
Chapter 15 - Sembreak
Chapter 15.
Pagpasok namin sa entrance ng Convention Center, kung saan ginaganap ang book fair ngayon, tumambad ang libo-libong bookworms na nagkukumpulan at nagsisiksikan sa buong ground floor. Ground floor pa lang 'to pero hindi na mahulugan ng karayom ang lugar. Paano pa kaya sa taas?
Hindi ko tuloy mapigilang mamangha dahil ang dami talagang mga katulad namin ni Liwhatever na mahilig sa mga libro. Yet, I feel uncomfortable dahil sa dami ng mga tao sa paligid. Hindi ako sanay na makipagsiksikan sa ganito karaming tao. Isa pa, mas'yadong malawak ang buong Convention Center kaya hindi kami makapagdecide kung saan muna pupunta.
"Look, may map oh!" Sabi ni Liwhatever bago ako hatakin papunta sa malaking tarpaulin na nakatayo sa main entrance. Nakasulat lahat ng mga booths ng bawat book shops and publishing companies at kung saan sila makikita. "Nandito sa ground floor 'yung National," sabi niya sa sarili niya habang nakatingin sa tarpaulin.
"Where are we going first? Sa dami ng mga tao, hindi kaya mauubos agad ang mga best selling books?" Tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa paligid. While me, just waiting for her decision. After all, nandito lang naman ako para samahan siya. This is her day to be happy.
"Sa National muna tayo, then sa Pop Fiction at sa Booksale," aniya bago siya magsimulang maglakad. Nauna siya sa akin kaya sumunod lang ako sa kaniya.
But a sudden wave of people disconnected us. Napansin niya sigurong hindi na ako nakasunod sa kaniya kaya lumingon siya sa likuran niya. Pero hindi niya pa rin ako nakikita dahil masiyado siyang maliit kumpara sa kumpulan ng mga tao na dumadaan sa pagitan namin. I don't have any choice but to fight for my way. Wala na akong pakialam kung maging rude and reckless, basta makapunta lang sa kung nasaan si Liwhatever.
Para kasi siyang batang nawawala.
"'Wag kang hihiwalay sa akin. Maraming tao baka mawala ka," normal na saad ko bago siya hawakan sa pupulsuhan niya. Nagulat siya dahil sa ibang direksiyon siya nakatingin pero sa likuran niya ako sumulpot. "Now, where's National again?"
***
"Behind the Clouds," basa ni Liwhatever sa title ng isang libro na hawak niya. "Casa Inferno," basa naman niya sa isa pang hawak na libro. "Sa tingin mo, ano kayang mas maganda?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa summary ng story sa likod ng cover.
Kumunot ang noo ko bago tingnan pareho amg libro. I don't read the summaries dahil nakakatamad. Minsan, binabase ko sa cover 'yung binibili kong libro, o kaya naman kung kilala ko 'yung author. Sometimes, if I find the title interesting, binibili ko na rin. So I'm really not into deciding which books to buy dahil pare-pareho naman silang binabasa. Every books deserve to be read.
"Why don't you buy both?" Tanong ko sa kaniya.
"Ayoko nga. Buti sana kung pera ko 'yung ipambibili rito. Eh hindi naman," she said while pouting. "Tingin ko may mas maganda pa sa ibang booth. Tara," aniya bago siya mauna sa aking maglakad.
"Hey wait," tawag ko sa kaniya bago tingnan 'yung dalawang libro na nakadisplay sa isang book shelf. Ito 'yung dalawang libro na hawak niya kanina at pinagpipilian. Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng what-look. "This is your day to be happy. Bilhin mo 'yung mga gusto mo. Kaya nga kita dinala dito para kahit papaano mabawasan 'yang mga problema mo. Kung alam ko lang na pati pamimili ng librong bibilhin eh poproblemahin mo pa rin, I shouldn't brought you here."
"Pero nakakahiya. Pera mo 'yung gagastusin..." mahina niyang saad.
Suminghap ako ng hangin bago ibalik ang tingin sa dalawang libro na hawak niya kanina. "There's no room for shyness. Look around, ang daming bumibili ng libro. Ang dami nilang dala. Hindi ba mas nakakahiya na dumayo ka pa rito para lang bumili ng konting libro?" I want her to get my point. Alam ko naman na nahihiya lang siya dahil libre ko siya. But I want her to enjoy the day. Kaysa naman pumasok ulit sa utak niya 'yung mga problema niya.
"L-let's just go to other booths. Baka kasi may mas maganda pang mga libro do'n," sabi niya bago tumalikod at marahang naglakad. Tumitingin-tingin pa rin siya sa mga hilera ng libro at book shelves na nadadaanan niya.
Little did she know, lahat ng hinahawakan niya at sa tingin ko ay nagugustuhan niya ay kinukuha ko. Hindi man lang siya lumilingon sa akin kaya hindi niya 'yon napapansin hanggang sa makapunta kami sa counter. May dala-dala siyang dalawang libro na pinilit kong bilhin niya dahil ayaw talaga niyang iwan kanina.
"C-Calvin? Ano 'yang mga dala mo?" Gulat na tanong niya sa akin nang sa wakas ay tumingin siya sa akin.
"Ahh... books? I guess?" I said bago ilapag sa counter 'yung halos sampung libro na dala-dala ko. Hindi naman mabigat pero nakakangalay dahil ilang minuto rin kaming umiikot sa booth ng National Bookstore.
"I know! Pero ang dami niyan," aniya. Nakita kong namula ang mga pisngi niya kaya napaismid ako.
"Don't think that these are yours, akin 'to," sabi ko kaya nahihiya siyang tumingin sa akin.
"A-ahh...right," maikli niyang tugon kaya gusto kong tumawa. But instead, kinuha ko na lamang 'yung paper bag kung saan nakalagay 'yung mga libro na binili ko at binili ni Liwhatever. Sa isang lalagyan ko na lang pinalagay dahil isang bayaran na lang ang ginawa namin. "T-thank you," sabi niya nang mabayaran ko ang dalawang libro na binili niya.
"No worries. What's next? Pop Fiction right?" Tanong ko habang buhat-buhat ang paper bag. Tumango lang siya bago maunang maglakad. "Hey. Wait," sabi ko bago siya sabayan sa paglalakad. "Humawak ka sa wrist ko."
"Bakit naman?"
"Baka mawala ka. Bilis na, nangangalay na ako," sabi ko kaya wala siyang nagawa kundi humawak sa wrist ko.
Lumabas na kami sa exit ng booth ng National Bookstore. Maraming tao sa mga hallway na nasa gitna ng bawat booths. Bukod sa National Bookstore, siguro may sampu o fifteen booths pa sa ground floor. Basta marami. Pero ang pinakamalaki na siguro ay 'yung National dahil hindi lang books ang binibenta. May mga school supplies din sa kabilang side ng booth nila.
"Wait, dito muna tayo," sabi niya bago ako hatakin sa isang booth. Dahil hawak niya ang wrist ko, wala akong nagawa nang hatakin niya ako sa PSICOM.
"May kilala ka bang mga authors dito?" Tanong ko sa kaniya nang bitawan niya ako para tumingin sa loob ng booth. Maraming libro na nakadisplay at may mga librong patong-patong sa isang lamesa na nasa gitna ng booth. Tumingin-tingin na rin ako pero hindi ko inaalis ang tingin sa mga librong tinitingnan ni Liwhatever.
"May ilan. May mga authors kasi akong naririnig sa mga kaklase ko. Though, hindi ko talaga alam kung saang publishing company sila exclusive writers," aniya bago hawakan ang isang libro. Lumapit ako sa kaniya para tingnan 'yon.
"You want it," sabi ko sa kaniya dahil ilang beses niyang binasa ang title at summary no'n. Tumango siya bago tumingin sa akin.
"Kung bibilhin ko 'to, may tatlong libro na akong utang sa'yo," aniya bago ibabang muli 'yung libro sa iba pang mga librong nakapatong sa lamesa. "I think may iba pang magandang libro sa ibang booth. Tara na," aniya bago hawakan ang wrist ko.
"Wait," I said that made her stop. "Bibilhin ko 'to. Parang maganda. Look, there's 2 books in this series. Nahati sa dalawang part ang bawat libro. I think this is good for collection," sabi ko bago kuhain ang apat na libro. 'Yung hawak niya kaniya ay 'yung Book 1 Part 1 sa series. I bought all the books in the series anyway.
"A-ang dami mo ng libro," she said habang nagbabayad ako.
"Haven't you see the book shelves in my room?" Tanong ko sa kaniya nang makuha ko 'yung plastic kung saan nakalagay 'yung apat na librong binili ko. Nagsimula na rin kaming maglakad palabas ng PSICOM booth.
"I've seen that. Pero parang hindi pa puno. Kaya siguro bumibili ka ng maraming libro ano? Para mapuno mo na 'yung book shelves mo?" Nakangiting tanong niya sa akin. But instead of answering her, I kept silent.
Naaalala kong binigay ko 'yung ilan sa mga librong hindi ko na binabasa sa mga bata sa orphanage. Instead of throwing it all in the trash, I donated it. Gusto kong sabihin kay Liwhatever na ang mga librong binibili ko na akala niya ay para mapuno ang bookshelves ko, ay para talaga sa kaniya. Kung nahihiya siyang kumuha ng mga libro dahil pera ko ang gagamitin, then I'll do it for her.
I'm a friend.
"Finally! This is home. Shala!" Liwhatever exclaimed. Patakbo siyang pumasok sa booth ng pop fiction at binitawan ako para tumingin ng mga libro sa loob ng booth. "I really missed these books," aniya pa habang kinakausap ang sarili kada may hahawakang libro.
And honestly, gusto kong matawa dahil sobrang dami niyang libro na pinagpipilian. She really refrained herself from buying too much books. Kaya naman ako na ang kumuha ng mga librong kinakausap niya pero hindi naman niya kinukuha para bilhin.
"Shala Calvin! Addict ka rin sa PopFic books? Ikaw ha! Hopeless romantic ka pala!" Pangungutya niya nang makita niya ang panibagong sampung libro na dala-dala ko. Ito 'yung mga librong hindi niya kinuha kaya kinuha ko. Mukhang gustung-gusto niya ang mga 'to pero nahihiya pa rin siya sa gagastusin ko.
"Whatever," tangi kong saad nang bitbitin ang paper bag na mula sa Pop fiction booth. I bought ten books for her at kumuha naman siya ng tatlong libro mula sa booth na 'yon.
"Gusto mo tulungan kita?" Tanong niya sa akin nang makita niya na nahihirapan na ako sa mga bitbit ko.
"You want to carry all of these?" Tanong ko sa kaniya. "Thank you very much. I will really appreciate it if you want to do so."
"Hindi naman lahat! Grabe ka naman. 'Yung magaan lang. Akin na," sabi niya bago kuhain 'yung plastic na may lamang apat na libro. Those were from the PSICOM's booth. "Ang dami mo kasing biniling libro. Ayan tuloy nahihirapan ka sa pagbitbit," dagdag pa niya.
"So it was my fault," mahina kong saad. Mabuti na lang at hindi niya narinig dahil for sure hindi nanaman kami matatapos sa pagbabangayan.
***
38 books.
Kung tama ang bilang ko, may 38 na libro kaming dala ngayon. More than a half sa mga 'yon ang bitbit ko. I think nasa sampung libro lang ang dala ni Liwhatever dahil ayoko siyang pagbuhatin. Babae pa rin siya at gusto kong ienjoy niya lang ang araw na 'to habang naglalakad-lakad sa buong Convention center.
Those 38 books ay sa ground floor pa lang. Hindi pa kami nakaka-akyat sa second floor kung nasaan ang mga publishing companies like Bliss and Amulet. Pero tanghali na kaya we've decided to eat lunch muna. I've decided, rather.
Ayaw kasi ni Liwhatever noong una dahil alam niyang libre ko nanaman. Pero sinabi ko na iiwan ko siya sa convention center at kakain muna ako dahil gutom na ako kaya napilitan siyang sumama. Baka raw kasi hindi ko na siya balikan. Eh wala pa naman raw siyang pera para maka-uwi. Kung sakali, magiging pulubi siya ng MOA.
"Saan tayo kakain? Jollibee? McDo?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa building kung saan ko pinark 'yung kotse ko. Ilalagay muna namin sa compartment 'yung mga librong dala namin dahil nasa first wave pa lang kami ng pamimili. For sure, mas maganda ang mga libro sa second floor.
"Nope. Ayoko sa fast food chain," kaswal na saad ko. Nakita kong napalunok siya at alam ko kung anong nasa isip niya ngayon. "Don't bother. It's my treat. Kasalanan ko rin naman kung bakit wala kang dalang pera. Don't worry."
Tumango lang siya. Pagkatapos, tahimik kaming naglakad papunta sa parking lot. Pawis na pawis kami at sobrang hinihingal dahil sobrang layo no'n. Plus may mga bitbit pa kaming mga libro kaya pagdating namin sa kotse ko, binagsak agad namin sa compartment ang mga libro.
"Nakakapagod," halos walang ganang sabi ni Liwhatever. Napatingin siya sa akin pagkatapos ay tumawa nang tumawa.
"Stop laughing. Ano bang nakakatawa?" Tanong ko sa kaniya bago sumandal sa kotse.
"Pawis na pawis ka kasi oh," aniya bago lumapit sa akin. Naglabas siya ng panyo mula sa bulsa niya pagkatapos ay pinunasan ang noo at leeg ko. "Malinis 'to. 'Wag ka nang umarte," dagdag pa niya nang ilang beses akong nailang sa ginagawa niya.
But we both stop when we felt something strange.
Really strange.
As if there's something that grounds us.
Alam kong naramdaman niya rin 'yon dahil napahinto siya sa ginagawa niya, at napatitig sa mga mata ko. After an eerie silence, she laughed awkwardly. "Ikaw na magpunas!" Aniya bago ihagis sa mukha ko ang panyo niya. Lumayo siya sa akin at tumalikod.
Pinunasan ko na lang ang pawis ko. "I'll take this. Papalabhan ko na lang," sabi ko bago ko ilagay sa loob ng kotse 'yung panyo niya. Nakakahiya naman kung ibabalik ko sa kaniya, eh pawis ko 'yung nando'n.
"You're dependent," out of nowhere na sabi niya paglingon niya sa akin.
"No, I'm not."
"Yes you are."
"You don't know me," in just a snap. Para bang nagiba bigla ang mood sa pagitan naming dalawa. Alam kong naramdaman niya rin 'yon kaya tumawa siya. It's genuine.
"Ang seryoso mo talaga! Nagbibiro lang ako! Tara na nga. Gutom na rin ako," Aniya bago lumapit sa akin at hinawakan ang wrist ko. Napatingin naman ako do'n bago sa kaniya. "Baka mawala ako," she said before she giggled.
***
"D-dito talaga?" Tanong niya na halos hindi makapaniwala nang nasa tapat na kami ng Rock Alley. Isang restaurant that our family used to visit before. Nagustuhan ko ang sineserve nilang fillet dito kaya tingin ko mas maganda kung dito kami kakain ni Liwhatever.
"Yup," maiksi kong tugon bago kami ihatid ng isang crew sa table for two.
"Can I get your orders now?" Magalang na tanong sa amin ng waitress pagbigay niya sa amin ng menu.
"Suicidal girl. Ano sa'yo?"
"Su-suicidal ano?" Tanong niya. Hindi ko siya pinansin kaya 'yun na lang din ang ginawa niya. Napatingin ako sa kaniya nang makita ko na pinalilipat-lipat lang niya ang pahina sa menu. "A-ang mahal pala rito," bulong niya sa akin habang nakatakip sa kanang mukha niya 'yung menu para hindi siya marinig nung waitress.
I chuckled. "It's a restaurant, what do you expect?"
"Pero okay naman ako kahit saan. Kahit nga sa fishballan lang o kaya kahit burger lang," aniya bago muling tumingin sa menu. Napapangiwi siya habang binabasa ang bawat presyo ng bawat putahe do'n.
"Akin na nga 'yan," natatawa kong saad bago kinuha 'yung menu kay Liwhatever. Binalik ko 'yun sa waitress na naghihintay pa rin sa order namin. Napatingin ulit ako kay Liwhatever na sinusuri ang bawat detalye ng restaurant. 'Yung mga disenyo kasi, mafefeel mo na para kang nasa bahay ni Elvis Presley. May mini stage din kung saan may drum sets at mic stands. Mukhang may tumutugtog sa restaurant na 'to.
Muli akong tumingin sa waitress bago bumulong sa kaniya. Since I want to make Liwhatever happy, may planong nabuo sa isip ko. Noong unang beses na kumain kami rito nila Mama, nakita ko nang may nangyaring ganito sa restaurant na 'to. And I want that to be done again. But this time, I want it to be done for this suicidal girl in front of me.
Kahit hindi naman legitimate na araw niya ngayon.
"Okay sir. Your orders will be here in a couple of minutes," nakangiting tugon ng waitress bago umalis sa harapan namin.
"A-ang ganda rito," sabi niya habang nakatingin pa rin sa bawat sulok nang restaurant. Naalala ko tuloy si Cassy. Ganito rin kasi ang sinabi niya noon nang una kaming kumain dito. "Paano mo pala nalaman na may ganitong restaurant sa loob ng MOA?"
"You know, my family is fond of family bonding. Ilang beses na kaming nakapunta rito sa MOA. Until we discover this," pagkukwento ko. "Si Papa lang talaga ang may gusto noong una na dito kami kumain. But since Papa's girl si Cassy, pumayag din si Cassy. If I'm not mistaken, nagcecelebrate kami no'n dahil pumasok sa honors si Cassy. Kaya nasunod si Cassy."
Nanatili kaming tahimik habang nakatingin sa terrace na hindi kalayuan mula sa amin. Kita dito ang bay na nasa likod ng MOA. Isa ito sa mga nagpaganda sa restaurant na 'to. The view.
"Ang saya ng pamilya niyo," sabi niya bago kami nagkatinginan sa isa't-isa. "Kung sana... buhay pa sila Mama, Papa at Kuya. Siguro masaya rin ang pamilya namin," I saw how her tears fall down to her cheeks.
"Don't cry. We're here to be happy," I almost whispered. Because for the nth time, my heart melted by just seeing how sad she is.
Pinunasan niya ang mga luha niya bago ngumiti sa akin. "S-sorry. Naalala ko lang sila. Ikaw kasi eh!" Natatawa niyang sabi bago dumating ang mga inorder ko. Nagulat pa siya nang ilapag sa table namin ang mga 'yon. "Hindi ko narinig na umorder ka," aniya bago tingnan isa-isa ang mga pagkain sa table namin.
"Of course, you're too busy criticizing the whole place." Nagkibit balikat lang siya sa sinabi ko. "Let's eat," sabi ko pero agad niyang pinalo ang kamay ko nang akmang kukuha na ako ng fillet sa serving plate.
"Pray first before eating!" Aniya bago nagsign of the cross at pumikit. Wala na akong nagawa kundi gayahin siya.
After we pray, nagsimula na kaming kumain. Halata naman sa kaniya na gustung-gusto niya ang kinakain niya. Kaso nga lang, sa tuwing titingin ako sa kaniya, tumitigil siya sa pagnguya at sasabihin huwag akong tumingin sa kaniya dahil nahihiya siya. Natatawa na lang ako dahil sarap na sarap talaga siya sa fillet. Sinabi na nga ba't magugustuhan niya rin 'yon.
Mula sa likuran namin, may isang waitress, the waitress who pick up our orders, na pumalakpak para agawin ang atensiyon ng lahat, especially ng mga co-waiters niya. Napangiti na lang ako dahil pamilyar sa akin ang ganitong pangyayari.
"Listen everyone. Let's greet our birthday celebrant for today!"
Nakita kong nasamid si Liwhatever pero hindi ko siya pinansin. Mas tinuunan ko ng pansin ang mga waiters na papunta sa table namin ni Liwhatever. 'Yung waitress kanina, may dala siyang cake which I ordered too. Kumakanta sila ng happy birthday pero ang tono ay mula sa kantang 'we will rock you'.
"Happy birthday!" Sigaw ng mga waiters na nakapalibot na sa amin ni Liwhatever ngayon.
"Make a wish and blow your candle!" Sabi ng waitress na may hawak ng cake.
Nakita kong napatingin si Liwhatever sa akin kaya napangiti ako. She was speechless. She was surprised kaya napataas ang kilay ko. "Surprised? Hmm?" Nakangiting tanong ko sa kaniya.
Napalingon siya sa mga waiters na nakapaligid sa amin at hinihintay ang sasabihin niya at ang pagblow niya ng candles. But instead of blowing the candles, namalayan ko na lang na umiiyak na siya sa harapan ko.
"W-why? H-hindi ka ba masaya? You're not into chocolate cakes? Ayaw mo ba na marami masiyadong tao?" Sunud-sunod na tanong ko dahil mukhang nasira na ang plano ko na pasiyahin siya. She's crying. "Uy! Magsalita ka naman."
Tumingin siya sa akin.
That's when I saw her tears.
Different from the first tears I've seen from her. It wasn't tears because of pain. Or tears because of her anxieties and problems. It was tears of joy. I am certain dahil nakangiti siya sa akin habang umiiyak siya.
"C-Calvin. T-Thank you... how did you know?"
Nang marinig ko 'yon sa kaniya, nagkapalit kami ng mood.
Because I found myself speechless.
"H-ha?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro