Chapter 1: Some Things Never Change
Mona scanned the place. May dekorasyon na mga crepe paper sa ceiling ng dati nilang auditorium. Wala na ang mga inclined benches sa tabi. Napalitan iyon ng mahahabang lamesa at mga upuan na umuukopa sa malawak na venue ng reunion nila.
Maganda rin ang ayos ng stage. Hindi tinipid. Sa wakas ay nagka-budget din ang school niya. Naalala niya dati, tuwing kailangang ayusin ang auditorium, kanya-kanya silang magkakaklase ng dukot sa bulsa para sa ambagan.
Welcome home, Batch—
Napasimangot siya sa numero. Has it been that long? Ganoon ba talaga dapat ang nakalagay na taon? Hindi niya matanggap na labing-anim na taon na mula nang maka-graduate siya ng high school!
"Mona!" Kinawayan siya ng dating muse ng klase nilang si Jelly. "Dito ka na!"
Huminga siya nang malalim. Why did she go again this time? Sa tagal na niyang inaayang sumama sa reunion ng batch nila, ngayon lamang niya pinaunlakan ang imbitasyon ng mga dating kaklase.
She already has a successful business. Hindi pa siya sobrang yaman pero marami-rami na rin ang pera niya. She owns her own shop and it's doing well. She hopes that's enough to impress them.
Pilit siyang ngumiti. More than anything, she wants them to see past her figure. Nag-black tight-fitting dress na nga siya ngayon. Nakakapayat daw ang itim. Kaya kahit mukha siyang makikipaglamay ay nag-itim siya.
Maingat niyang inilakad ang itim na high heels. The last thing she wants now is to embarrass herself by tripping on a flat surface.
"Hello, friends!" masigla niyang bati sa mga nakaupo.
Medyo nailang siya nang biglang tumayo si Jelly. Malaki ang tiyan nito. Buntis. Pero halata mo sa katawan na tumaba lang ito dahil sa pagbubuntis nito. Mas malaki pa rin ang mga braso at hita niya.
Hustisya naman! Akala ko ba totoo ang gulong ng palad? Bakit nasa taas pa rin si Gelay?!
Maganda pa rin ito, mukhang alagang-alaga ang sarili. Siya mukha pa ring napabayaan sa kusina!
"Buti naman nakarating ka!" Jelly exclaimed. Humalik ito sa pinsgi niya.
"Sorry. Ngayon lang nagka-time, e," dahilan niya.
"Akala namin ayaw mo lang talagang magpakita, e," sabi sa kanya ng dati niyang crush na si Brandon. Kaunahan yata itong ikinasal sa kanila. Nagkabuntis kasi ito noong fourth year sila. After high school, ikinasal ito kaagad.
Mataas na ang hairline nito ngayon at medyo malaki na rin ang tiyan. If not for the name tag on his shirt, she would not have noticed him. At least umikot ang mundo para sa ilan.
Iba ang alaala ng high school. Kahit gaano pa katagal ang lumipas na panahon, maaalala't maaalala mo pa rin ang mga nangyari noon. She could still remember what most of them did to her, good and bad. But because it's already been a long time, bearing grudges seems too much. Kaya forgive and forgive na lang. But no, she didn't forget.
Ginawa niyang motivation ang mga panlalait sa kanya noon para magbutihin ang buhay niya. Hindi na niya sinubukang mag-diet. Hindi naman kasi niya napapanindigan.
"Healthy na healthy ka pa rin, ha!" kumento ng isa sa mga mean girls noon, si Alona.
Ikaw, bulimic pa rin? she wanted to ask. Mabuti at napigilan niya ang sarili. That was way too harsh, kahit nagka-eating disorder naman talaga ito dati. Keep it PG, Mona, she reminded herself.
"Maraming pera pambiling pagkain, e," sagot na lamang niya.
"I heard you have a cake shop," ani Elton, ang dati nilang class president na kasing kapal pa rin ng jalousie ang salamin sa mata. "May discount ba kapag dating kaklase?"
"Oh, sure! Hindi naman ako malulugi. Huwag lang kayong magpapalibre. Abuso na 'yon."
Nakarinig lamang ng discount ang mga ito ay naging sentro na kaagad siya ng atensyon. Si Jelly, magpapagawa raw ng cake para sa baby nito pagkapanganak. May mga humingi ng number niya. May mga nagtanong kung saan ang address ng shop.
Hindi na niya malaman kung saan lilingon dahil kabi-kabilang may kumakalabit sa kanya.
"Nako! Wala pa rin kayong ipinagbago! Ang iingay nyo pa rin!"
Sabay-sabay sila halos napalingon sa matandang nagsalita. Ipinatong ni Misis Corpuz ang kamay nito sa balikat niya.
"Ma'am!" they chorused.
Tumayo ang mga dating kaklase at yumakap o humalik sa matanda. Si Misis Corpuz ang adviser nila noong fourth year. May pagka-nagger ang matanda. Araw-araw yata sila noon kung pagalitan nito. May mga araw pa na sila ang pinakang-huling umuuwi dahil naninermon pa ito.
Noong third year siya, todo-dasal siyang huwag sanang mapunta sa klase nito. Ito kasi ang terror na teacher noon. Lahat ng sections sa lahat ng year ay ilag dito maliban sa mga advisory class nito.
At noong napasok na sila sa klase nito, saka nila naintindihan kung bakit.
Masungit ito sa school. Istrikto. Pagagalitan ka kahit napakaliit lamang ng pagkakamali mo. But outside their school, she's their friend. May cooking sessions sila sa bahay nito halos linggo-linggo. Madalas din silang mag-picnic noon.
Ito ang takbuhan kapag may personal silang problema. Kahit financial problem, hinahanapan nito ng solusyon! They never thought that they would be so attached to her. Bumaha ng luha noong graduation nila.
Sabi pa nga nito ay titigil na raw ito sa pagtuturo at sasabay sa kanila pag-alis sa eskwelahan. Joke lang pala. She's still here, terrorizing the students.
"Kayo ba ay may mga asawa na, ha?" tanong nito sa kanila.
Halos lahat ay tumango. Siya naman ay hindi kaagad nakasagot.
Yumuko ito at tumitig sa kanya. "Ikaw, Hija?"
"Ma'am, masyado pa akong bata para dyan." Sinalubong niya ang mapanuksong tingin ng mga dating kaklase. "I stopped aging at 21," paliwanag niya.
"Diyos ko naman, Hija. Wala ka pa bang natitipuhan hanggang ngayon?"
"Masyado kasi akong pihikan, Ma'am."
Kahit ang totoo, wala lang talagang nagkakainteres sa kanya. She loves being single. Huwag lang siyang makakakita ng mga mag-jowa na naglalambingan at talagang madi-depress siya. Syempre, gusto nya ring magka-boyfriend. Napaglipasan na nga siya ng panahon, e. Ideally, dapat ay may asawa't dalawa na siyang anak ngayon.
Kaso nganga.
--
The reunion wasn't that bad. Napaka-nostalgic ng naging kwentuhan nila. Nakapag-reminisce tuloy siya nang wala sa oras. But that bit was okay. Lipas na 'yon, e. Kahit masasakit na alaala, tinatawanan mo na lang kasi hindi mo na 'yon mababago.
Pero tuwing napupunta sa kasalukuyang panahon ang usapan, natatameme siya. Lalo na kapag usapang may kinalaman sa relasyon. Biruin mo ba namang siya na lamang ang walang boyfriend o asawa! Lucas doesn't count because he's a priest! Kahit si Anton na Antonia na ngayon, may jowang foreigner!
The truth is, kahit gaano pa ka-successful ng business niya, if she has no one, then she's still sad. Karamihan sa mga kaklase niya ay simple ang naging pamumuhay. May mga simpleng trabaho. Pero may mga pamilyang inuuwian tuwing gabi, may mga asawang nahahalikan at nayayakap... may mga anak na nakakalong.
Inisip na lamang niyang mas lalo siyang tataba kapag nagbuntis para manahimik ang nagdadrama niyang kaluluwa.
Bago sila maghiwa-hiwalay ay naanyayahan na siya ni Jelly na mag-ninang sa magiging anak nito. She thinks that it's because of the cake. Makakalibre nga naman ito kung siya ang gagawing ninang. Palaging may sponsor ng cake ang magiging inaanak niya!
Inimbita rin siya ng mga dating mean girls na lumabas minsan. May nag-offer pa na isi-set up daw siya sa isang blind date. Sinang-ayunan niyang lahat para hindi na siya kulitin ng mga ito. She'll just think of an excuse later.
--
Hindi pa man nakakababa ng sasakyan si Mona ay nabahala na siya sa natanaw niyang nakaupo sa labas ng gate ng bahay niya. Fresia, her friend, was sitting there with her luggage. Nakatingin ito sa gawi niya, hinihintay na iparada niya ang sasakyan.
Agad siyang bumaba nang makapagparada. Nilapitan niya ito at pinatayo.
"Bakit mugtong-mugto 'yang mga mata mo?" tanong niya rito.
Lumapit ito at yumakap nang mahigpit sa kanya. "Mona!"
"Ano? Bakit ka umiiyak?"
"Si Richard..." simula nito.
Wala pa man itong sinasabi ay nag-init na ang ulo niya. Si Richard na yata ang nakilala niyang lalaki na pinakanatural ang pagiging asshole. Innate na. Parang simula pagkabata, magaspang na talaga ang ugali.
She only met Richard once but she doesn't want to do it again.
What's messed up about Fresia is that it's clear to them that her friend doesn't love the guy. While Richard was trying to be sweet, ito naman ay panay ang layo sa lalaki. Na para bang napilitan lamang ito sa sagutin ang unggoy na 'yon.
Medyo naawa siya nang konti kay Richard dahil doon. Pero agad ding nawala ang awa niya rito nang sila naman nina Aika ang pagbuntunan nito ng inis. Kung si Aika, muntik nang umiyak dahil nilait-lait ni Richard ang pagiging writer nito, sila naman ni Brandi ay handang-handa nang sabunutan ang lalaki.
But for Fresia's sake, kinuntento na lamang nila ang mga sarili sa pang-iinsulto rito.
"What did he do this time?"
Pinahid niya ang luha ng kaibigan. She looks like a mess! Did she finally feel for that guy? Kaya ba ito iyak nang iyak?
"Did he cheat on you?"
Parang bata itong nakanguso habang tumatango.
She cupped Fresia's face. "Nasaktan ka?"
"I wasn't hurt. I'm mad!"
"So bakit ka umiiyak?"
Nang hindi ito kaagad nakasagot ay napag-desisyunan niyang papasukin na ito ng bahay niya. Since mukha namang matagal-tagal ang magiging usapan nilang dalawa, might as well continue the conversation somewhere comfortable.
Inside, she poured wine on two glasses and sat with Fresia on her big couch.
"So... bakit ka umiiyak?" pag-uulit niya ng tanong.
Lumagok muna ito ng alak bago sumagot. "I don't know. Siguro kasi hindi ko inakalang magagawa nya 'yon? I mean, he waited a long time for me to say yes to him. He might be an asshole to you, but he took care of me and loved me without asking for too much."
"Nanghihinayang ka?"
"Hindi ko alam," simangot nitong sagot.
"Baka naman in love ka na sa kanya?" God forbid!
Fresia shook her head. "I really don't know, Mon."
"Alam mong mahal kita. Kahit sino'ng mahal mo, tatanggapin ko kahit masakit. But... I want you to be sure if it's love you're feeling or regret. Kasi if it's the latter, then we can help you move on. Just because you were in a relationship with him for three years doesn't mean na kayo na hanggang huli. And since he cheated on you, then dapat hindi ka ma-guilty. He's at fault. Not you."
Yumuko ito. "He said something to me before we officially broke up. He said that he only cheated dahil hindi raw nya maramdamang mahal ko sya. That I made him cheat."
"Honey, no one can make a man cheat but himself. Don't buy his bullshit."
"I don't know, Mona... feeling ko may kasalanan din ako."
--
Hinayaan niyang matulog ang kaibigan sa bahay. Madalas namang makitulog doon si Fresia dahil siya lamang sa kanilang apat ang marunong magluto. Nagkataon namang saksakan ng takaw ang kaibigan niya. Tapos hindi ito tumataba.
Nang magpasabog yata ng swerte ang langit, nasa isang sulok lang siya at kumakain ng donut habang ito ang hindi magkandahumayaw sa pagsalo ng biyaya.
They all live independently. Brandi's with her co-models. Aika lives on her own, but she has an evil cat who doesn't like people in general.
Kaya siya ang takbuhan ni Fresia kapag may problema ito. O kahit gutom lang.
Kakailanganin na naman niyang triplehin ang groceries niya dahil ilang araw itong maglalagi sa bahay niya. Winasak daw kasi nito ang mga gamit nito sa apartment dahil sa galit kay Richard. Ewan ba naman sa kaibigan niya. May sira yata ito sa ulo. Sa ibang tao galit pero sariling gamit ang pinagbuntunan.
Maybe that's why she was crying last night. Baka nanghihinayang ito sa mga gamit. Because Fresia woke up earlier and the first thing she told her was that she's sure she still doesn't love Richard.
"Mabuti na lang nag-break na kayo," she couldn't help but say.
Mas gugustuhin naman niyang maging single na lang kesa mag-stay sa isang loveless relationship.
After cooking breakfast for Fresia, they both headed to work. She's a baker. Iyon ang passion niya so iyon ang ginawa niyang business. It's more of a hobby than work, because she enjoys it so much. Nakaka-stress minsan, pero kung napapaligiran ka naman ng matatamis na pagkain, how stressful can stress really be?
Si Fresia naman, wedding dress designer. They both deal with bridezillas. Ang kaibahan nga lamang nila, mas bata ito sa kanya. Hindi pa pa-expire ang matris nito. Kaya hindi pa ito masyadong affected. Siya, kada may magpapagawa ng cake, hindi niya mapigilang isipin 'yong ideal wedding nya.
Kaso paano naman siya magkaka-perfect wedding kung wala pang ideal man?
--
That afternoon, while she was plainstakingly piping chocolate icing to a birthday cake, Fresia called her.
"Beh, busy ako," bungad niya.
"Samahan mo lang ako. Sandali lang naman."
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa apartment ko," sagot nito. "Imi-meet ko 'yong designer na mag-aayos."
Pumay-awang siya. "Kailangang kasama ako?"
"Baka lang gusto mo. Gwapo kasi. Ipakikilala kita. Alam mo namang mahal din kita, di ba? Ikaw muna bago ako." Kikiligin na sana siya nang bigla nitong dinagdagan ng, "Age before beauty, friend."
"Aray ha!"
Tumawa ito. Well, at least she's laughing again.
"Basta, meet me there, okay? Kapag hindi ka pumunta, irireto ko 'to kay Brandi."
"Hoy! Huwag na! Akin na lang!"
"Pumunta ka."
"Oo na! Mamadaliin ko na 'tong ginagawa ko. Anong oras ba?"
Matapos nitong sabihin ang oras ay nagpaalam na siya rito para matutukan ang cake na dinidisenyo.
--
Sa sobrang excitement ni Mona ay nakalimutan na niyang siya nga pala ang magdi-deliver ng cake noong hapon ding iyon. Minadali na nga niya ang cake ay nakalimutan pa niyang ibigay sa celebrant. Mabuti na lamang at may pagkukusa ang mga empleyado niya. Someone did the delivery for her.
Mabilisan siyang nagbihis at nag-ayos. She needs to look pretty for this guy. Hindi naman sa pagiging desperada, pero kailangan niyang subukan. Try and try hanggang merong ita-try!
Pagkarating niya sa apartment ni Fresia ay nakita niyang nakaparada na ang kotse nito sa labas, katabi ng isa pang kotseng hindi pamilyar sa kanya.
Pinagbuksan siya ng pinto ng kaibigan. Her place looks like a mess! But the man standing in the middle of it all caught her full attention. Nakatalikod ito sa kanya. Nakapamay-awang. He's tall, lean... niyayakap ng mga damit ang buo nitong katawan. And his butt...
Napakagat-labi siya.
"You made it!"
Upon hearing Fresia's voice, the man turned.
Slow mo kung slow mo. Parang nag-stretch ang ilang segundo nitong paglingon. And the music! God! She must be going nuts.
Bakit may background music bigla sa utak niya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro