Chapter Ten
NAPAKAALIWALAS ng kalangitan ngayong gabi. The sky is full of stars while the moon is shining brightly above us. Malaya naming natititigan ang kalangitan habang nakahiga sa damuhan dito sa playground malapit sa bahay namin. Maya-maya pa'y may dumaan na shooting star kaya agad kong ipinikit ang aking mga mata at humiling.
I don't really believe in those things, dahil alam kong may mas makapangyarihan pa rin kaysa sa mga bituin. But I guess it became my habit since I was little.
"Inaantok ka na?" rinig kong tanong ni Eon malapit sa tainga ko.
"Hindi pa." Pagkatapos kong humiling ay muli akong dumilat at bumaling kay Eon.
"Babe?" tawag ko sa kaniya.
"Hmm?" aniya habang nakatingala pa rin sa mga bituin.
"Minsan ba, nakaramdam ka ng pagsisisi na pinakasalan mo 'ko?"
Agad naman siyang bumaling sa 'kin dahilan upang magtama ang mga paningin namin.
"Ano ba namang tanong 'yan? Siyempre, alam mo na ang sagot diyan."
"Oy, inulit ko lang kaya 'yong tanong mo sa 'kin no'ng nakaraan."
Ngumisi siya. "Siyempre.... Sobra akong nagsisisi dahil napaka-selosa mo— Aray!"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kita mo na, sinasagot ko lang naman ang tanong mo, ah," natatawang depensa niya.
"Ah. Nagsisisi ka pala. O, sige. Bukas na bukas din aalis na 'ko."
"Joke lang. Ito naman. Alam mo naman kasi talaga ang sagot sa tanong mo, eh. Kung nagsisisi ako, eh 'di sana matagal na kitang iniwan."
Napangiti ako. "Masama bang magtanong? Gusto ko lang naman marinig na sabihin mo, eh."
"Kilig ka na niyan? Hahaha..."
Marrying Eon was one of the best thing ever happened to me. Kahit minsan nag-aaway kami, hindi ko pa rin pinagsisihan na dumating siya sa buhay ko. Wala namang perpektong relasyon dahil hindi naman tayo perpekto. But no matter how many problems we may encounter, at kahit habangbuhay pa kaming paghiwalayin ng Mommy niya, pipiliin pa rin naming ipaglaban ang isa't isa.
"I NOW pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."
Sabay-sabay kaming nagpalakpakan nang sabihin iyon ng pari. Tumingin pa sa amin si Zyrene saka ngumiti bago siya halikan ni Kuya Errol.
Sa wakas ay natuloy rin ang kasal nila. Ilang beses kasi siyang tinakasan ni Kuya Errol dahil sa ugali niya. Ayaw pa naman ni Kuya Errol sa masyadong selosa.
Pagkatapos ng ceremony ay nag-picture taking pa kami bago dumiretso sa reception.
Bati na kami ni Mama at in good terms na rin kami ng Daddy ni Zyrene. Nagkapatawaran naman kami ni Zyrene dahil napagtanto naming walang magandang maidudulot ang iringan namin. Lalo na ngayong mas naging matibay na ang koneksiyon namin sa isa't isa.
As you go on with life, you will realize that no matter how cruel fate is, mas titibay ka at magiging matatag kung magiging positibo ka lang. You may also encounter people that may hurt you along the way, but what's more important is you learn how to forgive and forget. Like how I did with Zyrene and her Dad.
Papa on the other hand has been reconciled with his one true love. Nalaman niya kasing hinihintay pa rin siya nito kaya naman hindi na nagdalawang isip si Papa na balikan siya. Masaya naman si Mama nang malaman niyang masaya na rin si Papa. I guess they're really not meant for each other. They tried really hard to make their marriage work but still, they got separated.
But in our case, we will prove them that in order for a marriage to work out, it needs two matured people who is willing to understand, to forgive, to care and to love each other wholeheartedly. Marriage is not only a word. It is a sacred connection between two people who vowed to love each other til death makes them apart.
And I will love Eon til the stars cease to shine. We will fight and argue, but we will still try to make up and forgive each other no matter what. Accepting each other's flaws and differences is the key to a happy marriage life. And no matter how many times life brings us to trial, I will still go back to where I belong—in his arms.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro