Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

NAPASALAMPAK na lamang ako sa sofa dahil pakiramdam ko'y bibigay na ang mga tuhod ko. Iba talaga kapag biyenan mo na ang may ayaw sa 'yo. Naihilamos ko ang dalawang palad sa aking mukha saka huminga nang dahan-dahan, trying to compose myself.

Hanggang kailan ko ba dapat tiisin ang galit ng Mama ni Eon?

Hindi ko na lamang itinuloy ang ginagawa ko at naligo na saka nag-ayos. That woman changed my mood. Kailangan ko munang palipasin 'tong inis ko. I already have a problem with Eon at ayaw ko nang dagdagan pa lalo ang mga iniisip ko.

Naisipan kong tumambay na lang muna sa café na malapit sa school. Dito ako madalas magpunta lalo na kapag gusto kong mag-aral. Kahit kasi maraming tao ay hindi maingay. Air-conditioned ang loob nito kaya naman kahit mag-hot coffee ka sa katanghaliang tapat ay ayos lang. Mayroon rin silang Al fresco sa likurang bahagi kung saan may mataas na puno ng Akasya. May maliit na manmade lake rin doon na talaga namang nakaka-relax tignan dahil sa mga nakalatag na water lilies. Instagrammable rin ang buong lugar. 'Yong tipong kahit saan ka pumuwesto ay maaari kang makapag-picture. Kaya naman paborito kong mag-hang out rito; idagdag mo pa ang masarap nilang kape at pastries. The ambience is just right to lift up my mood.

I still have an hour before our first subject. Perfect! I just ordered an iced americano without sugar and went on to find a seat. But before I could take a step, I saw a familiar figure of a man sitting near the glass window. And what really caught my attention is the girl he's with; Zyrene, my stepsister.

Nanginginig ang mga kamay ko. I tried my best to compose myself and not to break down. Hindi ko pa naman alam kung bakit magkasama silang dalawa. And I am damn sure na hindi si Eon ang nagyaya kay Zyrene dito.

Nanghihina man ang mga tuhod ko ay pumunta pa rin ako sa puwesto nila. Nakatalikod si Eon sa gawi ko kaya naman hindi niya ako nakitang papalapit sa kanila. Zyrene stopped talking when she saw me. I saw her smirk which made me more irritated.

"Oh! Look who's here!" nakangising sambit ni Zyrene nang tumigil ako mismo sa gilid ng mesang inookupa nila.

Nakita ko kung paano mag-alangan si Eon na tignan ako. Shock was written all over his face when he look up to meet my gaze. I want to laugh sarcastically at his priceless face because I just caught him with another girl. His expression just confirmed my hunch.

"Anong ginagawa mo rito?" diretsong tanong niya sa akin.

Whoa! Ibang klase! How can he keep his cool when I just caught him cheating? At ang malala pa, sa babaeng kinaiinisan ko pa. Napailing ako saka napangisi nang mapakla.

"The heck? Bakit tinatanong mo pa sa 'kin 'yan? As if you didn't know na dito ako laging tumatambay," palatak ko sa kaniya. "Ako dapat ang magtanong niyan sa 'yo, Eon. What are you doing here? With her?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kaniya saka tumuro kay Zyrene nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang huli.

"Ellie, please. Don't make a scene here. Sa bahay na tayo mag-usap. Pumasok ka na," aniya na pilit pinapakalma ang boses at sa labas lamang nakatuon ang pansin.

Naikuyom ko na lamang ang aking kamao.

"Talagang mag-uusap tayo mamaya, Eon! You have a lot to explain to me," tiim-bagang kong sambit.

Zyrene was just staring at us with amusement painted on her face. Psh! Kahit kailan talaga, panira!

Bumuntonghininga muna si Eon bago siya tumayo at hinarap ako. Parang nalulunod ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon. Hindi ko maarok kung anong emosyon ang nais ipahiwatig ng bawat titig niyang 'yon. Ngunit iba ang pakiramdam ko.

"Pumasok ka na," pag-ulit niya. "Aalis na rin kami ni Zyrene."

"What? But why do you have to leave with her?" takang tanong ko.

"Because I came here with her." Napanganga ako.

I'm beaten. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang mga sinasabi ni Eon. So, it's true. They're dating, and he's freakin' cheating!

"Let's go, Eon. Tita Rachel's waiting for us. You know naman your Mom, maiinipin. Right?" nang-aasar pang saad ni Zyrene saka lumapit kay Eon at ikinawit pa ang braso nito sa braso ng asawa ko.

So, close pala sila ng Mama ni Eon? Wow! Great! Nananadya yata talaga ang tadhana sa 'kin. Bakit ba napakaliit ng mundo? Sa lahat ng makakalaban ko, 'yon pang marumi kung lumaban. I know Zyrene. She will get what she want no matter what.

Tumalikod na si Eon sa akin at nagsimulang maglakad. Sumunod naman sa kaniya si Zyrene na may malawak na ngiti.

Mas lalong nagpuyos ang galit ko sa kaniya. Inagaw niya na sa amin ni Papa si Mama. Siya ang dahilan kung bakit nagkasira-sira kaming pamilya. Tapos ngayon pati si Eon aagawin niya rin? What a family wrecker! I won't let that happen.

Nang tuluyan na silang makalabas ng café ay agad akong umupo sa upuang malapit sa akin. Tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko at paniguradong mabubuwal ako kapag hindi pa 'ko umupo.

My eyes are already clouded by tears and I can't stop it from falling. All this time, akala ko maayos ang lahat sa amin ni Eon. But things aren't really constant. Like how seasons change, people also does the same. But I learnt how to face each struggles without giving up.

I've been hurt so many times. Wala na namang bago. Ever since Mama left us for another man, pinilit kong maging matatag para kay Papa. And when it's Papa's turn to leave, pinilit kong mas maging matatag para sa sarili ko, para kay Eon. Si Eon lang ang tanging karamay ko nang mga panahong iyon, kaya hindi ako papayag na pati siya ay maagaw rin sa akin ni Zyrene.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro