Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

    "Funny how couples tend to overlook flaws when they're still on the dating stage. But once they're married, that's when they'll notice obvious faults."

    Napatigil ako sa pagbabasa sa isang post sa social media at saglit na napa-isip. Ang hirap talagang ma-in love. Ang daming dapat isaalang-alang. Sa panahon ngayon, kapag na-in love ka, hindi p'wedeng nahulog ka lang dahil sa mabababaw na rason. Nahulog ka kasi masaya ka kapag kasama mo siya, nahulog ka dahil sa sense of humor niya, nahulog ka dahil sa pagiging caring at thoughtful niya. Pero paano kung hindi mo na naramdaman ang mga bagay na 'yon sa paglipas ng mga araw? Paano kung dumating 'yong oras na nagbago na ang lahat sa kaniya? Mamahalin mo pa rin ba siya? O mawawala na rin ang pagtingin mo sa kaniya sa kung paano nawala ang mga katangiang naging rason kung bakit mo siya minahal?

  
    Ang daming what if's ang tumatakbo ngayon sa isipan ko. Ni hindi ko na alam kung nag-o-overthink lang ba 'ko o ano.

    "Huy! Tulala ka na naman diyan," napatingin ako sa bagong dating. He's wearing a wide smile showing his dimple on his right cheek. Gulo-gulo ang buhok nito, marahil ay dahil sa hangin habang nagda-drive siya ng motor.

    Napabuntonghininga ako.

    "Halika nga rito. Lapit ka, dali," nakangiti kong sabi sa kaniya.

    Abot-tenga naman ang ngisi ng loko sabay lapit sa 'kin nang nakadipa ang dalawang braso. Ngunit agad na napalitan ng pagngiwi ang kaniyang mga ngiti ng mahina ko siyang piningot sa magkabilang tenga. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

    "Eon Martinez! Ang tanda mo na, pasaway ka pa rin!" angil ko sa kaniya, pagkatapos ay binitiwan ko na ang mga tainga niya.

    "Aray naman, Ellie Francisco-Martinez! Kadarating ko lang, ginaganiyan mo na 'ko!" aniya sabay nguso habang himihimas ang nasaktang mga tainga.

    "Ah! So, tawagan talaga ng buong pangalan? Tawagan talaga?"  natatawa kong tanong.

    "Ikaw naman ang nauna," nakanguso pa rin niyang sagot. Ang cute niya tignan kaya naman muli kong inilapit ang mga daliri ko sa mukha niya upang kurutin naman ang pisngi niya, ngunit agad siyang tumayo at naupo sa pinakadulo ng sofa. Marahil ay nabasa niya na ang dapat na gagawin ko sa kaniya.

    Natawa na lang ako sa naging reaksiyon niya.

    "Tuwang-tuwa ka talaga kapag nasasaktan mo 'ko, eh. 'No?" nakangiwing aniya.

    "Mas masasaktan ka talaga kapag inulit mo pang hindi magsuot ng helmet kapag magmo-motor ka! Hindi naman sa hinihiling kong mangyari 'yon, pero pa'no kung madisgrasya ka? Ha? Eh, 'di basag 'yang bungo mo? Ang kulit mo talaga kahit kailan! Tignan mo buhok mo, oh. Gulo-gulo na!"

    Napatakip siya ng tainga dahil sa pagbubunganga ko.

    "Opo, Nay! Hindi na po mauulit!" sarkastiko niyang sagot.

    "Kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya saka muling bumaling sa binabasa ko.

    "Hmm... Hindi pa nga, eh. Ano bang mayro'n dito?"

     Tumayo na siya saka dumiretso sa kusina. Sinundan ko lamang siya ng tingin. Maliit lang naman itong unit namin kaya kitang-kita ko siya mula rito sa kinauupuan ko. Binuksan niya ang fridge at nakita kong napangiti siya nang makita ang ice cream sa freezer. His favorite. Kumuha rin siya ng tinapay sa basket na nasa lamesa saka bumalik sa sala.

    "Ikaw ba, nagmeryenda ka na?" tanong niya saka umupo sa tabi ko.

    Umiling lamang ako saka muling itinuon ang pansin ko sa ginagawa ko.

    Maya-maya pa'y naramdaman ko na lang ang isang bagay sa tapat ng bibig ko. Pagtingin ko'y buns iyon na may palamang ice cream. Napangiti ako saka lumingon kay Eon. Ngumisi naman siya na parang bata saka muling iniamba ang tinapay upang isubo sa akin. Kumagat ako rito. Hindi talaga ako magsasawa sa ganitong meryenda basta siya ang kasama ko.


    "GANITO na ba talaga ako kaganda para titigan mo nang matagal?" natatawang tanong ko sa kaniya nang mapansin kong kanina niya pa 'ko tinititigan. Mula sa paglabas ko sa banyo, hanggang sa pag-aapply ko ng lotion sa katawan at sa pagpupunas ng basa kong buhok. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang kahit pa matagal na kaming magkasama sa iisang bahay.

    "Wala. May naisip lang ako," aniya saka tuluyan nang nahiga mula sa pagkakaupo sa kama.

    "Ano naman 'yon, aber?" tanong ko ulit sa kaniya saka tinabihan siya sa pagkakahiga. Umunan ako sa braso niya at iniyakap ko naman ang kanan kong kamay sa baywang niya. Parehas kaming nakatingala sa kisame.

    "Iniisip ko lang kung minsan ba, nakaramdam ka ng pagsisisi na pumayag kang ikasal sa 'kin."

    Napatingin ako sa kaniya para tignan ang ekspresiyon sa mukha niya. Nanatili lang siyang nakatitig sa kisame habang seryoso ang mukha.

    "Ano ka ba? Bakit ganiyan ang mga iniisip mo?" I laughed, trying to lighten up the mood.

    Napailing na lamang siya saka nakangiting bumaling sa 'kin. "Wala. Nevermind na lang. Matulog na tayo, maaga pa pasok mo bukas."

    Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip niya at naitanong niya ang bagay na 'yon. Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ko ang panghihinayang. Alam kong hindi pa talaga kami handa nang mga panahong iyon, but we have to face the consequences of our actions. After our parents knew that something happened between us, they planned our wedding right away; kahit pa tutol dito ang mga magulang ni Eon. Baka raw kasi magbunga ang ginawa namin at takbuhan ako ni Eon. Wala nang nagawa ang parents niya at doon na ako pinatira sa kanila pagkatapos ng kasal.

    But after months of being married with Eon, napag-alaman naming hindi nagbunga ang kasalanang ginawa namin. At nang malaman iyon ng Mama ni Eon ay kinumbinsi niya ang anak niyang ipa-annul ang kasal namin, but Eon fight for our relationship. Hindi niya sinunod ang gusto ng Mama niya at umalis na kami sa bahay nila. Nagpatuloy ako sa pag-aaral habang siya naman ay nagtrabaho para matustusan ang pag-aaral ko.

    Napatingin ako sa katabi ko nang makarinig ako ng mahihinang paghilik. I can't help but stare at his handsome face. I traced the lines of his nose using my index finger, until my fingers reached his soft, thin lips. Napatawa ako ng mahina nang bigla siyang ngumiwi, marahil ay dahil sa paghaplos ko sa labi niya. Nakakakiliti naman kasi talaga.

    I sighed as I continue to stare at him. Kahit titigan ko pa siya buong magdamag ay okay lang sa 'kin. Hindi ako mapapagod, gaya ng hindi ako kailanman napagod na mahalin siya. And I didn't know exactly why I fell for this man, but one thing is for sure . . . I will never regret that I marry him at a wrong time.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro