Chapter Five
"BABE? Babe."
Napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang boses ng asawa ko.
"Come on. Let's eat. Lalamig na ang pagkain," nakangiti niyang sabi.
Napabangon ako dahil sa sinabi niya saka napatingin sa orasang nasa side table. Mag-a-alas siete na ng gabi. Marahil ay sobrang napagod ako sa pag-iyak kaya nakatulog ako nang matagal.
"Wait, what happened? Bakit namumugto ang mga mata mo?" He held my chin and lifted my face for him to see it, pero pinalis ko ang kamay niya. Tumayo ako saka dumiretso sa banyo para maghilamos. I don't want him to see how vulnerable I am right now. Ayaw kong magpaapekto sa mga nalaman ko at kailangan kong makumpirma ito sa kaniya.
Inayos ko ang sarili ko saka lumabas na ng kuwarto. Nakita ko siyang nilalagyan ng kanin ang plato ko kaya hindi ko maiwasang magtaka. Bakit ganito pa rin ang ikinikilos niya? Kung gusto niyang makipaghiwalay, dapat hindi niya ako tinatrato ng ganito. How can he act like nothing has changed?
I shook off all those thoughts and just headed to the dining table. Mamaya na 'ko mag-iisip kapag busog na 'ko. Masyado na 'kong drained para mag-overthink.
We just ate in silence. No one dared to speak. Para bang pinapakiramdaman lang namin ang isa't isa. Hindi ko alam kung ramdam din ba niya ang tensiyon sa pagitan namin, o ako lang talaga ang nag-iisip ng ganoon. Nakikita ko siyang panay ang sulyap sa akin pero hindi pa rin siya nagsasalita.
Hanggang matapos kaming kumain ay nandoon pa rin ang awkward atmosphere sa pagitan namin. Akala ko'y mananatili na lamang kaming ganoon, ngunit habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan ay naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko. Inamoy niya pa ang buhok ko saka ipinatong ang baba niya sa balikat ko.
"Babe," tawag niya ngunit hindi ako sumagot. Sumisikip ang dibdib ko at baka maiyak lang ako kapag nagsalita ako.
"I miss you."
Napapikit ako dahil sa sinabi niya. I miss him, too. I miss him so bad. Nanatili lang akong walang imik saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng malambot niyang labi sa gilid ng leeg ko. Dahil doon ay naging eratiko ang pagtibok ng puso ko at tila ba naririnig ko na ito dahil sa sobrang lakas.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin habang patuloy niyang hinahalikan ang leeg ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko't humarap na 'ko sa kaniya. I look at him straight in the eyes and in just a heart beat, I just felt his lips crashed into mine.
"GOOD MORNING!" bati ni Eon sa 'kin paglabas ko ng kuwarto. Sinalubong niya 'ko ng halik sa labi matapos niyang mailagay ang tasa ng kape sa dining table. Pagkatapos ay iginiya niya 'ko roon para paupuin, saka siya umupo sa tapat ko. I can't quite understand what he was up to.
"Babe." Napatingin siya sa 'kin nang tawagin ko siya.
"Hmm?" aniya habang nilalagyan ng sinangag ang plato ko.
"Can you please be honest with me?"
Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "Why? Is there... Something bothering you?"
Humugot muna ako ng malalim na hininga.
"'Yong cellphone." Nanlaki ang mga mata niya. "Kay Zyrene 'yon, 'di ba?"
"Y-yes."
"Why do you have it?"
"N-naiwan niya sa restaurant na pinagkainan namin kahapon."
Napangiti ako nang mapakla. "Magkasama pala kayo kahapon. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"
Napahawak siya sa batok niya saka bumaling sa ibang direksiyon. Maya-maya pa'y bumalik na ang tingin niya sa 'kin saka umiling.
"Sinabi ko na sa 'yo 'to, Ellie. She needs my help! Hindi ko sinabi sa 'yo na magkasama kami kahapon dahil ayaw kong pag-isipan mo kami ng masama!"
"Sa ginagawa mong pagtatago ngayon, hindi mo ba alam na mas lalo ko kayong pag-iisipan ng masama? Ano ba kasing tulong ang kailangan niya sa 'yo? Gaano ba 'yan ka-confidential at ayaw mong sabihin? Eon, asawa mo 'ko! Bakit hindi mo kayang sabihin sa 'kin kung ano ang mga ginagawa mo? Si Zyrene 'yon! Anak 'yon ng lalaking rason kung bakit naghiwalay sina Mama't Papa!" Napahikbi na 'ko. Hindi ako sanay makipag-argumento pero kailangan kong makausap si Eon. I need to know the truth.
"Ayaw kong matulad tayo kina Mama, Eon. I want this marriage to work. Pero paano natin maisasalba 'to kung pinaglilihiman mo 'ko?"
"You wanted to know the truth?"
Nag-aalangan akong tumango sa kaniya.
"Talk to Zyrene." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Why? Bakit sa kaniya ko pa kailangang malaman ang totoo?"
"Because you don't trust me. At alam kong kahit ano pa ang sabihin ko, paghihinalaan mo pa rin ako. Kaya sa kaniya ka na lang magtanong." Tumayo na siya at tinungo ang pinto ng kuwarto. Ngunit bago pa man siya makapasok ay muli siyang nagsalita. "Meet up with her. Ikaw na ang magsauli sa kaniya ng cellphone niya. Kailangan niyong mag-usap na dalawa."
Mariin akong napapikit saka napayuko. "What now, Ellie?" wala sa isip na tanong ko sa sarili ko.
HINDI ko alam kung bakit sinunod ko ang sinabi ni Eon. Sitting here, face to face with Zyrene really irritates me. Ang mas nakakainis pa ay ako pa talaga ang pinapunta niya sa café na malapit sa pinagtatrabahuan niya.
Isinauli ko na sa kaniya ang cellphone niya at kahit gustuhin ko mang umalis na ay hindi ko magawa. Nangangati ang dila ko na magtanong sa kaniya.
Tumalim ang titig ko sa kaniya nang bigla siyang tumawa.
"You really are amusing. Did you know that?" aniya saka muling sumipsip sa frappe niya. "What? Magtititigan na lang ba tayo rito? Eon said you wanted to talk to me. Come on, dear sis. Speak up. Baka ugatin na 'ko maya-maya rito."
Hindi pa rin ako nagsalita. I don't know exactly where to start. Napabuntonghininga na lamang ako saka uminom sa order kong lemonade.
"Psh! Dum-dum... Hindi ko alam kung ano'ng nakita sa 'yo ni Eon. You're so impulsive! You're so quick to judge without knowing the truth. Sabihin mo nga, may trust issue ka ba?"
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Trust issue ba 'ka mo?" palatak ko saka sarkastikong napangisi. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Simula no'ng agawin ng Daddy mo ang Mama ko mula kay Papa, nagkaroon na 'ko ng trust issue. Kung ang sarili ko ngang ina ay hindi ko na mapagkatiwalaan, paano pa 'ko magtitiwala sa iba? Lalo na at ikaw ang kasama ni Eon? Paano ako hindi magkakaroon ng trust issue? Sabihin mo nga!"
Lalong kumulo ang dugo ko nang matawa siya na animo'y may mali sa mga tinuran ko. Totoo naman! How can I trust someone na hindi ko naman lubos na kilala? How can I trust her when my own mother breaks my trust?
"Because he's your husband! Hindi na kasalanan ni Eon kung bakit hindi nakuntento ang Mama mo sa Papa mo! H'wag mong itulad ang sarili niyo sa iba, Ellie! If you really love him, you should trust him. Kahit siya na lang ang pagkatiwalaan mo, Ellie! My god!" mahabang litanya niya saka muling uminom ng frappe. Matiim niya akong tinitigan bago muling magsalita. "You want the truth? Tita Rachel wants Eon to annul his marriage with you. I bet you already know that."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro