Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37: Chasing Hearts

Mona had to profusely apologize to Fresia. Days before her friend's wedding, she had to back out. Hindi man nagpakilala ang tumawag sa kanya, alam niya na si Felix iyon. Ramdam niya. And him calling her and sending her that unusual message meant one thing: he was looking forward to seeing her at the wedding. And that made her not want to go, because unlike him, she doesn't want to see him again. Kahit anong kumbinsi niya sa sariling kaya niya, alam niyang hindi naman talaga.

"It's okay, Mona. I understand," was Fresia's answer when she called. Rinig niya ang disappointment sa boses ng kaibigan at naaawa rin siya kay Bullet dahil baka magalit dito si Fresia dahil sa nangyari, pero ayaw na talaga niya. She'd rather not have their paths cross again. She's still getting over him. Kapag nagkita na naman sila, baka bumalik na naman siya sa umpisa. She needs more time to get him out of her system.

Brandi took her place as the maid-of-honor, and her friend assured her that she's more than happy to be a proxy.

On the day of the wedding, umuwi sila ni Baste sa Quezon. Ayaw niyang magtagal sa syudad. Alam ni Felix kung saan ang bahay niya. Alam din nito kung saan ang bakeshop. Mabuti na 'yong malayo siya.

--

It was almost midnight when she finally decided to sleep. Kahihiga pa lamang niya sa kama nang biglang makarinig ng ingay mula sa labas. Kinuha niya ang unan at ipinangtakip sa tainga. It muffled the noise a little, but not enough.

Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang boses ng ama. Parang nag-aamok ito ng away.

Tumakbo siya pababa. Naabutan niya ang ina sa may pintuan ng sala.

"My, ano'ng nangyayari? Bakit maingay?"

"Anak..." Hinila siya nito palayo ng pintuan. "Umadyo ka na. Sige na."

"Bakit po? Sino'ng kaaway ni Daddy?"

Bihirang-bihirang magalit ang daddy niya at hindi ito eskandaloso, but he's both of those things at the moment. Something agitated him. Hindi naman madaling magalit ang ama niya, kaya nakakapagtakang bigla-bigla na lamang itong nagsisigaw.

Not waiting for her mother's answer, nilampasan niya ito at sumilip sa pintuan. Her blood ran cold at the sight of him, still in his tux and a little bit drunk. He reached out his hand towards her.

"Mona, please, I just want to talk," he pleaded.

"Aba'y talagang hindi ka aalis, ha!" singhal ng daddy niya.

Her father's voice made her vision zoom out. The blurry images around Felix started to take shape. Saka niya nakita si Mickey, na nakatayo sa may sasakyan. Ito yata ang naghatid kay Felix, seeing that he's in no condition to drive. Ang mga kapatid niya, hawak-hawak sa tigkabilang braso ng daddy niya. At ang daddy niyang may hawak na itak.

"Daddy!"

Patakbo niyang nilapitan ang ama. Tumigil naman ito sa pagpupumiglas.

"Bebe! Bakit lumabas ka?!"

Nilapitan niya ang ama at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa itak. "Dy, wala sa lahi natin ang mamamatay-tao. Akin na 'yan."

"Mona," tawag ni Feli. Akmang lalapit ito kaya itinaas na naman ng daddy niya ang hawak nitong itak.

"Dy!" saway niya sa ama. "Ex-baranggay captain ka pa naman! Akin na 'yan!"

"Mona, talk to me, please..."

"Pumasok ka na," mariin namang utos ng daddy niya.

"Opo." Hinila niya ang ama papasok ng bahay. Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Felix dahil alam niyang magagalit lalo ang daddy niya. Nang makapasok sa loob ng bahay, kinuha niya ang itak sa ama at saka ibinigay sa mommy niya para ipatago. Saka siya nagpaalam na lalabas.

"Tano't lalabasin mo 'yong gagong iyon? Magtahan ka sa loob ng bahay!"

"Dy... paaalisin ko lang sya."

Masama ang tinging ipinukol nito sa kanya. "Hindi ka lalabas."

"Daddy, gusto mo bang mag-eskandalo sya rito sa tapat ng bahay natin buong magdamag? Paaalisin ko lang, Dy. Pangako."

He raised his index finger and said. "Isang minuto laang, Anak. Kapag lumampas ka ng isang minuto sa labas, hahabulin ko talaga ng taga 'yong lintik na lalaking iyon!"

Pressed on time, Mona opened the door and ran towards Felix.

--

Kinakausap ito ni Mickey nang lumabas siya. Nakabantay pa rin ang mga kuya niya sa hindi kalayuan at akmang haharangin siya nang sabihin niyang may permiso siya mula sa ama. Hinayaan siya ng mga ito, pero nanatiling nakabantay.

Felix ran towards her upon seeing her and almost got to embrace her, but she held up her hands to stop him in time.

"Can we talk now?" he asked. His smile was expectant.

"Umuwi ka na," pagtataboy niya rito.

"I'm not going anywhere until we've talked."

"We have nothing to talk about."

He advanced. "Bakit wala ka sa kasal kanina? I was hoping I'd see you there, but you didn't come. They told me that I'd find you here kaya pinuntahan kita rito."

He reached out to touch her face so she took a step back. "Go home, Felix. You're drunk."

"Talk to me first, please. Don't you want to know where I've been?"

Of course she wanted to. Napakarami niyang gustong itanong dito. Pero ayaw na niyang ungkatin kung ano man ang nangyari rito sa loob ng ilang buwan. She knew that the answer would hurt her.

She shook her head. "No."

Bahagya itong yumuko, mukhang nasaktan sa sagot niya. "Am I too late?"

She swallowed the lump in her throat. "Yes."

His shoulders fell. It's hard to see him like this. He looked so put together and yet... destroyed. Dejected. Nang humakbang itong muli palapit sa kanya, hindi na siya umiwas. Maybe it was because she wanted him to think that his words and actions don't mean anything to her anymore. Or maybe because she wanted it too.

Nagpakulong siya sa yakap nito. He still smells the same. He still feels the same. She still feels the same. But she stopped herself from hugging him back. Hindi siya gumalaw o nagbigay ng kahit anong reaksyon o emosyon na magpapaisip ditong nararamdaman din niya ang nararamdaman nito.

Sa bandang huli, ito na ang kusang kumalas sa kanya.

She then faced Mickey and asked him to take Felix home. Saka siya naglakad pabalik sa bahay. Nakabukas na ang pintuan noon. Naghihintay ang daddy niya. Nilampasan niya ang ama at saka tahimik na tinungo ang kwarto niya.

There, alone inside with the lights off, she had the freedom to silently cry about what happened.

--

Mona wasn't really expecting Felix to come back. She already cried about it. She thought that they've already reached the end. Akala niya, hanggang doon na lang talaga. Kaya naman laking gulat niya nang makaraan lamang ang ilang araw ay nandoon na naman si Felix.

He wasn't alone this time. He has a couple of guys with him. Nanghaharana ito.

Everybody knew that he couldn't sing. But he looked very determined. Kaya naman kahit alam niyang basag ang boses nito ay dumungaw pa rin siya sa balkonahe. Matagal na niyang gustong maranasang haranahin, kahit isang beses lang. Felix was the only guy who tried to make her simple dream come true.

Malaki ang ngiti nito nang makita siyang nakadungaw. Mukhang lalo pang lumakas ang kumpyansa sa sarili kaya lumakas din ang boses.

"Ano baga iyan! Gab-ing gab-i'y ayaw magpatulog!" reklamo ng isa nilang kapitbahay.

Alas otso pa lang, sa isip niya.

"Saan nanggaling ang palaka? Hindi naman umulan!"

She heard laughter from her neighbors. Felix's voice faltered. Pero bumawi rin ito kaagad at ipinagpatuloy ang pagkanta.

Napansin niyang marami na'ng nakadungaw. He must have attracted everyone's attention with his singing. Kinantiyawan ng mga ito si Felix. Dinuro-duro. She wanted to ask him to stop and just go home, dahil panay lait na ang naririnig niya mula sa mga kapitbahay, pero determinado ito sa panghaharana.

He sang as if they're the only two people in the world.

Pansamantalang nahinto ang performance ni Felix nang may tumama ritong kung ano. Nangunot ang noo niya nang mapansing kanya-kanyang kuha ng kung anu-anong bagay ang mga kapitbahay nila. Saka pinaulanan si Felix at ang mga kasama nito ng itlog, kamatis, at kung anu-ano pang pwedeng ibato sa mga ito.

Her father joined in. May dala itong isang timba ng kaning-baboy at bago pa man niya ito mapigilan ay naibuhos na nito ang laman ng timba. Gusto niyang maiyak nang makita ang sinapit ng mga nanghaharana, lalo na si Felix. Basang-basa ang mga ito at kung anu-ano ang nakadikit sa mga katawan at damit.

Hindi na niya natagalan ang eksena. Pumasok siya sa loob ng bahay at padabog na tinungo ang kwarto. Pabalabag din niyang isinarado ang pintuan.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Napaiyak siya sa galit. She wanted to hurt Felix, but this is too much. How can they gang up on him? Siya lang naman ang sinaktan nito, pero bakit buong street nila ang gumaganti? That was so foul of them to do that to him.

He didn't deserve that, especially when he's trying his best to win her back.

Tinalikuran niya ang nagbukas ng pintuan ng kwarto.

"Bebe..."

Lumundoy ang kama nang maupo roon ang daddy niya. Umusog siya nang maramdaman ang kamay nito sa braso niya.

"Ang sama no'n, Daddy," she said through gritted teeth. "Maiintindihan ko pa 'yong mga kapitbahay, e. Pero ikaw?"

Pinabaling siya nito paharap dito. "Anak, napagkatuwaan laang naman namin. Ay alam mo namang napakapangit ng boses ng lalaking iyon—"

"Kahit na! So kapag pangit ang boses, wala nang karapatang kumanta?! Ang tino-tino no'ng gesture nya, Dy, tapos binaboy nyo lang!"

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Ay bakit ka baga nagagalit sa amin? Hindi baga't dapat nga'y "ika'y matuwa at ika'y iginaganti namin?"

"Paano ako matutuwa, Dy, kung ginagano'n nyo sya? Imbes na magalit ako sa kanya, naaawa lang ako! Let me deal with him, okay? Kasi kung ganito ang paraan nyo ng pagganti, baka pati sa inyo, magalit din ako!"

"Daddy..." Pumasok ng kwarto ang mommy niya at hinila paalis ng kama ang ama. "Pabayaan mo na muna si Mona."

Wala na itong nagawa nang hinalin ito palabas ng kwarto ng mommy niya. She was left alone to mope. She wasn't expecting this from her family. Naiintindihan niya ang intensyon ng mga ito, pero hindi niya gusto ang pamamaraang napili ng mga ito.

--

Mas lalo siyang nainis sa ginawa ng mga kamag-anak nang makita si Felix kinabukasan. May mga sugat at pasa ang mukha nito. But he still smiled when he saw her. And that broke her heart a little more.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #twthhwp