Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10 - Alapaap

Chapter 10.

"Ma, Pa, excuse me for a while," paalam ko kila mama at papa bago ko iwan 'yung kinakain ko. They just nod while eating the chef's recommended dishes.

Tumayo ako at naglakad papunta kay Lily. Tahimik siya at nakatulala lang na nakatingin sa menu ng restaurant. Hindi ko alam kung anong expression niya, parang naiiyak na parang halos walang expression. I don't know if it's just me or I'm really seeing her soft side again. Pang-ilang beses ko na nga ba siyang nakita na malungkot?

"Hey," pagbati ko nang makalapit ako ng kaunti sa kaniya.

Nawala ang tingin niya sa menu at napatingin sa akin. Napangiti siya sa akin kahit alam kong biglaan at pekeng ngiti ang isang 'yon. I know people better than themselves, well mostly.

"Hey. Ba't ka nandito?" Takang tanong niya sa kabila ng pekeng ngiti.

"Why? Am I not allowed to be in this restaurant?" I asked.

Umiling siya. "No. That's not what I mean."

"I know. May hinatid kami sa airport and nagdecide sila mama na kumain muna kami sa labas. And I'm here, how about you?" Tanong ko habang nakatayo pa rin sa harapan niya, hinihintay ang sagot niya na naging mailap dahil natahimik siya pansamantala. I thought she will not talk again, pero nagsalita ulit siya.

"Calvin, worth it ba ako maging kaibigan? Hindi ba ako masaya kasama or hindi ba ako p'wedeng magkaroon ng kaibigan?" She asked, nakatulala siya sa malayo at hindi ko alam kung anong partikular na bagay ang tinititigan niya. Basta ang alam ko lang, kasama ko ang katawan niya, pero ang diwa niya wala sa kaniya. Sobrang lalim ng iniisip niya to the point na pakiramdam ko dinala na siya nito sa ibang dimensyon.

Dahil sa tanong niya, may kung anong kakaiba akong naramdaman sa dibdib ko. Parang naging malambot na ewan. Para akong naawa sa kaniya kahit hindi ko pa naman alam ang problema niya.

"Can I sit?" Tanong ko. Tumango naman siya kahit hindi siya nakatingin sa akin. Nang maka-upo na ako, mas lalo kong natitigan ng maayos ang mukha niya. She has those beautiful eyes, and interesting features such as her clear skin. Yet 'yung eye bags na meron siya ang nagsabi sa akin na talagang hindi siya okay. Plus 'yung mata niya na parang latang-lata pa.

"You know, you're not hard to be friend with dahil friendly ka and thoughtful. Kahit hindi mo nga kaibigan, kinakausap mo as if they're your friend. Actually at first, to be honest ah, hindi talaga kita trip dahil ang kulit-kulit mo," I remembered those days na sobrang pinipilit niya na kaibiganin ko siya. "Pero nang maging magkaibigan tayo, you're really good to be with, ang saya mong kasama dahil hindi ka nauubusan ng k'wento. Gusto mo palagi masaya lahat ng nakapaligid sa'yo. And yes, para sa akin kahit hindi pa tayo matagal na magkaibigan, you're worth to be a friend. Ang dami ko kayang natututunan sa'yo. Like 'yung mga bata doon sa orphanage. Tinuruan mo akong magmahal ulit ng mga bata."

She blinked once, twice, again and again bago tumulo 'yung mga luha niya na matagal na nang huli kong makita.

"I-I'm sorry did I say something wrong?" Tanong ko habang nababahala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo pa't napapatingin 'yung ibang mga kumakain kay Lindya.

"No. No," she answered before she wipe her tears using her pink handkerchief. Nang makarecover siya mula sa pag-iyak, natawa siyang tumingin sa akin pero hindi pa rin nawawala ang mangilan-ngilan niyang hikbi.

"You have a serious problem, do you?" Tanong ko sa kaniya. She nod. "Mind to tell?"

Huminga siya ng malalim at nag-isip kung dapat ba niyang sabihin sa akin ang problema niya. "Nakakatawa lang na nakita mo akong umiiyak ulit sa parehong dahilan," wika niya kaya parang nagkaroon ako ng hint sa kung anong problema niya.

"Is it because of your friends?"

"Paano mo nalaman?" Takang tanong niya. Pero mukhang naalala niya 'yung una naming pagkikita, kung saan niya sinabi na mahalin ko ang mga kaibigan ko para hindi ako matulad sa kaniya. "Ally and Mikay were my friends--ex-friends. Kaibigan ko sila noong grade 11 pa lang tayo," wika niya bilang simula.

She's tapping her index finger on the table every second.

"Sobrang close naming tatlo, hindi kami mapaghiwalay. Palagi pa nga kaming lumalabas para magk'wentuhan ng mga bagay-bagay na nangyari sa amin sa bawat araw. Minsan kahit walang dapat icelebrate, tumatambay kami sa mga coffee shop, milktea cafè and such. Para na nga kaming magkakapatid na tatlo dahil doon. Napansin din ng mga taong nakapaligid sa amin na sobrang close kaming tatlo. Kapag may isa sa amin na inaway mo, for sure may babalik sa'yo na dalawang galit na amazona at igaganti 'yung nadehado sa amin," pagkukwento niya.

"Nagkaroon na silang dalawa ng boyfriends nila, pero ako hindi pa. Naaalala ko pa noon na sinasabihan nila ako na hanapin ko na si Mr. Right ko para naman daw maging happy na rin ako. Ang sabi ko noon sa kanila, kahit wala si Mr. Right, magiging masaya ako, para sa sarili ko na single pa rin, at para sa kanila na may minamahal na. Kahit na may karelasyon na silang dalawa, nagkaroon pa rin kaming tatlo ng quality time para sa isa't-isa. Lumalabas pa rin kami, tumatambay sa kung saan-saan, at inaabot ng gabi kakagala."

May mapait na ngiti na kumurba sa labi niya. Para bang na-ungkat niya ang isa sa madidilim na ala-alang tinabunan na niya.

"Isang araw, nagpunta kami sa paborito naming milktea shop malapit sa bahay nila Ally. Ang saya namin noon dahil pasado kaming tatlo sa defense namin sa thesis plus with honor kami that semester," nakita kong may isang luha na kumawa sa mata niya pero agad niya itong pinunasan.

"Dahil nga masaya kami, nagkaroon kami ng konting laro. Na kung sino 'yung unang lalaki na papasok sa milktea shop, eh i-fflirt namin. I disagreed s'yempre dahil wala naman akong alam do'n. Tsaka sabi ko may mga boyfriend na rin sila. Pero sabi nila, lalandiin lang naman. Hindi naman daw jojowain," med'yo natawa siya ng kaunti.

"Pumayag ako dahil wala akong choice. May pumasok na isang lalaki sa milktea shop na mas matanda lang ng siguro dalawang taon sa amin. Lumapit si Ally sa kaniya at nginitian 'yung lalaki. Ngumiti rin sa kaniya 'yung lalaki na nawiwirduhan dahil hindi naman siya kilala nito. Nag-usap sila saglit at bumalik si Ally na ngiting-ngiti sa table namin. Reinard daw ang pangalan nito at 19 years old na."

"Sumunod si Mikay, mas maigsi ang usapan nila ni Reinard dahil daw busy ito sa ginagawa niyang term paper. Napag-alaman namin, sa tulong ni Mikay, na sa St. Joseph University siya nag-aaral, 'yung school na malapit lang sa milktea shop. At ako ang huli. Ayoko na nga sana at kako uurong na ako. Pero pinilit nila ako dahil baka raw si Reinard na ang Mr. Right ko."

"Sa aming tatlo, ako ang pinakamatagal na naka-usap ni Reinard. Kahit may tina-type siya sa laptop niya, kinakausap niya pa rin ako habang nakangiti. Binigay pa nga niya sa akin ang full name niya in case raw na hanapin ko siya sa facebook. Gusto ko siya sabihan na makapal ang mukha niya pero ako ang unang lumapit sa kaniya, sa aming dalawa mas makapal ang mukha ko. Paalis na siya nang matapos kaming mag-usap. Gabi na rin 'yon at hindi ko inakala na aabot ng gano'n katagal ang usapan namin. He gave me his contact number na hindi usual para sa isang tao na nakakilala ng stranger."

Uminom siya ng kaunting tubig bago muling nagk'wento.

"Naging textmate kami ni Reinard. Chatmate rin. Palagi kaming nagkikita sa milktea shop na 'yon every after class. Doon ko nalaman na nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Ang dami kasi niyang nashare sa akin tungkol sa buhay niya at ang dami rin naming similarities. Ang hindi ko alam, hindi lang pala sa akin nakikipag-meet si Reinard," aniya.

Tuloy-tuloy na lumabas ang luha ni Liway. Hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin. Pero alam kong mas maganda ito, na may kinuk'wentuhan siya at pinaglalabasan ng hinanakit niya. Kaya siguro tinadhana na kumain kami nila mama dito para mapakinggan ko siya, kung kailan pakiramdam niya sobrang hina niya.

"Pati kila Ally at Mikay, nakikipag-meet siya. 'Yung laro na paglalandi namin kay Reinard noon, bumalik sa amin dahil tatlo kaming nilandi ng hayop na Reinard na 'yon," natatawa siya ng kaunti habang umiiyak. "Nang malaman namin na tatlo kaming nahuhulog kay Reinard, akala ko tatlo kaming magagalit kay Reinard. Pero hindi. Ako lang ang nagalit kay Reinard at ako pa ang inaway nila Ally at Mikay. Kesyo bakit ko raw inaway si Reinard, eh nagmahal lang naman daw 'yung tao."

Napakunot ang noo ko.

"What the fuck?" Hindi ko mapigilang tanong.

"I know right. Gan'yan din ang expression ko noon. Simula no'n, tinaboy na nila ako bilang kaibigan. Nalaman ko nalang na si Ally at Reinard na after two weeks. Si Mikay naman, hinayaan na lang si Ally at Reinard dahil stay strong sila ng una nitong boyfriend. Si Ally naman nakipagbreak sa una niyang boyfriend. Simula rin no'n, hindi na nila ako kinausap. Sa tuwing lalapit ako sa kanila, sasabihan lang nila ako ng mga masasakit na salita. Pakiramdam ko, ang babaw lang ng pinag-awayan namin kaysa sa lalim ng pinagsamahan naming tatlo."

Umiyak ng umiyak si Ligay. Huminto siya sa pagkukwento. Hindi ko alam kung anong meron sa akin, pero hinawakan ko ang kamay niya na nasa ibabaw ng table na ikinagulat niya. Isa lang ang gusto kong iparamdam sa kaniya, na hindi siya nag-iisa at nandito ako bilang pamalit sa dalawang kaibigan na nawala sa kaniya.

"Dahil sa nangyari na 'yon, ilang buwan din akong nawala sa sarili ko. Hindi ko mahanap ang sarili ko. Parang naramdaman ko 'yung broken hearted na sinasabi nila. Nawalan ako ng lalaking minahal ko sa maikling panahon, at kaibigan na minahal ko sa loob ng mahabang panahon," aniya.

Naalala ko bigla 'yung araw na binigyan niya ako ng cup cake. Umiiyak siya noon at nabanggit ang dalawang pangalan na 'yon. 'Yun pala, dati niyang mga kaibigan ang Alice at Mikas na 'yun.

"Pero ayun. Nakamove on naman ako. Inisip ko na hindi sila worth it ng luha ko. Not until now," saad niya. "Sinabi nila sa akin na gusto nilang makipag-ayos sa akin. Sobra akong tuwang-tuwa nang sabihin nila sa akin na pumunta ako rito at hintayin sila. Makikipagbati na raw sila sa akin," pinunasan niya ang mga luha niya at pilit na tinatapangan ang ekspres'yon niya.

"Ang usapan namin ay 5pm. Pero tingnan mo, 9pm na nandito pa rin ako. Nakita ko na lang ngayon sa post ni Mikay sa twitter, "maghintay ka hanggang mabulok ka bitch. Para 'yan sa bulok na pagkakaibigan naten dati." Niretweet din ni Ally 'yung post na 'yon ni Mikay," she said.

Namagitan sa aming dalawa ang katahimikan. Natulalang muli si Linda. Hawak ko pa rin ang kamay niya na sobrang nanginginig at malamig.

"Lucia--"

"Ligaya."

"What ever. Hindi mo naman kailangan ng dalawang kaibigan para lang pasayahin ka. Kahit isa lang basta tapat sa'yo ayos na 'yon. Isang kaibigan na hindi ka iiwan kapag kailangan ka, kaibigan na bibigyan ka ng payo na pawang katotohanan lang at walang kaplastikan. Sometimes, a friend is not the one that makes you happy, but rather you're the one that makes your friends happy."

"Saan ko naman makikita 'yang isang kaibigan na hindi ako iiwan? Na hindi tutulad kila Ally at Mikay?" She asked. Tinanggal ko ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Tinuro ko ang sarili ko.

"Ahh hello? Kaharap mo na 'yung tinutukoy ko," sabi ko pero natawa lang siya. And this time it was genuine. Napangiti tuloy ako.

"Talaga? Hindi mo ako iiwan? Baka naman ginugood time mo lang ako," aniya.

"No. Kita mo naman siguro sila Chervo at Jeremy. Hanggang ngayon kaibigan ko pa rin ang mga siraulo na 'yon," I said.

Napangiti siya.

"Thank you, Calvin," she said.

I somehow felt a relief. Hindi ko alam kung bakit pero parang gumaan din ang pakiramdam ko nang makita ko na okay na siya. Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng ibang kaibigan bukod kila Chervo at Jeremy. 'Yung dalawa kasi na 'yun, palaging chix ang problema. Kesyo hindi raw nila naikakama. Papunta palang silang motel umuurong na raw 'yung babae at palaging ako ang tinatanong nila kung ano ang dapat gawin.

Palagi ko silang binabatukan sa gano'n nilang tanong. Bago sila babanat na, "wala ka nga palang alam, wala ka kasing chix 'tol!"

"Calvin, anak. Aalis na tayo."

Napalingon ako sa likuran ko kung saan nakatayo si Mama. Napatayo rin ako sa upuan.

"Ahh. Mama, eto nga po pala si..."

"Ligaya po," sabi ni Lig--what ever.

"Li--what ever, this is my mother. Colline."

Tumayo si Liwhatever at nakipagshake hands kay mama. Nginitian siya ni mama bago ibinalik ni mama ang tingin sa akin.

"Kaibigan mo?" Tanong ni mama.

"Yeah," I replied.

"Good. Mabuti naman may bago ka ng kaibigan. Sawang-sawa na ako sa mukha ng dalawa mong kaibigan na palagi nalang inuubos ang stock natin sa ref. Naku! 'Wag mo na ulit papupuntahin sa bahay 'yung dalawa na 'yun ha, kakagrocery ko lang kahapon," sabi ni mama kaya natawa kaming dalawa ni Liwhatever.

Binalik ni mama ang tingin niya kay Liwhatever. "Makulit ba 'tong si Calvin sa school? May babae ba 'to sa school?" Tanong ni mama.

"Ma!"

"Naku wala pong babae 'yan. Lalaki po meron," humahagikgik na saad niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nahinto siya sa pagtawa niya.

"Hmm... tingin ko nga. Alam mo ba, 18 na siya pero wala pa rin siyang girlfriend. Duda ko talaga may boyfriend na 'tong anak ko e."

"Ma!" Pagsasaway ko kaya natawa si Mama at Liwhatever.

"I like you iha, you should come in our house next time para naman magkaro'n tayo ng bonding at para mas makilala pa kita," nakangiting saad ni Mama.

"Sure tita Colline," nakangiting saad ni Liwhatever.

"Nak, tara na. Nag-aaya na papa mo na umuwi. Inaantok na daw siya," muling sabi ni mama.

"Ahh. Paano ka Liwhatever. Kaya mo bang umuwi mag-isa?" Tanong ko.

"Oo naman. Tingin mo sa'kin? Bobo? Nakapunta nga ako rito mag-isa, kaya ko rin s'yempre umuwi mag-isa," aniya.

"Kung sumabay ka na lang kaya sa amin iha?" Sudgest ni mama.

"Naku hindi na po. May dadaanan pa po kasi ako bago umuwi, kaya ayos lang po ako," Liwhatever stated.

"Sure ka ah?" Tanong ko. Tumango lang siya. "Ingat," nakangiti kong paalam sa kaniya.

"Ingat din. And, thank you."

After no'n, lumabas na kami ng restaurant at umuwi. Nang maka-uwi kami, hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung itsura ni Liwhatever kanina habang umiiyak.

That's when I decided.

Na simula bukas, never na siyang iiyak.

As a friend, siguro naman 'yun ang mission ko hindi ba?

***

Walang teacher ngayon sa subject namin kaya lumabas muna ako ng room para hanapin si Liwhatever. Gusto ko siyang ayain na kumain ng lunch mamaya. Si Chervo pumunta sa nililigawan niyang babae sa kabilang building. Si Jeremy naman, hindi ko alam kung saan nagsususuot.

Naisip ko na pumunta sa library dahil ito lang naman ang tinatambayan ni Liwhatever sa school. Pumunta ako sa room nila kanina at wala ring tao roon. Siguro break time nila ngayon.

Inikot ko ang buong library at nakita ko siya sa pinakadulong part ng library. She's reading this book habang nakataas pa sa table ang dalawa niyang paa. Confident siya na walang sasaway sa kaniya dahil hindi na kita ng librarian ang parte na 'to ng library.

Nakangiti siyang nagbabasa at halatang kinikilig dahil maya't-maya siyang tumitili ng mahina sa kinauupuan niya.

"Hey?"

Napatigil siya sa pagbabasa at napatingin sa akin. "Oy! Break time niyo rin?" Tanong niya sa akin bago niya inayos ang pagkaka-upo niya.

Umiling ako. "Nope. Wala kaming teacher ngayon sa Filipino Literature. Aayain sana kitang kumain ng lunch mamaya. Free ka ba?" Tanong ko.

"Ikaw ha, nagpapakathoughtful ka na. Tinutupad mo na ba 'yung pangako mo sa akin na magiging mabuting kaibigan ka sa akin?" Tanong niya habang tumataas-baba ang dalawang kilay niya with matching nakakalokong ngiti.

"May pinangako ba ako sa'yo? Kailan? Wala akong naaalala," wika ko.

"Hmp. Pero sige, free ako mamaya," saad niya.

Umupo ako sa tabi niya. Bumalik siya sa pagbabasa ng libro at nakangiti pa rin, halatang dalang-dala siya sa libro na binabasa niya kahit pa ang kapal nito at dalawang kamay ang gamit niya mabuklat lang 'to.

"Anong title niyan?" Tanong ko.

"Falling like the stars."

"Sinong author?"

"Raphael Santos," maikli niyang tugon.

"'Yung anonymous na author?"

Napatingin siya sa akin. "Kilala mo siya?" Parang gulat na gulat niyang tanong.

"Oo naman. Sino bang hindi makakakilala sa pangalan niya. Eh kahit ako naiintriga kung sino siya at kung bakit anonymous siya," sabi ko. "Akala ko nga ako lang ang nagbabasa ng story niya rito sa school. Pero ikaw din pala."

Tumango siya. "Ang ganda kaya ng mga k'wento niya. May mga life values at ang daming lessons na makukuha. Plus the fact na lahat ng characters niya sobrang distinct kahit pare-parehong kalog," natatawa niyang saad.

"Tungkol saan ba 'yang binabasa mo? Ngayon ko lang kasi narinig na may ganiyang akda si Raphael Santos."

"Tungkol 'to sa magkaibigan. 'Yung lalaki, nahulog sa babae niyang kaibigan. 'Yung babae naman na gusto ni lalaki, nagkagusto sa kaibigan ni lalaki. 'Yung lalaki naman na gusto nung babae, bading. May gusto sa lalaki na kaibigan ni babae. Nagets mo ba? Sorry magulo ako magpaliwanag," she explained.

"I get it," maikli kong tugon.

"Gusto ko ngang pumunta sa first ever book signing nitong si Raphael Santos sa MOA e. Kaso wala akong pambili ng entrance ticket. Ang mahal ba naman," pagmamaktol niya na parang bata.

"Kailan?"

"This coming saturday. Pupunta ka?"

"No. I would rather sleep than meet that anonymous writer," sabi ko kaya naman napasimangot siya.

"Hanggang basa na lang talaga ako sa mga libro niya. Never kong makikita ang favorite author ko personally," mahinang bulong ni Liwhatever bago bumalik sa pagbabasa.

Napangiti ako.

Mukhang dito magsisimula ang mission ko bilang isang kaibigan.

Raphael Santos.

--

An. Sorry kung late update ko. 'Yung downpour kasi pinagfofocus-an ko. Sorry kung mahaba rin bawat chapter. Hindi naman kasi lalagpas sa 20 ang kabanata nitong story kaya gano'n. Thank you sa pagbabasa!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro