Chapter 16 - Easy Ka Lang
Chapter 16.
"Totoo nga? Birthday mo talaga ngayon?" Muli kong tanong habang naglalakad-lakad kami sa ibang parte ng MOA.
Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na birthday nitong kasama ko. She really cried a while ago. Kahit hindi ko naman talaga alam na birthday niya. It was a very good coincidence. Ilang beses ko na ring tinanong sa kaniya kung legit ba na birthday niya ngayon at ilang beses na rin niyang sinabi na oo.
"Calvin, kung ayaw mong maniwala. Let's go home. Ipapakita ko pa sa'yo 'yung birth certificate ko. Para namang imposible na maging birthday ko ngayong araw," aniya habang naglalakad kami. Tumitingin-tingin din kami sa kumpulan ng mga tao na madadaanan namin. 'Yung ilan kasi sa kanila, nakita namin kanina sa convention center. Mukhang tulad namin, naglunch din muna sila.
"I just can't believe. Honestly, hindi ko naman talaga alam na birthday mo. Gusto ko lang mapasaya ka kaya ginawa ko 'yon. Well, mukhang napaganda pa na ginawa ko 'yon," proud kong saad. "Napaiyak kita," dagdag ko pa bago isuksok sa bulsa ko ang pareho kong mga kamay.
"Aba. Proud ka pa ha. Pero ayos lang," sagot niya habang nakangiti. "Napasaya mo naman talaga ako. That's my first birthday cake, ever," sabi pa niya kaya napatingin ako sa kaniya para malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo. And I'm just making myself do something that isn't needed dahil hindi naman nagsisinungaling si Liwhatever. Never pa siyang nagsinungaling sa akin ever since na magkakilala kami.
"R-really?" Tanong kong muli sa kaniya. Ang dami kong nalaman sa kaniya ngayong araw na 'to. First, she really loves Pop Fiction books lalo pa't puro love stories ang madalas na finefeature no'n. Second, it's her birthday today. And now, her first birthday cake.
Tumango siya. "Madalas noong buhay pa si kuya. Kaming dalawa lang ang nagcecelebrate ng birthday ko. Wala kaming handa, pero thankful pa rin ako dahil si kuya ang unang babati sa akin kapag gising ko ng umaga ng birthday ko. Kakantahan pa niya ako ng birthday song at pagsisilbihan na para bang prinsesa. Although, araw-araw naman niya 'yong ginagawa."
Unlike the past days, wala kahit isang luhang pumatak mula sa mga mata ni Liwhatever. This time, she's smiling as if remembering the best moments she had in her life. And I think it is really the best moments she had. Base kasi sa mga mata niya na kahit hindi nagsasalita, damang-dama ko naman kung gaano niya namimiss ang mga araw na kinuk'wento niya.
"You really love your brother," tangi ko na lamang nasabi.
"Sobra."
Nanatili kaming tahimik habang hinahayaan namin ang mga paa naming dalhin kami sa kahit saan nito gustong pumunta. Marami pa rin kaming taong nakakasabay sa paglalakad at nadadaanan. Namiss ko tuloy ang pakiramdam na nandito sa MOA. Dati kasi, halos every month nandito kaming buong pamilya.
Not until...Angelica died. Never na ulit akong sumama sa kanila kaya tinigil na rin nila ang pagpunta rito sa MOA.
"Ayos ka lang?" Dinig kong tanong sa akin ni Liwhatever.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo?" Balik kong tanong sa kaniya.
"I'm okay. Ikaw, mukhang malalim ang iniisip mo."
"May naalala lang," I said before staring at her. "Let's go?"
"Saan?"
"Convention center? Saan pa ba," I said with a bit of sarcasm. "Hindi pa natin nasusuyod ang second floor. Baka mas maraming librong maganda do'n," dagdag ko pa bago kami lumiko papuntang convention center.
"Bakit mo 'to ginagawa?" Biglang tanong ni Liwhatever habang naglalakad kami.
"Ang alin?"
"Ito. Bakit mo ako dinala rito sa MOA? Bakit mo ako dinala sa book fair?" Tanong niya. "Ikaw kasi 'yung tipo ng tao na mas gugustuhin pang matulog sa bahay kaysa gumala," dagdag pa niya kaya napakunot ang noo ko. "Just an opinion! Base 'yon sa observations ko sa'yo," agad niyang saad.
"Just want to return the favor," maikli kong tugon.
"Returning the favor," tatango-tango niyang saad na para bang nakarinig siya ng isang word of wisdom mula sa akin. "Hindi mo naman kailangang gawin 'to e. Sanay ako na ikaw ang pinapasaya ko. Kinikilig tuloy ako sa ginagawa mo."
"What the fuck?"
"No fucks please. Virgin pa ako."
"Tangina," napailing na lang ako habang siya tawa nang tawa. Baliw na yata 'tong kasama ko.
"Pero seryoso. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. Books are really my allies. They are my comforts. Thank you na rin kasi pinasaya mo ako. Ang bait mo talagang kaibigan. Baka kuhain ka agad ni Lord niyan---"
"Coming from a suicidal girl."
"Hoy grabe," she said before giggling. "Pero thank you nga pala dahil dumating ka do'n. Kundi, baka dedbols na ako ngayon. Kung sakali, baka hindi ko naranasang magbook fair sa MIBF. O batiin ng happy birthday ng maraming tao kahit hindi ko naman kakilala. At magkaroon ng birthday cake."
"You say too much thank you," I said dahil nararamdaman ko na nagiging emotional nanaman siya.
"Because you changed my life."
Saglit akong napahinto bago tumingin sa kaniya. "W-what?"
"H-hindi ako nagkamali na pasiyahin ka noon. Look, ito ang karma ko. A good karma dahil pinasaya kita. Ikaw ang karma ko. You're making me happy now. Thank you talaga," she said, almost wanting to hug me.
I feel uncomfortable. Ito ang unang beses na may nagthank you sa akin na ibang tao bukod sa dalawang ungas kong kaibigan, sa pamilya ko at kay Angelica. Isa pa, iba talaga ang tingin niya. There's something strange from her eyes everytime na tumitingin ako do'n. Para bang nakakaadik ang pagtingin do'n.
"Nevermind me Calvin if you're not comfortable. Ganito lang talaga ko sa mga kaibigan ko. I'm just being open. 'Yon naman talaga ang susi sa magandang relasyon 'di ba? Being open. Communication," sabi niya kaya tumango ako.
"Communication," I repeated, almost whispering to the winds. Ito 'yung salitang p'wede ring makasira sa isang relasyon. Ito 'yung salitang never na naming magagawa pa ni Angelica.
"Calvin, saan ka pupunta? Dito 'yung entrance 'di ba?"
Agad akong bumalik sa katinuan nang mapagtanto kong nasa tapat na pala kami ng convention center. Lagpas na nga ako sa entrance kaya napabalik ako at sumabay kay Liwhatever papasok sa entrance na para bang walang nangyari.
Since may mark naman na kami sa kamay na katunayang nakapagbigay na kami ng ticket kanina, hinayaan na nila kaming makapasok ng walang kahirap-hirap. Unlike kanina na nakapila pa kami, ngayon saglit na lang ang hinintay namin para makapasok dahil tinitingnan na lang ang mga kamay ng pumapasok. 'Yung iba, may ticket pa rin pero mostly may mga marks na lang sa kamay.
"This is hell," saad ko kaya natawa si Liwhatever. "What?" Tanong ko sa kaniya.
"Your words are really vulgar. Kanino ka ba natutong magmura?"
"Mura ba 'yon?" Inis kong saad habang nagaantay kaming makasakay sa escalator na tanging option papunta sa second floor ng convention center. Which happens to be overloaded by people. Isang buong escalator na 'to ay papunta sa taas. 'Yung nasa kabila naman, from second floor papunta rito sa ground. Parehong puno ng mga tao.
"Whatever Calvin," iiling-iling niyang saad bago humawak muli sa pupulsuhan ko.
"Mawawala ka pa ba?"
"Who knows?" Natatawa niyang saad pero hindi ko na lamang siya pinansin. Ang hindi ko maintindihan ay ang kakaibang nararamdaman ko. There's an electricity-like na dumadaloy mula sa kamay ni Liwhatever papunta sa pupulsuhan ko kung saan siya nakahawak. I wonder if she feels that too.
Pagdating namin sa second floor, marami pa ring mga tao. Pero unlike kanina sa ground, mas kaunti na ang mga ito. Siguro 'yung iba nagshift at nasa ground naman na ngayon. O kaya naman naglulunch pa rin ang iba.
Pumunta kami sa unang booth sa second floor. It was Lampara Books. May ilan kaming mga librong tiningnan hanggang sa makita namin ang isang libro na mukhang pambata. Pero tuwang-tuwa si Liwhatever.
"Ilang taon ko ring hinanap ang librong 'to," aniya na halos maiyak-iyak na.
"Libro lang 'yan. Iniiyakan mo?" Gusto kong matawa dahil naiiyak na talaga siya. But I can't dahil dinapuan ako ng pag-aalala. "Ayos ka lang ba?"
Tumango siya. "Ito 'yung librong pinangako sa akin ni kuya noong buhay pa siya. Tingan mo, this book is for ages 11 and below. Grade 6 pa lang yata ako nang makita ko 'to sa Pandayan bookstore. Dito ko pala ulit sa MIBF makikita 'to," she said bago ibalik muli sa estante 'yung librong hawak niya.
"Wait. Hindi mo ba bibilhin?" Tanong ko sa kaniya pero umiling siya.
"There are five books in the series. Baka mabitin lang ako kung isang libro lang ang bibilhin ko."
"Edi bilhin mo lahat ng libro sa series."
Umiling siya. "299 ang isang libro. Aba. Nakakahiya naman kung bibili ako ng halos 1,500 pesos na libro tapos ikaw ang magbabayad. Ang dami mo ng nagastos para sa akin. Busog na busog pa nga ako sa kinain natin kanina. 'Yung cake nga buti naubos natin---"
"Naubos mo," I corrected.
"Yeah right," she chuckled before leaving me behind and started walking through the aisle.
Napatingin muli ako sa librong hawak niya kanina. Kinuha ko 'yon at ang apat pang kasunod noon para kumpleto ang series.
"Moymoy Lulumboy," basa ko sa title. "Pambatang-pambata ah," natatawa kong saad bago 'yon bitbitin at bago ako sumunod kay Liwhatever.
"Tara sa kabilang booth. Sa Viva books," aniya habang hindi lumilingon sa akin.
"Sandali, magbabayad lang ako," sabi ko kaya napalingon siya sa akin. Napakunot naman ang noo niya nang makilala niya ang dala-dala kong mga libro.
"B-bibilhin mo?"
"Hindi, nanakawin natin."
"Hmp! Sungit. Dalian mo mukhang may author sa Viva books!" Sabi niya bago mauna sa exit ng booth.
Pagkatapos kong magbayad, sumunod ako sa kaniya sa exit dala-dala ang plastic na may logo ng Lampara books.
"Tara na!" Aya niya pero napatingin agad ako sa kung saan niya ako gustong dalhin. Sa booth ng Viva books.
"Ang daming tao. Ayokong makipagsiksikan. Ikaw na lang," sunud-sunod kong sabi.
"Baka mawala ako kapag hindi kita kasama."
"Dito lang ako," sabi ko. Tiningnan muna niya ako bago ngumiti at sumuong sa maraming tao. That's why I don't like crowded places. Ayokong makipagsiksikan para lang makadaan. Buti na lang talaga mas kaunti na lang ang tao dito sa second floor. Mukhang naipon sa booth ng viva books. Mukha ngang may sikat na author doon na nagbobook signing.
Napatingin ako sa relo ko. It's 2 pm sharp. May isang oras pa kami bago dumating si Raphael Santos.
***
"Akala ko hindi ka na makakabalik dito," bungad ko sa kaniya nang makarating siya sa p'westo ko. Gulu-gulo na ang buhok niya nang makarating siya sa akin. Sa dami ba naman ng tao sa pinuntahan niyang booth, sinong hindi maguguluhan ng buhok do'n.
"Ang dami kayang tao. Dapat kanina pa ako nakabalik dito kung hindi lang masikip. Pero worth it naman!" Sigaw niya bago ilahad sa akin ang isang libro. "Stuck in the Moment! Ang tagal na kayang naubos ang first edition nito! Tapos nandiyan pa 'yung author kaya look!" She exclaimed before opening it. Nakita kong may note sa first page at may pirma pa.
"Hmmm," naningkit ang mga mata ko.
"Bakit?"
"Nabayaran mo na ba 'yan? Akala ko ba wala kang dalang pera?"
Napahinto siya at unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. "Shala..." wala sa sariling saad niya.
"Don't tell me kumuha ka ng libro at pinapirmahan sa author no'n nang hindi pa nagbabayad?" I asked. Napalunok siya ng laway kaya tumawa na ako nang tumawa. Nakita kong pinagpapawisan na rin siya kaya mas lalo akong natawa.
"H-hoy! 'Wag ka ngang tumawa! S-sandali ibabalik ko," sabi niya at akmang maglalakad na pabalik sa Viva books booth pero agad ko siyang pinigilan.
"'Wag na. Sa dami ng mga tao diyan. Sa tingin mo ba may nakapansin pa sayo?"
"Pero masama ang magnakaw."
"Alam ko. Pero look, natanggal mo na ang seal ng libro. May pirma na rin. It's your souvenir. Tara na. Don't worry, kapag nalaman nila, itatakas kita," I said then winked. Hinatak ko na rin siya palayo doon at pumunta na kami sa iba pang booth.
"Alam mo pafall ka talaga."
"Bakit naman?"
"May pakindat-kindat ka pa diyan! Sabi ko naman sa'yo marupok ako," sabi niya kaya natawa ako. "'Wag ka ngang maging mabait sa akin---"
"Bakit? Mafafall ka?" Nakangising tanong ko sa kaniya.
"I already did."
"Ha?" Tanong ko dahil hindi naging malinaw sa akin ang sinabi niya. Sa dami ng mga tao na kasabay naming nagsasalita, naging malabo ang sinabi ni Liwhatever sa pandinig ko.
"W-wala. Ang sabi ko hindi ako sanay na mabait ka at tumatawa."
"You should."
"Bakit naman?" Tanong niya bago kami napunta sa tapat ng VRJ books.
"Because this is me. You're with Calvin Herrera."
"Ibig sabihin hindi ka talaga masungit?" Tanong niya. Pero nagkibit balikat lang ako bago kami pumasok sa loob ng booth. "Wala akong kilalang author sa publishing house na 'to," sabi niya.
"Hindi mo ba kilala si The Lady In Black?" Umiling siya kaya hinatak ko siya sa isang estante kung nasaan nakalagay ang mga libro ng VRJ books. "29th of February," basa ko sa title ng librong hinawakan ko.
"Familiar sa akin 'yan. Siguro nakita ko na sa social medias ang libro na 'yan," sabi ni Liwhatever. "Bibilhin mo ba?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako.
"Nandito 'yung author oh," saad ko nang makita ko ang isang babae na naka-all black at pumipirma ng mga libro niya. 'Yung 29th of February.
Pumila muna kami bago nagpapirma. Pagkatapos lumabas na agad kami ng booth habang tumatawa.
"Sure ka ba? Hindi mo rin 'yan babayaran?" Nag-aalalang tanong ni Liwhatever pero tumatawa pa rin siya.
"Para hindi mo mafeel na ikaw lang ang gumawa ng krimen. Tara na sa ibang booth. Malapit nang dumating si..."
"Si?"
"Si John Green," I said before grinning.
"John Green? Taga America 'yon! Paano naman mapupunta dito 'yon," aniya bago ako suntukin sa tagiliran. Napaliyad pa ako dahil ang sakit niya manuntok.
"Let's go," I said before holding her wrist. Nakita kong nakatingin siya doon kahit naglalakad na kami. "Why? Baka mawala ako," I said before smiling.
***
"Bakit ba tayo nandito?" Tanong niya sa akin habang hatak-hatak ko siya sa loob ng Amulet publishing booth.
"Basta," sabi ko habang hindi mawala-wala sa labi ko ang ngiti ko. It's 2:50 pm. Ang alam ko, nandito na sa Convention center si Raphael Santos sa oras na 'to at naghahanda nang pumunta sa booth niya. Which is ang Amulet publishing.
"Sandali, bakit ang daming tao? Anong meron?" Tanong niya habang nakikipagsiksikan kami sa maraming tao. Hindi ko siya sinagot. Nadaanan namin 'yung isang estante na may display na libro kaya agad ko 'yung kinuha. Kumuha ako ng dalawang kopya para tig-isa kami ni Liwhatever. "T-teka! Falling like the Stars b-ba 'yan?"
"Yup," nakangiti kong sagot.
"B-bakit? A-anong meron?" Tanong niya bago ako tumingin sa kaniya.
"'Di ba sabi mo sa 'kin gusto mong makilala 'yung anonymous writer ng libro na 'to? Kaya nandito tayo ngayon," sabi ko kaya hindi maipinta ang mukha niya.
"I-ibig sabihin nandito siya nga-ngayon?"
Tumango ako bago kami nakarating sa harapan. Sakto namang dumating na ang pakay namin. May suot siyang face mask na kulay puti, at cap na kulay puti rin. Kahit hindi kita ang labi niya, alam naming nakangiti siya habang kumakaway-kaway sa mga fans niya. Nasa mini stage siya sa gitna ng booth at nasa harapan namin siya mismo. Nagsisigawan tuloy ang mga tao sa booth. Ang ingay at ang gulo. Buti na lang talaga at nasa unahan kami.
"C-Calvin..." napatingin ako kay Liwhatever. Nakita kong gusto na niyang maiyak habang nakatingin kay Raphael Santos. "S-si Raphael..."
"Oh. Mamaya ka na umiyak. Makikipagmeet and greet ka pa sa kaniya," sabi ko bago ko siya itulak sa unahan ng pila. Ako s'yempre ang sunod sa kaniya. "Oh, papirmahan mo. Take this opportunity para makilala siya," bulong ko sa kaniya bago iabot ang librong kinuha ko mula sa estante kanina. 'Yung Falling like the Stars na libro at akda ni Raphael Santos.
"H-hindi ko kaya. Hihimatayin yata ako kapag nakaharap ko na siya."
"Ngayon ka pa ba magiinarte? Nasa harapan mo na oh. Akala ko ba gusto mong makilala 'yang author na 'yan? There's no turning back."
Pinaakyat na siya sa mini stage kung nasaan si Raphael Santos. Sumunod ako sa likuran niya bilang suporta. Baka totohanin niya 'yung sinabi niya na hihimatayin siya.
"R-Raphael Sa-Santos," hindi makapaniwalang sabi niya bago ibigay ang hawak niyang libro sa lalaking kaharap niya.
"What's your name?" Tanong sa kaniya nito.
"L-Ligaya," sagot niya habang hindi inaalis ang tingin kay Raphael Santos.
Pumirma naman ito sa libro niya pagkatapos ay binalik kay Liwhatever ang libro. "Picture?" Tanong nito sa kaniya kaya lumingon ito sa akin.
"Go on. Ako muna camera man mo ngayon," sabi ko bago ilabas ang cellphone ko. Agad namang tumabi si Liwhatever kay Raphael. Si Raphael naman tumayo at umakbay sa kaniya. "One, two, three..."
Naka-ilang take ako ng picture sa kanila. Pagkatapos, tumingin si Liwhatever kay Raphael.
"M-may gusto sana akong itanong sa'yo. If you don't m-mind," sabi ni Liwhatever kay Raphael.
"Pero I don't have much time. Marami pang nakapila," sagot ni Raphael sa kaniya. Naging malungkot ang mukha ni Liwhatever habang nakatingin sa paborito niyang writer.
Bababa na sana si Liwhatever sa mini stage pero pinigilan ko siya. Tumingin lang ito sa akin at tinatanong ako kung bakit ko siya pinigilan. But instead of answering her gaze, lumingon lang ako kay Raphael Santos.
"Sir, this girl is your fan. Alam kong marami pang nakapila pero sana bigyan mo siya ng kahit limang minuto para magtanong sa'yo. Gustung-gusto niya talagang itanong sa'yo 'yon sa personal. Please, give her at least five minutes of your time. It's her birthday today. Kung sakali, ito na ang pinakamagandang regalo na makukuha niya ngayong araw," bulong ko kay Raphael.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Liwhatever. Tumingin din siya sa mga staff sa likuran niya bago ito kinausap. Maya-maya pa, huminga ito nang malalim bago humarap kay Liwhatever.
"Ligaya right?" Tanong niya.
"O-opo," sagot ni Liwhatever.
"Come here, just five minutes okay?"
And then, muling napangiti si Liwhatever bago sila pumunta sa dulong bahagi ng mini stage at nag-usap. It was a quick conversation between the two. Pero nang bumalik si Liwhatever sa akin, sobrang laki ng ngiti sa mga labi niya.
"Kamusta?" Nakangiti kong tanong kay Liwhatever matapos pirmahan ni Raphael ang libro ko. Bumaba na rin kami sa mini stage at nagsimula nang maglakad palabas ng booth dahil dumarami pa ang mga taong pumapasok sa Amulet publishing.
Akala ko sasagot siya sa tanong ko.
Pero namalayan ko na lang, na nakayakap na siya sa akin habang umiiyak.
"I know I say too much thank you. Pero sobrang thank you talaga. You made this day memorable. You made me happy. Thank you, Calvin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro