Chapter 20 - Para sa Masa
Sa mga nagtatanong kung ano 'yung sinabi ni Calvin last chapter. Jowa Haeyo - I like you. Jungmal Jowa haeyo - I really like you. It's hanggul. Song used from last chapter was Ligaya by Eraserheads. Happy reading! This is the last chapter!
Chapter 20.
3 months.
1 year.
1 and a half year.
To be exact, 1 and almost 7 months na akong nanliligaw kay Ligaya. I don't know why she wants me to court her for a very long time knowing na parehas naman kami na may pagtingin sa isa't-isa. Everytime I ask her about this, ang sinasabi lang niya palagi, "Just wait."
Yes, I'm willing to wait kahit kailan pa. 2nd year college na kami, at kung gusto niya na may trabaho na kami bago niya ako sagutin, then fine. Hindi ko hahayaang mawala siya sa akin ngayon pang alam ko na siya talaga ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. I love her so much that I'm willing to wait until she's ready to say yes.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Ligaya sa amin habang bumabyahe kami.
"Surprise nga," I said. Nakangiti pa rin ako at hindi ito mawala-wala sa labi ko. Ewan ko ba, pero naiisip ko pa lang kung saan ko siya dadalhin, natutuwa na ako. For sure, she'll love it too as much as I do.
"Naku Calvin. Grade 12 pa lang tayo ang hilig mo na sa suprises," sabi ni Ligaya bago mangalumbaba sa bintana ng kotse ko at tumingin sa dinadaanan namin. "Wala namang book fair ngayon dahil December na. Wala rin namang concert ang eraserheads kaya imposibleng pumunta tayo sa concert. Hindi ko naman din birthday ngayon. At hindi mo rin birthday. Walang event ngayon," sabi niya habang nakapalumbaba.
"Kailangan bang may event para bigyan kita ng surprise? Hindi ba p'wedeng gusto ko lang ng quality time with my future girlfriend?" Tanong ko sa kaniya kaya natawa siya.
"Future girlfriend huh," aniya. "Sure ka bang magiging girlfriend mo ako?"
Nawala ang ngiti sa labi ko at sumilay ang kunot sa noo ko. Saglit din akong napatingin sa kaniya bago tuminging muli sa kalsada. "What do you mean? May pagasa naman ako sa'yo 'di ba? Sabi mo gusto mo rin naman ako. 'Di ba? The feeling is mutual. Don't tell me pinapaasa mo lang ako?"
"Gusto nga kita," sagot niya. "Pero paano kung gusto lang pala kita as a friend? Anong gagawin mo? Paano kung gusto lang kita, pero hindi kita mahal tulad ng nararamdaman mo sa akin?" Tanong niya habang hindi tumitingin sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng kakaiba. Para bang... parang hindi siya si Ligaya. Para bang may gusto siyang iparating sa akin na hindi ko maintindihan kung ano.
Napalunok ako bago muling ngumiti. "Then it's okay. Kung one sided love lang 'to, I'll make sure na mafafall ka rin sa akin. Ikaw pa, eh marupok ka 'di ba?" Natatawa kong saad pero hindi siya sumagot. "Ligaya... I love you and I'll make sure that you will love me too. Alam kong gusto mo ako. Ikaw ang nagsabi no'n sa akin. Hayaan mo lang akong iparamdam sa'yo kung gaano kita kagusto. I'm willing to wait," saad ko.
Tumango naman siya at tumingin sa akin. Pagkatapos ay ngumiti siya. "Sana nga Calvin, makapaghintay ka. Sana nga," aniya kaya hinawakan ko ang kaliwang kamay niya.
"No need to worry Ligaya. I'm already waiting. Sana hindi ka manawa sa akin na naghihintay sa'yo," natatawa kong saad habang hawak pa rin ang kamay niya habang ang isa kong kamay ay nasa manibela at nagmamaneho.
"Si Ligaya Mercado? Mananawa sa mukha ni Calvin Herrera? Ang g'wapo-g'wapo mo kaya. Sinong mananawa sa'yo?" Aniya kaya napaismid ako. Mukhang nagkamali ako kanina.
Siya pa rin si Ligaya. Ang babaeng nagpatibok ulit ng puso ko. Siya si Ligaya na makulit, malambing at masiyahin. Simula nang ligawan ko siya, never na ulit siyang nagpakita ng lungkot. Kapag tinatanong ko kung may problema siya, sinasabi naman niya. Unlike before, minimal problems nalang at madali naming nasosolusyonan ang mga problema niya. Hindi na rin niya problema ang mga kaibigan niya ngayon dahil may mga bago na siyang kaibigan sa bago naming pinapasukan.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang sagutin 'tong g'wapo na 'to," mahina kong saad bago tumingin sa kaniya.
"Calvin, gusto kong malaman kung hanggang kailan mo ako kayang hintayin. Alam mo naman. Takot na akong maiwan ulit. Marami nang taong nangiwan sa akin kaya gusto kong malaman kung iiwan mo lang din ako. Malay ko ba. Sa g'wapo mong 'yan, marami kang babaeng p'wedeng ipalit sa akin. Baka nga hindi lang ako ang nililigawan mo e," aniya na nagtatampo.
"Ligaya. I told you I'm not gonna leave you. Tsaka, I don't care kung maraming babaeng umaaligid sa akin. Ikaw lang naman ang gusto nito," I said while pointing my fingers in my chest. "Baka nga ikaw, nagpapaligaw sa iba," pagganti ko kaya agad niyang binawi ang kamay niya na hawak-hawak ko at hinampas ako sa braso.
"Calvin! Tinulad mo pa ako kay Essa na maraming lalaki!" Sabi niya kaya natawa ako. Schoolmate pa rin namin si Essa dahil may lalakong itong sinusundan sa school namin. Tingin ko nahanap na niya ang katapat niya. 'Yun nga lang, marami pa rin siyang nagiging boyfriend sa school namin.
Muli kong hinawakan ang kamay niya. "Ligaya," I said.
"Hmm?"
"I love you," saad ko bago tumingin sa kaniya at bigyan siya ng matamis na ngiti. Ngumiti rin siya sa akin bago muling tumingin sa labas ng bintana. Magkahawak pa rin ang kamay namin at hindi niya binabawi ito mula sa kamay ko. Masaya pa rin ako dahil kahit hindi siya sumasagot ng 'I love you too,' ramdam ko naman sa mga galaw niya na 'yun din ang sinasabi niya.
I just need to wait. Patiently for her answer. Everything is worth waiting. Wala naman talagang nakukuha nang madali lalo na kung 'yung kukuhain mo ay gusto mo.
"Calvin," tawag niya sa pangalan ko kaya tumingin ako sa kaniya saglit.
"Po?"
"Hindi ka ba napapagod," tanong niya bago tumingin sa akin.
"Napapagod? Magdrive? Hindi ah. Gusto mo dalhin pa kita sa ibang bansa kahit nagddrive lang ako. Hindi ako napapagod magdrive kung ikaw lang din ang ipagddrive ko," sagot ko kaya natatawa siyang umiling.
"Hindi 'yon," sabi niya kaya kumunot ang noo ko. "Hindi ka ba napapagod sa panliligaw sa akin? Kasi, ako lang 'to, si Ligaya Mercado. Kung ibang babae siguro sa campus, hindi mo na kailangan ligawan. Pero ako, hindi mo ba naisip na baka nagiinarte lang ako? Hindi ka ba napapagod suyuin ako? Hindi ka ba---"
"No. Never," madiin kong saad. "Hindi ka lang basta si Ligaya Mercado. Ikaw ang babaeng mahal ko. The girl I love so much. Kaya ang sagot ko ay no. Hindi ako napapagod. At hinding-hindi ako mapapagod," nakangiti kong sabi bago higpitan ang hawak sa kamay niya. "Eh ikaw ba? Hindi ka ba napapagod sa pagtingin ng mababa sa sarili mo?"
"E-eh kasi naman. Kumpara sa ibang babae, h-hindi ako bagay sa'yo---"
"Dahil ba spiderman ako at troll ka?" Natatawa kong saad kaya sinamaan niya ako ng tingin bago siya tumawa. "'Wag mo ngang isipin na hindi ka bagay sa'kin. Ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko kahit mahilig ka sa trolls na may kulay pink na buhok. Kahit hindi ka na kasya sa bahay mo dahil sa mga 'yon. Kahit adik ka sa kulay pink. Kahit patay na patay ka sa Raphael Santos na 'yon. Alam mo, nagseselos ako do'n. Parang mas gusto mo pa sa'kin 'yung author na 'yon e," I pouted.
"Ano ka ba! Bakit ka nagseselos kay Raphael. Eh hindi naman ako mapapansin no'n kahit kailan," saad niya bago ngumuso.
"Edi may gusto ka nga sa anonymous writer na 'yon!" Sabi ko bago bawiin ang kamay ko. Binitiwan ko ang kamay niya bago nanatiling nakatingin sa kalsada. "Hindi pa nga tayo pinagseselos mo na agad ako," mahina kong sabi.
"Calvin, oy. 'Wag ka na magalit. Kasi naman. Ang g'wapo ni Raphael. Hindi na siya anonymous ngayon oh. Nakita na ng lahat ang mukha niya. Ang puti niya! Tapos ang ganda ng mga mata niya. Ang galing pa niya magsulat ng mga k'wento. Tapos---"
"'Wag mo akong kausapin," malamig kong saad kayas tinusok niya ang tagiliran ko. Napaliyad tuloy ako sa ginawa niya. "Ano ba!?"
"Uy. Calvin may kiliti sa tagiliran," pangaasar niya bago ulit-ulitin ang pagtusok sa tagiliran ko.
"Ligaya baka mabangga tayo!" Sigaw ko kaya hininto niya ang pagtusok sa tagiliran ko. "Si Raphael na lang ang kilitiin mo. 'Wag ako. Tutal siya naman 'yung gusto mo 'di ba?"
"Ito naman. Selos kay Raphael. Sorry na," aniya pero hindi ko siya pinansin. Nanatili akong tahimik habang nagmamaneho. "Calvin. Uy. Sorry na kasi," aniya pa pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
Nanatili akong tahimik hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya na hinahawakan ang kamay ko. "Akala mo ba madadaan mo ako sa ganiyan mo?" Malamig kong tanong sa kaniya bago tumingin sa kaniya. Tumango siya pagkatapos ay ngumiti.
"'Wag ka na magselos. Hindi pa naman tayo," aniya.
"So bawal ako magselos dahil hindi pa tayo?" Sarkastiko akong natawa. "Fine. Sorry ha. Nagseselos ako."
"Calvin..." malambing niyang saad. "Wala akong gusto kay Raphael. Alam mo naman na stories lang niya ang gusto ko. Inaasar lang kita. Malay ko ba na ganiyan ka magselos. Ang sarap mo asarin. Mas lalo kang gumagwapo," sabi niya bago sumandal sa balikat ko. "Ang lalaki lang na gusto ko ay 'yung hindi ako iniwan at never akong iiwan. At 'yung lalaki na 'yon ay 'yung kasama ko ngayon," sabi pa niya bago siya pumikit.
Wala akong nasabi. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti. "Kaya mahal na mahal kita e. Alam mo kung paano palalambutin 'tong puso ko," bulong ko sa kaniya bago humalik sa ulo niya. "I love you Ligaya."
***
"Ca-Calvin..."
"Bakit? Ayaw mo ba rito?" Tanong ko sa kaniya.
"Hi-hindi! Ang ganda dito!" Sabi niya kaya lumapit ako sa kaniya bago tumingin sa kaniya.
"Maganda talaga," I said. Tumingin siya sa akin pagkatapos ay hinampas ako sa braso.
"Ikaw talaga. Binobola mo nanaman ako," saad niya.
"Binobola? Bakit naman ako magsisinungaling. Maganda ka naman talaga," sabi ko bago kuhain ang mga pagkain mula sa compartment. Kinuha ko rin ang portable speaker mula ro'n.
"Dito ba tayo magkukwentuhan? May dala ka bang sapin?" Tanong niya sa akin.
"Wala akong dalang sapin," sabi ko sa kaniya.
"Ha? Paano tayo uupo dito sa sahig? Eh ang dumi-dumi. Puro putik tsaka baka may langgam," sabi niya bago tumingin sa inaapakan niya. Mahalaman nga rito kahit nasa mataas na lugar kami.
"Wala akong dalang sapin. Pero may bubong ang kotse ko," nakangisi kong saad kaya kumunot ang noo niya.
"Ibig mong sabihin sa taas tayo?" Tanong niya kaya tumango ako. Nagaalinlangan pa siyang umakyat pero inalalayan ko nalang siyang umakyat. "Kinakabahan ako Calvin. Pakiramdam ko malalaglag ako," aniya kaya agad akong umakyat kasama 'yung mga pagkain, inumin at 'yung portable speaker.
"Don't worry. If you fall, I'm here to catch you," nakangiti kong saad.
"Talaga lang ha. Sana nga masalo mo ako," aniya bago kuhain ang malaking Moby na hawak ko. "Akin na 'to ha," sabi niya bago 'yon buksan ang tumingin sa view.
Nasa mataas na lugar kami sa Baguio. Kita mula rito ang mga buildings at mga kabahayan. Mas gumanda pa dahil gabi ngayon, at kita ang mga ilaw na nagmumula sa bawat kabahayan. Nakakatakot nga lang dahil malapit kami sa bangin kaya pakiramdam mo, mahuhulog ka. Pero hindi naman dahil med'yo malayo ang kotse ko sa bangin.
"Ang ganda rito Calvin," bulong niya bago sumandal ang ulo niya sa balikat ko. "Pangarap kong makakita ng ganitong view. May isa ka nanamang natupad sa nga pangarap ko," she said.
"Handa akong tuparin lahat ng pangarap mo. Hangga't nandito ako sa tabi mo," sagot ko. Hindi siya sumagot kaya binuksan ko na ang portable speaker.
"Para saan 'yan?" Natatawa niyang tanong.
"Speaker 'to. Siguro sasayawan niya tayo," saad ko kaya sinuntok niya ako sa tagiliran. "Aray. Speaker kasi 'to 'di ba? Malamang tutugtog," sabi ko bago binuksan ang cellphone ko. I connected the speaker and my phone bago magplay ng song.
"Nakita kita sa isang magasin. Dilaw ang 'yong suot. At buhok mo'y green. Sa isang tindahan sa may Baclaran, napatingin, natulala, sa iyong kagandahan.
Naaalala mo pa ba noong tayo pang dalwa?
'Di ko inakalang sisikat ka. Tinawanan pa kita, tinawag mo akong walanghiya. Medyo pangit ka pa noon, ngunit ngayon..."
Sinasabayan ni Ligaya ang bawat linya ng kanta. "Alam mo talagang mahilig ako sa kanta nila huh?" Aniya bago umupo ng maayos at sumabay sa chorus ng kanta.
"Hey! Iba na ang 'yong ngiti. Iba na ang 'yong tingin. Nagbago nang lahat sa'yo, oh ohhh. Sana'y hindi nakita. Sana'y walang problema. Pagkat kulang ang dala kong peraaa," kanta ni Ligaya. Sinisigaw pa niya ang bawat linya ng kanta dahil alam niyang kami lang ang tao rito. Tumingin pa siya sa akin at ngumiti. "Kumanta ka naman. Ako lang kumakanta e," aniya kaya umiling ako.
"Panget boses ko," saad ko bago ilipat ang kanta.
"Hmp. Ako na ngalang," sabi niya bago tumingin ulit sa view. "Uy! Alapaap 'yan ah, maganda 'yan!" Tukoy niya sa sumunod na kanta.
"May isang umaga, na tayo'y magsasama. Haya at halina sa alapaap. O, anong sarap, haa..."
Sumasabay siya sa bawat liriko ng kanta. Tuwang-tuwa siya na kumakanta kaya hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Siya pa rin talaga si Ligaya. 'Yung babaeng grade 12 student ng Westhood University na gusto akong pasiyahin. Na pinagulo ang mundo ko. Hanggang sa nalaman ko nalang na unti-unti na niyang binabalik ang pagkatao ko. Siya si Ligaya na gusto akong sumayaw para maging masaya. Si Ligaya na mahilig sa mga bata. Sa trolls at sa kulay pink.
Si Ligaya. Na mahal na mahal ko hindi dahil nakikita ko si Angelica sa kaniya, kundi dahil 'yon ang sinasabi ng puso ko.
"Masdan mo ang aking mata. 'Di mo ba nakikita. Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na. Gusto mo bang sumama?"
Napangiti ako nang sumandal siyang muli sa balikat ko. Maya-maya pa'y humiga siya't tumingin sa langit. "Ang dami palang bituin, sana palaging ganito," aniya habang nakangiting nakatingin sa langit.
Tulad niya, tumingin din ako sa langit pagkatapos ay sa kaniya. "Sana nga palaging ganito," sabi ko bago uminom ng softdrinks na dala ko. Pero nalula ako nang bigla niyang hatakin ang balikat ko, dahilan para mapahiga rin ako. "Muntik na akong mamatay sa lula. Akala ko ilalaglag mo ako," sabi ko habang hawak-hawak ang dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nandito na nga siya, pinapakaba pa ako.
"Oh, takot ka palang malaglag. Don't worry, I'm here to catch you," aniya bago ako kindatan. Pagkatapos ay pumikit siya at ninamnam ang bawat pagdaan ng malamig na hangin sa mga balat namin. Sobrang lapit namin sa isa't-isa, ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan niya kahit pa ang lamig ng simoy ng hangin.
Nakalaglag sa kotse ang paa namin. Tanging katawan lang namin ang nasa bubong ng kotse ko. Nanatili kami sa p'westo na 'yon hanggang sa tumugtog ang Overdrive, Minsan, Huling El Bimbo at Tuwing Umuulan at kapiling ka.
"Puro yata kanta ng Eraserheads ang tugtog. Handang-handa ka talaga ha," sabi niya bago dumilat at tumingin sa akin. Napatingin din ako sa kaniya kaya sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. "Calvin... ang cute mo," nakangiti niyang saad. "Namumula ka oh," natatawa niyang saad kaya ngumiti rin ako sa kaniya.
"Cute lang?" Tanong ko sa kaniya.
"O sige na. Gwapo na," aniya.
"Namumula ka rin naman ah," sagot ko.
"Eh? Hindi ah," sabi niya bago magiwas ng tingin.
"Ligaya, hindi ka manlang ba kinikilig?" Diretsong tanong sa kaniya kaya muli siyang tumingin sa akin.
"Kailangan ba alam mo kung kinikilig ako o hindi?" Masungit niyang saad bago umupo.
Sumunod ako sa kaniya. "Hindi naman," maiksi kong sagot.
"Oh, hindi 'yan kanta ng Eraserheads," sabi ni Ligaya kaya pinakinggan ko 'yung sumunod na kanta. At tama nga, hindi nga 'yon kanta ng Eraserheads kaya napatingin ako sa screen ng cellphone ko para malaman kung anong kanta 'yon.
"The way you look at me. Kanta 'to ni Christian Bautista," sabi ko bago tumingin kay Ligaya. Tahimik siyang nagmamasid sa tanawin. Sa mga kabahayang nagliliwanag sa baba. Kasabay pa nito ang paggalaw ng mga nakausling buhok mula sa tali niya dahil sa hangin.
"No one ever saw me like you do. All the things that I could add up to. I never knew just what a smile was worth. But your eyes, say everything without a single word. Cause there's something in the way, you look at me. It's as if my heart knows, you're the missing piece. You make me believe that there's nothing in this world I can't be. I never know what you see, but there's something in the way, you look at me."
Napatingin ako lalo sa mukha ni Ligaya. A smile formed into my lips. Sakto ito sa pagkakakilala ko kay Ligaya. Her eyes, we're like a voice echoing in my ears everytime I look at it. Para bang lahat ng salitang hindi lumalabas sa bibig niya, ay lumalabas sa mga mata niya. Siya lang ang taong lumapit sa akin para pasiyahin ako. Dahil sa ngiti niya, unti-unting bumalik ang dating ako. Dahil kay Ligaya, nalaman kong siya ang hinahanap ng puso ko. Ligaya. Saya.
"If I could freeze the moments in my mind, be the second that you touch your lips to mine, I'd like to stop the clock make time stand still. Cause baby this is just the way, I always wanna feel."
Kung kaya ko lang pahintuin ang oras para palagi ko nalang siyang kasama. Kung sana, kaya kong mapahinto ang oras para mas matagal ko siyang mapagmasdan, at mas matagal kong makita ang mga mata niya, gagawin ko. "Ligaya..."
"Hmm?" Tanong niya habang nakangiti. Tumingin siya sa akin at nakita ko nanaman, ang mga mata niya. Hindi ko maalis ang tingin sa mga mata niya. Para bang, mas inaakit ako nito.
"I love you," saad ko. Nakita ko pa ang pamumula ng pisngi niya.
"Ikaw talaga," aniya kaya mas lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at hinalikan ang mga 'yon. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa ginawa ko. Pero mas lalong namula ang pisngi niya.
"I love you more than anything else. I love you since the day you look at me. And I will love you 'til the universe stop expanding. I love you Ligaya. Calvin Herrera loves Ligaya Mercado so much," sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya nilagay ko ro'n ang kamay ni Ligaya. "Nararamdaman mo ba kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko para sa'yo? Naririnig mo ba na sinisigaw nito ang pangalan mo?"
Pinakiramdaman ni Ligaya ang puso ko. Nanatili kami sa gano'ng posisyon, hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko maipaliwanag kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Humiwalay si Ligaya, at tumitig sa mga mata ko.
"I love you too, Calvin. Mahal na mahal," sagot niya. Hindi ko alam kung anong lalabas sa bibig ko, o kung may boses bang lalabas sa bibig ko.
"Wh-what was that kiss means?" Tanong ko kaya muli siyang humalik. This time, mas mabilis 'yon kaysa sa nauna.
"It means that you're mine now Mr. Pogi. Wala ng pwedeng umagaw sa'yo. Akin ka na. At iyong-iyo lang ako. Sinasagot na kita spiderman," aniya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin siya.
"I love you," sabi ko habang nakapikit. Gusto kong umiyak sa sobrang saya.
"I love you too. And yes Calvin. Kinikilig ako. Everytime I'm with you. At tingin ko hindi na mawawala 'yon. Please be with me, always. 'Wag kang aalis sa tabi ko ha. 'Wag mo akong iiwa," aniya kaya humiwalay ako sa yakapan namin at tumitig sa mga mata.
"I promise, I will never leave your side. Always."
***
Pauwi na kami at hindi pa rin namin pinaghihiwalay ang mga kamay namin. Wala akong pakialam kung isang kamay lang ang gamit ko sa pagmamaneho. Hindi rin mawala-wala sa labi ko ang ngiti. Gano'n din kay Ligaya na nakatingin sa harapan at sa dinadaanan namin.
"For sure matutuwa talaga sila mama at papa kapag sinabi kong tayo na," sabi ko kaya napatingin si Ligaya sa akin.
"Tingin ko rin," sagot niya kaya tumugon ako ng ngiti.
"Love you po," sabi ko kaya tumawa siya.
"Love you too po. Nakailang I love you ka na sa akin ngayong araw?" Natatawa niyang sabi.
"Bakit? Ayaw mo ba? Hindi ako magsasawang sabihan ka ng I love you kasi I love you," sabi ko bago halikan ang likod ng palad niya.
Sa ginawa kong 'yon, doon na pala matatapos ang istorya namin. For just a second, natapos ang istoryang pinaghirapan kong buuin sa loob ng ilang taon. Sinisimulan pa nga lang namin ang love story namin, pero agad na itong tinapos ng tadhana.
Car accident.
Sinong magaakala na ang clichè na news sa TV tungkol sa car accident ay nangyari rin sa amin?
Isang ten-wheeler truck ang bilang nag-U turn at bumangga sa amin. Huli na upang iwasan 'yon dahil nabigla nalang kami nang nasa harapan na namin 'yon. Ang huli ko nalang naaalala ay inilalabas ko na si Ligaya sa kotse kahit hirap na hirap ako dahil blurd na ang nakikita ko.
"Ayos lang ba kayo!? Dadalhin namin kayo sa ospital," sabi ng magasawang nakamotorsiklo na nakakita sa amin.
"S-siya nalang po muna. Dalhin n-niyo po siya sa ospital. P-please, bilisan ni-niyo po," sabi ko. Tinanguan nila ako at agad nilang nilagay sa pagitan nila si Ligaya na walang malay. Maraming sugat si Ligaya dulot ng nabasag na salamin ng kotse namin at punung-puno ng dugo ang damit namin pareho.
"Papaano ka?" Tanong ng lalaking driver ng motorsiklo.
"A-ayos lang ako. U-unahin niyo siya. P-please," sabi ko habang umiiyak na. Mabilis na humarurot ang motorsiklo na lulan si Ligaya.
Agad akong naiyak nang maisip kung anong pwedeng mangyari sa kaniya. Hindi. Hindi pa siya mamamatay. Ayos lang si Ligaya. Kasisimula palang ng istorya namin. Marami pa akong isusulat. Marami pang karugtong 'yon.
Nilabas ko ang cellphone mula sa bulsa ko.
Dinial ko ang number ni Cassy, pero nang magring na ito, agad akong nawalan ng balanse. Sobrang labo ng nakikita ko, at halos wala na akong marinig. Napahiga nalang ako sa kalsada. Narinig ko pang may mga taong dumating, pero ang nangingibabaw sa tainga ko, ay ang boses ni Cassy mula sa cellphone.
"Hello? Kuya? Nasaan ka?"
That's when I found myself in the hospital bed, physically alive, but mentally dead.
---
An : Epilogue will be posted ASAP. Kapag gusto ko na hehe. Thank you ulit sa mga matyagang nagbasa ng story na ito hanggang sa huling chapter! Please let me know you bago matapos ang story. Thank you!
Songs in this Chapter : Alapaap and Magasin by The Eraserheads. Tsaka The Way You Look at Me by Christian Bautista, the theme song of this story. If you want to hear the song, play the multimedia.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro