Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: Persistence

The following day, Felix called Mona again to confirm if they can go out for lunch. She told him no. Ang dahilan niya—busy.

"Palagi ka na lang bang busy kapag ako ang mag-aaya?"

"Busy kasi talaga ako, Beh. Alangan namang basta ko na lang iwan ang trabaho ko?"

"Are we okay? Baka naman galit ka lang sa 'kin? May nagawa ba 'kong hindi maganda?"

Lahat nga ng ginagawa mo, maganda, e, gusto niyang sabihin dito. 'Yon nga mismo ang problema. He's too perfect, but at the same time, has the biggest flaw that any sane, single woman should avoid. Pero siya, konting-konti na lang, gusto nang bumigay. If he say please... using a sweet, husky voice, she might just give in.

"Hindi nga. Busy lang."

Bumuntong-hininga ito. "So, when will you be free?"

Kapag free ka na rin. "Tawagan na lang kita kapag may time ako, okay?"

"Do I have a choice?"

"Meron naman, Beh. You always have a choice."

"Meaning?"

"Walang meaning 'yon. Kumu-quotable quote lang ako," natatawa niyang sabi. "O, sige na. I have to go back to work."

Before he could complain, she ended the call. She was about to go back to the work room when she received another call. Akala niya si Felix uli.

"I told you, I'm busy!"

"Mona..."

Natigilan siya nang marinig ang boses ni Fresia. Garalgal iyon at nanginginig, mukhang umiiyak ito.

"Sorry, Beh, akala ko kasi... bakit ka umiiyak?" tanong niya kahit alam naman na niya kung ano ang problema. She listened as Fresia told her about Bullet, how he's been acting really weird and secretive lately. Pansin naman niya iyon. Something about him changed when they all went to Pampanga. Parang may na-trigger na kung ano. But she's afraid to ask because she knew that it's Fresia who should ask first and it's also her who should know first.

"Mon... pwede mo ba akong puntahan?"

"Ano ka ba. Syempre naman. Pero mamayang konti, ha. May urgent lang akong tatapusin. Tinawagan mo na ba sina Brandi?"

"Oo. Papunta na raw."

"Good. Gusto mong dalhan kita ng paborito mong cupcakes? Free of charge."

Narinig niya itong suminghot. "Baka hindi ko rin makain."

"Basta magdadala ako. O, sige na. Magtatrabaho na 'ko para makaalis agad. Stay strong, Beh!"

--

Mabilis niyang tinapos ang mga ginagawa. Kasabay na noon ang pagbi-bake ng cupcakes na gustong-gusto ni Fresia. Her friend might be sad right now, but that doesn't mean that she can't eat. Sino ba namang tao ang hindi sasaya kahit kaunti kapag nakakain.

Nang makarating siya sa apartment nito, naabutan niyang nagtatalo sina Brandi at Aika. Those two have very different opinion about love and relationships. Si Aika 'yong idealistic at romantic. Si Brandi naman ang realistic, bordeline pessimistic.

"Sorry natagalan, ha. Isiningit ko lang 'to, e."

Ipinatong niya ang cupcake tray sa gitna ng kama. Sa kamamadali niya, hindi na niya iyon nailagay sa box. Ni walang icing. Masarap naman na iyon kahit walang icing sa ibabaw. She let it cool down on her way to the apartment.

Naupo siya sa tabi ni Fresia at yumakap dito. Mugto na ang mga mata nito kaiiyak. "Are you okay? Sabi ko sa 'yo kagabi magkwento ka, di ba? O, ngayon iiyak-iyak ka na."

"Mona!" atungal nito. Gumanti ito ng yakap. "I miss him."

She could just imagine her longing. Kung siya nga, matindi na ang pagka-miss kay Felix kahit wala pa silang relasyon, ano pa kaya ang nararamdaman ni Fresia? Kahit bago pa lang ang relasyon ng dalawa, marami na ring napagdaanan ang mga ito. Bullet already survived Fresia's parents. They already slept together. They used to live together until... well... Bullet must have moved out already.

"Ngayon lang 'yan!" ani Brandi.

"You miss him because you love him. You love him. Don't let it end this way, Fresia," sabi naman ni Aika, indirectly dismissing what Brandi just said.

Brandi rolled her eyes. "Stop talking like you know anything about being in a relationship!"

"That's below the belt!" reklamo ni Aika.

"Hoy!" saway niya. "Lumabas nga muna kayong dalawa!"

Nagpalitan ng masamang tingin ang dalawa. Humalukipkip si Aika. Si Brandi naman, parang walang narinig.

She sighed and shouted, "OUT!"

She used her serious voice, the one she rarely uses. Mukhang umipekto naman dahil sumunod ang dalawa kahit halata sa mga mukha na gusto pa ng mga itong ibigay ang kanya-kanyang opinyon kay Fresia.

"Alam mo, Beh, ang mga lalaki magsasabi sila sa 'yo ng problema kapag handa na sila. You can't force them to speak when they're not ready. It's not that he doesn't trust you. Maybe he's just scared."

"Of what?!"

Umiling siya. Malay ba naman niya kung ano'ng problema ni Bullet. 'Yong issue nga ni Felix kay Andrea, hindi pa niya alam, e. "Hindi ko alam. Hindi ako manghuhula."

Sumimangot si Fresia. "Mona naman, e."

"Kidding aside, I think what he's scared the most right now is losing you. Maybe what he's been keeping from you might drive you away."

"And this is what? His way of keeping me? He left me, Mona! Wala man lang text kahit 'K. Thanks. Bye'!"

"But he loves you," she argued. Yes, kasi lahat nasusolusyunan ng pag-ibig, sarkastiko niyang sabi sa sarili.

"I'm not even sure about that."

She cupped her face and said, "He loves you. Ramdam naming lahat. Kita naming lahat. Kahit magkalayo kayo, sa 'yo lang sya nakatingin. Kapag nakangiti ka, ngingiti rin sya... na para bang masaya syang nakikita kang masaya. If that isn't love, then I honestly don't know what is.

"Maybe he has a grave reason for keeping something from you. And if you love him, Beh, then trust that he will come back and tell you everything when he's ready. Don't let your relationship go to waste. We're rooting for you both. Even Brandi. Kahit bitter 'yon, alam no'n na masaya ka kay Bullet."

Brandi only wish ill to other couples, pero syempre, iba nang usapan kapag mga kaibigan na nito. She knew, deep down, really deep down, that Brandi wants them all to be happy. And Aika's always pro-happy endings. Siya, kung saan mas sasaya ang mga kaibigan niya, doon siya. At alam niyang mahal ni Bullet si Fresia.

Jusko naman. Kung hindi pa naman pagmamahal ang tawag sa mga ginagawa nito para sa kaibigan niya, hindi na niya alam kung ano pa ang dapat nitong gawin para makumbinsi si Fresia.

--

Nang maalo nila si Fresia ay bumalik na siya sa bakeshop. At ang sumalubong sa kanya... wirdong tingin ng mga empleyado niya.

"Ano, ngayon lang kayo nakakita ng maganda?" biro niya sa mga ito.

"Pagupit ka na, Boss. Masyado nang mahaba 'yang buhok mo," nakangiting sabi ni Annie. Bago pa siya makapagtanong kung ano ang ibig nitong sabihin, inilabas na nito ang isang bouquet ng bulaklak mula sa likuran ng counter.

"Para sa 'kin?"

"Malamang. Ibibigay ko ba sa 'yo kung akin 'to," natatawa nitong sagot.

Nanghahaba ang nguso niya nang kunin iyon. She read the note. It has nothing there except for the sender: Felix.

Biglang nagliwanag ang mukha niya. Halos makuyom ang mga bulaklak nang yakapin niya at amuyin. Why did he send her flowers? Magli-level up na ba sila? Hindi ba nito kinayang hindi sila magkita? Did he miss her so much?

There are so many things that she wants to ask him, but she stopped herself from calling him. She will let him call her first.

She waltzed her way upstairs. Ipinagyabang ang mga bulaklak na bigay ni Felix.

"Naks! After so many years, magkaka-boyfriend ka na ulit!" masayang deklarasyon ni Tatay Ben.

"Tay, huwag munang mag-assume. Baka ma-jinx!"

Masarap sanang ipamalita kaso... baka naman sabihin ni Fresia, wala siyang delicadeza. Brokenhearted 'yong tao tapos mang-iinggit siya. Kaya sasarilinin na lamang muna niya ang tuwa. Anyway, she has the whole bakeshop to share the kilig with.

Napatigil ang lahat sa pagtatrabaho nang biglang tumunog ang phone niya. May tumatawag.

"Ayan na ang boyfriend!"

"Shhh!"

"Boss, sabihin mo magpa-merienda naman sya! Ligawan nya rin kamo kami!"

Tumakbo siya papuntang office at doon nagkulong para may konting katahimikan. Saka niya sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Natanggap mo ýong flowers?"

Tiningnan niya ang hawak na bulaklak. Napangiti siya. Hindi pa nga niya binibitawan.

"Oo. Para sa'n 'to?"

"Gusto lang kitang bigyan. Nagustuhan mo ba?"

"Oo," pag-amin niya. "Ngayon lang uli ako naka-receive ng flowers, e."

"Bakit? Hindi ka binibigyan ni Baste?"

"Recently lang naman ulit kami nagkita. Naninibago pa kami sa isa't isa."

"That's not an excuse, Mona."

Kinilig siya. Nagsiselos ba ito? Para kasing nagsiselos ito. But she couldn't ask because it would seem that she's assuming things.

"Uhm... okay."

"Gusto mo bang padalhan kita araw-araw?"

Kumunot ang noo niya pero parang kinikiliti ang tagiliran niya sa tanong. "Huh? Bakit?"

"Gusto ko lang."

"Baka magalit si Andrea."

Bumuntong-hininga ito.

"Palagi namang galit ýon."

"Kung gano'n naman pala, huwag mo nang dagdagan ang ikagagalit nya. You don't have to do this for me. You don't have to do anything for me. You don't owe me anything," she told him.

"Mona..."

"Mas mabuti na nga 'yong hindi ka sweet sa 'kin, Beh. Ayokong umasa. Mamaya mahulog ako sa 'yo bigla tapos hindi mo pala ako kayang saluhin kasi... you know... mabigat ako."

Tumawa ito. "Bakit kahit parang medyo seryoso ka, nakakatawa pa rin?"

"Kasi nga... hindi mo naman ako kailangang seryosohin."

Tumikhim ito, nailang yata sa sinabi nya. She didn't mean it to sound like she's implying something else, it just came out that way.

Natahimik sila pareho. Habang nag-iisip siya ng magandang banat para ibalik 'yong gaan ng usapan, bigla itong nagsalita.

"Pa'no kung gusto kitang seryosohin?"

Nasamid siya bigla. "H-Ha?"

Inulit nito ang tanong.

"Beh! Sabi ko 'wag kang pa-fall! Nakikinig ka ba?!"

She heard him chuckle. Napaupo siya bigla.

"I'm tired of Andrea, Mona."

"Hoy... 'wag kang ganyan. Baka makarma ka, sige ka."

"E, ano namang gagawin ko kung gano'n talaga 'yong nararamdaman ko? Can't I be honest with myself?"

Huminga siya nang malalim.

"Kung gano'n naman pala ang nararamdaman mo, e bakit ka pabalik-balik sa kanya? From what you're doing, you make her seem like she's your resting place, somewhere you go to when you're tired. But if she's tiring you, then why do you keep on coming back to her?"

Hindi ito sumagot.

"'Wag mo naman akong gawing scapegoat. Bedmate na nga, scapegoat pa. Alam kong malaki ako, pero huwag ka namang magtago sa likod ko palagi."

"It's not like that, Mona."

"It's like that to me."

Felix sighed. "Baka kapag sinabi ko sa 'yo 'yong talagang dahilan, lalo kang lumayo sa 'kin."

"Di ko sure, Beh. Try mo. I might do the opposite."

"Makikipagkita ka ba sa 'kin kung sakali?"

"Bakit? Kailangan pa ba nating magkita? Hindi pwedeng sabihin over the phone?"

"Gusto ko personal."

"Hmm... gumagawa ka lang ng excuse para makita ako, e!" biro niya.

Tumawa naman ito. "Hindi excuse 'yon. Ang tawag do'n paraan."

Napalaki ang ngiti niya. "O, sige. Kung magkikita tayo, sasabihin mo talaga?"

"Pangako."

And because of that, she agreed to meet with him. Tomorrow, lunchtime.

--

At dahil magkikita na naman sila, aligaga na naman siya. Nagwawala na ang mga paru-paro niya sa tiyan simula nang magising ang diwa niya. Tuloy, hindi siya nakapag-agahan. Nasa tanghalian na rin ang utak niya nang pumasok siya sa trabaho kaya hindi siya makausap nang maayos.

"Nak, may date ka ba?" tanong ni Tatay Ben.

"Lunchdate, Tay."

"'Yong nagpadala ng bulaklak kahapon?"

Tumango siya.

"Sasagutin mo na?"

She waved her hand dismissively. "Nako! Hindi po nanliligaw 'yon!"

"E, bakit may pabulaklak?"

"May pambili sya, e."

He gave her a probing look, parang sinusubukang basahin ang ekspresyon ng mukha niya. Pinanatili niyang blangko ang ekspresyon para wala itong mabasa.

--

Lunch time. Mona's hands were cold and clammy. It's only been two days since she last saw him, but it felt like a few years. Sabik na siyang makitang muli si Felix, pero at the same time, medyo natatakot siya.

Paano kung hindi niya magustuhan ang sasabihin nito? Paano kung bigla itong umayaw at hindi siya siputin?

But he did come. Pinalabas na siya nito ng bakeshop nang makaparada ito sa labas. She hurried to the passenger's seat, but when she opened it, there was already someone else there.

"Okay lang bang sa backseat ka?" tanong ni Felix.

"Sure!"

Pumwesto siya sa likuran, ramdam ang tinging hindi lumubay sa kanya simula nang makapasok siya ng sasakyan.

"Kapatid mo?" tanong niya.

Ngumiti si Felix at umiling. Nakatitig pa rin ang bata sa kanya. "No. This is Angela, anak ko. Angela, say 'hi' to Tita Mona."

Angela waved. She waved back while letting his words sink in. Did she hear him right? May anak na ito?

--

Sorry sa typos. May topak keyboard ughh

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #twthhwp