Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1 - Magasin

Chapter 1.

"Sobrang nakakawalang gana talaga magturo si Mrs. Tianco. Bukod sa nakakatamad 'yung boses niya, wala ring k'wenta 'yung dinidiscuss niya saatin," dinig kong sabi ni Chervo.

"Siguro wala na talagang makuhang matinong teacher 'yung school natin kaya pinagtitiisan nila si Mrs. Tianco kahit na parang isang ubo nalang ito?" Dagdag pa ni Jeremy tapos sabay silang nagtawanan. "P're? Kanina ka pa tahimik ah. Ano nanaman ba 'yang iniisip mo? Porn ano?" Aniya tapos tumawa ulit silang dalawa.

"Sira! Parang hindi ka na nasanay diyan kay Calvin. Palagi namang tahimik 'yan. Kaya wala pang nabibingwit na chika babe 'yan e," sagot naman ni Chervo.

Hinayaan ko na lamang silang mag-usap na dalawa. Wala rin naman talaga akong pakialam kahit na ako pa ang pag-usapan nila. Wala rin ako sa mood, na palagi namang nangyayari kaya hindi ako sumasali sa usapan nila. Wala akong pakialam sa mundo. Kaya nga kahit kanina pa ako may nababanga, wala akong pakialam. Hindi rin ako nag-sosorry, dahil nakita naman nila akong dadaan at hindi sila umiiwas, kasalanan nila 'yon.

"P're, balita ko naghahanap ng bagong member 'yung Westhood Movers, bakit hindi ka sumali?" Tanong saakin ni Jeremy.

"Ayoko," maikli kong tugon. Hindi na rin siya nagtanong pagkatapos no'n. Dahil minsan lang ako magsalita, ibig sabihin no'n what I've said is final.

Umupo kami sa paborito naming p'westo sa canteen. As usual maraming kumakain dahil sabay-sabay ang break time ng lahat ng estudyante rito sa university. Nagpresinta si Jeremy na siya na ang o-order ng pagkain namin kaya naman inabot nalang namin sa kaniya 'yung mga bayad namin. Pag-alis niya, sakto namang may nadapang babae sa mismong table kung saan kami nakaupo.

Lahat ng nasa tray niya ay tumapon sa inuupuan namin--or most likely tumapon saakin.

Hindi ako sumagot at tumayo na lamang. Tinitigan ko siya. Hindi masamang titig, kundi titig na para bang tinatandaan ang mukha niya. May luha sa mga mata niya na agad naman niyang pinunasan. If I'm not a good observant, hindi ko malalaman na 'yung luha na 'yon ay hindi dahil sa natapunan niya ako, malamang kanina pa 'yon nasa pisngi niya at hinayaang tumulo na lang basta--which is ngayon lang niya nagawang punasan.

"Naku sorry! Pasens'ya na talaga sobrang tanga ko. Sorry sorry talaga!" Natataranta niyang sabi bago pinunasan 'yung table namin ng tissue na nasa tray niya. Pinupunasan niya rin 'yung damit ko na nabasa pero agad kong tinapik 'yung mga kamay niya. First is because, she looks like a fool in everybody's eyes. Second, ang daming mata na nakatingin saamin, too much eyes means too much exposure, and I hate it a lot. And lastly, I don't want just someone to touch either my body or anything connected to it.

"Next time, keep your eyes on the way. Remember, on the way," sagot ko sa kaniya bago maglakad papalayo.

"Sungit naman nito!" Narinig kong huling sabi niya bago siya umalis sa table namin. Samantalang ako, naglakad papunta sa locker ko at kumuha ng pamalit. Pagkakuha ko, agad kong hinubad ang pantaas ko kaya naman sige tingin 'yung mga nakapaligid saakin, karamihan babae pero wala akong pakialam. Nagpalit ako ng damit bago pinasok sa loob ng locker 'yung basang-basa kong damit.

Hindi naman ako naiinis sa babaeng nakatapon saakin ng pagkain niya. Wala lang talaga akong pakialam. Kahit nga siguro matapon pa saakin lahat ng laman ng tray niya wala akong pakialam. Ewan ko ba. Basta ayoko lang na magkaroon ng koneksyon sa kahit kanino kaya mas pinipili ko nalang na balewalain lahat ng nakapaligid saakin. Bukod kay Jeremy at Chervo na mga kababata ko.

