Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

    NANLALABO na ang mga mata ko dahil sa mga sinabi ni Zyrene. Nagsisimula nang magbadya ang mga luha at anumang oras ay aagos na ito. Totoong matagal ko nang alam na gusto kaming paghiwalayin ng Mama ni Eon, pero pilit niya pa rin akong ipinagtatanggol. And that should be enough for me to never doubt him. Kaso ay hindi ko maiwasang mag-isip ng hindi maganda. Mahal ko si Eon at ayaw kong mawala siya sa 'kin.

    Nakatingin lang ako sa labas habang pinipigilan ang pagluha nang muli siyang magsalita. "Kailangan ko ang tulong ni Eon para mapalapit sa Kuya niya. We don't have a thing. Happy?" Napairap siya pagkatapos niyang sabihin 'yon.

    Napamulagat ako sa rebelasyon niyang 'yon at tila ba umurong ang mga luha ko nang marinig ang mga sinabi niya.

    "Wait. What? Ikaw? Magpapalakad kay Eon kay Kuya Errol?" kunot-noo at tila hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

    "Psh! Shut up, okay? Nakakahiya," pabulong ngunit tiim-bagang niyang sambit. Pansin ko nga ang pamumula ng mukha niya nang sabihin niya 'yon.

    Gusto kong matawa dahil sa rason niya ngunit pinilit ko na lamang na itikom ang bibig ko. Inaway ko pa si Eon tapos ito lang pala ang dahilan. Parang gusto ko na agad magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan.
   



    PAGDATING ni Eon sa unit namin ay agad ko siyang niyakap.

    "I'm sorry." Hindi siya kumibo. "I'm sorry kung pinag-isipan ko kayo ng masama ni Zyrene. Hindi ko lang naiwasan dahil itinatago mo sa 'kin na nagkikita kayo kaya akala ko may nangyayari na sa inyo."

    "Did you get the answer you need?"

    Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Babe, don't do it again."

    "Ang alin?"

    "If you have problems, sabihin mo sa 'kin. H'wag mong sarilinin. Mag-asawa tayo kaya dapat magtulungan tayo." Tumango naman siya bilang pagsang-ayon saka ako nginitian.

    "Basta ha. H'wag ka nang maglilihim ulit sa 'kin," nakasimangot kong sabi sa kaniya. "Kung alam ko lang na nagpapalakad lang pala sa 'yo si Zyrene sa Kuya mo, hindi na sana ako nag-isip ng kung anu-ano."

    Natatawang niyakap niya 'ko. "Sorry na. Maganda kasi si Zyrene, eh. Baka kahit sabihin ko sa 'yo ang totoo, pagselosan mo pa rin siya."

    "Ah, nang-aasar ka? So, pangit ako? Gano'n? Ang malas mo naman kung gano'n," kunwari'y naiinis ko pang sabi.

    "Joke lang. Siyempre naman maganda ka. Asawa kita, eh. Saka kahit topakin ka at selosa, hinding-hindi kita ipagpapalit. Promise."

    Napabuntonghininga ako.

    "Oh? Ba't ang lalim naman yata ng buntonghininga mo?" kuryoso niyang tanong habang nakatitig sa mga mata ko.

    "Buti pa si Zyrene, close sa Mommy mo." Napanguso ako.

    "Tampo 'yan? Hayaan mo, kapag nabigyan na natin ng apo si Mommy, sigurado akong lalambot din ang puso niya sa 'yo."

    "Sa tingin mo?" tanong ko pa na ikinangisi niya.

    "Oo. O, ano. Try natin? Gawa na tayo ng bab—" Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya.

    "Mukha mo!" natatawang sigaw ko sa kaniya saka mabilis na pumasok sa kuwarto at isinara ang pinto.




    EVERYTHING went well after we talked and fixed things up. Nabawasan ang stress ko kahit paano, even if there's a lot of school works to be done. As long as Eon and I are okay, parang kaya ko na ang lahat.

    "Class dismissed."

    Inimis ko na ang mga gamit ko pagkatapos ng klase. Last period na rin naman kasi.

    Bago umuwi ay napagpasyahan kong dumaan na muna sa palengke. I decided to cook for Eon. Pambawi na rin sa pang-aaway ko sa kaniya nitong nakaraang mga araw.

    Pag-uwi ko ay hindi na 'ko nag-abala pang magbihis at agad nang nagluto. Pagabi na rin kasi at baka dumating na ang asawa ko. I just cooked his favorite chicken adobo. Pagtapos ay agad ko nang inayos ang lamesa at inihain ang hapunan. Alas siete pa lang nang matapos akong maghanda kaya napagpasyahan kong maligo na muna.

    Pagtapos ko magbihis ay dumiretso ako sa sala. Magne-netflix na muna ako habang hinihintay ang pagdating ni Eon. Ngunit hindi ko namalayang nakatulog na pala 'ko. Napabalikwas na lamang ako nang mag-ring ang cellphone kong nasa center table. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makitang galing sa unregistered number ang tawag. Napatingin ako sa wall clock na nasa sala. Alas diyes pasado na ng gabi. Hindi ko alam ngunit bahagyang kumabog nang mabilis ang puso ko.

    I answered the call thinking maybe it was an emergency. Ngunit sana ay mali ang iniisip ko.

    "Hello?"

    "Ellie! Si Zyrene 'to. Si Eon . . ." Mas dumoble ang kaba ko nang marinig ang boses ni Zyrene na alalang-alala.

    "Bakit? Anong nangyari kay Eon? Teka, nasa bar ba kayo?" tanong ko nang maulinigan ko ang music sa background.

    "Yes. Sunduin mo na siya rito. He's drunk!"

   "Sige. Text me the address. Pupunta na 'ko," sagot ko saka nagmamadaling umalis.

    Nang makarating na 'ko sa bar ay agad akong pumasok upang hanapin si Eon. Nakakahilo ang ilaw, hindi ko tuloy masyadong maaninaw at mamukhaan ang mga tao. Halos nasa gitna na 'ko ng bar, sa may dancefloor nang makita ang isang pamilyar na pigurang nakatalikod sa akin.

    "Eon!"

    Kahit pa masikip ay nagmamadali akong naglakad para makarating sa kinaroroonan niya, ngunit para akong namanhid nang makita ang ginawa niya. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko at hindi alam kung ano ang gagawin. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng mainit na likido sa pisngi ko.

    Seeing him kiss another girl is another kind of pain. Ni hindi ko nga siya kayang makitang may kasamang iba, kahalikan pa kaya?

    Nakita ko si Zyrene na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung awa ba ang nakikita ko sa mga mata niya hanggang sa magbawi na siya ng tingin at lapitan si Eon. I saw her snatch Eon from that girl and pointed at me. And as soon as Eon's eyes landed on me with confusion, I just found myself heading outside the bar. Ang gusto ko lamang ay makaalis sa lugar na 'yon. At kada hakbang ko, tila naririnig ko ang pagkawasak ng puso ko. Kahit pa nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa hindi mapigil na pagbagsak ng mga luha ay pinilit kong mas pabilisin pa ang lakad ko. Ayaw kong maabutan niya 'ko dahil alam ko kung gaano ako karupok pagdating sa kaniya. Baka bumigay ako kaagad kapag nakita ko siyang umiyak para lang h'wag ko siyang iwan. I know that's so pathetic of me, pero 'yon ako. I love him that much that I can forgive him easily.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro