Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14 - Harana

Chapter 14.

The light coming from the sun that passes through the window wakes me up. Making me sort of uncomfortable. Gusto ko pa sanang matulog pero naalala kong dito nga pala natulog 'yung suicidal na babae kaya tumayo na ako.

But she's nowhere to be found in my room. Wala na siya sa kama ko o sa banyo ng k'warto ko. I think she leave earlier than I expected.

Naghilamos muna ako bago bumaba sa hagdan. Nakita ko pang naka-awang ng kaunti ang pintuan ng k'warto ni Cassy. Palatandaan na nakalabas na siya ng k'warto niya.

Pagkababa ko sa kusina, tumambad sa akin ang maraming pagkain. More foods than usual breakfast kaya napatingin ako kay Mama na nag-aayos nito. Mukhang hindi niya ako napansin dahil nakangiti itong nag-aayos ng mesa. Naka-alalay naman si Manang Lora sa kaniya at tumutulong sa paglalagay ng mga baso.

"Ma? Anong meron? Bakit ang daming pagkain?" Tanong ko kaya lumingon na siya sa akin. She smiled sweetly, sweeter than the usual. "You're being weird ma," dagdag ko pa kaya sinimangutan niya ako. "That's better. You look normal."

"Minsan na nga lang ako ngumiti ng ganito, kontra ka pa!" Aniya kaya natawa akong lumapit sa kaniya.

"Ano ngang meron?" Tanong ko habang tinitingnan ang mga nakahain sa mesa. There's bacon, egg, ham, hotdogs, breads and foods I want to ignore but I can't because of it's smell. It really attracts the hell of me.

"Uy Mr. Pogi!"

Agad akong napalingon sa bandang kusina kung saan papalabas si suicidal girl. May hawak siyang malaking transparent bowl na punung-puno ng kanin. Dinala niya 'yun sa may lamesa at doon nilapag. "You're still here?" Hindi makapaniwalang saad ko.

Hindi agad siya nakasagot dahil nakatingin siya sa akin. Napatingin tuloy ako sa suot ko bago muling ibalik sa kaniya ang tingin ko. Pero umiwas na siya ng tingin. That's when I realize na nakaboxer nga lang pala ako at sando. Hindi ako nakakatulog ng hindi kumportable sa suot kaya kahit sa k'warto ko siya natulog, wala akong pakialam. After all, it's still my room and I'm in our house. I think I have the rights. Mukhang hindi sanay ang suicidal girl. Pero sabi niya may kuya siya. Hindi ba nagboboxer ang kuya niya?

"Yes? Why? Ayaw mo ba?" Sabi niya nang hindi nakatingin sa akin.

"No... it's not that. Nagulat lang ako," I stated.

"Calvin, hindi mo naman sinabi sa akin na mahilig pa lang magluto itong kaibigan mo. Naparami tuloy ang luto namin dahil naparami rin ang k'wentuhan namin," natutuwang sabi ni Mama. "Gusto ko na siya para sa'yo," dagdag pa ni mama.

"Ma!" Bumungisngis lamang siya bago umupo sa isang upuan.

"Let's eat na. Lumalamig na ang pagkain," sabi ni Mama kaya umupo na rin kami ni suicidial girl.

"Ikaw lahat nagluto nito?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. "Akala ko marunong ka lang magbake," I whispered nang maalala kong binigyan niya ako ng cupcakes noon. Which happens to be a trash dahil... shit. "Where's Cassy?" Tanong ko na lamang para mabura ang mga ala-ala sa isip ko. Ayoko nang alalahanin pa ang mga 'yon. Feeling ko, sobrang sama ko nang mga panahon na 'yon.

"She's with your papa. Ang sabi nila bibili sila ng pandesal. Pero mukhang hindi lang pandesal ang binili nila," kibit balikat na sabi ni Mama kaya hindi na rin ako sumagot. Nanatili kaming tahimik habang kumakain.

"Manang Lora, hindi ka pa po ba sasabay sa amin?" Tanong ko kay Manang Lora na nagsasalin ng tubig sa mga baso namin.

"Mamaya na ako Calvin. Hihintayin ko lang si Mara. Nagwawalis pa kasi sa labas," tugon niya. Si Mara ang isa pang katulong namin. Mas bata ito kumpara kay Manang Lora at laking probinsiya. Kakabakasyon lang nito at ngayon na lang ulit bumalik.

"Ligaya right?" Narinig kong sabi ni Mama. Tumango naman si suicide girl. "If may kailangan ka, just tell Calvin. Kahit ano. I really like you. I mean, more than just Calvin's friend---"

"Ma!" Muli kong saway pero muling bumungisngis si mama.

"Naku po Tita Colline. Mukhang hindi pa po magkakaroon ng girlfriend itong si Calvin," natatawang saad ni suicide girl.

"Bakit naman?" Kunot-noong tanong ni Mama.

"Eh hindi pa po yata nakakamove on sa ex niya e."

Nasamid ako nang sabihin niya 'yon. Tahimik na napatingin si Mama sa akin bago ibalik ang tingin kay Liwhatever.

"Sinong ex? Alam mo 'tong si Calvin, maraming naging babae noong highscool pa lang siya. Kaya sino sa mga 'yon?" Natatawang sabi ni mama. This time, si suicide girl naman ang napahinto.

"T-talaga po? Maraming naging ex 'yang si Calvin?" Hindi makapaniwalang saad niya. Tumango naman si Mama. "Pero isa lang ang ex na sinabi niya sa akin. Hindi nga rin po niya nasabi sa akin ang pangalan---"

"Stop," I said. "Ayoko nang pag-usapan," dagdag ko pa. In just a snap, the atmosphere turned serious. Ayokong pag-usapan muli ang past. It brings all the pain to the present everytime the past has been dig.

"You mean Angelica?" Sabi ni Mama. Hindi niya ako pinansin kaya mas lalong napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor na gamit ko. Napatingin sa akin si Mama na parang sinusuri ako. "Hindi ka pa rin move on sa kaniya?" Tanong niya but I didn't reply.

"Nevermind tita. 'Wag na po nating pag-usapan," nakangiting sabi ni Liwhatever. Trying to erase the intimidating ambiance.

"O-okay," tangi na lamang sagot ni mama. Siguro napansin niya ring hindi na ako kumportable. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos ako.

"Excuse me," sabi ko bago tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Mama.

"It's saturday," maikli kong tugon kaya kumunot ang noo ni Mama. "May pupuntahan ako. I mean, kami," sabi ko bago turo kay Liwhatever.

"Ha? Saan?" Kunot-noo nitong tanong sa akin.

"Nevermind. Maliligo lang ako," saad ko bago magsimulang maglakad paakyat sa k'warto ko. Sandali muna akong napatingin sa higaan ko. Maayos 'yon at mukhang inayos ni Liwhatever. Napangiti ako nang makita sa study table 'yung dalawang ticket ko. Natatabunan 'yon ng dalawang libro kaya for sure, hindi niya napansin 'yon.

Pumasok na ako sa banyo at nagsimulang maligo.

***

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong sa akin ni Liwhatever pagbaba ko sa hagdan. Nagsuot ako ng puting tshirt at fitted na maong pants. Tumingin lang ako sa kaniya habang inaayos sa kanang pulso ko ang relo ko.

"Mamaya ko na sasabihin. Surprise 'yon," kaswal na sabi ko kaya nagkrus ang mga braso niya.

"Surprise," pag-uulit niya sa sinabi ko habang tumatango-tango at iniisip mabuti ang sinabi ko na para bang imposibleng mangyari.

"Date 'yan," sabi ni Mama mula sa likuran naming dalawa bago siya tumawa.

"Surprise nga mama," giit ko.

"Oh edi... surprise date?" Inosente niyang saad kaya hindi ko na lamang sila pinansin.

"Li...whatever, tara," yaya ko sa kaniya.

"Saan?"

"Sa bahay niyo," maikli kong sagot.

"Doon lang pala tayo pupunta, kailangan bihis ka pa?"

"Gusto mo naman pumunta na tayo sa surprise ko sa'yo at 'wag ka nang maligo," I said in sarcasm. Pero agad siyang lumapit sa akin.

"Ito naman, ang bilis uminit ng ulo," nakangiti niyang saad. "Tita Colline, una na po kami ng masungit ninyong anak! Thank you po sa mga k'wento!" Paalam nito kay mama.

"Balik ka rito ha!" Pahabol pa ni mama.

Palabas na sana kami ng pintuan nang dumating sila Papa. Kasama niya si Cassy na may dala-dalang iba't-ibang paper bags na may iba't-ibang tatak. For sure, mga korean merchandises nanaman ang laman ng mga 'yon.

"Kuya! Ang sama nanaman ng tingin mo sa mga dala ko," sabi ni Cassy kaya inilayo niya sa akin ang mga dala niyang paper bags.

"Cassy, I don't care about that. I care about our father's wallet," sabi ko bago tumingin kay papa.

"Ayos pa naman ang wallet ko. Una na ako, hindi pa ako nag-aalmusal," sabi ni Papa. May dala siyang brown paper bag na sa tingin ko pandesal ang laman. Nauna na siyang pumasok bago napatingin si Cassy kay Liwhatever.

Or I must say nagtititigan silang dalawa.

"Kuya, siya ba 'yung kasama mo sa---"

Agad kong pinanlakihan ng mata si Cassy para ihinto niya ang sasabihin niya. It's a surprise. "Yup. Siya nga. This is Cassy, my sister. Cassy, siya naman si Liga..."

"Ligaya..." parang wala sa sariling sabi ng katabi ko habang titig na titig kay Cassy.

"Hi! Nice to meet you. Alam mo, ngayon na lang ulit nagkaroon ng kaibigan na babae 'tong si Kuya. Buti't dumating ka. You're so pretty! Sayang mukhang aalis na kayo. Gusto pa naman sana kitang makausap," daldal ni Cassy.

"Next time na lang kayo mag-usap. Tara na," aya ko kay Liwhatever bago ako nagsimulang maglakad papuntang garahe kung nasaan ang kotse ko.

Sinabayan naman niya ako sa paglalakad. "Parang nakita ko na dati 'yung kapatid mo. Hindi ko lang alam kung saan. O baka may kamukha lang siya," aniya.

"Tingin ko nakita mo na siya somewhere. Gala 'yan e," giit ko. Tumango lamang siya. Bago tumingin sa akin.

Nakatingin pa rin sa akin ito hanggang sa makasakay na kami sa loob. Hindi ko na lamang siya pinansin hanggang sa maglagay na ako ng seatbelt. Magmamaneho na sana ako nang makita kong nakatingin pa rin siya sa akin at hindi nagseseatbelt.

"Hey? Seatbelt," sabi ko sa kaniya.

"Ah. Hehe," aniya bago ilagay ang seatbelt sa katawan niya.

Binuksan ni Mara 'yung gate ng garahe kaya naman nakalabas na kami ng bahay. Nagsimula na akong magmaneho ng tahimik habang binabagtas ang subdivision. "Mind to tell me the direction papunta sa bahay niyo?" Tanong ko sa kaniya ng hindi tumitingin sa kaniya.

"Paglagpas sa playground, diretso then turn left," sabi niya kaya tumango na lamang ako.

Sumaglit ako ng tingin sa kaniya. Nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya kumunot ang noo kong napatingin sa kaniya. "What?" I asked. 'Yung tingin kasi niya, parang... ang weird.

"Gusto kong makilala si Angelica. Angelica 'yung pangalan niya 'di ba?"

"Pero w-wala na siya. You can't meet her. You'll never meet her," Walang emosyon kong saad. "Ayoko siyang pag-usapan ngayon kung mag-oopen ka lang nv tungkol sa kaniya," dagdag ko pa. Sinunod ko ang sinabi niya. Paglagpas ng playground, nagtuluy-tuloy lang ako sa pagmamaneho. Nanatili naman siyang tahimik hanggang sa lumiko ako sa kaliwa.

"'Yung kulay pink na gate. 'Yan ang bahay ko," aniya kaya hininto ko ang kotse sa tapat no'n.

Tinanggal ko ang seatbelt ko. Akma na sana akong bababa pero nakita kong hirap siya sa pagtanggal niya ng seatbelt. "Marunong ka magseatbelt hindi mo naman kayang tanggalin," mahina kong sabi sa kaniya bago tanggalin sa kaniya ang seatbelt.

"Arte mo kasi Mr. Pogi. Nasa loob lang naman tayo ng subdivision magse-seatbelt pa," sabi niya bago kami bumaba ng kotse. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at humarap sa tapat ng bahay niya. "Pasok ka," sabi niya bago buksan ang gate.

Sumunod lang ako sa kaniya. Maliit lang ang space ng facade. Pagkatapos ng gate, may maliit na space bago ang pintuan ng bahay na gawa sa matibay na kahoy. Akala ko gate lang ang kulay pink pero pati pintuan, kulay pink rin pero halata mong gawa ito sa kahoy.

"Hintayin mo na lang ako rito. Mabilis lang naman akong maligo," aniya pagpasok namin sa loob ng bahay niya.

"Seriously," wala sa sarili kong sabi kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit?"

"Trolls," turo ko sa mga maliliit na display sa bawat patungan. Iba-iba ang laki no'n at ang pinakamalaki ay isang stuff toy ng isang troll na may pink na buhok. "Trolls," pag-uulit ko pa.

"May problema ba spidey?" Mapang-asar nitong tanong sa akin. Gusto ko ng tumawa dahil ang dami talagang trolls sa buong bahay. Lahat 'yon ay iisa lang ang itsura---'yung may kulay na pink na buhok.

"W-wala," tangi kong saad. "Maligo ka na, baka malate tayo," sabi ko para maiba ang usapan namin.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Basta," kaswal kong saad bago umupo sa pink na sofa. Seriously this girl is addicted to this color. Hindi naman masakit sa mata kahit pink halos lahat ng gamit dahil mild lang naman ang kulay. 'Yun nga lang, nakakairita dahil pakiramdam ko, ang daming nakatingin sa akin dahil sa mga trolls sa paligid.

Nagkibit balikat nalang siya bago siya umakyat sa hagdan.

***

1 hour.

It took 1 hour before she finish taking a bath!

"Ano bang ginawa mo? Nilandi mo pa ba 'yung tubig sa banyo?" Tanong ko sa kaniya pagsakay namin sa kotse.

"Paano mo nalaman?" There's an amused smile in her face. A smile almost teasing.

"Tsk," palatik ko na lamang bago buhayin ang makina ng sasakyan at magsimulang paandarin ang kotse.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" For the nth time, tinanong nanaman niya.

"P'wede bang hintayin mo na lang na makarating tayo? Kanina ka pa tanong nang tanong."

"Kanina mo pa rin hindi sinasagot," giit niya. "Eh sa excited ako eh! Ito kasi ang unang beses na may nag-aya sa akin sa isang surprise," halos pabulong na ang boses niya sa huling mga salita na binigkas niya. Napatingin tuloy ako sa kaniya ng panandalian. Doon ko nakita na nag-iba ulit ang mood niya. Ito 'yung itsura niya kagabi habang kausap ko siya sa Tagaytay.

"Kahit sila Mika at Alliah hindi ka sinurprise?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya pagkatapos ay tumingin sa labas ng bintana. Nanatili kaming tahimik. Kaya binuksan ko na lamang ang radyo para mamatay ang awkward silence. Hindi ako sanay sa biglaang pagtahimik ni Liwhatever. Gusto ko sanang tanungin kung may problema nanaman ba siya pero mukhang hindi ito ang tamang oras para kausapin siya. For sure, matutuwa naman siya sa surprise ko.

"There goes my heart beating, cause you are the reason. I'm losin' my sleep, please come back now."

Saglit akong nagdalawang isip kung papatayin ko ba ang rad'yo. The music reminds me of Angelica. My mind wants to turn off the radio, but my heart disagreed. Nanatili kaming tahimik. Ewan ko ba, pero mas lalo tuloy bumigat ang ambiance sa loob ng sasakyan.

"Hey," panimula ko. Hindi siya tumingin sa akin. Saglit lang akong lumilingon sa kaniya para hindi mawala ang focus ko sa daan. "Are you okay? I mean. It's obvious that you're not okay. Gusto mo bang bumalik na lang sa bahay niyo?" Tanong ko sa kaniya.

"'Wag. Ayos lang ako. May naalala lang," sabi niya bago tumingin sa akin at ngumiti. Isang pekeng ngiti.

"I climb every mountain, and swim every ocean. Just to be with you, and fix what I'm broken. Cause I need you to see, that you are the reason."

I can't fix what is broken now. Hindi ko naman na maibabalik ang buhay ni Angelica. Sa ngayon, ang kaya ko na lang gawin ay ituloy ang pangako sa kaniya. Pangakong maging masaya. Hanggang doon lang. Ang gusto kasi ni Angelica, maging masaya ako sa piling ng iba. But all I can do is to be happy. Hindi ko pa kayang magmahal ng iba other than her.

"For sure, matutuwa ka talaga sa surprise ko sa'yo," I tried to at lighten up the mood.

"Sana nga. Aba, kapag ako hindi natuwa sa surprise mo guguluhin ko ang closet mo," aniya kaya kunot noo akong napatingin sa kaniya.

"What the heck?"

Bumungisngis siya. "Tiningnan ko kasi kanina 'yung closet mo. In fairness. Organize ka sa mga damit ah," sabi niya.

"Ginawa mo 'yon?"

"Oo? Nacurious lang ako. Ang ayos-ayos kasi ng k'warto mo. Daig mo pa k'warto ng babae sa sobrang ayos ng k'warto mo. Kaya ayun. Tiningnan ko kung maayos ka rin ba sa mga damit," normal niyang saad. Parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya. Hindi ko na lang din pinansin dahil wala naman siyang ginalaw sa mga gamit ko.

Med'yo traffic dahil sabado ngayon. It's 8 am at sa tingin ko dadating kami sa MOA by 10 am. Tama lang naman dahil 3pm pa ang dating ng pakay namin doon.

***

"Anong ginagawa natin dito?" Kunot noong tanong niya sa akin nang makarating kami sa bukana ng Mall of Asia. Marami ng tao gaya ng dati. Pero mas marami ngayon dahil 40th Manila International Book Fair. Sabi nila, mas maraming libro ngayon at mas maraming author na pupunta.

Pero isang author lang naman talaga ang pinunta namin.

"I thought you want to meet that anonymous writer," madiin kong saad.

Napatingin ako sa kaniya at napangiti dahil sa priceless reaction niya. Hindi niya alam kung titili ba siya o magtatatalon sa tuwa. Hindi ganito ang inaasahan ko. I expected her to be happy pero hindi ko alam na magiging ganito siya kasaya.

"CALVIN! Shala! Nasa MIBF tayo!?" Sigaw niya na halos hindi makapaniwala. Binaba pa niya ang bintana sa gilid niya at tumingin sa labas. "SHALAAA! WE'RE HERE MIBF! BOOKS! SHALAAA! I can't believe it. I'm here at Manila International Book Fair!"

"Kalma. Wala pa tayo sa book fair," sabi ko habang nagmamaneho papunta sa parking lot. May kalayuan 'to mula sa paggaganapan ng book fair. Mahaba ang pila nang daanan namin 'yon. "Ihanda mo na ang bulsa mo. Maraming libro ngayon sa loob niyan," sabi ko sa katabi ko.

Natahimik siya kaya napatingin ako sa kaniya. Lukot ang mukha nito.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na dito tayo pupunta! Hindi ako nagdala ng pera! Malay ko ba na mapapasubo pala ako sa pagbili ng mga libro. Hay nako," parang hopeless na saad niya kaya natawa ako. "Bakit ka tumatawa?" Masungit nitong tanong.

"Just kidding. Don't worry. This is a surprise right? And as your friend, napaghandaan ko ang araw na 'to," binigay ko sa kaniya 'yung isang ticket na binili ni Cassy. "Sagot ko ang mga bibilhin mong libro," dagdag ko pa.

"S-seryoso?" Hindi makapaniwalang sabi niya habang hawak-hawak ang ticket. Tumango ako bago ihinto ang sasakyan sa isang parking lot building na para talaga sa mga sasakyan.

Pagbaba namin, agad na tumalon sa akin si Liwhatever at niyakap ako. "C-can't breathe," sabi ko dahil sobrang higpit ng yakap niya sa akin.

"Thank you..." doon ko narinig na para siyang umiiyak. Humiwalay siya sa akin at pinunasan ang mga luha niya. "You made me happy, I'm so lucky to have a friend like you," aniya pa bago muling yumakap sa akin.

My heart melted. Hindi ko ineexpect na magiging ganito siya kasaya. I feel happy na rin.

"Let's go. Marami ka pang librong bibilhin," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Ang panget mong umiyak," dagdag ko pa.

"Hmp! Humanda ka sa 'kin! Butas 'yang wallet mo," aniya bago naunang maglakad sa akin.

"Kita mo 'to. Ililibre na nga, bubutasin pa wallet ko," iiling-iling kong saad bago siya sinundan sa paglalakad. Sabay kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa building kung saan ginaganap ang book fair. Mahaba ang pila kaya nakasilong kami sa lilim. Med'yo mainit na kasi dahil magte-10 am na.

Muli akong napatingin sa kasama ko. Hawak-hawak pa rin niya 'yung ticket na para bang ayaw na niyang bitawan pa 'yon. Nakangiti siya at para bang gusto pa niyang isigaw sa lahat kung gaano siya kasaya ngayon.

Having friend is never been this happy for me.

Napangiti tuloy ako.

---

An : sorry for my late updates. I'm having a hard time in gaining productivity and inspiration since I want to sleep more. But don't worry, lagpas na tayo sa gitna ng story. Too fast? Nah. The story consist of 20 chapters or less than. Basta hindi na siya lalagpas ng 20 chapters.

To clarify, hindi yata nagbebenta ng ticket ang MIBF. Free po pumunta doon kahit anong araw basta ongoing pa rin ang event. In this story, dinagdag ko na lang 'yung ticket for some add scenes. But there's a ticket pag papasok ka sa MIBF, I think that's free? I really don't know dahil binigyan lang ako ng kaibigan ko. Kapag binigay mo na ang ticket mo sa mga staffs sa entrance ng book fair, tatatakan ka nila.

That mark ay magpapatunay na may ticket ka. As long as you have that mark, p'wede ka pong magpabalik-balik sa MIBF. Gano'n kasi nangyari sa amin. Haha. Btw, thanks for reading! Please leave a vote and comment!

Song used in this chapter : You are the Reason by Calum Scott.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro