Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26: One With The Family

People became more festive after the kiss and as Mona expected, mas lalong naging clingy ang parents niya kay Felix. He's now officially their soon-to-be son-in-law. Wala nang pwedeng kumontra, kahit siya.

Pagkatapos nilang kumain, agad na itong hinila ng daddy niya para makipag-inuman sa mga kapatid, tiyuhin, at mga pinsan niyang lalaki. Habang siya naman ay hinila ng mga pinsan niyang babae para pagkwentuhan si Felix, habang itinatabi ang mga handa.

"Ate, baka naman may kapatid iyang si Kuya Felix? Kami'y ipakilala mo, hane?"

Tinaasan niya ng kilay ang pinsan na si Len, na ilan sa mga pinsan niyang nabiyayaan ng payat na katawan. Malakas kasi ang genes ng tatay nitong puro payat ang mga kamag-anak.

"Tigil-tigilan mo 'ko, Len. Pumasa ka muna sa board exam. Saka na 'yang boyfriend-boyfriend."

"Ipapakilala laang naman, Ate. Boyfriend kaagad? Advanced ka rin ay."

Nagpalinga-linga siya. "Nasa'n si Kieth? Umuwi ba?"

"Yogi! Dito na me!" Sa wakas ay dumulog na rin sa hapag ang pinsang kanina pa niya hinahanap. "Annyeong, unnie!"

"Sa'n ka na naman nanggaling? Nagliligpit na kami rito, saka ka pa lang lumabas."

"May bagong episodes kasi 'yong pinanunuod kong KDrama, Ate." Kumuha ito ng pinggan at kumuha ng mga pagkaing nakalatag pa rin sa hapag. "Hindi mo kasama sina Ate Aika?"

"Hindi. Pero may pinadala syang regalo sa 'yo."

"Jinjja?!" tuwang-tuwa nitong tanong. She ripped the wrapper off and gasped when she saw what's inside. "Omo!"

"Beh, English or Tagalog lang, please. Alam mo namang kayo lang ni Aika ang nagkakaintindihan dyan."

Kieth introduced KDrama to Aika. Since then, naging close na ang dalawa at naging adik na rin sa KDrama si Aika. Tuwing isasama niya ang mga kabarkada sa probinsya niya, palaging ito ang unang hinahanap ni Aika. They were like sisters.

Kung hindi nga lang siguro busy sa pag-aaral itong si Kieth, baka kung saang concerts na ito naaya ni Aika. They also like KPOP music. Anything Korean, basically.

"Ay... sorry! Anyway, sabi ni Len may kasama ka raw?"

"Oo, Beh! Boyfriend ni Ate!" bulalas ni Len. "Biruin mong nagka-boyfriend pa pala siya!"

"Bibig mo, ha!"

Tumawa si Len. "Joke laang, Ate."

"Akala ko si Kuya Baste ang boyfriend mo?"

Kumunot ang noo niya. "Ha? Bakit ko naman sya magiging boyfriend?"

Kieth shrugged. "Ewan ko. Basta ipinagkakalat ni Tita."

Napabuntong-hininga na lang siya. Baste must have been so embarrassed. At mas lalo siguro itong napahiya nang makita ng mga kamag-anak niya si Felix. Speaking of the devil, where the heck is he?

Nagpalinga-linga siya. Ang alam niya ay kasama ito ng daddy niya sa pakikipag-inuman, but when she checked the men of the clan, they're not there. Lasing na ang mga tiyuhin niya habang isa-isang inaatake ang kantang My Way, pero wala roon si Felix at ang daddy niya.

"Len, nakita mo si daddy?"

Umiling ang pinsan niya. "Hindi po. Pero nakita ko si Tita, may dalang isang Wilkins na lambanog. Ay, di baga't hindi naman umiinom si Tita?"

"Baka naman dadalhin lang ni mommy sa mga manginginom?"

"Ay bakit bumalik ng bahay si Tita ay nandito ang mga nag-iinom?"

Well, Len has a point. Ang mga lalaking manginginom, nagkakantahan habang nagtatagayan. Ang mga babae naman, nasa isang sulok at umiinom din. They always drink separately, the men and women of the clan. Karaoke kasi ang madalas pagdiskitahan ng mga kalalakihan. The women like to talk more and laugh in high octave.

With her mother taking a gallon of lambanog back to the house and Felix and her father gone, hindi kaya...

"Oh my god!"

Patakbo niyang tinungo ang bahay. It's only been like two hours and they're already grilling Felix!

--

Dire-diretso siyang pumasok sa bahay. Sandali lang siyang napatigil nang mapansin na iba na naman ang ayos ng sala. Hindi kasi mapakali ang mommy niya. Linggo-linggo yatang iniiba ang ayos sa loob ng bahay.

Shaking her head, she headed to the kitchen where she found her parents getting Felix drunk. Even the town drunk couldn't handle that much coconut whiskey!

"Dy!"

"Bebe!"

Alanganing binawi ng daddy niya ang isang babasaging baso na may lamang lambanog.

Kinuha niya mula sa ama ang baso. It was already half-empty and she could tell that Felix already had a few glasses before she came in. His face is all red.

"Are you okay?"

"Yeah. I'm fine."

Sinamaan niya ng tingin ang ama. "Dy, dahan-dahan naman sa pagtagay. Plano mo bang lunurin ang atay ni Felix?"

"I'm fine," Felix insisted. "Ako naman ang nag-ayang uminom."

She raised an eyebrow. "Really?"

Felix smiled sheepishly. Well, if he can't lie, then he must be drunk already.

"Gusto laang naman naming makilala ang mamanugangin namin, Anak," singit ng mommy niya.

"My, kakikilala nyo pa lang. Can't this wait until... I don't know... next Christmas? Masyado naman kayong apurado."

"Syempre, Anak, hindi ka na bumabata. Aba'y kung pwede nga laang na ikasal na kayo mamaya, ay ipapakasal na namin kayo."

"Hindi po pwede," Felix said. "Pasko po. Hindi magkakasal ang pari."

Pinandilatan niya si Felix. Aba't talagang kinukunsinte pa ang parents nya.

Her mom, delighted at what Felix said, hugged him from behind. Nakaupo si Felix habang nasa likuran ang mommy niya. Humalik pa ito sa pisngi ng binata.

"My!"

"'Nak, ito kapag pinakawal-an mo pa, pakakawal-an din kita."

"You heard that?" Felix asked, his face flushed from the drink. "Huwag mo na raw akong pakawalan."

She sighed. "Lasing ka na. I think you should get some sleep."

He pulled at her hand. "Just a few more drinks, okay?"

"Oo nga naman, Anak," pag-sang-ayon ng daddy niya. "Hindi pa nga kami nakakapag-one on one ng mamanugangin ko ay patutulugin mo na kaagad?"

"Dy naman kasi. Tingnan mo naman 'yang alak na iinumin nyo. Husto na sa isang barangay!"

"Hindi naman namin uubusin, Anak," her dad assured her. "Kung hanggang saan laang ang kaya."

Meaning, either maubos ng dalawa ang isang galon ng lambanog o may isang sumuko na sa pag-inom. Her dad drinks like a fish. Felix was used to drinking hard liquor because of Mickey. And they're men so naturally, may konting payabangan. Patibayan sa pag-inom. Baka matunaw na lahat ng organs ng dalawa ay hindi pa ubos ang alak.

Kaya kahit ayaw pang matulog ni Felix, hinila na niya ito paalis ng kusina. Ang kaso, naharang naman siya ng mga tiyuhin. They pulled Felix away from her and out of the house. Inis siyang sumunod sa mga ito.

Nang makarating sa kumpulan ng mga nagbi-videoke, una niyang napansin ang plastic cup na may lamang lambanog. Felix drank the liquor in two gulps. Saka nito kinuha ang mic na iniaabot ng kapatid niya.

Someone punched in a number. Pumailanlang ang kantang Di Ko Kayang Tanggapin ni April Regino. Napasapo siya. Baka mawala ang kalasingan ng mga manginginom kapag narinig nilang kumanta si Felix. And without a warning, he belted out the first part of the song.

Di ko kayang tanggapin
Na mawawala ka na sa akin
Napakasakit na marinig
Na ayaw mo na sa akin

Hapdi at kirot
Ang dulot sa 'king damdamin
Di na ko kayang mabuhay sa mundo
Kung mawawala ka sa piling ko

Gusto niyang bumulanghit ng tawa nang makita ang kalituhan sa mukha ng mga nandoon. Felix mellowed down, closed his eyes, and clutched his chest. Feel na feel ang kanta!

Kahapon lamang ay kaysarap
Ng ating pagmamahalan
Ang sabi mo pa, pag-ibig mo'y walang hanggan
Kahapon lamang tayo ay nagsumpaan

Ang sabi mo pa, ako'y di mo iiwan
Ngunit bakit ngayo'y nagtatapat
Na mayroong ibang mahal
At sinabi mo pa na mas mahal mo siya
Kaysa sa akin

Everyone was cringing, which was so funny to her because she was expecting this. Alam niyang masisira ang perpektong imahe ni Felix kapag nagsimula itong kumanta. But it's not her fault. They got him drunk and they made him sing.

Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo
Nais kong magmakaawa sa 'yo
Suyuin ka, pilitin ka
Na ako'y muling mahalin

Napapitlag siya nang may kamay na pumatong sa balikat niya. She turned around to see her mother standing behind her. Lugong-lugo ang mukha nito.

"Ano, My? Ideal guy pa rin?" natatawa niyang tanong.

Bumuntong-hininga ito. "Ayos laang iyan, Anak. Basta't huwag na huwag na niyang uulitin. Last na niya iyan."

Her thoughts got disrupted when Felix repeated the chorus. 'Yong ibang tao sa paligid niya, nakikipagpalakasan na ng boses, matabunan lang 'yong singing voice ni Felix.

And when the song was finally over, somebody quickly snatched the mic away from him. Si Felix naman ay ngiting-ngiting lumapit sa kanya.

"May song request ka?" tanong nito.

"Ha?" maang niyang tanong. "Wala. Gusto ko nang matulog."

"Come on. Make a request and I'll sing it for you."

Napangiwi siya. "Okay na talaga ako, Beh. Saka mukhang tapos na 'yong videoke. Pang-finale ka na yata."

"Maybe they'll let me sing another one? Isa na lang?"

Pinigilan niya ito nang akmang magtatanong sa isa niyang tiyuhin.

"Next time na lang, okay? Malapit na rin kasing mag-umaga. Antok na 'ko."

Kumapit ang mommy niya sa braso ni Felix. "Kata na, hijo. Patulog na rin iyang mga iyan."

"Pero, Tita—"

"Mommy na lang, Anak."

Pinandilatan niya ang ina. Ngumiti naman ito sa kanya saka hinila si Felix pabalik sa bahay nila. Wala nang pumigil sa kanilang umalis. Na-trauma yata sa pagkanta ni Felix. Nang malapit na sila sa bahay, nagsimula na uling mag-videoke ang mga natirang manginginom. Nang marinig ni Felix na may tumutugtog na naman, agad itong lumingon at umungot. Gusto pa talagang kumanta! Wala pa bang nakapagsasabi ritong hindi ito nabiyayaan ng magandang boses? Baka nasobrahan ito sa kagwapuhan kaya naisip ni Lord na bigyan ito ng nakaka-what the fuck na boses para balanse pa rin.

She and her mom pulled Felix inside the house. Pagkapasok, nagpaalam na ang mommy niya sa kanilang dalawa, tutulong daw ito sa pagliligpit sa labas.

"Teka, My! Sa'n ko patutulugin 'to?"

"Aba'y sa kwarto mo malamang. Saan pa baga pwede?"

"Wala nang available na guest room?"

"Ay bakit maghihiwalay pa kayo? Ano kayo, teen-eydyer?"

"Oo nga naman," pagsang-ayon ni Felix. "We're both adults here. Wala nang issue kahit magkasama pa tayo sa kwarto."

"Ay syanga! Saka ikakasal naman na kayo, 'Nak."

She rolled her eyes. "My!"

Marahan sila nitong itinulak sa may hagdan. "Magsitulog na nga laang kayo! Kung may mabubuo, ay di mabuo!"

"Mommy!" saway niya sa ina.

Tumawa ang mommy niya. "Sus, anak! Kung maka-reak ka diyan ay akala mo'y ika'y dalagang Pilipina pa."

"Dalagang Pilipina pa naman talaga ako."

"Na matutuyuan na ng obaryo," dugtong nito. "Matulog na kayo, hane? Para mamaya'y makasama kayo sa pagsimba."

Pagkasabi noo'y lumabas na ito ng bahay at isinarado ang pintuan.

"Why would you want me to sleep somewhere else?" asked Felix while they're walking upstairs. Humalik ito sa sintido niya kaya napasuray sila pareho.

"Maliit lang kasi 'yong kama ko. Di tayo kasya."

Pagkakasyahin natin."

She smiled. "Seryoso kasi. Kakasya ka lang do'n kapag bumalagbag ka."

"Buma-what?"

"Bumalagbag. Yung pa-slant."

"Ah..."

When they reached the top of the stairs, they turned right to her room. Binuksan niya ang kwarto saka ito pinapasok. Nang buksan niya ang ilaw, agad nitong inilinga ang paningin sa kabuuan ng kwarto niya.

Malinis iyon. Well-maintained. Nasa isang sulok ang mga gamit niyang hindi niya dinadala sa Maynila. 'Yong aparador niyang may malaking salamin na dati ay kinatatakutan niya, nandoon pa rin, hindi pa inaanay.

The flooring was made of wood, same with the rest of the house. The walls are covered with floral wallpapers. Pink ang mga kurtina, pati bedsheets at unan, dahil daw babae siya kaya dapat girl na girl ang kulay.

"Nice room," Felix commented.

"You want to change everything, don't you?"

Ngumiti ito. "It doesn't suit you."

"Si mommy kasi ang nag-decorate."

"Ah. Kaya pala."

Pinaupo niya ito sa paanan ng kama.

"See? Hindi tayo kasya."

"We'll make do."

"Okay ka pa?" Hinawakan niya ito sa tigkabilang pisngi. "Nahihilo ka? Gusto mo ng tubig? I'll go get you some water."

Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang kusina. Pagkasalin ng tubig sa isang baso, bumalik na siya sa kwarto. The door was slightly ajar so she heard his voice clearly. He was talking to someone. Bumagal ang paghakbang niya patungo sa pinto, para bang nakikiramdam.

"—please? Pasko naman. Hindi mo ba 'ko pagbibigyan?" Felix sighed. "I just want to talk to her."

He fell silent. Sumandal siya sa pader na malapit sa pintuan at saka naghintay.

"Thank you."

Hinigpitan niya ang hawak sa baso.

"Hi, Baby. How are you? Sorry I can't be there. Merry Christmas!" Silence. "I wish I could be there, too."

She bit her lip. He's talking to Angela.

"I love you, too."

Sumilip siya sa awang ng pintuan. Nakadikit pa rin ang phone sa tainga ni Felix.

"Wait—wala pang five minutes 'yon!" He let out a sharp breath. "Fine. Bye."

Inis nitong ibinaba ang phone. She waited a few more seconds before entering.

"Here's your water."

Iniabot niya ang inumin. Felix placed his phone on the bedside table to get the glass. Uminom ito at saka ipinatong ang baso sa tabi ng phone.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Ngumiti ito. "Yeah." He placed his hand on her shoulder and pulled her towards him. "Tulog na tayo?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #twthhwp