Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Heavy Heart


Mona felt her heart getting heavier by the minute. Hindi na sila muling nakapag-usap nang maayos ni Felix nang bumalik si Angela sa table nila. She just watched the two bond, while she pushed her tears back. Ayaw niyang umiyak sa harap ng dalawa, kaya itinutok niya ang atensyon sa pagkain kahit hindi na niya iyon malasahan.

After their lunch, inihatid siya nina Felix pabalik sa shop. Nang bumaba siya ng kotse, lumabas din si Felix.

"Will I see you again?" seryoso nitong tanong.

Dahil hindi niya alam ang isasagot, lumapit siya sa harap ng kotse at kinatok ang bintana. When she got Angela's attention, she waved. The child waved back.

"Pasok na 'ko. Ang dami ko pang gagawin, e," sabi niya nang hindi tinitingnan si Felix.

"Mona..."

Dire-diretso siya pagpasok sa shop. Hindi niya pinansin ang panunukso ng mga empleyado. Sa hitsura siguro niya, pansin na ng mga itong ayaw niyang makipag-usap.

Nagkulong siya sa opisina niya at doon tahimik na umiyak.

--

Halos tatlumpong minuto rin siyang nakakulong doon. Ipinahinga niya ang mga mata at inayos ang makeup. Nang lumabas siya para ituloy ang trabaho, tahimik lamang ang mga empleyado niya. Ramdam niyang gustong itanong ng mga ito kung ano'ng problema, pero walang naglalakas ng loob na manghimasok.

They respect her privacy. Dahil pamilya na ang turing ng mga ito sa kanya, marunong ang mga itong makiramdam kung pwede bang makialam o hindi. Kahit si Tatay Ben, tahimik lang habang nakasunod ang tingin sa kanya. She wanted to ask the old man for advice, but didn't want to put Felix in a bad light. She also didn't want to burden anyone with her problems. Sanay kasi siyang siya ang nilalapitan kapag may problema.

Sa mga panahong siya naman ang walang mapagsabihan ng problema, mas pinipili niyang mapag-isa. Iiyak hanggang sa maibsan ang sama ng loob. And since she can't cry with everyone watching her with worry, she decided to go home early.

Pinilit niyang kumain ng hapunan kahit wala siyang gana para makainom siya ng wine. She poured herself a glass of her most expensive wine and sat in front of the TV to watch something... anything that can take her mind off of what happened earlier.

Cake Boss did the trick. It helped a little.

But the distraction didn't last for long. Bigla kasing may dumating na hindi niya inaasahan.

When someone rang the doorbell, she wasn't really expecting anyone in particular. Lutang na siguro siya dahil sa pag-iyak kanina o baka may kaunting tama na ang alak sa kanya.

So hindi siya prepared na makitang muli si Felix. May dala itong bulaklak.

"Hi!" he greeted. "Pinuntahan kita sa shop mo pero sabi nila umuwi ka raw nang maaga kaya dito na 'ko dumiretso."

"Uhm... yeah. I just wanted to rest so..."

"Nag-dinner ka na? Gusto mong—"

"Yeah, I already ate."

"Oh..."

Mukhang nadismaya ito sa sagot niya. Agad naman siyang tinamaan ng konsensya.

"I can cook for you, if you want. Pambawi do'n sa last time na hindi natin nagamit 'yong binili mo."

The last time that something happened to them and they had to order food because she's too tired to cook... It felt like a long time ago, kahit na parang last week lang yata 'yon nangyari.

Agad na bumawi ng ngiti si Felix at pumasok sa nakaawang na pintuan bago pa magbago ang isip niya. He placed the flowers on the table and followed her to the kitchen asking if he could help.

She said no, of course. One, because he can't help with anything and two, because she needs breathing space.

So, Felix had to wait in the living room for the food. 'Yong madali lang lutuin ang niluto niya para hindi ito maghihintay nang matagal.

She poured him some wine too. Ibinaling niya ang atensyon sa TV habang kumakain ito. Pagkatapos nitong kumain, pauuwiin na niya ito. Maybe she'll make an excuse. Sasakit bigla ang ulo niya.

Alam niyang hindi ito aalis hanggang hindi niya ito pinaaalis. She kinda gave him permission to stay already. She knew he'd expect the same treatment. But after what she learned earlier? She doesn't know anymore. Maybe it's best if they won't see each other as often as they did in the past. Hindi na magiging bukas ang bahay niya para rito. She needs to guard her heart to avoid potential breakage.

"I'm sorry about Angela," sabi nito maya-maya.

"Hmm?"

"Naninibago lang talaga 'yon sa bagong kakilala. But you'll grow on her eventually... maybe if you spend a little more time together."

"Naku! I'm not great with kids. Baka ma-bore lang sa 'kin 'yong bata."

"Are you kidding me? You're great with anyone! Magugustuhan ka din nya."

Umiling siya. "Huwag na, Beh. Baka isipin no'ng bata pinapalitan ko 'yong mama nya."

He didn't respond to that. She sipped her wine and thought of something else to say to fill the awkward silence.

Nahagip ng mga mata niya ang plato nitong wala nang lamang pagkain. Agad niya iyong kinuha.

"Tapos ka na?"

Without waiting for his answer, she took the plate to the kitchen. Naisipan niyang hugasan na ang pinagkainan nila at ang mga ginamit niya sa pagluluto para matagalan siya roon. Si Felix naman ang lumipat sa kusina. Tumabi ito sa kanya sa tapat ng lababo.

"Ako na." Kinuha nito ang sponge mula sa kanya.

"Ako na! Manuod ka na lang ng TV." She took the sponge back and slightly pushed him away. "Mabilis lang naman 'to."

He didn't have a choice because she was hoarding the sink. Malaki pa naman siya. Hindi ito makasingit. So bumalik na lang ito sa sala para ipagpatuloy ang panunuod.

When she was finished with the dishes, she went back to the living room... kahit ayaw niya. She couldn't tell him to leave because that would be rude. At iisipin nitong may problema. Magtatanong ito. Ayaw niyang umamin.

Good thing, she was saved by the bell.

Agad siyang tumayo at binuksan ang pintuan. It was Fresia. She was crying again.

"Beh! Ano'ng nangyari sa 'yo?"

Instead of answering, Fresia entered the house. Natigilan lamang ito nang makita si Felix.

"I-I'll just go to Aika's."

Akmang aalis ito nang hawakan niya sa braso. "No. He's just about to leave, anyway." She pulled Fresia to the couch and gave Felix a knowing look. Ngumiti naman ito, ibinaba ang hawak na kopita at saka tumayo.

"I'll see you tomorrow," sabi nito sa kanya. And then, he gave Fresia a pat on the shoulder. "Bye, Fresia."

Agad niyang pinaupo ang kaibigan nang makaalis si Felix. Kumuha siya ng wine glass at nilamnan iyon ng alak. Inubos iyon kaagad ni Fresia.

"Hindi mo na dapat sya pinaalis. Nauna naman sya rito, e."

"Mas kailangan mo 'ko," dahilan niya. And besides, she'd rather be with Fresia than with him right now.

Pinainom niya ng alak si Fresia at hinayaang umiyak hanggang sa makatulog ito. Felix didn't call that night. Mukhang kasama na rin nito si Bullet.

--

The next morning, she left Fresia with a soup for her hangover. Pupunta raw sina Brandi at Aika kaya medyo kampante siyang iwanan ang kaibigan sa bahay. Fresia was a mess last night. Ubos ang paborito niyang alak na tinipid niya ng isang buong taon. But what can she do? She's nursing a brokenhearted person. She's bound to lose her favorite wine.

She left a note before going to work. Don't destroy anything. PLEASE. Wala siyang problema sa welfare ng kaibigan niya. Hindi siya natatakot na magpapakamatay ito. Fresia's not suicidal like Fiona. But she tends to divert her anger towards non-living things and her house could be in danger.

She went to work when Brandi and Aika told her that they'll be coming over. Sisilip lang siya sa trabaho para mag-check kung ayos ba ang trabaho roon. Tapos magbi-bake siya ng cupcakes at uuwi na rin.

Mukhang medyo ayos naman na si Fresia nang makarating siya sa bahay. Dinadaldal na kasi ito ng dalawa. Aika even brought her favorited stuffed toy with her. She joined the conversation to make the atmosphere a little lighter. Bad idea. Napansin kasi ng mga itong medyo nangangayayat siya. If she told them that she's been down lately, mag-uusisa ang mga ito at mang-aaway ng dapat awayin. So... Mona being Mona, she chose to pick the positive side of the story to tell to her friends.

"I'm sleeping with Felix!" she blurted out.

Naturally, naging curious ang mga ito. Nagtanong nang nagtanong. Mabuti na lamang at na-divert kay Aika ang usapan. It turns out that her friend has some juicy things to reveal as well.

Alam naman na niya iyon, so it didn't come as a surprise to her when Aika told them that she's starting to like Mickey. Their story is the classic case of a dog-cat relationship. Away nang away hanggang sa magkagustuhan. That is, if Mickey feels the same way, na hindi nila sigurado dahil hindi naman mahilig mag-share ng feelings si Mickey. Ito kasi ang tahimik sa tatlong magkakaibigan.

--

Nang maisipan nina Brandi na umuwi, naiwan siya sa bahay para may kasama si Fresia. She seems okay now, but it's too early to be sure.

"Ikaw, hindi ka ba hinahanap sa shop mo?"

"Kung malulugi kami dahil lang nawala ako ng isang araw, then I'm not an effective business owner. But I am, so there's nothing to worry about." Naupo siya sa coffee table sa harap nito. "What do you want to do today?"

"Mope and cry." Itinaas nito ang mga paa sa couch at saka niyakap ang mga binti.

"What about things that don't involve moping and crying?"

Suminghot si Fresia. Matagal na nag-isip.

"There is one thing. Pero... pwede mo ba akong ikuha ng damit sa apartment ko? Kahit isang maleta lang. Ayokong bumalik kasi baka..."

Baka magsira ito ng gamit? Knowing Fresia, she has the tendency to destroy a place which reminds her of something painful. She shared that apartment with Bullet, kahit ilang linggo lang 'yon. Bullet also redesigned everything so everything there, every piece of furniture, will remind her of him.

She held up her hand. "It's okay. I understand."

"Actually... get as many things as you can. I think I'll be gone for a while."

Tumango siya at ipinaghanda ito ng pagkain bago siya umalis.

--

There's no one in the apartment when she arrived. Agad niyang kinuha ang suitcase na nasa itaas ng closet ni Fresia at saka siya kumuha ng ilang damit. She called Fresia just to make sure that she didn't miss anything. Itinuro nito sa kanya ang mga kailangan pa niyang ilagay sa suitcase.

Pagkagaling niya sa banyo para kumuha ng toiletries, bumalik siya sa kwarto nito. Kumuha siya ng ilang bags at sapatos na pwedeng kailanganin ni Fresia. Hindi niya alam kung gaano ito katagal na maglalagi sa bahay ng parents nito.

Nang matapos siya sa pag-i-empake, iniikot niya ang tingin sa buong silid. Her eyes caught the huge teddy bear on one corner. Tinawagan niyang muli ang kaibigan.

"Beh, 'yong ano... 'yong teddy bear?"

"Iwan mo na lang," walang kabuhay-buhay nitong sagot.

"Okay. Pabalik na 'ko."

Hila ang suitcase, lumabas siya ng kwarto, and out of the apartment. She put the suitcase in thne backseat and was about to drive off when Fresia called her again.

"Mon... padala na pala no'ng teddy bear."

She rolled her eyes but silenced her complaint. She knew she needed to be more patient and understanding. Alam naman niyang iintindihin din siya ng mga kaibigan kung siya ang nasa sitwasyon ni Fresia. Pero knock on wood, hindi 'yon mangyayari.

Agad niyang binalikan ang teddy bear at saka dinala pag-uwi sa bahay niya.

--

They spent the rest of the night watching chick flicks. Fresia would cry at every sweet, heartbreaking, and sad scenes. Ubos na ang tissue niya. Nakailang ice cream na rin silang dalawa. Kung magtatagal si Fresia sa bahay niya, walang kahirap-hirap na babalik siya sa dating timbang.

Most people would drown the pain with alcohol. Fresia would stuff hers with food. At dahil kailangan nito ng karamay, dumamay naman siya.

The next day, gising na ito nang maaga. Nag-aaya. May pupuntahan daw sila. Hindi naman nito sinabi kung saan. Basta isinakay nitong muli ang maleta at teddy bear sa kotse naman nito. They drove to somewhere outside the city.

Malawak ang lugar at maraming puno sa paligid. Agaw pansin ang isang malaking building na maraming nakaparadang sasakyan sa gilid. May mga taong nagpi-picnic sa damuhan. Isa na roon ang isang pamilyang nakaagaw ng atensyon niya. May lima kasing aso na nakapaligid sa mag-anak. Ang dalawa ay kalaro ng isang batang lalaki. Ang isa ay kasalukuyang tumatanggap ng belly rubs mula sa isang ginang. Ang isang kamukha ni Hachiko, nakikipaglaro ng fetch sa isang batang babaeng kulot ang buhok. At ang isa naman, ang pinakang-umagaw ng atensyon niya, ay ang isang asong maiiksi ang mga biyas at tumatalbog ang pwet kapag naglalakad.

She had the sudden urge to grab its butt. It's just too fluffy!

Sumunod siya sa kaibigan nang maglakad ito palapit sa mag-anak. Fresia talked to the handsome man who's playing with the boy. Gwapo ito, in a boyish kind of way. Naa-appreciate naman niya ang hitsura nito pero hindi niya tipo. Tipo nya 'yong mga kagaya ni Felix.

UGH.

Can she stop thinking of that man for once?

Fresia seemed to know the guy, who was later introduced to her. Cyrus daw ang pangalan nito. Lena 'yong pangalan ng asawa nitong maganda at payat. Keisha at Nikola ang pangalan ng mga anak. They even introduced the dogs to her. It seems like they're also part of the family. Maggie and Dumdum, 'yong dalawang golden retriever. Kier 'yong akita inu raw ang breed. 'Yong pug, si Mingming at 'yong may malambot na pwet, si Chip, isang corgi.

She couldn't help herself. Pinisil-pisil niya ang pwet ng aso, na mukha namang ikinatuwa ni Lena. Agad itong umupo sa damuhan sa tabi niya at ngiting-ngiting itinanong kung mahilig siya sa aso.

"Hindi, e," sagot niya. "Pero cute nito. Ang lambot-lambot!"

Nilaro-laro niya ang tenga ng aso na parang triangular saucer sa lapad.

"Magri-rent sana ako ng room. May available pa ba ngayon?" narinig niyang tanong ni Fresia.

Cyrus told her that there's one. Hinila siya ni Fresia papunta sa malaking building.

--

Cyrus gave them both safety suits and gears before he opened a room. She heard of places like that one. 'Yong mga taong nagsisira ng sirang gamit para makapaglabas ng galit. But this one took it up a notch because the furniture inside was still intact. 'Yon bang pwede pang i-recycle o may konting damage lang. While Fresia's inside wrecking things, Cyrus told her that some clients even make special request ahead of their appointments. Gusto raw ng ilan na i-mimick ang isang lugar na pamilyar sa mga ito, maybe a place of heartache or heartbreak. Para mas feel daw ang pagwasak ng mga gamit.

"It's one of their many creative ways of coping. 'Yong sisirain 'yong lugar na naging importante sa kanila. Maybe they feel like destroying the place will help them find closure."

"Magkano naman 'yong gano'n?"

"Depende. It ranges from 2K to 10K."

Nanganga siya. "Seryoso?"

Cyrus smiled and nodded. "Minsan kasi, gusto nilang may mga gamit na exact brand or replica ng meron sila. So we take time in finding them and they cost money."

"Jusko! Iinom na lang ako ng alak!"

Cyrus was about to comment on that when the door of the wreck room opened, revealing Fresia, still with the mask on, panting.

Sinilip niya ang loob ng kwarto. Looks like her friend went all out.

"Okay ka na, Beh?"

Tinanggap ni Fresia ang mask. Her face was covered in sweat and tears.

"Can you... get the bear... for me, please?"

Pilit siyang ngumiti. "Okay!"

Madalian niyang kinuha ang teddy bear at binalikan ang kaibigan. Fresia grabbed the bear. May hawak itong kutsilyo noon kaya nakikita na niya kung ano ang sunod nitong gagawin. Gusto sana niyang pigilan ang kaibigan dahil unang-una, bigay iyon ni Bullet. Alam niyang kapag humupa na ang galit ni Fresia, pagsisisihan nito kung ano man ang gagawin nito sa stuffed toy. Pangalawa, pinaghirapang hanapin ni Felix 'yon. Sayang naman kung mauuwi lang sa wala.

But Fresia closed the door just as she was about to voice out her opinion on the matter at hand.

Naiwan siya roon habang may kinakausap si Cyrus sa phone. She began to feel a little suspicious when he kept looking at her. Imposible namang nagagandahan ito sa kanya. O kung nagagandahan man ito sa kanya, imposible namang may iniisip itong kakaiba. He doesn't look the type to cheat on his wife. So, the only other possible thing that's happening is that he's talking to someone who knows her.

Nanlaki ang mga mata niya sa realisasyong iyon. It could be Felix! Felix and Cyrus must be friends! Or it could be Bullet! Maybe he's looking for Fresia?

Agad niyang kinatok ang kwarto kung saan abalang nagsisira ng gamit ang kaibigan niya.

"Beh! Time to go!"

It took a while for the door to open. Hinila niya si Fresia palabas.

"Hindi pa 'ko tapos!" reklamo nito.

"Kailangan na nating umalis!"

Fresia must have recognized the reason behind the urgency in her voice. Naintindihan siguro nito kung ano ang gusto niyang iparating sa pagpapanic niya dahil bigla na rin itong naging aligaga. Dali-dali nitong hinubad ang suot na suit at isinauli doon sa taong nasa counter ng mga protective gears.

Then, they ran to Fresia's car, leaving the room she rented, wrecked, and the bear, lying on the floor, with its chest open.

--

Sorry sa typos.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #twthhwp