Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eight

    ISANG linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagpapakita kahit anino ni Eon. Maybe he realized he screwed up that much, kaya wala na siyang mukhang maihaharap. Or maybe he realized that he don't love me anymore. Tila nilamukos ang puso ko sa huli kong naisip. I am mad at him, yes. But I can't deny the fact that I still love him despite of what he had done.

    Sa mga nakalipas na araw, paulit-ulit lang ang naging rutina ko. Gigising, kakain, maliligo, papasok sa eskwelahan, tapos uuwi, at matutulog. Maraming nakapansin sa pananamlay ko ngunit hindi ko na 'yon inintindi. I don't even know if everything I'm doing still make sense. Nakakapagod. Para bang wala nang patutunguhan ang buhay ko.

    "Ellie! Kain tayo!" nakangiting anyaya ni Zyrene nang minsang dumalaw siya dito sa unit.

    Walang gana ko siyang tiningnan. "Feel free to cook, Zyrene. May stocks naman diyan," simple kong sagot saka muling bumaling sa binabasa kong libro. Magmi-midterm exams na ngunit para bang ayaw pumasok ng mga binabasa ko sa utak ko.

    "I don't want to cook. Kain tayo sa labas—"

    "No."

    "Ellie naman. Ano? Ibuburo mo 'yang sarili mo dito sa bahay mo? Have a life! Hindi titigil ang mundo para sa 'yo. Everyday of your life should be celebrated. Hindi por que wala dito si Eon—"

    "Can you please shut up! Nag-aaral ako," saway ko sa kaniya.

    Naiirita na 'ko dahil lagi na lang siyang nandito. But somehow, I am thankful. Baka kasi ano pang magawa ko sa sarili ko sakaling ako lang lagi mag-isa dito sa bahay. Hindi ko nga alam kung paano niya natitiis ang kasungitan ko sa kaniya. I know I'm being harsh to her, pero hindi ko kasi mapigil na hindi magalit. Lalo na kapag nagsimula na siyang dumaldal.

    Rinig ko ang pagbuntonghininga niya bago lumapit sa 'kin. She sat in front of me and put her hand on my knee. Nakaupo kasi ako sa mahabang sofa at nakasandal sa arm rest nito habang naka-indian sit.

    "Ellie, if Eon really loves you, he will do everything just to make you forgive him. Ngayon, kung ganitong hindi siya nagpapakita sa 'yo, then that only means one thing. Please, know your worth," she sincerely said while looking intently at me.

    Napangisi ako. "Know your worth daw. Sino kaya 'tong habol nang habol kay Kuya Errol?" pasaring ko sa kaniya sabay tawa.

    "See? I made you laugh! Hay. Pag-ibig nga naman, nakakatanga," aniya sabay iling.

    "Sinabi mo pa."

    "Tama na nga 'yan. Tara na! Kain na lang tayo sa labas. I want ice cream!" parang bata niyang saad saka pumalakpak pa.

    Napailing na lamang ako.

    I didn't expected that the person I hated for so long will be my confidant. And now, masasabi kong nagkaroon ako ng isang kapatid at kaibigan sa katauhan ni Zyrene.



    "ELLIE!" bungad ni Eon sa 'kin pagbukas ko ng pinto ng unit namin saka walang kagatol-gatol na niyakap ako.

    Hindi ko ikakailang na-miss ko ang yakap at amoy niya ngunit nanatili akong matigas. Imbis na yakapin siya pabalik ay itinulak ko siya kaya naman agad siyang napabitaw. Nakita kong gumuhit ang lungkot sa mga mata niya nang tignan niya 'ko ngunit hindi ako nagpadala roon.

    "What now, Eon?" walang kaemo-emosyon kong tanong sa kaniya.

    After almost a month of not showing up, here he is in front of me. He didn't look like his age. Parang mas tumanda siya kaysa sa tunay niyang edad. I am mad at him until now, but seeing him like this makes me pity him. Lumalim at naging malamlam ang kaniyang mga mata. May tumutubo na ring bigote sa mukha niya na dati ay hindi niya hinahayaang tumubo. Hindi na rin nagugupitan ang buhok niya at bahagya na itong nakatakip sa kaniyang mga mata. Tila nangayayat din siya. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko siyang yakapin nang mahigpit, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Pilit kong isinisiksik sa utak ko ang kasalanan niya sa 'kin at kung gaano kasakit ang idinulot niyon sa 'kin.

    "You said you needed space. Sabi mo magpalamig na muna tayo. And that is what I gave you. Pero Ellie, hanggang kailan? Kasi sa bawat araw na hindi kita kasama, pakiramdam ko nawalan ako ng buhay. Ellie, please. Come back to me," pagsusumamo niya habang pilit inaabot ang kamay ko na siya namang iniiwas ko.

    Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita.

    "Fine. Let's talk. And let's get it over with. Pagod na kasi ako! Pagod na 'kong mag-isip kung ano'ng kulang sa 'kin at nagawa mo ang bagay na 'yon! Now, talk. But don't f*cking tell me na hindi mo ginusto 'yong ginawa mo ro'n sa bar!"

    "But that's the truth! She's the one who kissed me—"

    Napatawa ako nang pagak. "Really? O, sige. Sabihin na nating she initiated the kiss. But my gosh, Eon! You f*cking kissed back! Ano pang palusot ang sasabihin mo? Ha?" sigaw ko.

    My heart is already beating rapidly, at anumang oras ay sasabog na 'ko. Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong makipag-argumento.

    "I thought you want me to talk? Pero bakit sinusupalpal mo lahat ng paliwanag ko? Why don't you just listen first? Ganiyan na ba talaga kalalim ang galit mo sa 'kin? Ha? Just for once, Ellie! Pakinggan mo naman ako, o!"

    Hindi ako umimik. Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mga mata kaya naman pinili ko na lamang na manahimik.

    Umupo ako sa sofa saka sumandal at tumingala.

    "Like what I've said, hindi ko ginusto 'yong nangyari. Umiikot na talaga ang paningin ko nang mga oras na 'yon, and Zyrene said she already called you to pick me up. Back then, sasabihin ko na sana sa 'yo 'yong problema ko, but that girl . . . Bigla na lang siyang sumulpot sa harap ko. She kissed me and I thought it was you kaya hindi ko siya naitulak kaagad. Nahimasmasan lang ako no'ng hatakin ako ni Zyrene at nang itinuro ka niya."

    Napailing ako. Gusto ko siyang paniwalaan, but a part of me says otherwise. Ang hirap magtiwala lalo na kapag harap-harapan ka nang ginagago. Lalo na kung ang taong sumira ng tiwala mo ay 'yong taong mahal na mahal mo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro