Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 - With a Smile

Chapter 9.

"Vin! Ano ka ba bumaba ka riyan!"

Napatingin ako sa likuran ko. Muntik pa nga ako mawalan ng balanse pero buti na lang naalalayan niya kaagad ako. Hindi ako bumaba sa kinatatayuan ko, bagkus, humawak lang ako sa may pader na malapit sa kinatatayuan ko.

"Vin bumaba ka riyan ano ba?" Nag-aalala niyang saad pero nginitian ko lang siya.

"Angelica, hindi ko na kaya," I smiled, trying to erase those bad memories that bothering me this days. "Gusto ko na lang na mawala. Gusto ko na lang mamatay para matapos na 'tong paghihirap na nararamdaman ko. Angelica, you know how good I am. Hindi ko kayang gawin 'yun. You believe in me right?"

Tumango siya. May ngiti sa labi niya na never nawala sa mukha niya. Ang ngiting 'to ang palaging nagsasabi sa akin na dapat ngumiti rin ako. Na dapat maging masaya rin ako dahil she deserve someone who can make her happy. Which I think I did, pero hindi permanente. Temporary lang 'yung saya na naibigay ko sa kaniya.

"Yes, Vin, I do believe in you. Pero hindi mo masusulusyunan sa pagpapakamatay ang problema mo. You know, this problem is just a challenge. I mean a difficult challenge you need to conquer. Kapag nagpatalo ka rito at nagpadala, mas mapapatunayan lang na totoo nga ang kumakalat na balita laban sa'yo," lumunok siya ng isang beses. Lumuluha na siya at doon nagsimulang mawala ang ngiti sa labi niya.

"Vin, kapag nawala ka, paano mo dedepensahan ang sarili mo laban sa mga issues nila? Yes, mawawala at mamamatay ang issue once na mabalitaan nilang nagsuicide ka. Pero Vin, kahit hindi ka magpatiwakal, the issue will die and fade over time," aniya kaya napatulala ako sa kawalan. Gusto kong makinig sa kaniya dahil she's always right. Pero hindi pa rin ako kumbinsido na bumaba rito sa harang ng hallway namin.

"Kahit ano namang dipensa ko, hindi nila ako pinapakinggan. Everything to them is a joke. They did listen to my side, pero hindi sila naniniwala sa akin na hindi ako 'yung gumawa no'n kay Shaira. I'll never do that unto women!" Napataas ang boses ko tho hindi ko gusto at hindi naman dahil kay Angelica 'yon.

"Kaya nga nandito ako..." halos pabulong nitong wika habang pinipigilan ang mga luha niya. Ang paghikbi niya at pangangatal ng labi, nagdulot ng lungkot sa buo kong sistema.

"Angelica..."

"Sige Vin," pinunasan niya 'yung mga luha niya. Pagkatapos ay binigyan ako ng isang matapang na tingin na ngayon ko lang nakita sa kaniya sa buong panahon na magkasama kami. "Paano ako kapag tumalon ka rito? Paano 'yung pamilya mo? Naisip mo ba na sobra kaming masasaktan?" Aniya na gusto muling umiyak pero pinipigilan niya.

"Angelica--"

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Tumayo rin siya sa kinatatayuan ko na halos ikamatay ko na rin sa sobrang kaba.

"Anong pakiramdam na 'yung mahal mo nasa bingit ng kamatayan?" Tanong niya sa akin na may ngisi sa labi. "Nakakatakot 'di ba? Kinabahan ka right?" She said and I nod.

"Angelica, bumaba ka rito," I said.

"No," umiling siya. "Kung tatalon ka rito. Might as well to do the same. Para sa kabilang buhay walang sisihan. Hindi mo sisisihin ang sarili mo na iniwan mo ako, at hindi ko sisisihin ang sarili ko na hindi kita napigilan sa plano mong pagpapakamatay," she said with every point in each word.

"Pero Angelica..."

"Vin, ano na? Hindi pa ba tayo tatalon?" Tanong nito sa akin.

Napapikit ako.

I can't afford to lose someone like her. I mean, hindi lang siya someone. She's a very supportive, hardworking, brave and smart girl I ever had. Hindi ko kakayanin na mamatay siya ng dahil lang sa akin. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin ng gano'n lang kabilis. I courted her for a couple of years at hindi ko sasayangin 'yung chance na binigay niya sa akin para pasayahin siya sa piling ko.

I'm such an asshole to think that suicide is the answer to my bullshit problem.

I opened my eyes and amaze to what I saw.

She's looking far away. Tinatangay ng malamig na hangin 'yung buhok niya at sobra akong nahumaling dahil sa sunset scenery na ikinaganda pa ni Angelica lalo. She really looks an angel. No. I mean she's my angel in human form. Siya ang nagbigay ng kasiyahan na akala ko hindi ko na makukuha pa. 'Yung lungkot tinanggal niya sa sistema ko at never kong naaalala na may salita palang gano'n.

She's worth to be loved.

She deserves to be happy.

"Angelica..." pagtawag ko sa kaniya.

"Hmm?" Pinikit niya 'yung mata niya habang dinadama 'yung malakas na ihip ng hangin. Tinatangay ng hangin maging ang polo ko at ang buhok ko. Pero balewala 'yon dahil ang sarap sa pakiramdam ng dulot na lamig ng hangin.

"Thank you," mahina kong sabi.

"Para saan?" Tanong niya habang nakapikit pa rin at dinadama ang hangin.

"Sa lahat. For letting me enter your colorful world. For letting me yours. For letting yourself to be mine. Thank you kasi sa tuwing kailan kita, nandiyan ka sa tabi ko. Sa tuwing may problema ako, nandito ka. How irrational na ikaw 'yung babae at girlfriend ko pero ikaw pa 'tong parang lalaki sa ating dalawa. Ikaw pa 'yung mas matured at mas nakakaintindi. Mas may mahabang pasensya at mas masiyahin kaysa saakin."

She opened her eyes, stared at me with her smile.

"Vin, salamat din sa pagpasok sa buhay ko. 'Yung makulay kong mundo mas naging masaya dahil sa'yo. Siguro kaya mo ako naging girlfriend dahil kailangan mo ng tao na gaya ko. At kailangan ko rin ng taong tulad mo, 'yung kailangan kong bigyan palagi ng advice. Alam mo, masiyahin ka naman e. Palagi ka lang talagang paranoid sa lahat ng bagay kaya natatakot kang maging masaya. Pero salamat dahil pinakita mo sa'kin 'yang side mo na 'yan. At least nalaman ko kung paano magmahal ang isang Calvin Herrera."

I hold her hand. Put it in my chest, right above where my heart is.

"Pero sorry Angelica, kung naging selfish ako. Tama ka nga na paranoid ako. Mas'yado akong nag-over think na baka wala na akong pag-asa na makawala sa problema na 'to. Alam mo naman ako, I can't sleep with problem. At halos isang linggo na akong hindi nakakatulog dahil sa problema na 'to kaya naisip kong ayaw ko na," a tear started to pour down to my cheek but she managed to swipe it using her free hand.

"Angelica, sorry kung naging selfish ako. Pero pinapangako ko, after this day, hindi mo na makikita 'tong side ko na 'to. Hindi mo na ako makikitang ganito kahina," I said, trying to form at least a little smile but it doesn't work.

"Vin, it doesn't matter if you're weak or not. Sometimes being weak means you're just too brave to refuse being strong. The ones who are strong is most likely to be emotionless," sabi niya habang pinupunasan 'yung mga luha na dumadaloy sa pisngi ko mula sa mga mata ko.

I hold her hand tight as if I can't let her go, which is the truth.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you," I said.

"I love you too, Vin," sagot niya na nagpatunaw ng buo kong sistema. Palagi na niyang sinasabi na mahal niya ako, pero bakit gano'n? Hindi pa rin nawawala 'yung epekto ng salita na 'yon? Bakit kinikilig pa rin ako sa tuwing sasabihin niya ang tatlong salita na 'yon.

"Baba na tayo," sabi ko pagbitaw ko sa pagyayakapan namin. I smiled at her. Ngumiti rin naman siya sa akin.

"'Wag mo akong iiwan ha," suddenly she said that made me stop.

"Bakit naman kita iiwan?" Nakangiti pero nakakunot noo kong tanong sa kaniya. "Promise me too that you'll never leave me," sabi ko sa kaniya.

"Promise."

Nauna akong bumaba sa kaniya para maalalayan siya sa pagbaba niya.

Pero a sudden twist of fate came.

Lumakas 'yung hangin ng sobra na nagdulot ng pagkawala ng balanse ni Angelica. Hindi ko kaagad nahawakan ang kamay niya dahil hindi agad ako nakapagreact. Plus the fact na napuwing ako sa dalang buhangin ng malakas na hangin.

"ANGELICA!"

Nagising ako na sobrang lakas ng kalabog ng puso ko. Parang gusto na nitong makawala mula sa dibdib ko dahil sa pagwawala nito. Sobra rin akong namamawis kaya naman pinunasan ko ang pawis sa noo, leeg at batok ko gamit ang palad ko at ang likod ng palad ko.

I looked around.

Nasa loob ako ng van namin. Binabagtas namin 'yung daan papuntang airport dahil ngayong ang araw na uuwi sila Tita Marjorie at Tito Fredo sa Japan. Lahat nga kami nagulat nang malaman namin na kailangan na agad nilang umuwi. May urgent daw kasing problema sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Tita Marjorie. Kaya imbis na sana one month ang vacation nila sa Pilipinas, naging almost one week and a half na lang.

"Calvin, 'nak ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Mama na katabi ni papa sa driver's seat. Nakalingon ito sa akin at may tingin na nababahala.

"Ayos lang po ako," tugon ko. Tumango naman siya at binalik sa daan 'yung tingin niya. May pinag-uusapan sila ni papa na hindi ko marinig dulot ng una, maingay na mga sasakyan sa labas ng van, pangalawa sa radyo na nakabukas, at pangatlo wala akong pakialam.

Napatingin ako sa loob ng van. Nakita ko sila Tita Marjorie at Tito Fredo na magkatabi sa harapan ko na natutulog. Nasa pinakadulong upuan ako sa van na may tatlong hilera ng mga upuan. Nakahiga 'yung ulo ni Tita Marjorie sa balikat ni Tito Fredo, samantalang itong si Tito Fredo, nakadikit sa bintana ng van 'yung ulo.

Sa posisyon nila na 'yan, parang mga binata at dalaga pa rin sila. Nakakainggit na hindi nagbabago 'yung tingin nila sa isa't-isa. Nakita ko na kung paano sila mag-away. Pero hindi natatapos ang araw na hindi sila nagkakabati. 'Yung bangayan at pag-aasaran nila, parang normal na lang sa kanila bilang mag-asawa. Siguro parte na ng panghabang-buhay nilang sumpaan sa harap ng altar na hinding-hindi na nila babaguhin ang pakikitungo nila sa isa't-isa.

After all, it's their way of loving each other.

Malayo 'yung airport mula sa bahay kaya naman nakatulog kaming tatlo. But instead of having a dream, I mean it's dream yet a nightmare to me. Isang bangungot na never ko ng makakalimutan pa dahil nangyari na. Hanggang sa mamatay ako ay babaunin ko na iyon at hindi na muli pang mabubura at maitatama.

"Calvin," pagtawag sa akin ni Papa.

"Po?"

"Saan mo gustong magcollege after mong grumaduate diyan sa Westhood University?" Tanong ni Mama sa akin. Nakalingon siya sa akin habang may hawak na cellphone.

"Hindi ko pa po alam," totoo kong wika.

Sa totoo lang, hindi ko pa nga alam kung anong mangyayari sa buhay ko after kong grumaduate sa Westhood University. 'Di ko sure kung saan ko gusto mag-aral kahit pa ilang beses na akong tinanong nila mama kung saan ko gusto mag-aral. Paulit-ulit lang naman ang sagot ko sa pare-parehong mga tanong.

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagdedecide kung saan ka mag-aaral?" Tanong ni papa sa akin bago kami huminto sa tall gate at pumila sa kumpulan ng mga sasakyan.

"Hindi pa po," tugon ko.

"Ayaw mo ba sa La Salle?" Tanong ni mama.

"Mas'yadong sikat," saad ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Ateneo."

"Sporty mas'yado. Nakakatamad."

"UP?"

"Mas'yadong active sa mga rally. Ayokong masangkot sa politika at mga issues nila."

"FEU?"

"Kilala rin e. Pero hindi ba mahal tuition?"

"'Nak, 'wag mo problemahin tuition. As long as kaya pa namin ni papa mo. Ang kailangan mo lang gawin, magtake ng entrance exam sa lahat ng school na maiisip mong gusto mong pasukan. The tuition is settled dahil nakapag-ipon na kami ng para sa pangcollege ninyo ni Cassy," pagpapaliwanag ni papa.

Huminto kami sandali at may binayad si papa sa tall gate. Pagkatapos no'n, tuloy-tuloy na muli kaming umandar.

"Speaking of Cassy, nasaan siya?" Pag-iiba ko ng topic.

"May group project raw na kailangan tapusin sa bahay ng kaklase niya," sagot ni mama.

"Group project o sleep over?" Paglilinaw ko.

"Magka-iba ba 'yon para sa kapatid mo?" Ani papa.

"By the way Calvin. Sa OLFU ayaw mo ba? Our Lady of Fatima University is not that well-known hindi tulad ng La Salle at Ateneo. Hindi rin mas'yadong sporty pero lagi kong napapanuod 'yung cheerdance group nila. Tingin ko kaya naman namin ng papa niyo ang tuition do'n. What do you think?" Pag-aalok sa akin ni mama.

I shrugged my shoulder as an answer.

Hindi pa rin kasi talaga ako sure.

At first, OLFU is my first choice. Nagagandahan kasi talaga ako sa school na 'yon at sa vibes na binibigay nito sa akin whenever dadaan ako sa harapan ng building nila. Pero kasi, baka hindi para sa akin 'yung school na 'yon. And I really don't know why I doubt sa school na 'yon. Maybe because I really don't care kung saang school ako mag-aaral? O baka naman ayoko na mag-aral?

***

Pagdating namin sa airport, saktong flight na agad nila Tita Marjorie. Natraffic kasi kami sa hindi ko alam na daan dahil hindi ko memorize ang pangalan ng mga dinadaanan namin p'wera sa EDSA na sobrang sikat dahil sa traffic na dulot nito.

Ang daming bilin sa akin ni Tita Marjorie, kesyo raw 'wag ko raw hahayaan na magutom ang sarili ko, 'wag ko raw hahayaan ang pag-aaral ko at maligo raw ako araw-araw para hindi ako matulad sa asawa niyang si Tito Fredo. Natawa pa nga ako nang makita ang ekspresyon ng asawa niya na hindi sumasang-ayon sa sinabi ni tita Marjorie. Pero agad na kiniss ni tita Marjorie si Tito kaya naman nawala kaagad ang inis nito.

"Ingat kayo doon ha! Chat-chat na lang at skype! Love you!" Sigaw ni mama habang papalayo na sa amin sila Tita Marjorie.

Nang tuluyang mawala sa paningin namin 'yung mag-asawa, napatingin sa akin sila mama.

"Gusto mo muna magdinner?" Tanong ni mama sa akin. I just nod.

Thirty minutes later, namalayan ko na lang 'yung sarili ko na naka-upo sa isang restaurant na hindi pamilyar sa akin. Gusto lang daw magtry nila mama ng mga bagong kainan since malapit na ang birthday ni Cassy kaya naghahanap sila ng p'wedeng maging caterer. Kinuha rin nila 'yung number ng management ng restaurant para kung sakali na masarapan daw kami, sila na ang kukuhain nila papa sa birthday ni Cassy.

In-order ni papa at mama lahat ng best sellers. Nakakagulat man dahil mas'yadong mahal, wala lang kila papa 'yon dahil minsan lang daw naman kami kumain sa labas which is true. Mas madalas kasi na sa bahay kami kumakain para raw dama ang family vibes.

"Ang sarap naman nitong shrimp nila infairness," sabi ni mama while eating a sort of shrimp dish sa harapan niya.

"You must try this," sabi ni papa bago subuan si mama ng hindi ko alam kung anong pagkain dahil bago sa paningin ko. Para 'yung shawarma pero imbis na meat ang laman, puro gulay halos lahat at may kakaibang sauce na sobrang linamnam.

Hindi ko na sila pinansin at tumikim ng ilang mga putahe na nasa table namin.

It's all delicious indeed.

Maganda ang plating at ang table setting. Classic ang dating lalo na 'yung chandilier na nakaka-agaw sa atensyon ng lahat ng kumakain.

Napatingin ako sa loob ng restaurant. Inikot ko ang mga mata ko to feed my eyes a gorgeous and elegant sight.

Pero iba ang nakita ko.

Hindi ano.

Sino.

Ano ulit pangalan niya?

Likwatsa ba?

--

An. Sabaw ampotek na update. Sornah.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro