Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12 - Tindahan ni Aling Nena

Chapter 12.

"Alam mo po, bagay kayo ni Ate Ligaya. Pero bakit ayaw niyo po sa isa't-isa?" Tanong sa akin ni Chris habang naka-upo sa swing. Nakatayo ako sa harapan nila ni Ian habang hawak-hawak ko pa rin si Baby Chrystal.

"Hindi naman sa ayaw. Pero magkaibigan lang talaga kami. No romatic thing involve," sabi ko bago laruin ang maliliit na mga daliri ng baby na hawak ko. Ang nakakapagtaka, kahit kurutin ko ng marahan ang pisngi niya ng ilang beses, hindi siya umiiyak. Tumititig lang sa akin ito na para bang kinikilala ako.

"Isa pa Chris, ang hanap ni Ate Ligaya ay lalaking mabait at hindi masungit," saad ni Ian sa kapatid niya habang kumakain ng cake. Napatingin ako sa kaniya pero nakafocus lang siya sa kinakain niya. Hindi ako makapaniwala. Harap-harapan niya akong nilait. I mean, insulto 'yon kaysa compliment 'di ba?

"Masungit ba ako?" I innocently asked. "Hindi ba p'wedeng wala lang pakialam? O hindi nag-aaksaya ng laway sa kung kani-kanino at sa walang k'wentang mga bagay?" Pagtatanggol ko sa sarili ko. I don't know, pero dati naman kapag sinabihan akong masungit hindi big deal sa akin dahil tanggap ko at wala akong pakialam. Pero ngayon, para namang hindi ako makapaniwala na masungit ang tingin sa akin maging ng mga bata na 'to.

"Hindi naman. Pero no'ng una ka pong bumisita rito, parang ang sungit-sungit mo. Parang hindi bukal sa'yo na pumunta rito sa bahay-ampunan," sabi ni Chris bago siya magswing ng malakas. Muntik na nga niya ako tamaan kung hindi lang ako naka-ilag.

Hindi na ako kumibo. Besides, everything they say is opinion and subjective. Wala akong magagawa kung 'yun talaga ang tingin nila sa akin. Siguro magiging kuntento na lang talaga ako na nakakausap ko pa sila. Lalo na si Ian na para nang matanda kung magsalita. Tumatayo na kasi siyang tatay sa kanilang tatlo. I don't want to feel pity for them dahil hindi naman nila kailangan, pero kasi, ang bata pa ni Ian para mamulat sa sariling paa at maging independent para sa kanilang tatlo. Dapat naglalaro lang siya ngayon at wala nang iba pang iniintindi kundi pag-aaral.

Sana may umampon na sa kanila at bigyan sila ng tamang pagkalinga.

***

"Mauna na po ako, saglit lang po talaga dapat ako rito e," pagpapaalam ko kay Sister Ellies. Kanina pa ako nagpa-alam sa mga bata. Nasa dining hall na sila ngayon dahil maggagabi na. Dapat ihahatid ko lang ang mga libro pero napatagal ako sa pakikipaglaro at pagkukwento sa mga bata.

Ang ilan kasi sa kanila, hindi pa marunong magbasa at hindi ma-appreciate ang mga dala kong mga libro. They requested me to read the books, kaya wala akong nagawa kundi magbasa ng ilan sa mga librong dala-dala ko. Tuwang-tuwa nga ang nga madre dahil nakahanap daw ng bagong kalaro ang mga bata. Bukod daw kasi kay Liwhatever, wala nang bumibisita pa sa mga bata na katulad ko.

"Maraming salamat talaga sa'yo iho. Mag-iingat ka pauwi. Pagpalain ka nawa ng Diyos," ani Sister Ella. Ngumiti ako bago tumango. Palabas na sana ako ng gate nang pumukaw sa atens'yon ko ang isang pamilyar na babae. Nakasuot din siya ng tulad ng kay Sister Elizsa. Ang edad niya nasa mid-50's na.

Napansin niya rin ako kaya naman nakangiti siyang lumapit sa akin. "Calvin tama?" Aniya sa akin. Hindi ako makapaniwala na nandito pa rin pala siya sa bahay-ampunan na ito. It's been a year nang huli ko siyang makita. Tumango ako sa tanong niya. "Dumadalaw ka pa rin pala rito. Ang bait mo pa rin, hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin ang Calvin na palaging kasama ni Angelica rito," nakangiti pa niyang saad.

"Sister Juliet," aning ko.

"Mabuti naman at naaalala mo pa ang ngalan ko. Akala ko nalimutan mo na ako," nakangiti niyang saad bago tumingin sa katabi kong madre.

"Magkakilala kayo sister?" Tanong ni Sister Elijah kay sister Juliet.

"Opo sister. Ito pong si Calvin, matagal ng bumibisita rito. Wala pa ho kayo ay dumadalaw na siya. Palagi niyang kasama 'yung kasintahan niya kapag pupunta siya rito," pagpapaliwanag ni Sister Juliet bago alanganing tumingin sa akin. "Nasaan na pala si Angelica?" Tanong niya sa akin at hindi agad ako nakasagot. I don't know how to reply.

"Ayos ka lang ba iho?" Tanong ni Sister Eli kaya naman tumango ako bilang pagsagot. "Namumutla ka," dagdag pa niya kaya napapunas ako ng pawis. Na mula sa sintido at noo ko. Iniwas ko rin ang tingin ko kay Sister Juliet. Na siyang head sister noon ng bahay-ampunan na ito. Siya ang sister na palaging kausap ni Angelica sa tuwing dadalaw kami at mamimigay ng laruan sa mga bata. Alam ni sister Juliet ang halos lahat sa amin ni Angelica.

"M-mauna na po ako," tangi ko na lamang saad bago tuluyang lumabas sa gate ng orphanage at sumakay sa kotse ko. Nagmaneho ako pauwi na maraming bumabagabag sa akin. Hindi ko masabi kay sister Juliet na wala na si Angelica. Na namatay siya dahil sa akin. Nawala na 'yung babaeng palaging kausap niya kapag dadalaw kami sa bahay-ampunan.

Walang traffic hanggang sa dumating ako sa isang tulay na madaraanan papuntang orphange. Dahil pauwi na ako, kailangan ko ulit 'tong daanan. Traffic na sa parteng ito, na nakakapagtaka dahil bihira itong mangyari.

Nakibusina na rin ako, umaasang bibilis ang daloy ng trapiko kapag ginawa ko ito. Pero hindi. Marami na ring kotse sa likuran ko na inip na inip na rin. Isa ako sa mga driver na bumaba na ng kotse para makita kung anong dahilan ng mahabang traffic.

Maingay at magulo. May mga nagsisigawan pa nga at nakita kong may kotse ng pulis. Siguro may nangyaring banggaan kaya nagkaroon ng traffic.

"Huwag kang tatalon miss. Kung ano man ang problema mo, susulusyonan natin 'yan. Bumaba ka na riyan miss," dinig kong mula iyon sa isang pulis na may hawak ng megaphone. "Maawa ka na sa'min. Ang haba na ng traffic sa daanang ito. Baka makasuhan ka pa," dagdag pa nito.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dala siguro ng curiosity kaya naglakad ako patungo sa kung nasaan ang pulis. Marami nang tao sa parteng ito at mukhang gusto rin nilang makita kung anong nangyayari. Maya-maya pa, kinailangan kong makipagsiksikan sa mga tao para lang makita kung sino 'yung babae na nakatayo sa harang ng tulay na akmang tatalon.

Likuran lang nito ang nakita ko. Hindi ko maintindihan pero bigla akong kinabahan kaya pinilit kong suungin ang kumpulan ng mga tao. Gamit ang braso at kamay ko, pilit kong hinahawi ang mga tao at nagtagumpay naman ako.

Doon, nakita ko nang may malapit kung sino 'yung babae.

Mas nakita ko nang mas maayos.

At kahit likuran lang niya ito, nakilala ko pa rin siya. Maraming pulis na nakapaligid sa kaniya. Pilit siyang kinukumbinse na bumaba sa harang ng tulay at huwag tumalon sa ilog sa ibaba. Pero makulit siya at hindi natitinag. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kadesperada. Mukhang sobrang laki na ng problema niya at pumasok sa isipan niya na gawin 'to.

Akma sana siyang tatalon na ikinagulat ng lahat. Pero tumakbo ako ng mabilis at hindi inintinda ang mga pulis na nakaharang. Agad kong hinawakan ang pupulsuhan niya dahilan para bumagsak siya sa kalsada at hindi sa ilog.

"Ano ba!? Bitiwan mo ako--Calvin?" Hindi siya makapaniwala. Maging ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko maintindihan ang kaba na nararamdaman ko. Parehong kaba ang nararamdaman ko noong nahulog si Angelica sa 4th floor ng school namin.

"What the hell are you thinking?!" Inis kong sabi sa kaniya. "Kung gusto mong magpakamatay, p'wede bang 'wag sa maraming tao!? Maglaslas ka na lang!" Sigaw ko sa kaniya bago tingnan ang mga pulis. "Kilala ko po siya. Kaibigan niya ako. Sorry sa abala, I can handle this dumb headed girl," sabi ko bago siya hatakin papunta sa kotse ko. Isinakay ko siya roon at hindi kinausap.

Gumaan na ang daloy ng trapiko after no'n kaya nakadaan na rin kami sa tulay. Pagkatapos no'n, napapatingin ako sa rear view mirror kung saan nakita kong mugto ang mga mata niya. Mukhang wala pa siyang tulog at ang tamlay-tamlay ng katawan niya. Gusto kong kausapin na siya at itanong kung bakit niya ginawa 'yon. Gusto kong itanong kung bakit inattempt niya na magpakamatay. Pero hinintay ko siya na siya ang mag-open para hindi ko siya mabigla.

Given the fact na ako ang nabigla.

Sa lahat ng tao, ni minsan hindi sumagi sa isipan ko na magpapakamatay siya.

Masiyado siyang masiyahin para sa ganito. Yes nakita ko ang side niya na palaging umiiyak, pero mas lamang ang mga oras na nakikita ko siyang nakangiti kaya hindi ko ine-expect na aabot sa ganito. Hanggang ngayon ba may problema pa rin siya? Bakit ba kasi palaging nagtatago sa likod ng ngiti 'tong babae na 'to.

"S-saan mo a-ako dadalhin?" Tanong niya sa akin habang binabagtas namin ang daan pauwi sa bahay.

"Dadalhin kita sa mas maraming tao. Sa Luneta. O kaya sa isang Mall. Basta kung saan mas maraming makakakita kapag nagpakamatay ka," walang emos'yon kong saad sa kaniya. "Tutal gusto mo namang sumikat bago ka mamatay, lubus-lubosin mo na. Gusto mo tumawag pa ako sa GMA network o sa Abs-cbn para mashoot 'yang gagawin mong pagpapakamatay," dagdag ko pa bago lumiko.

Hindi siya umimik. Bagkus narinig ko na lang na bigla siyang umiyak at hinayaan ko siya. Bahala siyang umiyak nang umiyak diyan. Alam kong hindi pa niya nailalabas lahat ng problema niya, kaya mas maiging iiyak na niya lahat hangga't ako lang ang nakakakita sa kaniya. People tend to cry in private places dahil mas kumportable sila rito. Tulad ngayon, sa dami nang luha na lumabas sa mata ni Liwhatever, halatang ngayon lang siya naka-iyak ng maayos kahit pa mugto ang mga mata niya kakapigil dito.

"Anong pumasok sa isip mo para magsuicide? Tingin mo ba kapag namatay ka, solve na ang problema mo?" Hindi ko na mapigilang magtanong sa kaniya. "Well, masosolve naman talaga 'yung problema mo. 'Yun nga lang, ang duwag mo naman sa part na 'yon," dagdag ko pa kaya napatingin siya sa akin.

"D-duwag?" Taka niyang sambit. I nod before giving her a smirk.

"Duwag. Nagpakamatay ka dahil hindi mo na kaya 'yung problema na dinadala mo. Duwag kasi ayaw mo nang subukang solus'yunan 'yung mga problemang kinikimkim mo. Duwag dahil hindi mo kayang ilabas lahat ng dinaramdam mo. Duwag kasi kahit may kaibigan ka na handang makinig sa'yo, hindi mo pa rin sinasabi sa kaniya. Kaya mas nahihirapan ka dahil duwag ka," sabi ko bago umiba ng landas. Hindi ko pa siya p'wedeng dalhin sa bahay namin ng ganito. Baka akalain ng mga tao sa amin, pina-iyak ko ang isang 'to.

"H-hindi mo ako n-naiintindihan," aniya, pilit na nilalabanan ang bawat paghikbi niya. "K-kapag namatay ako, w-wala namang malulungkot. M-masaya nga 'yun e, ma-makakasama ko na s-sila Kuya," hirap na hirap niyang sabi sa gitna ng bawat paghikbi niya.

"Ginawa mo pa akong kaibigan kung magpapakamatay ka lang pala," malamig kong saad sa kaniya. Napatingin siya sa akin na hindi halos makapaniwala. I don't why, but I'm really mad at her right now. Sino ba namang hindi 'di ba.

Dinala ko siya sa pinakamataas na lugar kung saan p'wede ko siyang itulak kapag nainis ako. Kung saan p'wede niyang ilabas lahat ng kinikimkim niya. Kung saan p'wede siyang umiyak buong taon. Dinala ko siya sa paboritong lugar namin noon ni Angelica. Dito kami nagkakilala, sa Tagaytay.

"Punasan mo 'yang mga luha mo. Mamaya ka na umiyak kapag sinabi ko. Sabihin pa ng mga tao may kasama akong dugyot na uhuging babae. Akalain pa nilang kinakawawa kita," walang emos'yon kong saad sa kaniya kahit pa sa loob-loob, awang-awa na ako at gusto kong malaman kung saan niya hinuhugot ang gano'n karaming luha.

Sinunod naman niya ang sinabi ko. Pero kahit na pinunasan na niya ang mga luha at ang mismong mata niya, pulang-pula at namamaga pa rin ang mata niya, halatang-halata 'yon kapag bumaba kami ng kotse.

"Oh," binato ko sa kaniya ang itim na jacket ko na may hood.

"A-anong gagawin k-ko rito?" Tanong niya.

"Kainin mo kung kaya mo," sarkastik kong saad bago naunang bumaba ng kotse. Pinarada ko ang kotse sa gilid mismo ng tabi-tabing mga restaurant at coffee shops. Nasa Tagaytay kami ngayon, at malamig ang klima tulad nang dati. Pero hindi ko 'yun ininda dahil hindi naman ang pagpapalamig ang pakay ko rito.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng backseat door kaya naman alam kong nakababa na rin siya ng kotse. Tiningnan ko lamang siya, I glimpse on her before walking up stairs. Mabuti naman at sumunod siya sa akin. Mataas kasi ang lugar na 'to, at kita mula rito ang Bulkang Taal. Mas mataas, mas maganda ang tanawin at ang ambiance. The higher we go, the better the view, the best she can release the pain.

Isang building ang inaakyatan namin, na may iba't-ibang shop. Itong building na 'to parang tumubo sa gitna ng mataas na bato kaya para na rin siyang one with nature. Idagdag mo pa na maraming puno sa tabi nito. Ang pinakatuktok na bahagi nito ang pinakapaborito ko dahil may something special doon na hindi ko alam kung naroon pa rin hanggang ngayon. Matagal na kasi nang huli akong pumunta rito.

"Mataas pa ba? Sumusuko na ang tuhod ko," aniya pero hindi ko siya pinansin dahil malapit na kami sa pinakatuktok. Mga ilang hakbang pa, narating na nga namin ang rooftop ng gusali at doble ang lamig dito. Mabuti na lang at pinasuot ko sa kaniya 'yung jacket ko.

Naghanap ako ng magandang p'westo. Tutal apat lang ang tao sa parteng ito ng gusali dahil nga sa malamig dito, at mahirap akyatin. Katumbas ito ng pitong palapag sa isang ordinaryong building. It's quite tough for physical strength. Para ka na ring nag-exercise.

Pumili ako ng table na malapit sa harang ng rooftop. May dalawang upuan do'n kaya umupo agad ako. She did the same thing at nakita kong nanginginig na ang tuhod niya. Probably because of the stairs. Para sa mga baguhan, mapapagod sila. Well, I'm tired too dahil matagal na nga akong hindi nakakapunta rito. But it's fine with me tho.

"Can I take your order?" Sabi ng waiter nang dumako siya sa amin. Isang coffee shop ang nagmamay-ari ng rooftop ng gusaling ito. At nasa ibaba ng rooftop ang shop nila para mas maging malawak ang parteng ito.

"Dalawang hot choco coffee," sabi ko bago siya tumango at umalis.

Nanatiling nakamasid si Liwhatever sa mataas na lugar. Kita mula rito ang Bulkang Taal at ang mga kabahayan sa ibaba na lalong nagpaganda sa tanawin dahil sa mga ilaw na nakabukas. Wala ni isa sa amin ang bumabasag ng katahimikan. Gusto ko na siya mismo ang magsimula na magsalita dahil siya ang may problema at nandito lang ako para makinig.

Umiihip ang malamig na hangin at nanunuot 'yon hanggang sa buto. Iniihip ng hangin ang buhok ko. Sa kabila nito, nanatiling tikom ang bibig niya at parang walang balak na magsalita. Hanggang sa huminga siya nang malalim, at binaba ang hood ng jacket na suot niya.

"Thank you for bringing me here," she said, not looking to me but rather to the city below us.

"Please be direct. We're here to release your problems," saad ko. Pagkatapos no'n, umiyak na siya nang umiyak. Dahil nga apat lang kami rito at layu-layo, wala kaming pakialam sa dalawa pa dahil hindi naman nila siya naririnig. "Tell me, those tears are because of Alice and Nikay?" Tanong ko sa kaniya.

"Sort of," sabi niya. "And it's Ally and Mikay," she corrected.

"So ano nga, iiyak ka lang ba o sasabihin mo sa akin 'yang problema mo?" Inip kong tanong sa kaniya bago magcross arms at sumandal sa upuan dahil sa malamig na ihip ng hangin.

"Two years ago, na-namatay si Kuya Luke. Si Mama naman, mag-e-18 years nang wala dahil sa akin. Si Papa naman, 15 years nang wala. Alam kong para sa'yo mababaw, pero para sa akin sobrang lalim nito. W-wala na akong pamilya. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kamag-anak nila mama at papa. Hi-hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Gabi-gabi, umiiyak ako dahil wa-wala na akong gana na mabuhay pa..."

"...noong m-makilala ko sila Ally at Mikay, bumalik 'yung saya sa'kin. Nagkaroon ulit ako ng dahilan para mabuhay at magforward sa b-buhay. Pero nang maghiwa-hiwalay kami, nangulila ulit ako sa pagmamahal. G-gabi-gabi nanaman akong u-umiiyak dahil nawalan nanaman ng saysay ang buhay ko..."

"...na-nakakatamad palang mabuhay Calvin. Nakakatamad lalo na kung wala ka namang k-kasama sa buhay. Nakakatamad kaya ayun, umabot ako sa point na gusto ko na lang s-sumunod kila Kuya. Gusto ko na lang sumunod sa kanila para ma-makasama ko na sila at hindi ko na maramdaman 'tong b'wiset na kakulangan na 'to," sabi niya habang umiiyak at pinipilit na huwag maging utal.

Umiyak siya nang umiyak. Naghintay ako sa susunod pa niyang mga sasabihin pero hindi na siya nagsalita pa. Hanggang sa dumating na 'yung order namin, at makapagbayad ako, umiyak lang siya nang umiyak. Hinayaan ko siyang mapagod, hindi ko siya pinatahad dahil kapag ginawa ko 'yon, mawawalan ng saysay ang pagpunta namin dito.

"Alam mo," panimula ko bago humigop ng mainti na kape. "Kung sa tingin mo may kulang sa'yo, sana inisip mo 'yung ibang tao na mas kulang kaysa sa'yo. Sana inisip mo kung ikaw lang ba ang kulang," seryoso kong sabi sa kaniya. "Ikaw lang ba ang may problema sa mundo? Yes nawalan ka ng pamilya. Nawala lahat ng nagmamahal sa'yo. Pero nawala sila dahil kanino ba? Para sa'yo. Ang mama mo namatay dahil pinanganak ka niya. She sacrificed her life for you. Ang kuya mo namatay na pinoprotektahan ka. Ang tatay mo, for sure minahal ka bago siya namatay. Tapos itatapon mo lang ang buhay na prinotektahan nila para sa'yo? You're being unfair."

"Hindi mo ako na-naiintindihan," giit niya. "Kumpleto kasi ang pamilya mo at hindi ka nag-iisa," dagdag pa niya.

"Yes, I still have my family. Siguro nga hindi kita naiintindihan. Pero hindi mo rin ako naiintindihan. Namatayan din ako ng tao na sobra kong minahal. Mas minahal ko pa 'yon kaysa sa sarili kong pamilya. More than myself. Kaya 'wag ka ngang umasta na parang ikaw lang ang may karapatan na malungkot para sa kakulangan sa buhay mo. 'Wag kang umakto na parang ikaw lang ang namatayan sa mundo. Maraming tulad mo pero piniling tumayo sa sariling paa at maging masaya kahit wala na sila sa pamilya nila. Masuwerte ka nga't buhay ka dahil sa pamilya mo. Nakita mo kung gaano kaganda ang mundo--"

"Na sana hindi na lang nangyari," matapang niyang saad.

Hays. Mukhang hindi magiging madali ang usapang ito gaya ng inaasahan ko.

To be continued. . .

--

An : I'm sorry if I took so long for another update. To be honest, simula nang matapos ko ang Downpour, nawala na ako sa story na 'to. Major events na lang ang naaalala ko kaya naman I reread this story kahit pa ako ang sumulat nito. It helped me a lot to align again in this story. Target kong matapos ang story na 'to before July (before the opening of Wattys) na sa tingin ko naman ay kakayanin ko.

Please leave a vote and comment! Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro