Chapter 35: Clean
Ang ilang araw na bakasyon na hiningi ng mga magulang ni Mona ay na-extend ng dalawang buwan. Everyone around her was right. She needed a vacation. Na-miss niya ang mga lutong bahay sa kanila, lalo na ang kare-kare ng daddy niya.
Paminsan-minsan, lumuluwas siya para dalawin ang shop at si Fresia.
When her friend learned about what happened, she got really upset. Sinisi nito ang sarili dahil ito ang nagpakilala sa kanya kay Felix. It took her and Bullet a lot of effort to make Fresia feel better. Buntis pa naman ito. Makakasama sa baby.
Wala na raw balita ang mga ito kay Felix. Ang huling alam ni Bullet, umalis ito kasama nina Andrea at Angela. They haven't heard from him since then. At kahit ito raw, pakiramdam na tinraydor ng kaibigan. Sino ba naman kasing matinong tao ang bigla na lamang aalis nang hindi nagpapaalam sa pinakamatalik nitong kaibigan?
There was a bit of a sting when they told her that, pero dahil alam niyang malayo si Felix sa kanya, medyo nabawasan ang epekto ng balita. At least he's committing his mind, heart, and soul to Angela.
"Nang last time na magkakasama tayo, na-feel ko nang may mali, e," sabi ni Fresia. "You didn't talk to him the whole time. You didn't even look at him." Hinawakan nito ang kamay niya. "Buti nakaya mo."
She waved her other hand dismissively. "Naku, parang 'yon lang, Beh? Easy!"
Fresia squeezed her hand. "If you need anything, I'm here, okay? Alam mo namang marami akong utang sa 'yo."
She forced a smile. "Ano ka ba, Beh! Wala 'yon! What I need from you is for you to take care of yourself and my inaanak."
Hiyang na hiyang sa kaibigan niya ang pagbubuntis. Maganda itong magbuntis. Tumataba pero maganda pa rin. And Bullet looked so in love. Masaya siya para sa dalawa, but they also reminded her of something she almost had.
Kaya kahit pa sinabi ni Fresia na gagawin nito ang lahat para sa kanya, mas pinili pa rin niyang sumama sa mga kapwa niya single. Si Baste, sa probinsya rin nila namalagi. Ito na ang ipinu-push ng buong angkan niya para sa kanya. Lumuluwas lamang ito kapag may talks o seminars na kailangang puntahan. Si Brandi naman, isang beses pa lamang nakababalik sa kanila. Maya't maya kasi itong pinakakain sa kanila. Her friend easily gained a few pounds after just one visit.
She stayed with her family for two months and let herself receive the well-deserved hugs and kisses. Kung anuman ang pagkukulang ni Felix sa kanya, pinuno iyon ng pamilya niya. Ang mga ito ang nagbigay ng ngiti nang hindi na siya makangiti. Ang mga ito ang tumawa para sa kanya. Dinamayan din siya ng mga ito sa pag-iyak. At ang sakit na kayang idaan sa pagkain, idinaan nila sa pagkain.
--
After two months, Mona went back to the city, after assuring her family that she's okay to live alone again. Their assurance: Baste. They made him promise na dadalaw-dalawin siya sa bahay. Idi-date paminsan-minsan. Basta hindi pababayaan.
Baste had no choice but to say yes to her parents because she really, really wanted to go back to work. Masaya sa probinsya. Mabagal nga lang ang oras. Nabu-bore siya dahil wala siyang ibang ginawa kundi kumain at magluto. Hindi naman kasi niya gamay ang mga negosyo nila. Ayaw naman niyang tumao lamang sa tindahan maghapon. Malay ba naman niya kung paano gumawa ng lambanog. Hindi rin naman siya sanay umakyat ng punong niyog. Lalong wala siyang alam sa pagtatanim ng palay.
She loves baking and couldn't wait to make cakes again!
Hapon na sila nakarating ni Baste sa bahay niya sa syudad. Kinagabihan, may plano silang dinner with the gang. Naalala kasi niyang hindi pa pala niya naipakikilala si Baste sa mga kaibigan. Si Brandi pa lang ang may kilala rito.
So, she invited Baste for dinner. And when her friends saw him, they were, naturally, taken aback. Dahil uso sa kanilang magbabarkada ang kumain, sa isang sikat na buffet restaurant sila kumain. At mula nang ipakilala niya si Baste kina Fresia at Aika, panay na ang sulyap ng mga ito sa lalaki. Gets naman niyang gwapo si Baste, pero gwapo rin naman sina Mickey at Bullet. Hindi niya alam kung bakit mukhang nahalina ang dalawa niyang kaibigan.
"It's rude to stare," Bullet hissed. Mula nang dumating sila ni Baste ay nakakunot na ang noo nito kay Fresia, na hayagang tumitingin sa kababata niya.
Nakapangalumbaba noon si Fresia at ngiting-ngiti habang nagsasalita si Baste. He's telling them how he got there, the usual "kababata ako ni Mona" story. Si Mickey naman, panay ang akbay kay Aika, akala mo'y aagawan ng girlfriend.
Bukod kay Baste, topic din syempre ang pagtaba na naman niya. Nananahimik na nga siya at hinayaang na kay Baste ang spotlight, pero hindi pa rin siya nakaligtas. Kasalanan ni Brandi. She pointed it out.
"At least ako, kumakain," depensa niya. "Ikaw, ano 'yan? Nasa buffet ka na nga pero kaing langgam ka pa rin."
Salad at sushi lang ang kinuha nito. Buffets are Brandi's greatest nightmare. Kasi natutukso itong kumain, pero hindi pwede. Mabuti na nga lamang at mukhang disiplinado talaga ito.
"Baka tumaba ako."
"Beh, sa sungit mong 'yan, kahit taba matatakot lumapit sa 'yo."
"Ah, so 'yan ang napapala ng pagiging mabait mo," may pang-uuyam nitong sagot.
Umangil siya sa kaibigan. Na-miss yata siya kaya marami na namang baong masasakit na salita. Buti na lang pinagtatanggol siya ni Baste. Pero madalas siyang pinagtutulungan ng dalawa. Hindi tuloy niya mawari kung kakampi si Baste o kaaway.
"Nami-miss ko na 'yong luto ni Tita," narinig naman niyang sabi ni Fresia. Nilingon nito si Bullet. "Magbakasyon naman tayo sa kanila. Masarap magluto ang parents nya. Maraming pagkain."
"Kumakain ka na nga, pagkain pa rin ang nasa isip mo."
Her friend grinned sheepishly. May dalawang plato na ito ng iba't ibang pagkain. Si Bullet ang pabalik-balik sa buffet table para ikuha ito ng pagkain. Si Aika naman, kabaliktaran ng sitwasyon ni Fresia. Si Mickey kasi ang umuubos ng pagkain nito.
"Ang tamad-tamad mo!" reklamo ng kaibigan niya. Ngumuso ito nang maubos ni Mickey ang laman ng plato nito. It was Aika's second trip to the buffet table already.
Ngumisi naman si Mickey at bigla itong hinalikan. The three of them, Baste, Brandi, and her, barfed. This is why they rarely hang out with their "taken" friends. Tatlo na nga silang single pero parang sila pa rin ang nali-left out sa ka-sweet-an ng mga ito.
Before they go their separate ways, the two guys invited Baste for a boy's night out. Nagreklamo naman sina Aika dahil gusto ng mga itong sumama.
--
Kung walang lakad ang barkada, madalas silang lumalabas nina Brandi at Baste. It's either she's with either one of them or kasama niya ang dalawa. But that rarely happens because when one is go, the other is busy. Or vice versa. Minsan, tinatamad lang talaga ang dalawa. Kaya minsan, lumalabas din siyang mag-isa.
She goes out alone, from time to time, tinitingnan kung kaya ba niyang panatilihing masaya ang sarili kapag walang kasama. She doesn't go out on dates, though. Pinagpahinga na muna niya ang sarili. Because clearly, she needed to find her happiness within herself first. Kahit sino kasi ang i-date niya, pakiramdam niya ay hindi pa rin siya sasaya hanggat hindi siya buo. And she needed to be whole again.
She went to a baking convention by herself and met a lot of new clients. She was just a spectator there, but someone recognized her and told the organizers. She ended up teaching the attendees how to make sugar flowers, one of her many expertise.
Nakapunta rin siya sa museum of arts na malapit lamang sa bakeshop pero hindi pa niya napupuntahan dahil palagi siyang busy sa trabaho. Nang matapos ang bisita niya sa nasabing museo, nagkaroon siya ng isang realization. Museums bore her. Baka hindi na siya bumalik doon. Mas gusto kasi niya ang interactive arts, kaso ay wala yatang ganoon sa Pilipinas.
Hindi na rin siya dependent kay Baste sa pag-i-exercise dahil nakakahiya naman dito. Palagi kasi itong nagrireklamo tuwing umaga. Kulang pa raw ito sa tulog pero kailangan pa siyang samahan pagja-jogging. So she got herself a gym membership.
Hindi na siya nagja-jogging sa umaga. Maaga na lamang siyang umaalis sa trabaho para mag-gym. Masaya rin palang mag-gym kahit masakit sa katawan. Marami kasing gwapo.
Medyo nakakairita nga lamang dahil imbes na mag-exercise, panay ang selfie ng mga ito. Nagpi-flex ng muscles sa harap ng salamin saka nagpi-picture. At ramdam din niyang may itinatagong lansa ang ilan niyang kasabay na lalaki sa gym. Binabahing siya.
She also got to watch several movies alone, na matagal na niyang hindi nagagawa. Malaya siyang nakapili ng panunuorin. Malaya siyang humanap ng puwesto para sa sarili niya. There is a certain sense of freedom in doing things alone.
Ang pinakanakakalungkot lang sigurong gawain, na ayaw na niyang ulitin pa, ay kumain sa isang public restaurant nang mag-isa.
--
It's been months since Felix left, and Mona was coping just fine. Siguro dahil na rin sa panahon kaya unti-unti nang namanhid ang puso niya. It still aches, from time to time, but not because of emptiness, but of the memories of the past.
Her family and friends have tried to fill up that hole and replace the old memories with newer and better ones. Kagaya noong birthday niya. Lumuwas pa ang parents niya para surpresahin siya. Hindi kasi siya makakauwi dahil maraming ginagawa. Fresia wanted to celebrate with her, pero kabuwanan na nito. Ilang araw na lang ay magiging ninang na siya.
Sa tanghali sila nag-celebrate sa bakeshop. At dahil sawang-sawa na sila sa cake, they ordered a huge burger. Iyon ang ginawa niyang cake. They placed a candle stick on top of the burger. After making a wish and blowing the candle, they cut the burger into thin slices. May iba pa namang putahe.
She didn't eat too much dahil sabi ni Baste, may lakad pa raw sila mamaya.
They're sort of together now. Wala namang label. They don't kiss. Minsan naghu-hold hands. Minsan mabait ito sa kanya, pero may mga araw na nambabara pa rin. They have this... understanding between them. Hindi niya ma-explain, basta magaan ang loob niya kapag kasama ito.
Halos siyam na buwan na rin naman mula nang mawala si Felix. Baste's not hard to like dahil ito ang madalas niyang kasama. Hindi nga lang nila mai-level up ang relasyon nila dahil... hindi niya alam kung bakit. Maybe she's tired of relationships?
She's already 34.
Siguro, kung aayain siya nitong magpakasal, papayag siya kaagad. For old time's sake. For a comfortable future. For companionship. If there was one thing that her experience with Felix taught her, it is that love isn't always the answer.
--
Mona already knew that her friends have a surprise for her. Ramdam niya. Ilang beses na ba naman nilang nagawa iyon sa isa't isa. She also knew that it's going to happen at her house because Baste took her out on a date and they didn't eat too much food. Meaning, maraming handa sa bahay.
Medyo late na rin silang nakauwi sa bahay niya.
What she wasn't expecting was seeing her parents there. Pati 'yong bunso niyang kapatid, kasama ang asawa at mga anak nito.
"Happy birthday, Bebe!" Unang sumalubong ng yakap ang daddy niya. Tapos, ang mommy. Tapos ay nagsunod-sunod na ang mga bisita.
"Na-surpresa ka ba, Anak?" ngiting-ngiting tanong ng mommy niya. "Pinagplanuhan naming maigi ito. Sabi paano ng mga kaibigan mo ay maghahanda raw sila. Ay kami nama'y walang masyadong gagaw-in sa probinsya kaya lumuwas na kami."
"Oo, My. Buti nandito kayo!" bulalas niya. "Kumpleto na ang birthday ko!"
"Mabuti na laang at tinagalan ninyo ni Baste." Nakangiti itong bumaling sa binata. "Marami baga kayong pinuntahan?"
"Marami, My!" Siya ang sumagot. "Kaya pala ayaw akong pakainin nang marami!"
Hinila niya ang mga magulang sa hapag. Pamilyar ang mga putaheng nandoon.
"Kayo ang nagluto?"
"Oo, Nak," sagot ng daddy niya. "Katulong namin si Bullet. Aba'y swerteng-swerte nitong si Fresia sa katipan, hane? Magaling magluto! Tamang-tama at siya'y masibang kumain!"
"Hala, grabe ka, Tito!" nakangusong reklamo ni Fresia. "Buntis po ako."
"Hija, para na namang buntis talaga kung kumain. Ngayon ay parang kambal naman ang anak mo sa siba mo."
"Dy, 'wag mong masyadong tuksuhin," saway niya sa ama. "Kapag 'yan hindi kumain, lagot ka kay Bullet."
"Ay sya! Kayo'y magsilamon na!"
Nagsikuha sila ng pagkain at kani-kanyang hanap ng mapipwestuhan. There's plenty of food choices for everyone. Nagkasundo kaagad ang parents niya at si Bullet. They all like food and they're all mean cooks.
And because they like Bullet a lot and Fresia's already heavily pregnant, hindi naiwasang magtanong ang mga ito tungkol sa kasal.
"May plano na baga kayo?"
"Three years daw, e," sagot niya.
Ngumiti si Fresia. "Well, I don't want to steal the spotlight from Mona, but..." Fresia took out her necklace. May naka-pendant doong engagement ring. "He already proposed."
Halos mabitawan niya ang hawak na pagkain sa sobrang excitement.
"Dapat nga po, pauunahin muna namin 'yong matatanda," sabi ni Bullet, "kaso, babagal-bagal."
Tumawa ang daddy niya. Nagsalita na ito bago pa man niya mabato ng plastic fork si Bullet.
"Ayos laang iyan! Kayo nama'y magkakaanak na. Mas maiging habang maaga pa ay ikasal na kayo at nang wala nang masabi ang mga kakilala."
"So... kailan nyo plano?" tanong ni Brandi.
"Early next year. February siguro."
"But that's only four months away!"
"May plano naman na kami," sagot ni Bullet. "We've been thinking about it since we told you guys about the first plan. Medyo nag-alangan kasi ang parents nya na after three years pa."
Tumango-tango sila. It's reasonable. Mabuti nga na hihintayin munang makapanganak si Fresia. 'Yong iba, paniguradong kahit buntis, idaraos na ang kasal para paglabas ng baby, kasal na ang mga magulang nito.
"Kayo namang dalawa?" tanong ng mommy niya kina Aika.
"Pagkatapos na po ni Mona. Willing to wait naman po kami," sagot ng kaibigan niya.
And with that, everyone's attention turned to Baste.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro