Chapter Nine
SEEING Eon in front of me, helpless and pleading for my forgiveness moved my heart. Hindi ko alam kung gano'n na ba talaga 'ko karupok, o mahal ko lang talaga siya. Maybe it's true that love can conquer all. Na kahit pa anong galit mo sa isang tao, kung totoo ang pagmamahal mo para sa kaniya ay handa mo pa rin siyang patawarin at tanggapin. Na kahit pa ilang ulit kayong subukin ng tadhana at pilit ilayo sa isa't isa ay makahahanap pa rin kayo ng daan pabalik.
"I love you, Ellie. Mula noon hanggang ngayon. Hindi kailanman nabawasan ang pagmamahal ko sa 'yo, kahit kaunti. And it's not my intention to hurt you. Naguluhan lang ako kung paano ako mag-o-open up sa 'yo. But trust me, I'm telling you the truth," seryoso niyang saad.
This time, I let him hold my hand. And he held it tightly, na para bang ayaw niya nang bitiwan pa ito. Na para bang takot siya na anumang oras ay kakawala ako mula sa hawak niya. And I'm liking the warmth I'm feeling right now.
"Babe, can we start all over again? I promise I will never do it again. Hindi na 'ko magpapakalasing," tila bata niyang wika at itinaas pa ang kanang kamay.
Napabuntonghininga ako saka tumitig sa mga mata niya.
"If you have problems, sabihin mo sa 'kin. H'wag mong sarilinin. Mag-asawa tayo kaya dapat magtulungan tayo." Tumango naman siya bilang pagsang-ayon. "Aminin mo nga, bakit lagi kang naglalasing no'ng nakaraan?"
Iniwas niya ang tingin niya sa akin ngunit hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Babe. Is it because of the annulment paper your Mom gave to you?"
Natigilan siya sa sinabi ko habang nanlalaki ang mga mata. "H-how did you . . ."
"Nakita ko sa drawer mo."
Saglit siyang natahimik.
"I'm sorry kung itinago ko sa 'yo. Actually, ilang beses na nga akong pinipilit ni Mommy na papirmahan 'yon sa 'yo but I don't want to. Mahal kita at hindi ako magsasawang ipagtanggol ka mula sa kaniya."
Napangiti ako saka niyakap siya nang mahigpit.
Talking is a healing balm.
Kaya madalas nagkaka-problema ang mga mag-asawa ay dahil sa hindi nila pagsasabi ng totoo. Truth is one of the essence in marriage. Hindi mareresolba ng pagsisinungaling at pagtatago sa mga bagay-bagay ang problema. Everytime the truth is hidden, the chance to enrich the bond will be lost.
Aaminin kong nagkamali ako nang mas pinili kong umiwas sa problema kaysa pag-usapan at ayusin kaagad ito. But what can I do? I'm just a human and I got hurt. Kailangan kong huminga dahil pakiramdam ko, mauubusan na ako ng hangin dahil sa mga problemang dumarating sa buhay namin ni Eon. Everyday is like a battle that I don't know if I am able win.
Pero dahil mahal ko si Eon, susugal ako ulit at magtitiwala sa kaniya. It's up to him if he's going to break it again.
"SANA ALL, bati na," panunudyo ni Zyrene.
Napairap na lamang ako habang hindi maitago ang pagkawala ng mumunting ngiti sa mga labi ko.
"Che! Tumahimik ka nga! Oh, ayan, tapalan mo ng pagkain 'yang bibig mo," sabat ko naman sabay subo sa kaniya ng dinakot kong fries mula sa mangkok.
As usual, nandito na naman si Zyrene at nanggugulo. Wala yata 'tong magawa sa buhay niya, eh. Pa'no ba naman kasi, kung hindi nakabuntot kay Kuya Errol ay halos tumira na dito sa bahay. Ubos tuloy lagi ang stocks namin dahil sa kaniya. Napakasiba!
"Sus! Ayaw mo lang pag-usapan 'yong tungkol sa inyo ni Eon, eh. O, ano? Nadiligan ka ba pagkatapos niyong magbati?" kuryosong tanong niya habang may malapad na ngisi sa kaniyang mga labi.
Uminit ang pisngi ko at pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Kahit kailan talaga, walang preno ang bibig nitong babae na 'to.
"H-hoy! H'wag ka ngang chismosa! Napaka-usisera mo! Bigyan mo naman kami ng privacy!" singhal ko sa kaniya.
"Uyy! Sana all, may dilig. Gano'n yata talaga, 'no? After ng kulog at kidlat, uulan. Kaya nadidiligan ang mga halaman," makahulugang sambit niya saka sumubo ng fries habang ang tingin ay nasa TV.
Napailing na lamang ako. Buti na lamang at wala si Eon dito at nasa trabaho. Kung hindi, sisipain ko talaga palabas ng unit namin 'tong babae na 'to nang wala sa oras dahil sa mga pinagsasabi niya. Kaya naiirita si Kuya Errol sa kaniya, e. Ayaw pa naman no'n sa madaldal.
Napangiti ako nang may naisip. Tita Rachel wants Zyrene for her son, pero si Kuya Errol ang may ayaw. Habang kami naman ni Eon na mahal na mahal ang isa't isa ay pilit na pinaghihiwalay. Maybe Zyrene realized that we both have struggles when it comes to our relationship. Kaya ganoon na lang ang awa niya sa 'kin no'ng nag-away kami ni Eon.
Napailing na lamang ako. Life gave me so many realizations these past months. Pero nagpapasalamat ako dahil nagawa kong magpatawad. And that forgiveness lead me to have a new companion. Siguro, daan na rin 'yon para maka-move on kaming lahat mula sa mapait naming nakaraan.
Nalaman ko rin na hindi gusto ni Zyrene na sumama si Mama sa kanila ng daddy niya. She even told her that she don't want me and Papa to be miserable just because Mama chose to take care of them. Her dad was sick and she was just a child back then. Hindi niya kayang alagaan ang dad niya nang siya lang. Wala rin kasi siyang kilalang kamag-anak nila kaya wala talagang makatutulong sa kanila.
I was hurt when I heard her side of the story, but past is past. Hindi na no'n maibabalik ang lahat sa dati kahit pa magalit ako. My peace of mind is all that matters now. At mas masarap mabuhay nang wala kang kinikimkim na galit sa puso mo. I decided to throw all my baggage and start anew. And this time, I won't let my emotions get the best of me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro