Chapter 25: Meet The Clan
On the day of the hike, sa bahay na ni Mona nanggaling si Felix. Sinundo nila si Aika sa bahay nito at saka sila nakipagkita sa mga kabarkada sa mismong paanan ng bundok. Before that, when Aika learned that Mickey's coming along, sinabi nito sa kanya na gusto nitong isama si Austin. Austin likes Aika and Aika likes Mickey. Her friend wants to make Mickey jealous, but she advised her against it. Unang-una, hindi naman ito sigurado na may feelings si Mickey para rito. Unless she's absolutely sure that he does, ayaw niyang gumawa ito ng bagay na pagsisisihan nito. Mabait pa naman si Austin. He's not the kind of guy that Aika needs to hurt just to make Mickey jealous.
Well, she's dead set on that and was actually proud of herself for being a sensible friend. Pero lahat ng sensibility na iyon, naglahong bigla nang makita nilang kasama ni Mickey si Trisha.
Hindi niya alam kung bakit ginawa ni Mickey iyon. Maybe he wants to spend the weekend with Trisha? It made her feel uneasy kasi alam niyang masasaktan si Aika. Kabababa pa lamang nila ng sasakyan nang mapansin niyang biglang nahulog ang balikat nito nang makita sina Mickey.
"Baka naman pwede mo pang pasunurin si Austin?" bulong niya sa kaibigan nang paakyat na sila ng bundok.
"May iba na syang lakad ngayon e. Saka... pangit talaga 'yong papupuntahin ko sya para lang magselos si Mickey."
"Pero kasi..."
"I'm okay, Mon." Aika tried to smile but she knew her friend was hurt. How can Mickey be so thick-headed? He kissed Aika, didn't he? So, ano 'yon? Paasa lang?
Umuusok ang ilong niya sa inis. Aika's new to this kind of feeling. As much as possible, gusto sana niyang i-assure na painless ang experience ng kaibigan niya. But there's really no guarantee when it comes to loving someone.
And with that thought in mind, she glanced at Felix, who's intentionally walking slower para masabayan sila.
--
Dahil mabigat siya at mabigat ang mga dala niyang gamit, natural lang na nahuhuli sila sa pag-akyat. Si Aika naman, walang kagana-gana ang pag-akyat. Parang napakabigat ng bawat hakbang kahit isang backpack lang ang dala.
Si Felix lang ang nakatiyagang sabayan silang dalawa. They were the last ones to reach the peak. Nag-aayos na ng mga tutulugang tent ang mga kasama sila nang dumating sila. When she offered some help, Aika tagged along. Tahimik itong gumawa ng mga kailangang gawin, walang karekla-reklamo kahit alam niyang nananakit na ang katawan nito dahil sa hike. She knew so well because she was also hurting all over. Kung pwede nga lang sana, gugulong na lang siya pababa para walang hassle.
After setting up the ends and making the fire, they all gathered around to eat. Nakadikit pa rin sa kanya si Aika, tutok sa dalang tablet, naglalaro habang hinihintay mabigyan ng pagkain. Si Felix ang kumuha ng pagkain nila. Naupo ito sa tabi niya at akmang susubuan pa siya ng pagkain.
"Beh, 'wag mo na akong subuan. Kaya ko naman nang kumain mag-isa."
"Hindi ba masakit ang katawan mo?" concerned nitong tanong.
"Masakit. Gusto nga kitang isumpa kasi inaya mo pa 'kong mag-hike!"
Ngumisi ito. "Isusumpa mo 'ko? Kaya mo? Sige nga!"
If she could, she'd curse him to be in love with her forever. She shook her head, shook away that thought. It's too cheesy.
"Hey, love birds, pakainin nyo na 'yong anak nyo. Mukhang gutom na," untag ni Fresia sa kanila. Nakanguso ito sa gawi ni Aika na noon ay tutok sa hawak nitong gadget.
"Okay ka lang?" tanong ni Mickey sa katabi niya.
"Of course she's not okay!" she blurted out. Mukhang nagulat ang mga kasama sa biglang pagtaas ng boses niya. So, she took a deep breath and explained. "Mahirap kasing umakyat ng bundok lalo na sa mga katulad naming hindi sanay. So it's understandable that she's like this. She's very, very tired."
Nagkibit-balikat na lang si Mickey.
--
Sila ni Aika ang buong gabing magkausap. Halos hindi na nga niya mapansin si Felix dahil ayaw niyang nababakante si Aika. Kapag kasi nangyayari iyon, naglalandas ang tingin nito papunta kina Mickey at Trisha. Tapos malulungkot ito. Kaya habang magkakwentuhan sila ni Aika, si Felix naman ay nakigulo sa pagja-jamming ng mga kasama nila.
Hindi na rin niya pinigilan ang kaibigan sa plano nitong paglalasing. Fortunately, Aika didn't do anything stupid when she got drunk. Nang malasing ito, nagpaalam na ito agad para matulog. She wanted to follow her friend to make sure that she's all right, but Felix stopped her.
"Let her rest. Dito ka na lang muna."
"I just want to make sure that she's okay."
"She's probably sleeping already. Sabi mo nga, pagod sya, di ba? You don't need to check on her while she's resting." Umakbay ito sa kanya. "Besides, you've been attending to her all day."
And she had been neglecting him. He's right. Tulog na rin naman si Aika. She doesn't need to worry about her friend anymore. Pwede nang ipagpabukas, kapag gising na ulit ito.
"Okay. I guess it wouldn't hurt if I stay for a while."
After a few more songs that Felix murmered with his voice, napag-desisyunan ng mga kasamang magkanya-kanya. Bullet wants some alone time with Fresia. Felix wants some alone time with her. And Mickey, well, he was happily chatting with Trisha. They were exes so she knew why Aika's worried. Kung nagkataong close at okay na okay sina Felix at Andrea, mangangamba rin siya. Even with assurance, exes shouldn't be that close to each other. Para kasing may lingering feeling pa. But this time, hindi siya sigurado kung sa parte ba iyon ni Trisha o ni Mickey.
--
The following morning, Aika's mood had an astonishing 180. Nang magising siya, nakangiti itong sumalubong sa kanya. Sigurado siyang hindi iyon dala ng tulog lang. Something happened between the time that she slept and the time that she woke up. And that something involves Mickey. Ito lang naman ang dahilan kung bakit depressed si Aika kagabi. So he's the only one who can make things better for her friend.
Also, kanina pa niya nahuhuling nagtitinginan ang dalawa. Something definitely happened. Mickey looked happy too. Nagkaaminan na kaya ang mga ito?
"Beh, pakiliitan ng ngiti," untag niya rito. "Napaghahalataan ka."
Lalo nitong nilakihan ang ngiti.
"Something happened this morning." Napampas niya ang braso nito nang bigla itong kiligin. "Hoy!"
Kinagat ni Aika ang labi, ngiting-ngiti pa rin. Pinaningkitan niya ito ng mata. She's been acting oddly this entire morning. Panay ang hawak nito sa mga labi-
Napatigil siya sa paglalakad. "Umamin ka nga... nag-kiss na naman kayo?"
Gusto niya itong sabunutan nang bigla itong tumango.
"Beh! Bakit ka nagpapahalik na lang basta?!" she hissed.
"Ano namang masama?" nakanguso nitong tanong.
"Ano'ng masama? Gusto mong i-enumerate ko?"
"Huwag na." Tipid itong ngumiti. "Let me just enjoy the feeling, okay? Saka mo na 'ko pagalitan kapag umiiyak na 'ko."
Her face softened. In some way, she knew what that's like. She didn't want Aika to get hurt, but maybe that's just what her friend needs. Isang sampal para magising sa katotohanan, kumbaga.
--
Pagkarating sa bahay niya, pinagpahinga muna niya si Felix. Ito kasi ang nagbuhat ng mga dala nila ni Aika paakyat at pababa ng bundok. He looked too exhausted to continue driving.
Dahil din siguro sa pagod kaya umaga na nang magising si Felix. He woke up at around 4AM. Naalarma pa siya nang maalimpungatan. May kalampagan kasing naganap sa kusina niya. Akala niya, may magnanakaw or worse... daga. But it turned out to be Felix, trying to fix himself some breakfast.
"Was I too loud?" he whispered when he saw her walk in. "Sorry. I was hungry."
"Nagluluto ka ba?!"
He lifted the toast he made. "I told you, this is the only thing I can make. Hindi ko naman sisirain ang kusina mo para makakain." He walked towards her and casually pulled her into his arms. Humalik ito sa pisngi niya. "Morning."
She mumbled her response.
"Why don't you go back to sleep? It's too early."
"Nakabangon na 'ko, e. Saka kailangan kong agahan ang pasok. I was out for two days. Maraming pending na trabaho."
"Do you ever take a vacation?"
"I did. Three days kami sa Boracay nina Brandi, a few months ago lang."
"Bakasyon na 'yong three days?"
"That's enough vacation for me." Masyadong matagal ang limang araw o higit pa na bakasyon para sa mga taong walang social life. Busy rin naman ang mga kaibigan niya maliban kay Aika. Gusto man niyang magpirmi sa probinsya, tuwing Holy Week lang niya nagagawa dahil halos lahat ng customer niya, umuuwi sa kanya-kanyang probinsya. Mahina ang kita ng shop. Pero tuwing holidays kagaya ng Pasko at Bagong taon, hindi siya makaalis nang matagal. Sayang ang benta.
"Paano pala kapag gusto kong magbakasyon tapos isasama kita? And it's going to be somewhere far that you'd have to take a week off, hindi ka sasama?"
"Sasama," ungot niya. "But you'd have to pay for all the cakes I won't be able to bake."
"How about I pay them with kisses instead?"
Yumuko ito at akmang hahalikan siya sa labi. She turned her head away. Tumama ang halik nito sa sintido niya.
"I haven't gargled yet."
"So?"
"Kadiri." Tinakpan niya ang bibig at marahan itong itinulak palayo. "Mag-almusal ka na."
She went to the bathroom to do her morning business. Pagkalabas ng banyo, nakaupo sa dining area si Felix, may isang plato ng toasted bread at dalawang mug ng kape sa harap nito. She sat across him and picked a toast.
"What's your plan for Christmas?" she asked.
Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko pa alam."
If she's not observant enough, she would've missed the slight change in his mood. Alam niyang hindi ito kasama ng mga magulang sa Baguio. Hindi rin ito kasama nina Angela sa Singapore. Their friends have plans of their own. May plano rin siyang umuwi. Felix will be left alone in the city. She hates the idea of him spending Christmas alone.
"Uuwi ako sa 'min. If you don't have plans, then maybe you can tag along."
"Are you sure?"
"Yeah. Masaya ang Pasko sa 'min. Maraming pagkain," nakangiti niyang sagot.
"Okay lang sa parents mo?"
"Ayun lang. Dapat matibay ang resolve mo kasi for sure, pipilitin ka nilang mag-stay na lang do'n forever. Sabik sa lalaking manugang ang parents ko."
"Bakit?"
"Married na kasi 'yong mga kapatid kong lalaki. Ako na lang ang hinihintay."
Ngumiti ito. "So ako na lang ang hinihintay mo?"
--
Gabi ng Sabado nang sa wakas ay nakabyahe si Mona pauwi. Kagaya ng napag-usapan, kasama niya si Felix. Hindi niya alam kung sineryoso nito ang banta niya. He was pretty excited to meet her family.
They had a light dinner before the trip. She warned him not to eat too much. Alam kasi niyang maraming handa pagdating nila. Felix was hesitant, but he didn't eat a lot. Bumili lang sila ng fries at inuman para may makakain sila habang bumibyahe.
It was a really long and tiring drive. Sobrang traffic dahil sa mga nagsisiuwian. Nakarating sila sa bayan nila ilang minuto bago mag-alas dose.
Malayo pa lang ay rinig na nila ang ingay mula sa may bahay nila.
Dahil halos magkakamag-anak ang lahat ng nakatira sa kahabaan ng isang kalsada, naging tradisyon na ng angkan nila na mag-potluck tuwing Pasko. Bawat pamilya, may naka-assign na lulutuin at ihahanda sa Pasko at Bagong Taon. May mga rectangular silang lamesa na inilalabas at pinagdidikit-dikit sa gitna ng daan. Nakasarado ang daan na iyon tuwing Christmas Eve. Maraming fairy lights na iba't iba ang kulay ang naka-dekorasyon sa bawat bahay at maiilaw na mga parol na nakasabit kahanay ang mga banderitas.
Alam niyang simula na ng festivities dahil may nagbi-videoke na.
"Kapag tinanong nila kung ano kita, sabihin mo-"
"Boyfriend mo?"
"Special friend kita."
He waved his hand dismissively. "I don't like that term. It's confusing."
She made a face. "Kapag sinabi mong boyfriend kita, hindi ka na talaga makakaalis dito."
"You make it sound like I'm not going to like it here."
"Wina-warning-an lang kita. Masyadong clingy ang parents ko."
He held her free hand. "I'm okay with that."
Bumuntong-hininga siya nang magsimula itong maglakad. Nakatoka sa kanya ang cakes. Felix was holding a box of a big two-tiered rectangular strawberry-vanilla cake on his left hand. Alam niyang mabigat iyon at dalawang kamay dapat ang gamit pagdadala. But he chose to hold her hand with his one hand. Mabuti na lamang at makapal ang karton sa ilalim ng cake. So it's not going to break easily.
On her right hand, she's holding a round chocolate cake, request ng mga pamangkin niya.
Una niyang namataan ang ina na nagrarasyon ng spaghetti. Her mother's hard to miss. Naka-pink na pink na satin blouse ito, kakulay ng pink na parol na nakasabit sa bahay nila. Katabi nito ang daddy niya na naghihiwa naman ng lechong baboy.
"Ate Mona!"
Inihanda niya ang ngiti nang animo'y ianunsyo ang pangalan niya para marinig ng lahat dahil sa lakas ng boses ng tumawag.
"Tita Lourdes, nandyan na si Ate Mona!"
"Bebe!!"
She gave Felix the box of cake she was holding when her parents ran to her for a hug. Sinalubong niya ang mga ito with open arms at may bahagyang pagtalon-talon silang tatlo habang magkakayakap. Pinugpog din siya ng halik ng mga magulang.
Sumunod ang mga kapatid niya, ang mga asawa, at mga anak ng mga ito. Bahagya niyang nakalimutan si Felix sa dami ng mga sumalubong sa kanya.
"Ay sino are, a?" tanong ng mommy niya nang sa wakas ay mapansin si Felix.
"Si Felix po-"
"Ito na baga ang mamanugangin ko, Anak?"
"Merry Christmas po," nakangiting bati ni Felix sa mga magulang niya.
Two of her cousins took the cakes from Felix. Agad na humalik at yumakap dito ang mommy niya, gigil na gigil. Minsan lang kasi siya mag-uwi ng lalaki sa probinsya nila. Parang ngayon lang yata. Tapos ganito pa ka-gwapo. Kaya naiintindihan niya ang ina kung bakit ayaw na nitong bitawan si Felix.
"Kagwapo mo naman, Hijo!"
"Salamat po!"
"Mukhang maganda ang genes, Anak! Sulit ang paghihintay ko!"
"My!" Hinila niya ang ina palayo kay Felix. "Kumalma ka lang, My. Nakakahiya."
"Aba't ano't ika'y mahihiya? Natural laang na ako'y ganayto, Anak, at ako'y excited na sa iyong kasal."
"Kasal agad, My? Grabe ka naman. First time nyo pa lang mag-meet, kasal na? Pa'no sa second meeting, apo naman?"
"Pwede baga?"
Pinandilatan niya ang ina. "My!"
"Huwag nyo daw pong i-pressure. Shy type po 'yang anak nyo," nakangising sabi ni Felix.
"Sus! Wala na dapat hiya-hiya kapag ganay-an na katanda!"
Napasapo na lang siya.
"Kamusta naman ang byahe ninyo? Trapik baga?" tanong ng daddy niya.
"Medyo traffic, Dy. 'Yong mga regalo po pala namin, nasa kotse po. Kukunin lang namin."
She tried to pull Felix away from her mom, but her mother wouldn't have it. Ayaw na yatang pakawalan si Felix.
"Bukas na! Kumain muna kayo at baka gutom na itong kasama mo." She turned to Felix. "Hanggang Bagong Taon baga kayo rito?"
"Hanggang Bukas lang, My," sagot niya sa ina. Sumunod siya rito habang hila-hila papunta sa hapag si Felix.
"Bukas agad? Bakit uuwi kayo kaagad?"
"May trabaho kasi, My."
"Ay ikaw ang umuwi. Balikan mo na laang next year itong si Felix. Kikilatisin muna namin ng tatay mo para next year ay pwede na kayong ikasal."
She rolled her eyes. Hiyang-hiya na siya kay Felix kahit mukhang nag-i-enjoy naman ito sa atensyong ibinibigay ng mommy niya rito. That's her mom, walang preno ang bibig pero likable pa rin.
On her way to the feast, may nag-abot na sa kanya ng pinggan. For special occasions, mga hinabing pinggan na binabalutan ng plastik na labo ang kinakainan nila. Bawat hakbang yata ay may naglalagay ng pagkain sa pinggan niya. Ang daddy naman niya ang may hawak ng pinggan ni Felix. Ga-burol na ang pagkaing nandoon.
"Dy, tama na 'yan. Baka ma-empatso naman si Felix nyan."
Her father acted as if he didn't hear her. Hindi pa ito nakuntento sa isang pinggan. Kumuha pa ng isa at iyon naman ang pinuno. They sat Felix down, sa tabi ng isa niyang kuya. Sa kabila ni Felix, sumiksik naman ang mommy niya para daldalin ito habang kumakain. Mas excited pa ang mga itong kilalanin si Felix. Mukhang nakalimutan na yata siya.
Luckily, someone was kind enough to offer her a seat. Si Baste.
"Kumusta ang byahe?" tanong nito.
"Okay naman. Thank you." Lumapit siya sa tiyahin nito, na ninang niya, at nakipag-beso. Saka siya naupo. "Akala ko sa states kayo magpapasko."
"Na-miss ni Mama na mag-Pasko rito, e."
Ngiting dumungaw ang Ninang Sally niya. Inakbayan ang pamangkin na itinuturing na rin nitong anak. "Mukhang ayaw nang pakawalan ng mommy mo 'yong boyfriend mo, a."
"Haynako, 'Nang, ganyan lang talaga 'yang si Mommy. Alam mo na, sabik sa manugang kasi ako na lang ang hindi pa kasal."
"In fairness naman sa 'yo, Hija, you chose well. I'm just a little disappointed that it's not Baste."
"Ma..." saway ni Baste sa tiyahin. He gave her an apologetic look. "Sorry kay Mama."
"Sus!" Iwinasiwas niya ang kamay. "Don't worry. I know the feeling."
"But the deal is still on, right?" paninigurado ng Ninang niya. "When you turn 40-"
"Excuse me." She looked up to find Felix standing there. Bumati ito sa Ninang niya saka tinanguan si Baste. Then, he pulled her up. "Can I take her with me for a while?"
Syempre, may magagawa pa ba sina Baste? Nakatayo na siya.
"Sure, sure! Nice meeting you, Hijo."
"Nice meeting you rin po."
Bumalik sila sa pwesto nito. Ang mommy niya, tumayo para bigyan siya ng mauupuan. Hinila ni Felix ang upuan niya para maging dikit na dikit sa upuan nito.
"What's up with you?" tanong niya pagkaupo. "Na-miss mo 'ko agad?"
"Bakit sa kababata ka nakatabi pagkain? Dapat sa boyfriend."
Napangiti siya. She pinched his cheek. "Cute mo."
Hinuli nito ang kamay niya at saka hinalikan, which made everyone around them stop eating. Nauwi sa tuksuhan. Na nauwi sa kantyawan.
"Isa namang kiss dyan! Papasko laang!" kantyaw ng isa niyang tiyahin.
It must be the Christmas spirit that made Felix feel a bit more generous. Yumuko ito para pagbigyan ang hiling ng mga kamag-anak niya.
Yes, he fits right in. It made her feel so happy. If only it's Christmas every day.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro