Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: A Broken Heart

Masama ba ang maging oportunista? Kasi ganoon ang pakiramdam ni Mona. Pakiramdam niya, nananamantala siya. She knew that Andrea and Felix were on a break, but he comes back to his girlfriend after a few days.

Can that be called love? Can someone love without being loyal?

Because of what she learned last night, she decided to stay away from Felix. Makikipagkita na lamang siya rito kung kasama ang barkada. She feels bad for Andrea. Kahit pa sabihing naging baliw-baliwan ito kay Felix, siguro naman ay may maganda itong rason.

And if Felix was truly fed up already, then he would break up with her for good. Hindi 'yong kapag nahihirapan ito sa relasyon, saka ito aalis. At kapag gusto na nitong bumalik, babalik ito na parang walang nangyari.

Babae rin siya. Ayaw niyang maranasan niya iyon.

Kaya kahit gusto pa niya itong maka-date nang maraming beses, sinabihan na muna niya itong pag-isipang maigi kung ano ang plano nito sa buhay. She told him to sort things out with Andrea and to think about marrying her. Halos sampung taon na rin ang dalawa, kahit pa sabihing on and off. Any girl who's in a relationship for that long would surely want marriage.

Tuloy, wala siyang ganang bumangon kinabukasan. Tinatamad din siyang magtrabaho. There's nothing to look forward to at the end of the day, so she has no motivation to even start it.

But she has to work. May cake pa siyang tatrabahuhin. The engagement cake for a client is only halfway done. Tatapusin niya mamaya. Sana ganahan siya.

--

Mona tried on concentrating with work, pushing Felix out of her mind whenever he pops back in. Kapansin-pansin ang pananamlay niya dahil maya't mayang may nagtatanong sa kanya kung ayos lang ba siya.

"Pagod lang ako."

"Pagod?" A hint of mischief flashed in Ralph's eyes. "Bakit pagod, Boss? May activity sa gabi?"

Sinabuyan niya ito ng harina. "Tigilan mo 'ko, Ralph."

Kumapit si Tess sa braso ng boyfriend nito at saka nakangising idinagdag, "Dapat kasi, Boss, may interval. Hindi pwede 'yong gabi-gabi."

She sighed exasperatedly and looked at Tatay Ben for help.

Tumawa ito. "Kailangan mo ng energy drink, 'Nak?"

"Grabe talaga kayo! Babawasan ko mga sweldo nyo!" pananakot niya. Walang naniwala sa kanya. Kaya iniba na lang niya ang usapan. "'Yong nagpagawa ba ng engagement cake, tumawag na?"

"Hindi pa yata. Anong oras ba kukunin 'yong cake?"

"Teka, itatanong ko."

She went down to the front of the store to ask her manager, who manages the orders, about the time the cake should be picked up. Pagkakataon na rin para makaalis siya sa work room. Masyado kasing tsismoso ang mga kasama niya.

"Alas dos daw," sagot nito. "May 3 hours pa."

"Ah. Okay. Tawagan mo na lang. Sabihin mo ready na 'yong cake, kung gusto nyang kunin nang mas maaga."

"Sige."

Since ayaw niyang bumalik agad sa itaas, hinintay niya hanggang sa kumonekta ang tawag, pero hindi iyon nangyari.

"Baka busy," sabi na lamang niya bago bumalik sa itaas. Anyway, it's still early. The customer has plenty of time to pick his cake. Magpu-propose kasi ito sa girlfriend nito mamayang gabi. It's his girlfriend's birthday. Invited ang pamilya at mga kaibigan ng babae.

Mabuti na lamang at mas pinili ng customer na kunin mismo ang cake. Hindi na niya kailangang mag-deliver. She hates engagements and weddings. Nakaka-bitter kasi... lalo na kapag mas bata pa sa kanya 'yong ikakasal.

As she was about to head back upstairs, she received a surprising call. It was from Felix.

"Hey..."

Napahawak siya sa hand rail. Boses pa lang nito, nanlalambot na siya.

"Hey yo wassup?!" sagot niya sa kalutangan.

Felix let out a hearty laugh. "Busy ka?"

"Bakit?"

"Sagutin mo muna 'yong tanong ko."

"Depende kasi sa sagot mo 'yong sagot ko."

He chuckled. "Well, I just want to ask you out for lunch."

"Ah." She stopped herself from giggling. Ipinaalala sa sarili na hindi na pwede. He's back with Andrea. He's back inside her territory. She shouldn't trespass. "In that case, I'm busy."

"Aww... how can I change that?"

She smiled, but didn't directly answer the question. "Busy talaga ako. Lunch ka naman kasi nag-aaya."

"Bakit? Can't I take you out for lunch? Bakit si Baste—"

"It was pre-arranged. Hindi pwedeng biglaan."

He sighed, but didn't argue. "Fine. Dinner then?"

"Dinner again?"

She knew what the invitation meant. Their previous dinners lasted until morning. This one, she's sure, would be no different.

"Kasi ayaw mo ng lunch..."

"Hindi naman sa ayaw. Kaso kasi, biglaan..." And you have a girlfriend, at the moment.

"Okay. Bukas?"

Bakit ba ayaw nitong tumigil? Was he oblivious of the fact that he has a girlfriend? O tingin nito okay lang sa kanya na tinu-two time? Well, it was okay before. Kasi kahit paano naman, on a break ang dalawa nang makisingit siya. But this is different. Technically, he's Andrea's. Kung magbabago man iyon, saka na lang uli siya makikisali. Pero hindi habang mag-on pa ang dalawa.

"Hindi ko sure, e."

"Bukas na lang. Lunch and dinner?"

"Lunch lang."

"Ayaw mo na ng dinner?"

"Diet ako. I don't eat dinner anymore."

"Diet? Kailan pa?"

"Starting today. Kaya 'wag kang makulit."

"Well, we can still go out and not eat food."

She rolled her eyes and sighed exasperatedly. Does he ever take 'no' for an answer? Bakit ba sobrang kulit naman yata nito ngayon? May pinagdadaanan na naman ba ito sa girlfriend nito?

Nangungunsumi na siya sa hagdanan nang biglang dumungaw si Tatay Ben mula sa itaas.

"Mona—"

Sinamantala niya ang pagkakataon para makatakas kay Felix.

"Yes! Nandyan na!"

"Ay hindi! May itata—"

"Teka lang po! Paakyat na 'ko!" She made a shushing gesture and turned her attention to Felix. "Sorry, Beh, busy kasi talaga kami ngayon, e. Try ko bukas pero hindi pa sure 'yon, ha. Sige na. Bye!"

"Mo—"

She ended the call and groaned. Sumandal siya sa hand rail at tinapik-tapik ang sariling noo. She needs to come up with a good excuse that will last for a few days. O kahit weeks, basta habang may girlfriend pa si Felix. She shouldn't even be tempted to say yes to him every time he asks.

Pining over someone who has a girlfriend is an impossible feat. Ayaw naman niya na mayroon siyang kahati. Bukod sa hindi sulit, nakakakonsensya pa. Hindi rin naman siya makalayo kay Felix kasi... crush nya. Crush na crush na crush. 'Yong tipong gusto niyang angkinin at sarilinin... but Andrea got him first. At hanggang hindi pa naghihiwalay ang dalawa, for good, hindi dapat siya makisali.

Maybe it's time to direct her attention to Baste? Baka naman ito ang ka-forever niyang talaga at panggulo lang si Felix?

--

During lunch, dahil napurnada 'yong date niya sana, hindi siya nakakain nang maayos. Nasa isang sulok lamang siya habang nilalabanan ang tuksong tawagan si Felix. Thankfully, she got through it.

Nang magkayayaang mag-merienda, kahit gutom siya, wala rin siyang masyadong gana kaya kahit may isang bilao ng pancit, naka-ilang subo lang siya.

It was around four when she noticed the engagement cake that's still on the fridge. Medyo nawala ang pagkalutang niya nang makita iyon.

"Anong oras nga uli kukunin 'yong cake?" tanong niya kay Ralph.

"Sabi nyo, alas dos."

"E, bakit nandyan pa?"

Sinundan ni Ralph ang turo niya. Kumunot ang noo nito. "Baka na-late?"

"Itanong mo nga kay Annie."

Tumango ito at lumapit sa phone na nakadikit sa pader. Ang mga empleyado niya ang madalas gumamit doon. Kapag kasi may kailangang sabihin sa kanya, pinasasagot niya ng tawag sina Tess. Kapag siya naman ang may kailangan, bumababa na lamang siya. 'Yon lang kasi ang exercise niya, ang hagdan.

She saw Ralph nod. Pagkatapos ng tawag, lumapit ito sa kanya.

"Hindi na raw kukunin."

"Bakit daw?"

"Wala na yatang engagement party na magaganap."

She knew there's more to the story and since Annie handles all the orders, ito ang madalas kausap ng customers. Bumaba siya para maki-tsismis. Game na game naman itong nagkwento.

"Nangaliwa raw 'yong babae. Galit na galit 'yong fiancé nang tawagan ko."

"Grabe naman. Ngayon lang nya nalaman?"

Annie nodded. "May nagsabi yata tapos nahuli kaninang magkasama."

Naitakip niya ang kamay sa bibig. "Grabe! On the day of their engagement?"

"Hindi naman kasi alam no'ng girl na magpu-propose si Kuya. Kaso, ayon nga... nahuli."

"Sayang naman."

"True. Sayang ang five years nila," naiiling nitong sabi. "Kaya hindi ako naniniwala do'n sa mga sinasabi nilang may forever na after a certain number of years, e. Hindi mo na talaga masasabi sa panahon ngayon. Lahat may ending."

"Hashtag hugot."

Natawa ito. "Seryoso kasi. Kaya kahit maka-ten years kayo parang hindi ka pa rin secure sa relationship, e. Kasi anytime, pwedeng may mabago."

Hindi na siya nagsalita. It's true, anytime, pwedeng may magbago. But some things remain the same. Some things change and then, go back to the way they were before. Some things can't handle change.

Can she?

--

She survived lunch and she also survived dinner. Felix asked her again if she wanted to change her mind and she said no. It's a good thing that she did, because Fresia came by. Halata sa mukha nito na may problema ito, pero mukha ring hindi pa ito handang magsabi.

They were eating the cake when she got there. Ipinauuwi niya sa mga empleyado iyon pero ang ilan, kung hindi umay na, may mga bitbit na pauwi. So, silang mga walang kasawaan sa cake ang naiwan. Kinakain nila 'yong natira sa pinaghati-hatian nila para iuwi.

"Uy, beh! Kain ka!"

Ralph took a slice of cake and gave it to Fresia. It has a written Wi on it.

"Ano'ng meron?" kunot-noo nitong tanong.

"Engagement cake," sagot niya. "Kaso nag-cancel ng order 'yong lalaki at the last minute kasi nalaman na tinu-two time sya ni girl. Ayaw nang kunin kaya heto... more for us."

Mukhang nag-alangan itong kumain dahil sa sinabi niya.

"Don't worry, bayad na 'yan," dagdag niya. "Bakit nga pala napadalaw ka? Ano'ng problema?"

Nagtaas ito ng kilay. "Problema agad?"

Naupo ito sa tapat niya. Hulog ang balikat nito. Malungkot ang mga mata. They don't even need an expert to tell them that her friend is problematic. Sinenyasan niya ang mga kasama na magmadali sa pagkain.

"Beh, hindi ka naman pumupunta rito kung wala kang problema."

"Uy... pumupunta kaya ako rito minsan para makikain."

"E, bakit dito ka makikikain? Di ba masarap naman 'yong boyfriend mo?" Sinadya niya iyon para tingnan ang magiging reaksyon nito. Kulang na lang, mag-flinch si Fresia pagkabanggit niya ng boyfrfiend. Ah... so Bullet's the problem. "Sorry nag-auto correct ang utak ko. I mean masarap namang magluto 'yong boyfriend mo."

Her friend's laugh came out awkward.

"I just want to ask you something," sabi nito.

She took a piece of cake, ate it, then asked, "About?"

"You and Felix."

Nabilaukan siya. Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Fresia nang ituro niya, with conviction, ang pitsil na malapit dito.

"Are you okay?"

"Y-Yeah..." Sobra naman kasing manggulat ng tanong nito. Walang pasabi. Hindi siya handa!

"So may problema nga kayo."

Hinila niya ito sa isang tabi. "Bakit naman iniisip mong may problema kami? Nabilaukan lang ako, may problema na agad? Hindi pwedeng may humarang lang muna sa lalamunan ko? We're fine! We're doing just fine."

"Then why were you avoiding him last night?"

"I wasn't avoiding him!" She was.

"Magkatabi dapat kayo no'ng picture taking. Lumipat ka sa kabilang side. No'ng umupo sya sa tabi mo para kumain, lumayo ka. No'ng sabay kayong kukuha ng lasagna, lumipat ka sa kabila tapos spaghetti na lang ang kinuha mo," Fresia enumerated.

Nasobrahan nga ang pag-iwas niya kay Felix. Imbes na walang isiping malisyoso ang mga kaibigan niya, naisip kaagad ni Fresia na may problema! Well, meron nga... but she's not ready to tell them yet. Ayaw niyang masermonan ni Brandi. Para pa namang blade ang dila no'n!

"Nagkataon lang siguro."

"Tatlong beses na nagkataon sa isang gabi?"

"You know what? You're just reading it wrong. Nagkataon lang talaga, promise. Bakit ko naman sya iiwasan?"

"That's what I want to know."

She waved her hand dismissively. "Dina-divert mo lang ang usapan, e. May problema kayo ni Bullet. Ramdam ko."

"Wala," tanggi nito, pero syempre pa, hindi siya naniwala. She lies, sometimes, so she knew and feel it when someone's lying to her too.

"Fine! Kung ayaw mong magsabi sa 'kin, aantayin ko na lang na ikaw ang lumapit sa 'kin while you're bawling your eyes out."

Ngumiti lamang ito at kinuha ang cake na kinakain nito kanina.

"Basta, Beh, kapag may problema ka, lapit ka lang, ha," sabi niya rito. "You have my number. You know my address."

"Oo naman."

"Tayo-tayo rin lang naman ang magdadamayan," patuloy niya.

"Okay." Sumubo ito ng cake. "Magkwento ka nga."

"Ano naman ang ikikwento ko?"

"Kahit ano."

"Okay. Alam mo 'yong alamat ng saging?"

Tumawa ito. "Gaga. Hindi gano'ng kwento."

"Be specific kasi, Beh. Ano ba'ng kwentong gusto mo?"

"Kwentuhan mo 'ko tungkol sa inyo ni Felix."

Ngumuso siya. Umurong bigla ang dila. Quota na siya sa pagsisinungaling ngayong araw. Dadagdagan pa ba niya?

But Fresia's face was expectant. So, with asigh, she tried to come up with another lie.)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #twthhwp