Pagbalik ko sa canteen, kumakain na 'yung dalawang ungas. Kaya umupo na rin ako at kinuha 'yung saakin.

"P're. Alam mo ba pag-alis mo dito kanina, sabi no'ng babae, "Sungit naman nitong lalaki na 'to! Porket yummy e ang sungit-sungit na! Landiin kita diyan e!" tapos nagflips hair pa siya," ani Chervo.

Tiningnan ko lang siya at sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo. Last time naaalala ko na may sinabi rin siya saakin na babae na halos ganiyan ang sinabi pero nalaman kong niloloko lang niya ako. Chervo is one of a kind, a dishonest one.

Pero agad namang nawala 'yung tingin niya saakin nang pumasok sa loob ng canteen 'yung mga sigang lalaki mula sa kabilang building. Mga Senior High students sila tulad namin at ang trip nila sa mundo ay manggulo. Hari-harian sa buong campus 'yung leader nila pero wala akong pakialam sa kanila. As long as hindi nila pinapakialaman ang buhay ko wala akong paki sa kanila.

Natakot halos lahat ng estudyante na nasa loob ng canteen kaya naman nagsi-alisan ang karamihan. Pero hindi kami ng mga tropa ko.

Kahit hindi ako nakatingin sa mga sigang senior, alam kong nangugulo nanaman sila. 'Yun lang naman talaga ang pakay nila kaya sila nag-aaral dito. Dahil nakukuha nila lahat ng gusto nila. Fame, power, and even money. Bukod kasi sa malaki ang share no'ng parents nung leader nila, tito rin niya  'yung principal ng school kaya walang lumalaban sa kanila.

Napaka-ironic lang na gumawa pa sila ng school para matuto ang mga estud'yante ng good morals samantalang 'yung kamag-anak ng principal eh parang wala namang natutunan bukod sa pagbubulakbol at panggugulo. Sana 'di na sila nagtayo ng university, university pa man din 'to.

"P're, alis na tayo dito. Baka pagdiskitahan din tayo ng mga 'to," nababahalang sabi ni Jeremy. Nakita kong kumuyom ang kamao niya, like usual kapag nakikita niya 'yung mga kumag.

Tiningnan ko lang siya bago ibalik sa kinakain ko ang atens'yon ko. "Ubusin ko lang ito," sabi ko, hindi alintana ang namumuong tens'yon sa canteen. Inubos ko na 'yung kinakain ko at nilagok lahat ng softdrinks. Tumayo na kami sa kinauupuan namin at akmang lalabas na sana ng canteen nang humarang 'yung grupo ng mga senior.

"Saan sa tingin niyo kayo pupunta?" Tanong ni Sean, 'yung leader ng mga senior. Mayroon siyang makapal na kilay, hindi kakinisan ang mukha pero sabi nila malakas daw ang appeal. Wala akong pakialam kung ano pang itsura niya, dahil hindi naman niya magagamit 'yang mukha at yabang niya kapag nagkatrabaho niya. He's just wasting his nonsense life.

"Lalabas ng canteen," walang ganang tugon ko dahil mukhang walang balak magsalita sila Jeremy at Chervo. Hindi sa natatakot sila kay Sean, pero ayaw nilang magkaroon ng gulo. Hindi pa naman nila kayang kontrolin ang emos'yon nila. Kaya ayun, nakakuyom ang kamao nilang dalawa.

"Paano kapag sinabi kong hindi kayo p'wedeng lumabas?" Nakangising tanong nito saamin.

"Edi ikaw nalang lumabas, dito kami sa loob," wala pa ring gana kong sagot kaya naman nawala 'yung ngisi niya sa labi. "Kaya kung ayaw mong lumabas, kami nalang, excuse--"

"Aba't kinakalaban mo ba ako?" Marahang tanong ni Sean. Nagulat siya sa inakto ko dahil no'ng una kaming magkita, dinaanan ko lamang siya na parang hangin.

Umiling lamang ako bago tuloy-tuloy na naglakad palabas ng canteen. Wala silang nagawa, hindi nila kami napigilan na makalabas ng canteen. Buti na lang at hindi nila kami sinundan pa, dahil hangga't maaari, ayokong pakialaman sila. Iba nalang ang pag-tripan nila, 'wag lang ako.

"P're. Galing mo do'n ah. Iling-zoned si Sean," natatawang sabi ni Jeremy.

Hindi na lamang ako sumagot. Pumasok na kami sa sunod naming subject. Kung kanina naboboringan sila Jeremy at Chervo kay Mrs. Tianco, ngayon naman sobrang ganado silang dalawa dahil sa teacher namin sa Science na si Ms. Luna. Inaamin ko, maganda ang guro na ito at hindi kami nagkakalayo ng edad. Ang sabi niya saamin noong orientation ay 22 years old palang siya.

May hubog din ang katawan kaya naman ganado ang dalawang kumag na katabi ko. Hindi sila interisado sa tinuturo ni Ms. Luna, mas interisado sila sa katawan nito kaya naman binatukan ko silang dalawa. Nanahimik naman sila bigla nang titigan ko sila. Wala silang ibang nagawa kundi ang tumahimik at makinig.

Out of nowhere, naramdaman ko nalang na may parang tumama sa batok ko. Hindi ko iyon pinansin ng una dahil baka guni-guni ko lang. Pero I'm right, may nagbabato nga saakin. Napansin kong may crumpled paper sa ilalim ng upuan ko kaya naman agad ko itong pinulot. Tumingin-tingin ako sa loob ng classroom at may nakita akong babae na lubos makangiti. Kaway pa siya ng kaway saakin. Naalala ko na siya 'yung babaeng nakatapon saakin kanina ng pagkain sa canteen.

She mouthed, "basahin mo 'yung nasa papel," sabay turo sa papel na hawak ko. Kumindat pa siya at nagpacute.

Dahil nga sa wala akong pakialam at ayokong bumuo ng koneks'yon sa kahit kanino, tinapon ko sa basurahan na malapit saakin 'yung papel. Nasundan pa ng ilang papel 'yung binabato niya saakin kaya naman naubos ang pasens'ya ko at tiningnan ko siyang muli. This time, 'yung tingin na binabalaan. Nag-peace sign naman siya tapos ngumiti.

Hindi na niya inulit 'yung pambabato, thankfully. Dahil kung tinuloy pa niya 'yon, baka makalimutan kong babae siya't ihagis sa kaniya 'tong inuupuan ko.

Pagkatapos ng klase kay Ms. Luna, agad na nagtayuan lahat ng estudyante dahil lunch break na. Isa't kalahating oras kasi nagtuturo ng Science si Ms. Luna kaya naman natunaw na agad 'yung kinain namin no'ng recess.

"P're, una na kami sa'yo ha. Alam naman namin na ayaw mong sumabay saamin maglunch dahil na-iinsecure ka sa kag'wapuhan namin kapag kasama mo kami," malokong saad ni Jeremy kaya agad siyang binatukan ni Chervo.

"Ulol! Saating tatlo ako lang naman g'wapo," sabi ni Chervo kaya agad namang nawala 'yung ngiti ni Jeremy.

"Sinong niloko mo dito? Wala! Ngina neto. Pa'no, Calvin? Una na kami ha?" Sabi ni Jeremy bago sila sabay na lumabas ni Chervo.

Sinukbit ko na 'yung bag ko sa balikat ko at akmang lalabas ng classroom nang makarinig ako ng ballpen na bumagsak sa sahig. Pagtalikod ko, nakita ko 'yung babaeng bato ng bato saakin kanina ng papel na natutulog. May nakatakip pang libro sa mukha niya para siguro hindi siya mahalata na natutulog. Naririnig ko pa 'yung mahina niyang paghilik.

Iiwan ko na sana siya do'n dahil hindi naman kami close at wala akong pakialam sa kaniya. Pero may kung ano sa sistema ko na mali at binalikan ko siya. Pinulot ko 'yung ballpen sa sahig. Tinanggal ko 'yung libro sa mukha niya at kitang-kita ko na pawis na pawis siya. Nakanganga pa siyang matulog.

Inipit ko sa tainga niya 'yung hibla ng buhok na kumawala sa ipit niya. Doon ko nakita ang buong mukha niya. Gusto ko siyang picturan para in case na batuhin niya pa ako ng papel may pang black mail na ako sa kaniya. Sobrang pinagpapawisan siya kaya naman nilabas ko 'yung panyo ko't pinunasan 'yung pisngi niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin.

Nataranta naman ako nang bigla siyang magising.

"Ay Shala! Lunch na ba!?" Tanong nito saakin bago tumingin sa buong classroom. Agad siyang tumayo at nagmamadaling sinuksok sa bag lahat ng gamit niya, pati 'yung libro na pinangtakip niya sa mukha niya kanina. "Nasaan na ba 'yung lintek na ballpen na 'yon!?" Iritang tanong niya habang naghahanap sa sahig. Mukhang alam niyang maaring nalalag niya 'yung ballpen niya habang natutulog.

"Sa'yo ba 'to?" Tanong ko sa kaniya sabay abot ng ballpen na pinulot ko kanina.

"Ayan! Oo, Thank you!" Sabi niya sabay sukbit ng bag niya. "Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya. May pangamba sa mukha niya. Siguro nahihiya siya dahil nakita ko siyang natutulog.

"Hindi naman," sagot ko. "Sige, una na ako sa'yo," saad ko ng makaramdam ng awkward feeling. Lumabas ako ng classroom pero agad akong napahinto nang makita ko siyang tumatakbo palayo. Hindi ko alam kung ano talagang nangyayari sa buong sistema ko pero sinundan ko pa rin siya.

Inabutan ko siya na pumasok sa loob ng comfort room. Aalis na sana ako dahil sobrang weird na ng inaakto ko. Baka akalain niya pa e stalker ako. Pero nakita ko siyang lumabas ng CR na may luha sa mga mata niya. Kahit hindi ko alam kung bakit siya umiiyak, agad ko siyang nilapitan.

"May kasabay ka bang maglunch?" Tanong ko sa kaniya. Nagulat naman siya't pinunasan 'yung mga luha niya. Umiling siya. "Sunod ka sa'kin," sabi ko sa kaniya. Sumunod naman siya saakin. Hindi ko siya nililingon. Sobrang kakaiba ako ngayong araw na 'to. Maging ako hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako umakto. Parang hindi ko na kilala 'yung sarili ko.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Hindi kasi ako kumakain sa canteen dahil ayokong may kasama. How ironic lang dahil ngayon may kasama na akong kakain sa favorite spot ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya saakin pero hindi ko siya sinagot.

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ko na wala na siya sa likuran ko kaya naman bumalik ako sa dinaanan namin. Doon ko nakita na nagsisintas siya ng sapatos niya. Siguro dahil P.E. day nila ngayon kaya siya naka-rubber shoes. Tumayo naman kaagad siya, susunod sana siya saakin pero huminto rin siya nang makita niyang nakatingin ako sa p'westo niya kanina kung saan siya nagsisintas ng sapatos.

"Bakit? May problema ba?" Tanong niya tsaka sinundan 'yung tingin ko. Tsaka naman siya nagulat na kinuha 'yung litratong naiwan niya.

Gusto ko sanang tanungin kung sino 'yung dalawang babae na kasama niya sa larawan, pero hindi ko na ginawa. Baka magduda pa siya at sabihing feeling close ako sa kaniya. Tsaka isa pa, hindi naman talaga ako, ang ako. Argh! Naguguluhan ako. Basta hindi ako ngayon 'yung kilala kong ako.

Umupo kaagad ako sa paborito kong spot sa loob ng library.

Dire-diretso ako papunta sa pinakadulo ng library, doon kasi walang mga nakaupo dahil wala ng k'wenta 'yung mga libro sa bandang 'yon. 'Yon ang tingin ng mga estudyante dito. Pero hindi nila alam, nandito ang ilan sa mga paborito kong libro. Life changing books na nabasa ko sa buong buhay ko.

"D-dito tayo kakain? Hindi ba bawal kumain sa loob ng library?" Tanong niya saakin. Tumitingin pa siya sa likod namin dahil baka may nakapansin saamin.

Hindi ko siya tiningnan at nilabas na 'yung baon ko. Ayokong bumibili ng ulam at kanin sa canteen. Na-susuffocate ako dahil paulit-ulit nalang 'yung ulam do'n. Pakiramdam ko plastic pa 'yung mga ingredients. Hindi ko na pinansin 'yung babae na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan. At wala na akong balak gawin. After nitong araw na 'to, bahala na ulit siya sa buhay niya. Wala na ulit akong pakialam sa kaniya.

Shit this heart. Sobrang nanghihina kapag nakakakita ng umiiyak.

Umupo naman siya sa tabi ko--no, one chair apart from me. Better for me dahil ayoko na may katabi sa upuan. Nilabas na rin niya 'yung pagkain niya. Narinig ko siyang sumisinghot-singhot kaya naman napatingin akong muli sa kaniya. Then my heart, for the nth time, melted. Umiiyak nanaman siya kaya hindi ko alam ang dapat kong gawin.

It's either ask her kung anong problema niya, or dedmahin ko nalang siya like what I'm capable of.

Hindi ko na siya tinanong. Mukha kasing private 'yung problema niya kaya ayoko ng sumawsaw. After all, ayoko ng connection sa ibang tao. Sapat na saakin na sila Jeremy at Chervo lang ang connected saakin hanggang sa makaalis na ako sa paaralan na ito.

"Ako nga pala si Ligaya," saad niya. Naririnig ko parin siyang sumisinghot-singhot. Hindi ko siya dinapuan man lang ng tingin. Natatakot kasi ako na baka manghina nanaman 'tong lecheng puso na 'to kapag nakita ko siyang umiiyak. I didn't respond her too.

Tinapos ko kaagad 'yung pagkain ko dahil napaka-awkward ng silence na nabuo. Okay sana kung ako lang mag-isa ang nandito, pero may kasama ako na para bang nagpabigat ng atmosphere. Aalis na sana ako pagkatapos ko kumain, pero bigla siyang nagsalita.

"May kaibigan ka ba?" Tanong niya saakin. Tango lamang ang itinugon ko sa kaniya. "Sila 'yung dalawang lalaki kanina na kasama mo sa canteen?" Muli niyang tanong, at muli akong tumango.

Tapos na kaming kumain, pero wala pa ring umaalis saamin sa kinauupuan namin. Umiiyak parin siya kaya naman ayaw pa ng sarili ko na umalis. Para bang sinasabi nito na kailangan hindi na umiiyak 'tong babae na 'to kapag umalis ako rito. I can't explain why I'm acting this weird. Wala naman akong pakialam sa babae na 'to at sa kung ano mang problema niya kaya bakit ayaw pa ng sistema kong gumana?

O baka sa tingin ko lang wala akong pakialam? No. Sana hindi gano'n. Dahil namuhay ako ng ilang taon na walang pakialam sa ibang tao. At ayokong magkaroon pa ng pakialam sa lahat ng bagay. Gusto ko lang na--

"Una na ako. Ayaw mo naman sabihin saakin 'yung pangalan mo kaya Pogi nalang tawag ko sa'yo. Tutal g'wapo ka naman. Alagaan mo 'yung mga kaibigan mo ha? Para hindi ka matutulad saakin. Salamat ulit at niyaya mo akong makasabay kumain kahit na hindi ka naman nakikipag-usap saakin."

Tumayo siya pagkatapos, umalis na siya sa harapan ko. Naiwan akong tahimik sa kinauupuan ko. Walang sarcasm sa mga sinabi niya.

What the fuck she said?

Napailing na lang ako. Ano bang pakialam ko sa kaniya? Kahit umiyak pa siya diyan 'di ko naman kailangan problemahin 'yung problema niya. Sa kaniya na 'yon 'no. Ayoko ng problema. Paki niya ba kung ayaw ko siyang kausapin. Ewan ko nga ba sa sarili ko ba't sinama ko siya sa paglulunch ko. Baka sa susunod isumbong pa niya ako na dito ako kumakain sa library e.

Tumayo na rin ako at lalabas na sana ng library nang makita ko ulit 'yung litrato na kanina'y nahulog niya.

She looks so happy in the picture yet I saw her glimpsing at this photo a while ago pero sobrang lungkot niya.

I hate this feeling that I'm curious. Shit this feeling.

Nilagay ko sa bag 'yung litrato. Habang palabas ng library iniisip ko kung ibabalik ko pa ba 'to sa kaniya o hindi na. Eh mukhang itong picture na 'to 'yung problema niya e. Tsk. Pakialam ko ba 'di ba?

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro