Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: For The Nth Time

Nang makita ni Mona na tumatawag ang ina niya isang araw, alam na niya kaagad kung ano ang pakay nito.

"Anak," himutok ng ina. "Trenta y dos ka na, hindi ka pa ba mag-aasawa?"

Humugot siya nang malalim na hininga. Hindi na bago 'to. Ilang beses sa isang taon, ipinaaalala ng Mommy Lourdes niya na matanda na siya, kailangan nang magkaroon ng sariling pamilya. Hindi rin naman niya masisi ang ina. Pangako kasi niya noon, magpapakasal siya ng 25. Pero nang mag-25 siya, na-realize niya na wala pa siyang nagagawa sa buhay. She just started her business. Hindi pa ito gaanong kilala noon. Kailangang consistently excellent ang mga produkto niya para bumango ang pangalan ng shop sa masa.

Nang kulitin siya ng mga magulang, sinabi niyang mag-aasawa na siya kapag 30 na siya. But her business was already booming by then. Why stop there? At saka, wala naman siyang magustuhan sa mga ipinapa-date ng mga ito sa kanya.

Ayaw naman niyang magpakasal lang para masabing kasal, para may asawa at anak na ihaharap sa mga kakilalang paulit-ulit na nagtatanong. Ayaw niyang makasal para lang hindi tumandang dalaga.

Gusto niyang ikasal dahil nagmahal siya at minahal din siya ng taong pinili niyang mahalin... that they loved each other enough to commit to a lifetime of togetherness.

Ngayong mukhang meron na...

"Promise, My, kapag 35 na 'ko—"

"Nakow! Dadali ka na naman, Anak! Tano't tatlong taon pa ang hihintayin ko? Hindi baga pwedeng next year na laang?! Ikaw na laang ang hindi kasal sa mga anak namin! Sayang ang lahi natin kung hindi ka magkakaanak!"

"Pwede naman akong magkaanak kahit wala akong asawa."

"At ano ang sasabihin namin sa mga kapitbahay? Dapat kasal ka, Anak! Nag-i-expect ang mga iyon ng bonggang handaan!"

Naparolyo siya ng mata. Bonggang handaan... which means patay-baboy, baka, manok, isda... at lahat na ng pwedeng patayin at katayin. Ibig sabihin din noon, magwawaldas na naman ng sangkatutak na pera ang mga magulang niya. They did it the last time, sa bunso nila. Imbitado ang buong barangay. Sa niyugan nila naghanda ang mga magulang. Mabuti na lang at may hacienda silang pwedeng paghandaan.

Malawak kasi ang niyugan nila sa Quezon. Mayaman ang angkan ng mga Ferrer. Isa sa pinakamayayaman sa ilang bayan ng Quezon. Supplier kasi sila ng kopra, mga produktong galing sa niyog, at lambanog.

Bukod doon, lahat halos sila, magagaling magluto. Mahihilig kasi silang kumain at hindi pwedeng hindi masarap ang kakainin kaya nag-aral ng iba't ibang recipe ang mga ninuno niya, na napasa nang napasa hanggang sa henerasyon niya.

She loves her family, she really does. Kung si Fresia, minalas sa angkan, siya naman ay sobrang swerte. Ang tanging reklamo lang niya siguro... medyo demanding ang mga ito pagdating sa pagbuo ng pamilya. At a certain age, dapat ay kasal na ang babae. Lahat dapat ng anak, tapos sa pag-aaral. Dapat ang mga lalaki, may magagandang trabaho. Dapat ang mga manliligaw, matututong gumawa ng mga ginagawa nila sa negosyo. Dapat ang mga babaeng pakakasalan ng mga kamag-anak niyang lalaki, hindi maarte sa pagkain. Requirement din sa mga babaeng aampunin sa angkan nila ang kagalingan sa pagluluto.

Mabuti na nga lamang at walang natipuhan ang mga pinsan niya sa mga kaibigan niya. Paniguradong mamamatay sa gutom ang mga ito. Although even the men in her clan know how to cook, syempre mas gusto ng mga itong kumain.

Maganda ang reputasyon ng angkan nila sa Quezon. Mabango ang pangalan. Lalo na ang pamilya niya. She thought that her achievements were enough to get them off her back. Ang kaso, palaging may nagtatanong sa kanya ng mga nakakairitang tanong.

Kailan mo balak mag-asawa?

Ayos pa ba 'yang matris mo?

Kailan mo balak magkaanak?

Isa na yata sa pinakamalalang narinig niya ay ang, Tumatanda ka na, hija. Gusto mo bang tumandang mag-isa? Malungkot ang mag-isa.

Dahil sa angkan niya, ang saya ay dulot ng pamilya, dala ng maayos na pagsasama.

"My, hindi nyo naman kasi ako pwedeng ikumpara kay Manolito. He's lavish, I'm practical. Gusto ko nga civil wedding lang e."

Napapalatak ang ina niya sa sinabi. "Anong civil wedding?!"

"'Yong sa judge lang, My—"

"Alam ko kung ano iyon! Huwag kang pilosopo!"

"E, tinanong nyo kasi..."

"Tano't civil wedding kako ang gusto mo? Maganda ang simbahan natin! Si Father Dabu na magkakasal dapat sa 'yo 10 years ago, hayun! Nagsawa na't lahat sa pagpapari, dalaga ka pa rin! Huwag mo namang hayaang maunahan ka pang mag-asawa ni Father Noeh, hane!"

She grunted. "Yes, My."

"Next year, Anak."

"Hala! Masyado pang maaga, My! Hindi ko pa nilalandi 'yong crush ko!"

"Crush?! Ano ka, teenager?! Pikutin mo na!"

"Grabe ka, My. Syempre kailangan ko pa ring magpakipot kasi babae ako. Sya dapat ang maunang maglandi sa 'kin. Ayaw nyo naman sigurong magmukhang desperada ang only girl nyo, di ba?"

Bumuntong-hininga ang ina sa sinabi niya.

"O, sya. Sige. Basta, Mona, ha. Kapag ikaw talaga lumampas ng kwarenta't wala pang asawa, nakow... Ipakakasal kita kay Baste!"

Napangiwi siya. Kababata niya si Baste. Noong mga panahong inosente de ti pa siya at wala pang masyadong alam sa mundo, pumayag siya sa alok itong pakakasalan siya. Syempre... bata. Malay ba naman niya.

Pero nang ipagkalat ni Baste iyon, naging parang unwritten deal na 'yon sa pagitan ng mga magulang nila. Na hindi naman natuloy-tuloy dahil sa dami ng nangyari kay Baste. Inatake sa puso ang daddy nito. Sumunod ang ina. Si Baste, kinuha ng tita nitong nasa Amerika. Doon na ito pinag-aral. Twenty-years na rin siguro mula nang huli silang magkita.

Ang alam niya, single pa raw ito. Masyadong workaholic. Doktor kasi sa Amerika.

"Sige, My. Para sa ikatatahimik ng butsi mo, kapag 40 na ako at very much single pa rin, go wed me off to Baste. Sa isang kundisyon. Kailangang gwapo sya. 'Yon man lang, My."

Kagaya nga ng sinabi ng ina... sayang ang lahi. Masasayang din ang lahi nila kung mahahaluan ng hindi kaaya-aya.

--

Aminado naman si Mona na naging highlight ng ilang buwan niya si Felix. Sa dinami-raming beses ba namang nagsira ng apartment ng kaibigan niya, nagkaroon tuloy siya ng kakaibang habit, ang abangan si Felix tuwing magpapa-renovate ng apartment si Fresia.

But at some point, her friend has to stop thrashing her apartment dahil nakukunsumi rin siya. Dinaig pa kasi siya ng kuryente, tubig, at budget niya nang mga panahong nakikituloy sa kanya si Fresia. Nagmahal lahat!

Hindi rin naman niya malandi si Felix dahil may girlfriend (ulit) ito. Hindi naman siya mang-aagaw at hindi rin niya sigurado kung magpapaagaw si Felix. Paniguradong drop dead gorgeous ang girlfriend nito. Kasi ganoon naman madalas ang mga lalaki, gusto maganda at sexy ang jowa. Parang 'yong ex niya noong college.

"Last mo na talaga 'yan, ha," sabi niya sa kaibigan nang pagbuksan niya ito ng pinto.

"Last na talaga," sagot nito. "Ano'ng ulam?"

Nilawakan niya ang awang ng pinto at pinapasok si Fresia. Sa kusina kaagad ang punta nito. Malakas ang hatak ng ilong e. Nanginang ang mga mata ng kaibigan nang makitang adobo ang ulam.

"Beh, tipirin mo naman 'yong ulam at kanin, ha. Paabutin mo man lang ng umaga."

Tiningnan nito ang isang kalderong puno ng sinaing. Pati na rin ang isang malaking bowl ng adobo.

"Paano ko titipirin 'to e kakain ka pa?"

Kinuha niya ang isang mason jar na may lamang sauerkraut. "Ito lang ang dinner ko."

Tumaas ang kilay ni Fresia. "May sakit ka?"

"May handaan kasi kanina sa bakeshop. Birthday ni Tatay Ben. Busog pa 'ko, Beh."

Kahit alam niyang malaki ang posibilidad na kakain pa rin siya ng oorderin ni Fresia na midnight snack bago siya matulog, at least hindi siya nag-dinner. Nabawasan ng isa ang anim na beses niyang kain sa isang araw.

Ngumuso si Fresia pero hindi na nagreklamo. Sa isip siguro nito, hindi siya mabubusog ng egg salad na may sauerkraut. Hindi naman talaga. Pero dahil 35 na ang waistline niya, kailangan niyang magtiis. Walang dinner kung may midnight snack and vice versa!

--

Mona knew Fresia called Felix to fix her apartment again. Ang usapan pa nila, pagkaayos ng apartment ay magpapadala sila ni Brandi ng strippers doon, just to entertain themselves. Mahilig lang namang lumandi si Brandi pero hindi nagsi-seryoso. Takot kasing mag-seryoso. Si Aika naman, virgin physically pero mahalay ang utak. Nakabasa na siya ng libro nito. Halatang ini-imagine lang 'yong bed scenes. Fresia needs her dose of men to get her mind off of her failed relationship with Richard.

At siya? Well, she's 32. Walang love life. Walang source of intimacy. So dirty fun na lang.

That was the plan anyway. But it was ruined when Felix didn't show up. May dumating daw na ibang lalaki, proxy ni Felix. Medyo nadismaya siya noon. Naudlot ang plano niyang landiin ito... nang slight.

Pero hindi kaagad tinanggap ng kaibigan niya ang offer ng lalaki na Bullet daw ang pangalan. Inis na inis si Fresia habang ikinikwento nito ang mga sinabi ng lalaki. Pakialamero raw ito. Ususero. Gwapo nga sana kaso... mukhang naunahan ng inis ang kaibigan niya. Kaya naman kahit may apartment itong kailangang ayusin, sumama ito sa kanila sa Boracay para magbakasyon ng tatlong araw.

They were having dinner when an unknown number called. Naunahan niya si Fresia sa phone. Parang kiniliti bigla ang tenga niya nang magsalita ang lalaki. Si Bullet pala. Ang gwapo ng boses!

Tinatanong nito 'yong plano ni Fresia na pagbo-Boracay. Dahil dakila silang taga-set up ng isa't isa, itinanggi niya iyon. Kaya ang nangyari, silang tatlo nina Aika at Brandi, tumuloy sa Boracay. Naiwan naman si Fresia para samahan si Bullet mag-ayos ng apartment nito.

--

The upside to having friends with you on vacation? Even mundane things can be super fun! The downside? Kung ikaw lang ang mataba, ikaw lang ang iniitsapwera ng mga tao, lalo na ng mga lalaki. Kaya cover up kung cover up siya. Malas pa niya dahil hindi niya madadaan sa makeup ang pakikipagpatalbugan kay Brandi. Malulusaw kasi iyon sa tindi ng init ng araw. Hindi rin naman niya ito mahihigitan sa au naturale look dahil sadyang pinagpala sa ganda ang kaibigan niyang modelo.

Magandang-maganda ang panglabas nito. Saktong-sakto sa itim ng budhi. Palagi kasi siyang kawawa rito! Brandi likes to bully them, especially her. May kakaiba yatang satisfaction itong nararamdaman tuwing pinasasaringan siya nito ng masasakit na mga biro.

Aika, on the other hand, is the odd combination of mahalay and mahiyain. Mabuti na rin siguro mahiyain ito dahil hindi niya ma-imagine kung saan ito dadalhin ng kalandian nito, kung nagkataong malandi ito.

'Yong dalawa ang lapitin ng mga lalaki. Si Brandi, lalo na. Ilang foreigner na rin ang sinungitan nito.

"Beh, ako na lang kasi. May tawad ka pa kapag ako..." kagat-labi niyang bulong ng naglakad palayo ang isang Australian na binigo ni Brandi.

"Can you at least pretend that you're not that desperate?" Brandi asked, rolling her eyes.

"Uy, medyo below the belt 'yon, ha," Aika chimed in.

"Hanggang tiyan lang 'yon. Naipit on the way down."

"Aray ha!"

Mahina niyang itinulak ang kaibigan. At dahil medyo mabigat ang kamay niya, nalaglag si Brandi sa beach chair na hinihigaan nito. Tumawa si Aika.

"Aray ko rin naman!" reklamo ni Brandi.

"Hey, are you okay?" Agad na may lumapit na lalaki rito. Gwapo rin. She groaned inwardly. Lapitin talaga ng mga gwapo si Brandi.

"I'm all right!" masungit nitong sagot sa lalaki.

The guy held up his hands and said, "Hey, I'm sorry. Just let me know if this fat lady is bothering you."

"Maka-fat ka, Kuya, ha," nakanguso niyang sabi. Medyo masakit pero medyo sanay na rin siya. She just thought that after being called fat all her life, she'd at least get used to it. That her heart had numbed a little. May sting pa rin kasi.

Brandi stood up and faced the guy with a glare.

"Did you just call my friend fat?!"

She rolled her eyes. "Beh, don't bother."

Pumay-awang ito, mukhang hindi siya narinig. "Mag-sorry ka sa kanya!" utos nito sa lalaki.

Napasapo siya. Brandi's almost always like that. Kahit hindi naman niya kailangan ng magtatanggol, ipinagtatanggol siya nito. Her friend is not the type to take any bullshit. Kaya siguro kahit 'yong mga isinasalo papunta sa kanila, sinasambot nito at ibinabato nito pabalik.

"Why? Did I say something wrong? She's, fat isn't she?"

"So? Kailangang i-mention pa?" pabalik na tanong ni Brandi. "Do you want me to talk to you or to anyone about you in the same manner? Do I have to mention that your breath smells like garlic dipped in vinegar?"

Napaurong ang lalaki, mukhang hindi makapaniwala sa narinig.

"Beh, tama na," saway niya sa kaibigan.

Itinaas nito ang hintuturo sa tapat niya habang nakatingin pa rin sa lalaki.

"Yes, she's fat, but we're the only ones allowed to call her that," she told the guy. "Now apologize to her before I kick your balls!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #twthhwp