Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2 - Spolarium

Chapter 2.

Napatulala nalang ako sa orasan habang hinihintay na matapos sa pagsasalita 'yung professor namin. Sobrang daldal niya't pati buhay niya ay naik'wento pa niya saamin. Hindi ko na lamang siya pinansin at sinarado ang tainga ko para sa mga sinasabi niya.

"Okay class, sa susunod nating meeting, ituturo ko naman sa inyo ang political issues na kinakaharap ng ating bansa. But for now, class dismissed," dinig kong huli niyang sabi bago niya binitbit lahat ng libro na dala niya at naglakad palabas ng classroom.

Buti na lang at hindi ko na kasama sa subject na 'to 'yung babae na bato ng bato ng papel. Ano nga pala ulit pangalan niya? Lisa? Liga? Fuck. I don't care what the heck her name is. As long as wala siya sa sight ko. Baka bumalik lang ako sa dating ako kapag nakita ko pa 'yung pagmumukha niya. Gano'n siguro karami problema nung babae na 'yon kaya iyak ng iyak.

"P're, sama ka ba sa'min? Punta kaming bilyaran ni Chervo," ani Jeremy. Sinukbit niya ang bag niya at nakatingin saakin. Siya lang ang kaklase ko sa subject na 'to.

Marahan akong umiling dahil ayokong mag-aksaya ng boses para lang sabihin na ayoko. Hindi pa sila nasanay na ayokong sumasama sa bilyaran dahil hindi ko naman trip 'yon. Plus the fact na hindi lang billiard ang meron do'n, kundi pati alcoholic beverages.

Nagkibit balikat na lamang siya at nagpaalam saakin. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko pang tumayo sa kinauupuan ko kahit na uwian na.

Napatingin naman akong muli sa orasan na tinututukan ko kanina. 3:34 pm. Tumayo na ako't sinukbit ang bag ko. Naaalala ko bigla na ngayon nga pala uuwi 'yung tita ko kaya kailangan ay nando'n ako. Magagalit nanaman saakin 'yon kapag hindi ako nagpakita sa kaniya. As if I care if she'll going to be mad at me or what. Pero dahil hiniling nalang din ni Mama na nasa bahay dapat ako bago mag-4 pm, then be it.

Lumabas na ako ng room namin. Dire-diretso akong naglakad palabas ng main gate ng campus nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napahinto akong saglit, pinag-isipan kong mabuti kung haharapin ko ba siya o hindi.

Hindi ko siya pinag-aksayahan na lingunin. Ilang segundo pa, nagsimula nalang ulit ako maglakad.

Nang tuluyan na akong makalabas ng university, pumunta ako sa parking lot. Nakabukod kasi ito sa university dahil kailangan nito ng mas malawak na space. Mas'yado kasing mga rich kid 'yung mga nag-aaral dito and well, nandito rin 'yung mga feeling rich kid at mga scholars.

Akala ko tinantanan na ako nung tumatawag saakin pero hindi parin pala. Dahil hanggang parking lot ay sinundan niya pa rin ako. Naririnig ko na 'yung malalim niyang paghinga, senyales na sobrang hinihingal na siya kakahabol saakin. Hindi ko rin naman kasalanan na sobrang arte niya sa buhay at nagtatakong pa siya ng sobrang taas kahit na eskwelahan ang pupuntahan niya at hindi bar.

"Calvin! Hey wait!" Sigaw niya bago ko siya narinig na tumakbo. Pasakay na sana ako sa kotse ko nang maabutan niya ako't mahawakan ang braso ko. Kaagad kong tiningnan 'yung kamay niya na nakahawak sa braso ko. Pagkatapos ay sinamaan ko siya ng tingin. "Oops. Sorry," saad niya bago tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"What do you need," walang gana kong tanong sa kaniya bago binalibag sa back seat 'yung bag ko. Sinarado ko kaagad 'yung pintuan ng back seat, pagkatapos ay hinarap siya. Sumandal ako sa kotse at hinintay ang sasabihin niya.

"Ah... gusto ko sana na... teka paano ko ba sasabihin sa'yo 'to," napakamot siya sa batok niya. Mukhang hindi alam kung saan balak simulan 'yung sasabihin niya.

"You know Essa, if you can't say it now, p'wede bang umalis ka na sa harapan ko? Ngayon kung kaya mo ng sabihin, 'wag mo na rin sabihin saakin dahil wala naman akong pakialam. So could you please be out of my sight forever?" Tanong ko sa kaniya bago pumasok sa loob ng kotse ko.

Narinig ko pa siyang nagsalita, "Hey Calvin! Gusto ko lang sana ng closure!" Sigaw niya pero kaagad kong sinarado 'yung bintana ko para hindi ko na siya marinig. Pinaandar ko rin ng matulin 'yung sasakyan ko't iniwan siyang nakatanga sa parking lot.

"Closure your ass," mahina kong bulong sa sarili ko.

Ilang taon na akong kinukulit ni Essa tungkol sa closure na 'yan. Akala ko naman nagtanda na siya sa huling beses kong sinabi sa kaniya na ayaw ko nga sa kaniya. Pero mukhang hindi pa rin siya nagtatanda. Marami namang lalaki na humahabol sa kaniya, bakit hindi nalang kaya siya do'n mamili. Girls today like her, akala nila lahat ng lalaki magugustuhan sila. If I know, gusto lang niya ng panibagong display sa mga social media accounts niya.

"Hey Calvin! Gusto ko lang sana ng closure!"

Freakin' closure. How many times did she told me that she wants a closure? And how many times did I also respond her no?

***

"Ang laki-laki na pala nitong si Calvin! Jusko! Parang last year lang no'ng huli akong umuwi rito sa Pinas! Pero ang laki ng pinagbago mo. Mas lalo ka atang gum'wapo ano Calvin? Siguro may nililigawan ka na ano?" Sunod-sunod na sabi ni Tita Marjorie. Sa lahat ng kapatid ni Mama, itong si Tita Marjorie ang pinakang madaldal.

"Tita, stop doing this everytime you see me, it's irritating," sabi ko sabay pilit na tinatanggal 'yung mga daliri niyang nakakurot sa pisngi ko.

"Aba? Natural lang 'to dahil namimiss ko 'yang pisngi mo! Iyong tito mo kasi wala ng pisngi," sagot niya bago bitawan 'yung pisngi ko na ngayo'y himas-himas ko. Napatingin ako kay Tito Fredo, 'yung asawa ni Tita Marjorie. Sobrang payat nito at tama nga si Tita, wala na ngang laman ang pisngi nito.

"Hay Marjorie my loves--"

"Ulowl!" Sagot ni tita sabay middle finger sa asawa niya. Napangiti naman ako ng hindi sinasadya. Ganito talaga sila umakto bilang mag-asawa. Bolahan tapos nagmumurahan, sa ganitong paraan nila pinapakita na mahal nila ang isa't-isa. Too bad for me dahil ayoko ng magmahal. Napailing nalang ako sa ideyang magmamahal ulit ako.

"Marjorie, kahit naman wala akong pisngi. Meron pa naman ang p'wet ko. P'wede mo naman pisilin 'yon e. 'Di ba nga mahal na mahal mo ako dahil sa pisngi ng p'wet ko," sabi ni Tito Fredo sabay yakap kay Tita Marjorie.

Sinungalngal naman ni Tita Marjorie si Tito Fredo kaya napatawa ang lahat ng nakakita, well, except for me. Siguro kasi wala na mas'yadong humor saakin 'yung ganitong pagmamahalan nila. Dahil bata pa lang ako ganito na sila e. Siguro paminsan-minsan may nakakalusot sa ngiti saakin, gaya kanina, pero sobrang rare.

Ang hirap kasi, kapag nakita ka ng ibang tao na ngumingiti, aakalain nila na hindi ka madaling masasaktan o malukungkot. Kaya ilang beses ka muna nilang pangingitiin bago ka nila saktan, para in the end, wala silang kasalanan. Dahil bayad 'yung pananakit nila sa'yo.

Sighed.

Bakit ko ba ulit naiisip 'tong nga bagay na 'to? Tapos na ako dito e. Gusto ko ng kalimutan lahat ng past ko at gumawa ng isang solid na future kasama ang kung anong meron ako. And that's me, my family, Chervo and Jeremy. Without her.

"Calvin, anak? Ayos ka lang ba? Parang natulala ka ata bigla?" Tanong saakin ni Mama nang lapitan niya ako. Hinaplos pa niya 'yung noo at leeg ko para malaman kung mainit ba ako o nilalagnat.

"I'm fine. Don't worry Ma, pagod lang po ako. Akyat na po ako ah," aniya ko.

"Hindi ka ba muna maghahapunan?" Tanong ulit saakin ni Mama.

Umiling ako, "Hindi muna Ma. Busog pa naman po ako. Goodnight," sabi ko bago umakyat sa k'warto ko. Naligo agad ako, pagkatapos nagbihis at agad na humiga sa kama. Bakit ganito, simula ng mawala siya pakiramdam ko araw-araw, sa tuwing uuwi ako, pagod ako. Ganito ba talaga 'yung epekto kapag wala na 'yung taong nagpapasaya sayo? Ganito ba 'yung epekto kapag wala na 'yung salitang saya sa buhay mo?

Napatingin ako sa bag na binalibag ko lang kanina sa gilid ng kama ko. Hindi na kasi ako nag-abala pang isarado ang zipper nito dahil wala namang importanteng bagay na mawawala saakin. Kahit malaglag pa ang mga notebooks ko kaya ko naman palitan agad 'yon. Plus the fact na hindi naman ako umaasa sa kopya kaya walang laman 'yang mga notebook na 'yan. In short, props lang 'yang bag at notebook na 'yan para mafeel ko na nag-aaral pa rin ako.

Napaupo ako mula sa pagkakahiga nang may makita akong larawan na nakasilip mula rito.

Ito 'yung litrato na naiwan ni Ligsa sa library kanina.

Sobra ang ngiti niya rito. Pati na 'yung dalawa pang babae na kasama niya sa picture.

Agad ko namang pinasok sa bag 'yung litrato. Ibabalik ko nalang sa kaniya bukas 'yon. Ayoko namang itapon dahil una sa lahat, wala lang akong pakialam sa mga nakapaligid saakin, pero hindi naman ibig sabihin no'n may karapatan na ako sa pagmamay-ari ng iba. At pangalawa, hindi ko ugaling magtapon ng mga masasayang ala-ala.

Fuck.

What am I thinking again?

Sa sobrang frustration, binuksan ko nalang 'yung facebook ko sa laptop at agad na nagscroll down. Puro memes lang naman ang laman ng facebook ko, dahil sabi niya ang memes daw ang magpapagaan sa buhay ko. Para naman daw kahit mawala na siya ay magiging masaya pa rin ako. Ang hindi niya alam, mas nasasaktan ako sa tuwing nakakakita ako ng mga memes. Dahil mas naaalala ko lang siya.

Nangingilid na ang mga luha ko ng may lumabas na message sa facebook ko. Isa itong message request galing sa isang Ligaya Mercado.

Ligaya Mercado

Hello!

Salamat nga pala at hinayaan mo akong makasabay kang maglunch kanina. Pasens'ya ka na at sobrang lungkot ko no'n with matching iyak-iyak pa.

Tulog ka na ba?

Pero online ka pa e.

Maaga ka bang papasok bukas?

Uyyy? Plad kita sige ka kapag hindi ka sumagot

Sagot ka na---

Agad kong sinarado 'yung laptop ko. Nakakainis. Paano niya nalaman ang facebook account ko? Mukhang kailangan ko na ngang gumawa ng bagong account. Tutal puro memes at nakakalungkot lang naman din naman na memories namin 'yung nasa account na 'yon.

Mas mabuti pa nga sigurong buharin ko 'yon kaysa naman guluhin pa ako nung Lina na 'yon.

***

"Good morning po Sir Calvin," nakangiting bati saakin ni Manang Lora. Hindi ako sumagot sa kaniya. Sanay na rin naman siya dahil kada babatiin niya ako ng good morning, titingnan ko lang siya at tatango sa kaniya.

Napansin kong walang tao sa kusina. Abala lang ang mga maids sa paglilinis at pagseserve ng agahan. Napatingin ako kay Manang Lora, napatingin din siya saakin at kahit hindi ako nagsasalita, alam na niya kung anong ibig sabihin ng mga tingin ko.

"Ah Sir. Maaga pong umalis ang Mama't Papa niyo. Kasama po nila sila Ma'am Marjorie at ang asawa nito. Si Cassy naman po, hindi pa po bumabangon. Ayaw pa raw po niya bumangon dahil broken hearted daw po siya," pagpapaliwanag ni Manang Lora.

Agad naman akong umakyat sa k'warto ni Cassy. Naka-ilang katok ako sa pintuan niya.

"Manang Lora, ayoko pong pumasok ngayon. Please iwan niyo po muna ako okay?" Mahinahon nitong sagot sa kabila ng pinto.

Kumatok pa ako ng ilang beses bago ko narinig na naglalakad na siya papuntang pintuan.

"Si Manang talaga ang kuli--Oh. Kuya. Good morning," matamlay nitong sagot pagbukas niya ng pintuan. Nakita ko kung gaano ka-itim ang ibabang parte ng mata niya. Mugto rin ang mata niya walang kabuhay-buhay ang balat.

"Baba. Kain. Pasok," sabi ko sa kaniya bago naglakad pababa sa kusina.

Wala siyang ibang nagawa kundi ang magdabog palabas ng k'warto niya dahil wala siyang magawa. Minsan lang ako magsalita sa kaniya kaya naman kapag nagsalita ako, wala siyang ibang dapat gawin kundi ang sumunod dito. Besides, sinusunod ko rin naman ang mga gusto niya. Everything between us should be a give and take.

Umupo na ako sa upuan ko. Tumabi naman saakin si Cassy na walang ganang kumakain.

Tinambakan ko ng pagkain si Cassy kaya napatingin siya saakin. "Kuya naman eh. Ang daming kanin naman ng nilagay mo. Hindi ko kayang ubusin 'yan," pag-angal niya.

Tumingin ako pabalik sa kaniya at sa pagkain. "Anong madami diyan? Kapag may boyfriend ka ang dami mong kumain. Kapag broken kailangan konti lang gano'n?" Tanong ko sa kaniya. "Ubusin mo kahat 'yan," pinal na sabi ko sa kaniya.

Wala ulit siyang nagawa kundi ang piliting maubos 'yung tinambak kong pagkain sa kaniya.

Pagkatapos kong kumain, umakyat muli ako papuntang k'warto ko para maligo. Pagkatapos kong magbihis, bumaba akong muli at nakita kong may kakaunti pang nasa plato ni Cassy.

"Kuya, hindi ko na talaga kaya..." nagmamaka-awang sabi niya habang punung-puno ang bibig.

Inayos ko ang pagkakasoot ko sa relo ko bago tingnan si Manang Lora. "Manang, kapag hindi naubos ni Cassy 'yang kinakain niya. Pakitapon po lahat ng Kpop banners and merchandises niya," seryosong sabi ko bago naglakad palabas ng bahay at papuntang garahe. Narinig ko pa ang pag-angal ni Cassy pero wala naman siyang magagawa.

Sinimulan ko ng paandarin ang sarili kong sasakyan.

***

"GOOD MORNING MR. POGI!"

Agad na bumungad saakin sa parking lot si Liya. Sobrang nakakatuliglig sa tainga kaya naman hindi ko napigilang mapangiwi sa pagbati niya saakin. Pagkababa ko ng kotse ko, siya agad ang sumalubong sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. At wala akong imik na sinukbit ang bag ko sa likuran ko't nagsimula ng maglakad papasok ng campus.

"Hmp! Sungit naman. Porke g'wapo masungit na!" Narinig ko pang bulong nito.

Hindi ko siya pinapansin hanggang makapasok kami sa loob ng campus. Binati pa nga ako ng guard ng magandang araw pero hindi ko siya pinansin. Pero nung si Liyad na 'yung binati, tuwang-tuwa siya pagkatapos nakita kong sumaludo pa sa guard na tawang-tawa sa kaniya.

Ano bang nakakatawa sa kaniya? Eh sobrang sakit naman sa tainga ng boses niya. Sobrang nakaka-allergic na makita siya. Nakakairita siya sa hindi ko malamang dahilan.

"Oy Mr. Pogi! Sandali lang wait mo ako!" Sigaw niya bago siya tumakbo para mahabol ako. "Saan ang first class mo ngayon? Magkasama ba tayo sa first class mo? Nasaan na pala 'yung mga kaibigan mo? Teka, bakit ang tahimik mo palagi? Saan ka ba papunta? Saang building ba first class mo? Bakit--"

Huminto siya sa pagsasalita nang titigan ko siya. Hindi masamang titig pero titig na nagbibigay ng babala.

Ano bang meron sa kaniya? Bakit bigla-bigla nalang niya akong sinusundan? Bakit ba siya buntot ng buntot saakin? Ayokong mag-aksaya ng laway para lang sa babaeng 'to kaya hindi na ako nagtatanong pa. Maya-maya lang ay nakita ko siyang pumasok sa classroom na pinasukan ko.

Kita mo nga naman. Ang galing! Magkasama kami sa first class. Sinadya niya ba 'to?

Napatingin ako sa kaniya sa likuran. Kumaway naman siya saakin pagkatapos ay kinindatan pa ako na kaagad kong kinainisan. Kapag nga naman minamalas ka. Mukhang mapapagod nanaman ako sa araw na ito ah. Pero this time hindi kakaisip sa kaniya, pero sa kung papaano ko tatakasan 'tong si Linya.

Habang nagtuturo si Ms. Luna, may naramdaman akong tumusok sa batok ko. This time, alam kong hindi 'yun guni-guni dahil hindi 'yon ang first time na may bumato sa batok ko. Ang kaibahan nga lang ngayon, hindi forced 'yung papel na naglanding sa batok ko. Pinulot ko 'yung papel na nakakorteng eroplano na nasa ilalim ng desk ko.

From Ligaya.

Agad akong napatingin sa likuran ko. Hindi siya nakatingin saakin, nakikinig siya--or nagpapanggap lang siya na nakikinig kay Ms. Luna.

Binuklat ko 'yung eroplano at binasa ang laman nito.

Dear Mr. Pogi,

May kasabay ka bang maglunch mamaya? P'wede bang sabay ulit tayong maglunch? Feeling ko kasi gusto ko ulit kumain sa library. Sabi nga nila 'di ba, masarap gawin ang bawal. Kaya kakain ulit tayo sa library kahit bawal dahil masaya 'yon!

From Ligaya.

Kaagad kong ginusot ang papel nang mapansing nakatayo na sa harapan ko si Ms. Luna. Nakakunot ang noo niya pero nakangiti siya ng mapang-asar.

"Mr. Herrera. Mukhang busy kang magbasa ng love letter. Maaari mo bang I-explain saakin 'yung dinidiscuss ko dahil mukhang hindi mo na kailangan makinig saakin," mapanghamon na tanong nito saakin.

Kainis!

Napalingon ako sa likuran ko, kay Ligsa. Nagpeace sign siya saakin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Humanda lang talaga siya saakin mamaya paglabas namin.

"Give me one constellation that you can see using your naked eye," tanong niya kaya naman napa-what ako sa isipan ko. Hindi dahil nahihirapan ako, kundi dahil sobrang dali ng tanong niya. Baka kahit elementary masagot ang common question niya.

"Orion," maikli kong tugon bago umupo kahit hindi ko pa siya hinihintay na pauupuin ako. Tinaasan lamang niya ako ng kilay bago siya bumalik sa pagtuturo niya.

Ilang nakakamatay na minuto ang lumipas bago nagdismissed ang klase. Naunang lumabas saakin sila Chervo at Jeremy na nasaksihan din ang pagkapahiya ko sa room kanina. Actually, wala naman saakin kung napahiya ako o hindi. Ang deal saakin ay 'yung pagbato saakin ni Lili ng papel na inakala ni Ms. Luna na love letter.

"Mr. Pogi sorry sa nangyari kanina. Hindi ko naman alam na--"

"Fuck off," mahinahon kong sabi sa kaniya. Pero mukhang hindi niya 'yon naintindihan.

"Hindi na ulit ako magbabato sa'yo ng papel. Paper nalang hihi. Pero sorry talaga Mr. Pogi. Gusto mo ba sabihin ko kay Ms. Luna na ako talaga may kasalanan? Sabihin mo lang. Sorry na talaga uy!" Pangungulit pa niya.

"Nevermind that. P'wede ba, 'wag mo na nga akong susundan," ani ko nang mapansin kong nakasunod pa rin siya saakin paglabas ko ng room.

"Bakit hindi p'wede?"

"Kasi ayoko."

"Bakit ayaw mo?"

"Kailangan ba may dahilan?"

"Oo naman."

"Then because I don't want to. Period," inis kong sabi sa kaniya bago binilisang maglakad. 'Yung hindi niya mahahabol. Pero kita mo nga naman, tumakbo pa siya para lang mahabol ako.

"Uy. Sorry na kasi Mr. Pogi. Eto oh! Ako nagbake nito kagabi. Pinagpuyatan ko 'to para ibigay sa'yo. Pa-thank you ko na sa'yo dahil pinayagan mo akong maglunch kasama ka kahapon," sabi niya habang nakangiti at may inaabot na box. Sa palagay ko isa iyong box na puno ng mga cupcakes.

Inabot ko iyon. Hindi ko pinapahalata na sobra na akong naiinis sa kaniya.

"Ahh... pathank you?" Tumango naman siya. Tapos ngiting-ngiti dahil kinuha ko 'yung box na binibigay niya saakin. "Then I don't need your thank you or your sorry," sabi ko sabay bato sa pinakamalapit na basurahan 'yung box. Napatingin naman siya doon sa basurahan at hindi agad nakapagsalita dahil sa gulat.

"Ba-bakit mo ti-tinapon?" Nagulat na tanong niya.

Ngumisi ako sa kaniya. "That's for being feeling close to me. Never talk to me again," huling sabi ko sa kaniya bago siya iniwang nakanganga doon.

Nakakainis.

Dahil sa ginawa kong 'yon, naka-agaw nanaman ako ng atens'yon. This is fucking argh! Bakit ba kasi kailangan pa niya akong habulin para lang sa cupcakes na 'yon? Hindi ba niya napansin na ayoko sa kaniya? Na ayoko sa kahit kanino?

But shit this feeling.

Bakit naaawa ako sa kaniya dahil sa ginawa ko?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro