanunuod ang dalawang lalaking mag-araro.

"Ate, alam mo baga kung kanino nakituloy si Kuya Felix?" tanong ni Len sa kanya.

"Kay Ka Andoy, tama?" sagot niya.

Tumango ito. "At alam mo namang may dalagang anak si Ka Andoy?"

Tumaas ang isa nyang kilay. "So? Ano'ng gusto mong palabasin?"

"Wala naman, Ate. Naisip ko laang na baka... alam mo na... baka kapag tumagal ay doon magkagusto si Kuya. Di baga't ganay-on sa mga pocketbooks?"

Sumimangot siya. It's an absurd thought but it could happen. But will Felix's resolve be that vulnerable? Can he fall for anyone else, just like that? Kasi siya, isang taon na pero hindi pa rin siya nakaka-move on. And because he's here, she's assuming that he hasn't moved on as well. Pero paano nga kung 'yon lang palang anak ni Ka Andoy ang magpapabago sa nararamdaman nito?

She didn't want to think about it.

--

Since the two guys took over farming, iba na lamang ang ginawa ng mga trabahador nila. Nevertheless, everybody needs to eat. Mona helped her parents cook lunch. Haggang tanghali ay nagtatanim ng palay sina Felix. Kapapag-araro pa lang kasi ng palayan kaya malawak ang tataniman.

Muntik na niyang mabitiwan ang pagkaing hawak nang magtilian ang mga pinsan niya. Tumingin siya sa dako ng dalawang lalaki at bahagyang napailing. Kaya naman pala.

Baste took off his shirt. Basang-basa na kasi ng pawis. Hindi naman nagpatalo itong isa. Naghubad din.

"Ate!! Pahingi nga ng kanin! Abs pa laang ay ulam na!"

Naiiling niyang tinungo ang hapag para maghanda ng tanghalian. Ang mommy naman niya ay nagtimpla ng juice at nagdala ng isang baso. Her mother went over to Baste and handed him the juice. Nakita niyang tumingin si Felix sa gawi ng dalawa. She could tell that he's already parched. Wala pang pahinga ang dalawa mula kanina. They already sweated a lot so she knew that they're both dehydrated.

Kumuha siya ng baso at nagsalin ng juice.

"Len!" tawag niya sa pinsan. "Ibigay mo nga do'n sa isa."

Len was hesitant. "Ate, baka pagalitan ako nina Tito."

"Ako na ang bahala kina Daddy. Gusto nyo bang mahimatay 'yong tao sa sobrang uhaw?"

Kinuha ni Len ang baso, pero agad itong hinarang ng kuya niya. Ito ang uminom ng juice.

"Bakit mo paiinumin? Hindi naman namin siya pinagtatrabaho. Siya itong nagpumilit," sabi nito pagkatapos.

Wala na siyang nagawa nang kunin ng kapatid niya ang isang pitsel ng juice.

--

Nang maluto na ang mga pagkain at maihain na, tinawag na nila ang mga trabahador para kumain. Baste was called too. Si Felix, umalis na rin ng palayan. Siguro dahil gutom, pagod, at nahihilo na dahil hindi pa ito nakakainom man lang ng tubig.

The food they cooked are for everyone, but Felix must have sensed that he wasn't welcome to join their lunch break. Naupo ito sa ilalim ng punong mangga, sa hindi kalayuan. He was parched, tired, and hungry. Alam niya iyon. Pero hindi siya makalapit dahil nakatingin sa kanya ang mga magulang at kapatid niya, nakabantay.

Pansin niyang namayat ito. Parang hindi kumakain ng tama. He looked older too and a little unkempt.

Hindi siya makakain nang maayos dahil nakatingin ito sa gawi nila. He looked like he was about to pass out. But her family was indignant. Ni mugmog ng kanin ay hindi ng mga ito ibinigay kay Felix. At dahil pasweldo nila ang mga trabahador na nandoon, wala ni isang naglakas ng loob na tumulong.

After resting for 15 minutes, Felix finally went home.

--

It went on for many days. Hindi pa rin niya nakakausap si Felix, pero madalas niya itong makita. He helped out with everything. Kahit ang pag-akyat sa puno ng niyog. She was so terrified that day. Maulan-ulan pa naman at alam niyang hindi ito sanay umakyat ng puno, but he did it anyway. Tumulong ito sa pagkuha ng mga buko.

Katulong na rin ito sa palayan. At para masiguradong kakain ito nang maayos sa tanghalian, ipinagluluto ito ng anak ni Ka Andoy at saka ito dinadalhan ng pagkain sa palayan. Iyon ang ikinaiinis niya. Umaarte kasing parang asawa ang anak ni Ka Andoy.

But for his welfare, she endured and kept her seething jealousy to herself.

Malamig pa rin ang pakikitungo ng mga magulang at kapatid niya kay Felix. At palagi pa rin siyang bantay-sarado ng mga ito. But he would always smile when he sees her, and she had to avert her gaze, all the time. Dahil kahit mahal niya ito, natatakot pa rin siyang sumugal uli.

"Ate, huwag mong katitigan at baka matunaw," saway sa kanya ni Len.

"Bakit nandito ka na naman? Wala kang pasok?"

"Tanghali naman, Ate. Mamaya pa ako babalik sa school," sagot nito. "Makikikain laang ako... saka makikitingin."

She rolled her eyes. Ang mga pinsan niyang hindi niya mahagilap on normal days, palaging nasa palayan tuwing tanghali. Len's a teacher. Imbes na dumiretso sa bahay, sa palayan ito pupunta para doon mananghalian. Ganoon din ang mga pinsan niyang ang iba'y may mga asawa na.

Felix would always be the last to eat. Ito ang palaging nahuhuling magpahinga sa trabaho. Tinatanggap nito ang lahat ng utos ng mga magulang at kapatid niya. Walang reklamong maririnig dito.

Because of his determination, her parents' walls started breaking. Narinig niya ang mga magulang na nag-uusap sa kusina, isang gabi.

"Dy, baka naman pwede mo nang ipakausap si Mona sa kanya," narinig niyang sabi ng ina.

Her father grunted. "Hindi pa."

"Aba'y lahat na laang halos ay ginagawa niya. Nakakaawa na 'yong tao, araw-araw na panao't rito para laang makausap ang ating anak."

"Kulang pa iyon."

"Baka kapapahirap nati'y magsawa na iyon."

"Ay di magsawa kung magsasawa," sagot ng daddy niya. "Ibig sabihin laang ay hindi talaga siya seryoso sa anak natin."

"Ay paano naman si Mona? Alam mo namang mahal na mahal nay-on iyon."

Her father didn't respond. At doon na natapos ang usapan. Tumakbo siya pabalik ng kwarto nang marinig ang paglangitngit ng sahig.

--

The few days stretched to two weeks. It was evident that Felix had no intention of leaving. Hindi niya alam kung may trabaho ba ito o kung may trabaho pang babalikan dahil hindi ito umaalis sa kanila. She wanted to go back to her bakeshop but she didn't want to leave him there, by himself. At saka naisip niya na mas madali siya nitong malalapitan kapag malayo siya sa pamilya.

The push and pull of her conviction is killing her. She wanted to talk to him, but was afraid of the outcome. She wanted to love him again, but was afraid of the pain it would ensue.

Tuwang-tuwa naman ang mga kapatid at ang daddy niya dahil may katulong silang eager to please. Si Felix ang gumagawa ng mabibigat na trabaho para lang makuha ang pabor ng mga kalalakihan sa pamilya nila.

Isang araw, isinama ng mga ito si Felix sa koprahan. Malayo iyon sa kabayanan at medyo liblib. Halos oras-oras siyang nagti-check kung nakabalik na ba ang mga ito.

It took them almost 5 hours to come back. Pasado alas sais na nang makabalik ang mga pumunta sa koprahan. Hindi kasama si Felix.

"Nasa'n si Felix?" tanong niya sa kapatid.

"Nandoon pa. Nagpaiwan. Nag-presintang tatapusin 'yong gawain."

"At bakit tatapusin?" naka-pamay-awang niyang tanong.

Nagkatinginan ang dalawa niyang kuya. "Sabi ni Daddy, kailangan na bukas."

"So, ano, iniwan nyo sya doong mag-isa? Malayo 'yon! Hindi no'n alam ang pabalik!" iritado niyang sabi.

"Sus! Hayaan mo na iyon. May kubo naman doon saka may tira pa kaming pagkain kanina."

"Babalikan naman namin siya bukas."

"Kailan ba kayo titigil sa pagpapahirap nyo sa kanya, ha?"

"Bakit ka nagagalit sa amin?" her brother retorted. "Hindi naman namin siya pinilit na magpaiwan. Siya kaya ang may gusto!"

Gusto niyang sapakin ang mga ito sa sobrang inis. But to avoid causing a scene, she simply headed back inside the house. Nagpalit siya ng damit. Nagsuot ng pantalon at nagdala ng jacket. Kumuha siya ng jacket mula sa aparador ng daddy niya.

May kubo nga doon sa koprahan, pero wala namang kumot man lang. Malamig pa naman ang hangin at nagbabadyang uulan.

Dala ang extrang jacket, patago siyang lumabas ng bahay. Pero nakita siya ni Manolito.

"Ate! Saan ang punta mo?"

"Kay Baste," pagsisinungaling niya.

Itinuro nito ang dala niyang jacket. "Bakit may dala kang ganyan? Saka bakit ka naka-jacket?"

"Bakit ang dami mong tanong? Kinikwenstyon ko ba 'yang pananamit mo?"

Manolito pressed his lips together. "Ate..."

"Basta kung may magtatanong sa 'yo, sabihin mong na kina Baste ako."

She took a step but was immediately blocked. "Ate."

"Kapag sinabi mo kina Daddy, magagalit ako sa 'yo," banta niya. "Hindi ako madalas magalit pero kapag nagalit ako sa 'yo, isang taon kitang hindi kakausapin."

"Ate naman..."

"Mano, tabi," utos niya.

Bumuntong-hininga ito. "Kapag hindi sila naniwala sa akin, bahala ka na."

Tumango siya at saka nilampasan ang kapatid. Above them, the dark sky grumbled.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #twthhwp