Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

AUGUST 8 - shirlengtearjerky's CYOA Series (1st Part)

Hi! Ito po ang first part ng Choose Your Own Adventure series ko. Meaning, you get to decided kung ano ang magiging flow ng story (thru voting). For the first wave, and featured pairing ay sina Andreau Cortez and Zade Pascual from my story, The Spaces In Between. Hindi niyo naman kailangang mabasa ang TSIB para maintindihan 'to. This is set in an alternate universe :)Basically, eto ang plot ng CYOA series na 'to: you're a celebrity who just broke up and i tweeted you a selfie with the caption "date me" as a joke but you thought i was serious?" au.

Attached sa post na 'to ang Tumblr link kung saan pwede kayong bumoto para sa susunod na mangyayari sa story :) 

***

CHOOSE YOUR OWN ADVENTURE 1: Of Drunk Tweets and Date Invitations

The only thing Andreau felt when he woke up was this hard and rough pounding inside his head, strategically hitting everything: his brain cells, his medulla oblongata, his skull.. his.. pretty much everything.

To say he has a massive headache was a complete understatement.

Andreau groaned, burying his face into the nearest pillow he could grab. Nang mapansin niyang throw pillow ito at hindi ang paborito niyang unan, he immediately threw it away, causing his head to hit the floor.

He slowly opened his eyes. Bumungad sa kanya ang kaunting ilaw na galing sa bintana, at napamura na lang siya.

What the fuck happened to him last night?

Oh, right. Graduation nga pala niya kahapon.

Natapos na rin ang apat na taon na puno ng puyat, pagod, pagmemorya ng kung anu-anong scientific names ng mga halaman at hayop at paglaklak ng ilang litrong Sting. As of last night, 8:02P<, kasama na si Andreau Cortez sa daan-daang unemployed sa Pilipinas. Kaso saglit lang ang contribution niya sa statistic na 'yon dahil in two months, magiging alipin na siya ng med school.

(Huli na lang lahat para pagsisisihan niya ang pagkua ng BS Biology noong college.)

Dahan-dahan siyang umupo at pinagmasdan ang paligid niya. Nasa sala pala siya ng condo nila. To be more specific, sa sahig ng condo nila. The awful taste of alcohol and saliva lingered inside his mouth. Doon lang niya naalala ang highlights the previous night.

He'd been drunk, and based on the pain he's feeling, he'd been really really drunk and had enjoyed every single moment of it.

(Isang semester niyang tiniis ang alcohol. Ayun, bumawi rin siya ng one semester worth of booze last night.)

Sigurado siya na dito sila nag-inom ng barkada niya kagabi, pero tumambad sa kanya ang sobrang linis na sala. He then concluded na baka ang Kuya Roldan niya ang naglinis ng lahat ng kalat kagabi. Expected na niya 'yon sa kuya niya, being their family's neat freak.

Grabbing his phone from the center table, mabagal na naglakad si Andreau papuntang kitchen para magtimpla ng kape. 1 PM na sa orasan nila, so ni-reheat na lang niya ang pizza sa ref for his lunch.

Binuksan niya ang wifi sa phone niya, completely ignoring the text messages he'd received yesterday. Puro congratulations! Lang naman ang laman non, ayaw niyang mag-aksaya ng oras at load para replyan silang lahat ng thank you.

As always, chineck niya muna ang Twitter niya at agad pumunta sa profile ni @SuperheroFeed for some news. Nabawasan na ang sakit ng ulo niya dahil sa amoy ng kape, pero unti-unti ring bumalik dahil sa sunud-sund na pagtunong ng cellphone niya. He almost threw his phone in frustration.

"Puta, ano bang meron?" he shouted angrily at his phone. Andreau exited Twitter at tinignan ang notifications bar ng phone niya. Puro notifs galing Twitter ang nakita niya. He found that a bit weird, though. Twitter nga ang unang chinicheck niya pagkagising pero bihira lang siyang magtweet. (He only made an account for his fanboy needs.) Inisa-isa niyang tinignan ang notifs niya, na surprisingly puro mentions ng mga kaibigan niya. Baka congratulations na naman, naisip niya habang isa-isang sina-swipe right ang notifs. He was about to press clear all nang mapansin niya ang isang notif.

Zade Pascual followed you.

Sa sobrang gulat niya, nahulog siya sa kinauupuan niya.

Andreau immediately pressed the notification and nervously waited for it to load. Imposible 'yon. Hinding-hindi siya ifa-follow ni Zade Pascual. Paano malalaman ng biggest celebrity crush niya ang existence niya sa mundong 'to? Oo na, naka-turn on ang tweet notifs ni Zade sa kanya. Lagi rin niyang fini-favorite ang tweets ng crush. Stalker na siya kung stalker. Sinisingit pa niya sa busy schedule niya dati ang panonood ng primetime teleserye nito. (Kumakain na nga siya sa mga karinderyang may TV eh!)

Pero ang ifollow siya nito? Sobrang imposible.

Putangina, baka fan account lang 'to ah! There's a special place in hell for people like this!

Tumigil ang pagtibok ng puso niya nang magload ang Twitter profile ni Zade.

He couldn't believe it.

Zade Pascual (@justmezades) FOLLOWS YOU

Finafollow nga siya ng ultimate crush niya.

UNFUCKINGBELIEVABLE.

Being the big fanboy he was, Andreau first checked her recent tweets. Mas kinagulat pa niya ang sunod niyang nakita.

Zades Pascual @justmezades 10h
@iamtheDANGER Oh my god, you're so funny!!!!!

HOLY SHIT.

Zade replied to his tweet.

But.. what tweet?

Tinignan niya ang profile niya.. at muntikan na niyang ibato ang bagong cellphone niya.

Nagtweet siya kay Zade kagabi. With a picture. A very drunk photo of him smiling like an idiot.

Andreau Cortez @iamtheDANGER 12h
Hey @justmezades! Date me?

"Putangina!? Anong kagaguhan 'yon!!" tuluyan nang nabitawan ni Andreau ang cellphone niya at nagpalakad-lakad sa kusina sa sobrang kaba. Kaya pala dumami ang followers niya at naflood ang notifications niya! Dahil sa isang drunk tweet! Nainis tuloy siya sa mga kasama niya kagabi. Talagang hindi siya pinigilan? Hiyang-hiya tuloy siya kay Zade, lalo na't kakabreak lang nila ng long time boyfriend nitong si Pipo two months ago. Baka kung anong isipin sa kanya ni Zade, na taking advantage siya o epal na internet troll. He was certain na never silang magkikita in person pero gusto pa rin niyang maayos ang kung anumang katangahan na nagawa niya habang lasing siya.

It took him minutes to decide kung paano siya magrereply kay Zade. Ang dami kasing nagtitweet sa kanya na magreply pero nahihiya siyang gawin in public. Andreau opted to just send her a direct message, hoping na hindi pa huli ang lahat.

Andreau Cortez Hi Ms. Zade! I'm really really sorry about my tweet last night. I admit, lasing ako kagabi nung nagtweet ako sa 'yo. It's such a dick move and I'm sorry.

I hope you're not mad at me. Nakakahiya tuloy sa inyo. I'm really really sorry!

Once the message was sent, pinatay niya ang cellphone niya at bumalik na lang sa pagtulog, hoping na bangungot lang ang lahat nang 'yon.

----

Ilang beses nang nakakareceive si Zade ng kung anu-anong messages sa social media accounts niya pero may something sa tweet ni @iamtheDANGER na tuwang-tuwa siya. First, sobrang obvious na lasing si Danger (Mars kept calling him that last night, and that stuck with her) sa photo, and second, he looked so harmless. Ifi-favorite lang niya sana yung tweet kaso nakita ni Mars 'yon at pinilit siyang replyan 'yon.

Ano ka ba teh! Cute naman si Kuyang Danger oh!! Ba't ayaw mong patulan?

Mars naman! Nakakahiya! And he looks so drunk. Baka hindi rin siya yung nagtweet non?

Gaga! Siya nagtweet niyan o! Hello, ano ba kinakatakot mo teh? Kung iniisip mo pa rin si Pipo, maumay ka naman! Sayang ganda mo teh! Break na kayong dalawa, may iba na siyang girlie kaya wag ka na don! Dito ka na lang kay Danger o, mukhang matalino pa! Geeky!

Ayoko sa geeky!

Ay choosy ka pa? Girl mukha namang harmless si Kuya Danger. Tweet mo lang! I'm sure hind na magrereply yan. Promise!

At dahil ayaw na niyang makipag-away kay Mars, nireplyan nga niya ang tweet ni Danger. Simple lang ang tweet niya pero may nakapansin na ibang followers niya, thus creating a huge tweet chain. Lumabas ang fans at haters niya, saying na promo lang 'yon para maiwasan ang breakup issue nila ni Pipo. Mars told her to ignore them at hintayin na lang ang reply ni Danger. Natulog siya na iniisip na never magrereply si Danger sa tweet niya. Kung siya rin naman ang nasa posisyon ng lalaki, malamang mahihiya at magdi-deactivate siya sa Twitter.

She never expected him to reply back. But boy, he did.

Nasa gitna siya ng traffic jam sa EDSA, on her way to a photo shoot, nang mareceive niya ang DM ni Danger. Err.. Andreau Cortez pala.

Andreau Cortez Hi Ms. Zade! I'm really really sorry about my tweet last night. I admit, lasing ako kagabi nung nagtweet ako sa 'yo. It's such a dick move and I'm sorry.

I hope you're not mad at me. Nakakahiya tuloy sa inyo. I'm really really sorry!

Rereplyan niya sana pero inagaw agad ni Mars ang phone niya. "Holy fuck, Zades! He replied!!" napuno ng tili ang sasakyan niya.

"Wag ka ngang OA dyan, Mars! He just said sorry!"

"At least nagreply! O ano na sasabihin mo?"

"The usual! Na no biggie! Bakit, ano ba dapat ang ireply ko?"

Mars dramatically rolled her eyes. "Girl, seryoso. Isang date lang naman! You don't have to publicize it. Kahit coffee lang kayo ni Kuya Dang—"

"Andreau."

"—Andreau okay na 'yon. Tsaka deserve mo namang magsaya teh! Kina Popoy at Basha lang uso ang three month rule ano! Reply ka na!!!"

Napatitig na lang si Zade sa DM sa kanya ni Andreau. The idea of them dating was really tempting kaso.. natatakot siya na baka magkaroon na naman ng bagong issue. At mukhang mabait naman si Andreau..

Anong gagawin niya?


***

 Link: http://lengwritesstuff.tumblr.com/post/125250971696/cyoa-part-1-of-drunk-tweets-and-date-invitations

If hindi kayo makapunta sa Tumblr or tinatamad kayo, eto po ang choices niyo para sa mga mangyayari sa next part ng story. Icomment niyo na lang po dito and I'll check it everyday :)

1. Papayag si Zade sa date pero for some reason hindi siya makakapunta.

2. Walang date na magaganap pero lagi silang magkausap sa DM or Viber.

3. Matutuloy ang date nilang dalawa pero something happens.


***

Tweet @lengsungit and please use the hashtag #TWFBP2015

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro