Chapter 6 - Pare Ko
Dedicated to : 143_pink ♡
Chapter 6.
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko nang maalala ko ulit 'yung nangyari kanina--kahapon rather dahil madaling araw na't hindi pa rin ako nakakatulog dahil sa gumagambala sa isipan ko.
How did I get in that point without even thinking?
Naalala kong bigla 'yung mga tingin niya sa'kin kanina. Sobrang naiilang siya. I don't know what expression should I wear that time. Hindi niya akalain na lalapitan ko siya at aaluking sumayaw. Patayo na sana siya't maglalakad palayo, pero napigilan ko siya't inaya na sumayaw. Tinanggihan niya ako but I said I insisted.
"Anong nakain mo Mr. Pogi? 'Di ba sabi mo sa'kin layuan kita? Bakit ngayon ikaw ang lumalapit sa'kin? Hindi mo matake 'yung ganda ko ngayong gabi 'no?" She said innocently kaya napangiti ako sa sinabi niya. Mas lalo namang kumunot ang noo niya.
"What?" Tanong ko sa kaniya nang makapunta kami sa kumpulan ng mga nagsasayawan pero nakatingin pa rin siya sa akin na para bang may kakaiba akong nagawa.
"Alam mo Mr. Pogi--"
"Calvin," pagtatama ko.
"Edi Calvin. Ang weird mo tonight. Una, lumapit ka sa'kin without considering na sabi mo layuan kita. Second, niyaya mo akong sumayaw. Third and last, anong hangin ang nasinghot mo't may pangiti-ngiti ka na ngayon?" Tanong niya sa'kin.
Marahan kaming sumasayaw at dinadama ang bawat linya ng kanta. How I miss her.
"Nothing. Hindi naman sigurong masama na ngumit paminsan-minsan, right?"
Tumango naman siya pagkatapos ay nginitian ako. "That's right. Ang g'wapo-g'wapo mo tuloy ngayon," sabi niya bago napapikit. "Alam mo, paborito ko 'tong kanta na 'to simula nang irelease 'to."
Bahagya akong napahinto pero kaagad kong tinuloy ang pagsayaw.
"Gusto ko na ito ang isayaw sa'kin no'ng panglast na rose ko sa debut ko," sabi pa niya bago buksan ang mga mata niya. Kumunot naman ang noo niya nang makita ako. "Anong nangyari sa ngiti mo? Ba't nagfade agad?"
"Limited lang," maikli kong tugon kaya napahagikgik siya.
"Sana palagi ka nalang gan'to sa'kin," wika niya kaya naman agad akong napahinto sa pagsayaw na ikinagulat niya. Actually, ikinagulat ko rin. May mali sa'kin na hindi ko mapunto sa mga oras na ito. Para bang, nakonsensiya ako sa ginagawa ko. "Bakit? May problema ba?" Dagdag niya nang mapansing napatigil ako sa pagsayaw.
Bumitaw ako sa bewang niya. "I-I'm sorry," tangi kong saad bago umalis sa harapan niya. Naiwan ko siya sa gitna ng mga nagsasayaw.
This isn't right.
Pagkatapos no'n. Pumunta ako sa back stage para kuhain 'yung bag ko't umalis sa party. Wala naman kasi talaga akong balak magtagal kung hindi rin lang ako hinatak nila William.
Sa punto na 'yon, naisip ko na may mali akong ginawa. Una, pakiramdam ko ginamit ko lang si Leila para mapunan 'yung lungkot na nararamdaman ko dahil sa narinig ko 'yung kanta na paborito niya. It's not right to add something just to fill what is subtracted to you. At pangalawa, binigyan ko siya ng false hope. False hope na naging mabait na ako sa kaniya at magkakaro'n na kami ng koneks'yon.
I hate myself for being late to realize na dahil sa ginawa ko, aasa na siya sa susunod na magkaibigan na kami at palagi nanaman siyang bubuntot saakin.
But a part of me saying na, I should let her go, enter the part of me para makalimutan ko siya kahit papaano. 'Yun naman kasi ang gusto niya, ang sumaya ako kahit na wala na siya. I don't know what should I do now. Ayaw ko pa kasing maglet go dahil sobra ko siyang mahal. Pero pinangako ko bago siya mawala, pipilitin kong maging masaya para sa kaniya.
Shit this thoughts. Hindi ako pinapatulog ng konsensiya't kaluluwa ko.
I decided to go out. In this way, aantukin ako at uuwi rin ako kaagad para makatulog. Lumabas ako ng nakat-shirt pero bumalik ulit ako sa loob ng k'warto ko nang maramdaman ko 'yung lamig na dulot ng ihip ng hangin sa labas. Kumuha ako ng jacket at pagkatapos ay naglakad na muli papalabas ng bahay.
Tulog na lahat ng tao sa amin. Ako na lang ang gising. Kung tama ang pagkaka-alala ko, nakita ko sa orasan kanina na alas dos na ng madaling araw. Anim na oras akong hindi makatulog.
Pag-uwi ko kanina, niyaya pa ako nila Mama na kumain muna ng hapunan. Pero ang sabi ko, busog pa ako. Gusto ko kakong matulog na lang kaya hinayaan na lang nila ako. Hindi rin ako pinigilan ni Tita Marjorie kanina kahit na miss na miss na raw niya ako. I said I'll give them sometime para naman makapagbonding which is plano ko na talaga since umuwi sila. Once a year lang kasi sila umuwi at gusto kong masulit nila ang pamamalagi dito sa Pinas.
Tita Marjorie is a restaurant manager in Japan. Dahil maganda ang kita roon, pinasunod na niya sa kaniya sila Tito Fredo at ang dalawa pa niyang anak. Doon na sila permanenteng tumira. Bumibisita sila rito kapag holidays o kaya naman ay ganito na vacant si Tita Marjorie ng isang buwan.
Hindi ko alam kung saan na ako inabot ng paglalakad. Napansin ko na lang na nakatayo na ako sa isang playground where I used to play before. Naalala ko pa na magkasama kami ni Cassy dito dati na nagpupunta. Luckily, hindi ko siya nadala rito. Kundi, marami na namang ala-ala na papasok sa isipan ko.
Wala ng tao. Kung meron man paisa-isa lang ang dumadaan at minuto ang lumilipas bago masundan. Malamig ang simoy ng hangin, ramdam ko 'yon kahit na nakajacket na ako.
Naglakad ako patungo sa swing. Sa may dulong parte iyon ng playground kung saan matatanaw mo 'yung kabuuan ng palaruan. Akala ko nung una guni-guni ko lang na may naka-upo sa isa sa mga swing. Pero nagkamali ako dahil may naka-upo pala talaga roon.
It was her.
Nakatulala siya't mukhang malalim ang iniisip niya. Marahan niyang tinutulak ang sarili sa swing upang gumalaw ito. Mukhang hindi niya rin naramdaman ang presensya ko dahil sobra sigurong lalim ng iniisip niya.
Umupo ako sa swing na katabi niya. Marahan ko ring tinulak ang sarili ko kaya naman gumalaw ang inuupuan ko. Sobrang creepy yet nostalgic ng tunog ng pagswing dahil sa may kalumaan na rin ito.
"Ay putcharagis kang ina ka!" Napatigil ako sa pagsswing nang marinig ko 'yung gulat na boses niya. Pagtingin ko sa kaniya, nakatingin siya sa akin na para bang nakakita ng multo. Tinakpan rin niya ng dalawang kamay niya 'yung bibig niya dahil sa ingay na nagawa niya.
I give her a what-look.
"Hala. Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo rito?" Mahinahon niyang wika bago magswing muli, pero hindi pa rin nawawala sa mata niya 'yung pagkabigla.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan?" Tanong ko sa kaniya.
"Aba bakit? Ako unang nagtanong. Privelege ko na makuha ang unang sagot," saad niya habang nakataas ang kanang kilay.
"Hindi ako makatulog. Med'yo malapit ang bahay namin dito. So, how about you?"
"Hindi rin ako makatulog. Malapit lang din dito ang bahay ko," mahina niyang saad.
Pagkatapos no'n. Tahimik ang namagitan sa amin hanggang sa napagdesisyunan ko ng magsalita.
"Sorry."
Nagkatinginan kami nang sabay kaming magsalita. Natawa kami pareho ng mahina dahil sa nangyari.
"I'll go first then you," aniya ko. "Sorry sa nangyari kanina. Sorry kung hindi natin natapos ang pagsayaw," I sincerely said.
"Ayos lang. Ang saya ko kaya. First time kasi na may sumayaw sa'kin sa acquaintance party. Ever since na maging high school ako, wala pang sumasayaw sa'kin, bukod sa..."
Napahinto siya sa mga huling kataga niya. Siguro pinag-iisipan niyang mabuti kung sasabihin niya pa ba sa akin o hindi na kailangan.
"No need to continue if you think it doesn't matter," kaswal na saad ko kaya naman napabuntong hininga siya.
"Bukod sa kuya ko," marahan niyang saad kaya naman napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa harapan na parang tulala. "Namiss ko tuloy siya," mahina niyang sagot na halos pabulong pero hindi nakawala sa matalas kong pandinig.
"Nasaan ba siya?" I asked.
"Nasa heaven na siya, 2 years na," saad niya para mapahinto ako sa pagsswing.
"Sorry."
Ngumiti siya sa akin. "Ayos lang. Hindi naman na gaanong masakit. Matagal ko ng tinanggap. Besides, kinuha naman siya sa akin dahil sobrang bait niya," sabi niya. "Namatay siya sa pagtulong," aniya na parang sinasariwa 'yung nakaraan.
Taimtim akong nakinig sa kaniya dahil wala naman akong ibang alam na dapat gawin. Muli akong nagswing.
"Pauwi na kami no'n. Galing kami sa perya dahil pangako sa akin ni Kuya Luke na ipapasyal niya ako sa perya once na makuha na niya 'yung sahod niya sa pinagttrabahuhan niyang fast food chain. Tuwang-tuwa ako noong araw na 'yon. 'Yon na nga ang pinakamasayang araw ko dahil nakapagbonding kami ni kuya ko. Kumakain kami ng ice cream no'n habang papauwi. Tandang-tanda ko pa."
"Med'yo malalim na ang gabi dahil pamadaling araw na. Madilim din sa mga dadaanan namin pauwi pero hindi ako natatakot no'n dahil kasama ko naman si kuya. Ngiting-ngiti ako habang papauwi habang kinakain ko 'yung ice cream na binili niya para sa'kin. Pero agad na nawala 'yon nang pareho kaming makarinig ng umiiyak na boses ng babae," napalunok siya bago tumuloy sa pagkukwento. "Sabi ni kuya magtago raw ako sa likod niya, kaya ayun ang ginawa ko. Nakita namin na may isang babae na may kasamang malaking lalaki. May kutsilyo siyang hawak na naka-amba sa babaeng iyak ng iyak."
"Sabi ni kuya tumawag raw ako ng tulong. Ayoko nung una na iwan siya dahil alam ko na ang gagawin niya. Sabi ko nga hayaan nalang namin 'yung babae. Magpretend na para bang walang nakita. Selfish kung pakinggan pero kasi, alam kong tutulungan ni kuya 'yung babae e," nakita kong may luhang kumawala sa mata niya. Agad naman niya 'yong pinunasan pagkatapos muling itinuloy ang k'wento niya.
"Pinilit niya akong humanap ng tulong. Nangako siya sa'kin na walang masamang mangyayari sa kaniya. Niyakap ko siya't sinabi ko na hindi kami bati kapag 'di niya tinupad 'yung pangako niyang 'yun. Naglakad ako papalayo para maghanap ng tulong. Lumingon pa ako sa kaniya no'n at nakita kong nakangiti siya sa akin. 'Yun na pala 'yung huling beses na makikita ko siyang nakangiti sa akin. 'Yun na pala 'yung huling beses na makikita ko siya. Natapon ko pa nga 'yung ice cream ko no'n."
Tuloy-tuloy na lumabas 'yung mga luha sa mga mata niya.
"Pagbalik ko, may kasama na akong mag-asawa. Sila lang 'yung nakita ko sa daan at sinabi kong kailangan namin ng tulong ng kuya ko. Pagbalik namin sa kung saan ko iniwan si kuya..."
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya. Iyak na lang siya ng iyak. Nasa bibig niya ang pareho niyang mga kamay para hindi kumawala ang ingay ng pag-iyak niya. Lumapit ako sa kaniya at pilit siyang pinatahan. Pinunasan niya ang mga luha niya gamit ang sarili niyang palad.
"Wala na 'yung babaeng tutulungan sana ni kuya. Ang nando'n nalang ay 'yung holdaper na naka-upo sa sahig at parang nabaliw. Hindi niya siguro natake 'yung ginawa niya sa kuya ko," nakuha pa niyang magbiro kahit sobrang lungkot na niya. "Wala ng buhay 'yung kuya ko nang makita namin siya. Iyak lang ako ng iyak," wika niya.
"Nalaman ba agad ng mga magulang niyo 'yung nangyari sa kuya mo?" Tanong ko.
Umiling siya. "Nang mangyari 'yung aksidente na 'yon, wala na kaming magulang. Nang ipanganak ako, namatay si mama. Hindi niya kinaya 'yung panganganak sa akin. Wala akong kinalakihang nanay. Akala ko magagalit sa akin si kuya gaya ng pagkagalit ko sa sarili ko dahil namatay ang nanay namin dahil sa'kin. Pero hindi. Sinabi niya na nawala man daw si mama, napalitan naman daw siya ng isang cute at magandang ako."
"'Yung tatay naman namin, hindi kinaya ang pagkamatay ni mama. Gabi-gabi siyang umiinom at nagbibisyo. Kaya ayun, tatlong taon pagkatapos na mamatay ni mama, namatay sa cancer sa atay si papa. Sinisi ko rin ang sarili ko noon. Sabi ko kasalanan ko na namatay si mama at papa. Wala akong kinalakihan na magulang. Pero kahit gano'n, nakuntento ako kay Kuya Luke. Siya ang tumayong nanay at tatay sa akin. Gabi-gabi, umaalis siya sa bahay para kumita ng pera. Para mapag-aral niya ako. Huminto siya sa pag-aaral para raw makapag-aral ako."
"Mahal na mahal ko 'yung kuya ko to the point na gusto kong sakmalin 'yung babaeng niligtas niya dahil wala man lang ginawa 'yun para sa kuya ko... pero hindi ko naman kilala 'yung babae. At alam kong magagalit si kuya kapag ginawa ko 'yon," saad niya bago kami muling lamunin ng katahimikan.
"Bakit... bakit sinasabi mo sa'kin 'tong mga 'to? Hindi ako worth it," wala sa sarili kong banggit.
"Kasi tinanong mo ako kung bakit ako nandito. Nandito ako araw-araw para tuparin 'yung pangako ko kay kuya. Na pipilitin kong maging masaya kahit wala na siya. Pipilitin kong maging strong and independent woman gaya ng pinapangarap niya para sa'kin," nakangiting saad niya. "Tsaka alam kong wala ka namang pakialam kaya sa'yo ko na sinabi."
May kung anong kumirot sa puso ko nang sabihin niya 'yung mga huling salita niya.
"Pareho pala tayo," saad ko bago muling umupo sa swing na inuupuan ko kanina.
"Namatay din kuya mo?" Tanong niya sa'kin.
"Hindi. Pero nawala sa'kin 'yung pinaka-importanteng babae sa buhay ko," sabi ko. "Last year, sa dati naming school. May girlfriend ako. Dalawang taon din naging kami. Sabi nga ng mga kaklase namin, baka kami na ang magkatuluyan at maging mag-asawa. Akala ko rin noon."
"Ang dami ko ng plano noon. Kung saan kami ikakasal after naming grumaduate ng college. Kung anong theme ng kasal namin. Kung kailan at saan ito gaganapin. Pero lahat 'yon nawalan ng saysay nang mawala siya."
"Pa'nong nawala? As in nachugi?" Tanong niya. Natawa naman ako ng kaunti.
"Yup. She died because of me," tangi ko na lamang saad. Ayokong malaman niya kung sa papaanong paraan namatay 'yung babaeng mahal ko.
"Paano naman siyang namatay ng dahil sa'yo?" She asked. Pero hindi ako sumagot. Naramdaman siguro niya na ayokong sabihin kung bakit. Dahil muli siyang nagsalita. "Okay lang kung ayaw mo sabihin kung bakit. Ito na lang ang sagutin mo, bakit sinasabi mo sa'kin ang mga 'to?" Pambabalik niya ng tanong.
"Because I'll be unfair kung ikaw lang nagshare sa'ting dalawa," natatawang saad ko. "Hindi ba?"
"Alam mo. Nakakapanibago ka talaga. Nung party, ngumingiti ka lang. Pero ngayon, tumatawa ka na. Nakalanghap ka ba ng rugby kaya ka nagkaganyan?" Takang-taka niyang tanong.
"May tanong ako sa'yo," pag-iiba ko ng usapan.
"Ano? 'Wag lang mas'yadong pangmiss universe ha? Hindi ako ready," saad niya kaya natawa ako saglit.
"Bakit mo ako gustong maging kaibigan?"
"Hay nako mr. Pogi--"
"Calvin na nga lang itawag mo sa'kin," pagtatama ko.
"Edi Calvin," pagsusungit niya. "Ilang beses ko ba uulitin sa'yo na gusto ko ngang mapasaya ka. Alam mo kasi, ayaw kong matulad ka sa'kin na malungkot. Tingnan mo, mag-isa ako tapos malungkot pa," aniya.
"Paano mo naman masasabi na kung maging magkaibigan tayo ay mapapasaya mo ako? Eh ikaw na nga nagsabi sa'kin 'di ba, na masungit ako?"
"Calvin, wala naman sa'kin kung masungit ka o masama ugali mo. Lahat ng tao may weakness. Kapag nalaman ko ang weakness point mo, sure ako na magagamit ko 'yun para mapasaya ka. At nagtagumpay nga ako. Tingnan mo, nung pinasali kita sa Westhood Movers, ang saya-saya mo."
"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.
"Nanunuod ako sa pagsayaw mo nung party. Hindi mawala-wala 'yung ngiti mo sa labi habang sumasayaw. Ayun! Nakita ko ang weakness point mo which is ang sumayaw. Buti na lang talaga at nakasalubong ko si Jeremy no'n na mukhang jebaks na jebaks na. Tinanong ko sa kaniya kung paano ba kita mapapangiti. Then ayun nga, nabanggit niya sa akin na sumasayaw ka sa dati niyong school."
Damn that Jeremy! Kahit kailan, hindi mapigilan ang bunganga. Humanda lang talaga sa'kin 'to kapag nakita ko siya.
"Nabanggit mo sa akin noon na wala ka ng kaibigan. What do you mean by that?" Tanong ko.
"Wala na. Kakatapos ko lang kasi sa friendship over no'n. Nalaman ko kasi na kinaibigan lang pala nila ako para makapagpagawa ng research nila. Hindi ko naman napapansin 'yun dahil kapag kasama ko sila, buo na ang araw ko. Nawawala 'yung pangungulila ko. Kaya ayos lang sa'kin kahit ako pa gumawa ng thesis nila. Basta masaya ako sa kanila," saad niya habang nakatingin sa kalangitan na sobrang daming bituin sa mga oras na 'to. Wala kasing sagabal na mga ulap.
"Sila ba 'yung nasa picture?" Tanong ko. Naalala ko tuloy na hindi ko pa nababalik sa kaniya 'yung picture na naiwan niya sa library nung sabay kaming maglunch.
"Anong picture?"
"'Yung picture na naiwan mo noon habang nagsisintas ka ng sapatos? 'Yun ata 'yung iniiyakan mo paglabas mo ng CR at habang kumakain tayo sa library," pagpapa-alala ko sa kaniya.
"Ah. Oo. Sila Ally at Mikay."
Bigla ko tuloy naalala 'yung araw na tinapon ko 'yung cupcake na gawa niya sa basurahan. Kinain pa rin niya 'yun at may sinabing dalawang pangalan. Ngayon ko lang naalala na Alice at Mimay 'yung pangalan na binanggit niya noon dahil sa sinabi niya ngayon.
"Gusto mo ba talaga akong maging kaibigan?" I asked her, in a serious tone without thinking.
"Oo naman. Kaso ayaw mo naman kamo dahil ang kulit-kulit ko. Lumalayo na nga ako sa'yo dahil promise ko 'yon once na makasali ka sa westhood movers 'di ba? Kaya nga dapat lumalayo ako sa'yo sa mga oras na 'to," sabi niya bago tumayo at maglalakad na sana palayo.
Tingnan mo 'tong babae na 'to. After magshare sakin ng magshare, lalayasan ako.
"Wait, Liyaga," pagtawag ko sa kaniya kaya agad siyang huminto at humarap sa'kin.
"Ligaya pangalan ko. Li... ga... ya..."
"Whatever. Gusto mo bang ihatid kita?" Fuck. I don't know how to say the real words I want to say. Iba tuloy ang nasabi ko.
"Sure ka?"
"Kung ayaw mo ayos lang naman," nahihiya kong saad. Sabihin mo na kasi. Damn you inner self. Akala mo sobrang dali. Para sa taong kagaya ko na sobrang taas ng pride.
"Hmm... huwag na. Makalat ang buong bahay. Tsaka, bakit mo naman ako ihahatid? Ikaw ha. Hindi pa nga tayo friends nililigawan mo na agad ako," pang-aasar niya.
"Fuck you," wala sa sariling saad ko.
"Aba! Minura ba kita?!" Seryoso niyang saad.
"Kalma. Nabigla lang," natatawa kong saad.
"Sige pa'no. Una na ako ha? Inaantok na kasi ako," wika niya bago humikab. Napahikab tuloy ako dahil sa ginawa niya. "At mukhang ikaw din," dagdag pa niya. Kumaway siya sa'kin pagkatapos ay nagsimula na muling maglakad.
"Liwayway!" Muli kong sigaw kaya napahinto siyang muli sa paglalakad at humarap sa'kin.
"Ligaya nga ang pangalan ko! 'Di makagets beh?"
"Whatever. May itatanong sana ako."
"Ano ba 'yan? Dali inaantok na ako oh. Si Ligaya Mercado 'to. Pinaghihintay mo?" Saad niya na kunwari naiinip pa. "Lol. Joke lang," aniya bago humagikgik.
"Ano..."
"Ano?"
"Ahhh kasi..." fuck. I can't utter a single word. Sobra akong nahihiya. Bakit ko ba 'to nararamdaman? In the first place siya naman ang unang nagtanong nito sa akin. Hindi man niya tinanong, siya ang unang nag-offer nito sa akin.
"Kasi?" Halata sa boses niya na naghihintay siya. Kaya naman pikit mata kong sinabi 'yung salitang kanina ko pa dapat itatanong sa kaniya.
"P'wede bang... makipagkaibigan?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro