AUGUST 7 - Girlinlove's Characters Interview
Interview with 3W8L Characters
Q: Hi, good morning. Meron lang kaming ilang questions sa inyo na itatanong—
Kean: Siguro nga itatanong mo kasi question—
Chanel: Kean ano ba? Sorry. Sige, ano ulit yun?
Q: Ah, pasensya na. Anyway, may mga nakaprepare po kaming questions para sa inyo. So yung unang question, kamusta po ang married life?
K: Ayun, hindi single.
C: Seriously, Kean? Answer properly. Why are you in a bad mood?
K: Ayoko kasi ng mga interview na ganito.
C: Still. Nirequest 'to ni JM so please ayusin mo.
K: Oo na. (sabay tingin kay Ms. Interviewer) Masaya naman buhay may asawa.
Q: Kayo po Ms. Chanel?
C: I'm happy. Very happy. Noong una hindi pa ako sanay na tinatawag akong Mrs. Padua, ang weird pa din. Nagbago din ako ng pirma ko kasi Chanel Padua na nilalagay ko. Tapos yung kambal namin sobrang blessing from God talaga.
K: Ah ganon, ang ganda ng sagot mo. Sige aayusin ko na nga 'tong sagot ko.
C: Competitive ka ah.
Q: Ang cute niyo po talagang dalawa.
K: Correction, gwapo.
Q: Ay sorry po. Gwapo po. Anyway, next ques—
K: Teka aayusin ko na yung sagot ko doon sa unang question. Putulin mo yung unang sagot ko ah, kapag yan lumabas!
Q: Opo opo.
K: Married life? Sobrang masaya. Akala ko dati masaya na yung kasama ko si Courtney, pero walang wala pala yun sa pakiramdam na sa pagising mo katabi mo siya, at sa pagtulog mo alam mong siya pa din. Tapos binigyan pa niya ako ng kambal. Sobrang... ano pa bang kulang sa akin? Wala na diba?
Q: Awwww! Ang sweet mo Kean. Grabe kaya ang daming naiinlove sa'yo eh. Ang sarap mong magmahal.
K: Natikman mo na?
Q: Sabi ko nga hindi, magtatanong na lang ako diba?
K: Yan. Mabuti malinaw. Oh anong sunod?
Q: Itatanong ko lang po kung kamusta na ang kambal?
C: Yung kambal? Ah ayos naman silang dalawa. Grade 1 na sila. 7 years old na silang parehas. Si Sheantan and Sean minsan lang magaway.
Q: Kelan po sila nagaaway?
K: Ano 'to may oras ang pagaaway nila? Ganon? Nakaschedule?!
Q: Kean naman po eh...
K: Joke lang ikaw naman hindi mabiro (sabay tawa. Si Ms. Interviewer kinilig at nagblush)
C: Kinilig ka no?
Q: (nagulat) Huh? Hindi po! Jusko asawa niyo po yan!!!
C: (nagsimulang tumawa ng tumawa) Okay lang, ano ka ba! Sanay na ako. Kahit sa restaurants, yung mga waitress kapag ngumingiti 'to nagblublush sila. Sa mga movie house, bibili lang 'to ng ticket makikita kong maguusap na yung mga tindera.
Q: Hindi po kayo nagseselos?
C: Hindi. Natutuwa nga ako na kahit matanda na si Kean—
K: ANONG MATANDA! Grabe naman 'to!
C: I love you.
K: I love you too—Hay naku, ayan ka na naman. Alam na alam mo kasing mapapatigil agad ako sa paganyan ganyan mo.
C: Anyway, as I was saying, hindi ako nagagalit kasi kahit na alam kong hindi na kasing bata si Kean katulad noon, may mga girls pa rin na kinikilig sa kanya, atsaka hindi naman siya mukhang matandang may asawa. Para pa rin siyang bachelor no?
Q: Oo nga! (konting kilig)
C: See! Isa pa, natutuwa ako na isipin na kahit anong kilig niyo diyan, or ngiti, or panglalandi sa asawa ko, sa akin lang 'to. Right babe?
K: Sa'yong sa'yo lang. ;)
Q: Jusko, bakit ba ako pumayag na maging interviewer, nabibitter po ako. Nasaan ang mga sawi? Yey ako lang. (sarcastic 'tong si Ate)
knock knock
Napatingin yung tatlo sa may pinto. Sabay pasok si Dylan.
K: Hoy, anong ginagawa mo dito?! Eepal ka na naman eh.
Dylan: Tigilan mo ako. I was invited.
K: (tingin kay Chanel) Ininvite mo?!
C: No!
K: (tingin kay Ateng nagiinterview) SO IKAW?!
Q: (natakot) Hindi po!!! Nagiinterview lang po ako wala akong alam.
D: Chill pare. Takot ka pa rin bang maagaw ko si Chanel?
K: Maagaw? Seryoso ka ba? Kasal at may anak na kami!
C: Seryoso ba kayo?! (tingin kay Ate na nagiinterview na parang hindi na alam ang gagawin at gusto ng umuwi) Girl, sorry. Ganyan talaga yang dalawang yan. Frenemies. Pero nagbibiruan lang yan.
K: Oo naman!! (sabay yakap kay Dylan tapos inalis agad ni Dylan)
D: Nandito lang ako para magmessage daw. Ewan ko ba. Ano bang sasabihin ko? Ay ewan. Bahala na nga kayo diyan. (Sabay tayo) Alis na ako.
C: Huh? Pumunta ka para umalis?
K: Sira talaga yang ulo mo no?
D: Mas sira yung iyo!
K: Aba't—
C: Stop! Oh my god for crying out loud. Dylan, magmessage ka! Pumunta ka na eh.
D: Fine fine. Message daw sa mga readers and fans ng 3W8L. Ummm... (Huminga ng malalim, tumahimik for2 minutes, nagiisip. Lahat naghihintay) Thanks.
(Lahat napanganga)
K: Ang tagal mong nagisip tapos thanks?! Yun lang?! THANKS?!
D: Action speaks louder than words. Sige una na ako. Bye Chanel.
C: Bye Dylan. (tumayo para magbeso pero hinigit ni Kean pabalik sa upuan. Nagsamaan ng tingin si Kean and Dylan)
K: Bye. (Sabay alis ni Dylan)
Q: May sama ka pa ba ng loob kay Dylan?
K: Ako? Wala. Ganoon lang talaga kaming dalawa. We're too alike that's why we don't like each other.
Q: Ah kaya pala. Okay, so last question na. Anong message niyo para sa—
(Door went open. May pumasok na chinese)
CK: Hi. ^___^V
K: Intsik!! Bakit nandito ka?! (Sabay tayo at inunahan pa si Chanel na yumakap kay CK)
C: You see, CK and Kean have this secret relationship that everyone knows except them. And have you realized that there's a difference between Kean's relationship with Dylan and CK? Mas close siya kay CK.
Q: Oo nga, eh to think si CK ang dapat makakatuluyan mo before.
K: ANO?!
Q: Na hindi naman natuloy kasi kay Kean ka nakatadhana.
K: Good. Anyway, dude what are you doing here.
CK: I'm waiting for Chanel. 29 ngayon. Date day! Branded Lover's Day!
Q: Tuloy pa ba yun?
K: Oo, tinutuloy nila yun. Minsan sinasali nila ang kambal, or yung ibang barkada... except me.
CK: Hi, what's happening here? I'm CK. (Offers hand to the interviewer. Kinilig naman si Ate.)
Q: Ah... Eh... Nagiinterview lang ako sa kanilang dalawa. Bale, last part na. Message na lang para sa fans.
CK: Can I give a message too? ^____^V
Q: Oh jusko basta ikaw kahit ano, kahit na nga ikaw na dito sa pwesto ko eh.
CK: Yey! Okay. Hello 3W8L Nation, I'm Calvin Klein Go. I'm doing well. I'm still with ICL Koala. Currently meron kaming Asian Tour sa bago naming album. A lot of people are asking me if I'm still single? Yes, I am still single. But... I'm looking for someone to spend the rest of my life with. So if that's you, pakisend na lang ng maraming maraming maraming ice cream sa bahay ko ah? And I will love you forever. Thanks!
Q: Jusko, pagkauwing pagkauwi ko bibilhin ko lahat ng ice cream na makikita ko at bibigay ko sayo CK. Ako na lang.
K: AHEM. Kami naman ang magmemessage pwede?
Q: Ay, opo opo.
K: Okay, sa mga 3W8L Nation salamat sa walang suporta sa storya namin ni Courts. Hindi niyo kami iniwan mula una hanggang sa huli. Nakarating sa akin ang balita na tinatawag daw akong Pambansang Babe? Well. Iba talaga kapag gwapo. At sabi sa akin na isa daw ako sa mga 'Legend Pogis' ng Wattpad? Eh wala eh. Pogi eh. Anyway, sana suportahan niyo yung magiging movie/teleserye ng 3W8L sa ABS CBN. Kung may mabago man sa storya, wag na kayo magreklamo kasi alam niyo naman (kung totoo kayong fan) yung talagang nangyari. Nakasulat na yun sa libro, at hinding hindi mababago yun.
C: That's true. I want to thank all of you for always being there for us, for loving us, and for always supporting us. I hope that you don't forget our crazy love story and sana wag niyong kakalimutan na minsan sa buhay niyo nabasa niyo ang storya ng COUREANS. Three words, Eight Letters.
Kean/Chanel/CK: WE LOVE YOU 3W8L NATION!!! <3
***
Tweet @GirlinloveWatty and please use the hashtag #TWFBP2015
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro