WeirdyGurl's Story Introduction
By: WeirdyGurl
June 2012
@GirlInTheMoon Hi KD, just want to tell you that I'm a fan of your works. Silent reader mo nga pala ako. Haha. First time kong mag-message sa'yo. Medyo kinakabahan ako. Nanginginig mga kamay ko habang nag-ta-type. Pasensiya na. Alam ko 'di mo ako mapapansin. Pero gusto ko lang pong sabihin na gustong-gusto ko po ang mga stories n'yo. Laban lang po! Kahit na wala pa po gaanong READS saka VOTES, huwag po kayong sumuko, ha? Maghihintay po ako lagi. Mahal na mahal ko po sila Cache and Cookies. Ang unique po ng story nila. God Bless po!
October 2012
@GirlInTheMoon KD, bakit naman ganoon si Blister kay Aidee? Grabeh naman siya. Naiinis ako kay Blist! Sana talaga 'di na bumalik si Aidee. Grabeh siya sa asawa niya. Naiinis ako nang sobra. Kapag talaga umiyak 'yang si Blist kapag nawala si Aidee. Magra-rant talaga ako. Haha. Thank you sa update KD.
March 2013
@GirlInTheMoon Wow! Congrats KD. Sabi ko sa'yo eh. Hindi naman importante kung ilan ang reads, votes, and followers mo. Oh diba? Soon to published na rin ang story nila Cache and Cookies! So proud of you! Bibili talaga ako ng books mo. Dapat pirmahan mo, ha? Isa ka talagang GEM. Keep writing! Nandito lang kami lagi for you.
February 2014
@GirlInTheMoon KD, kailan ka mag-a-update? Ilang buwan na oh. Miss ko na sila Mayor Ocean and Sandy. Sana bumalik ka na. Marami pa rin kaming readers na naghihintay sa'yo. Laban lang! Naniniwala kami sa'yo. Mahal na mahal namin lahat ng mga works mo. Wala pa rin ba ang book 2 ng story nila Cache and Cookies? Ilang buwan na.
January 2016
@GirlInTheMoon 2 years ka nang hindi nagpaparamdam. Okay ka lang ba? Marami na ang mga readers mo oh. Sana mabasa mo 'to. Happy New Year KD. Balik ka na. Okay lang kahit wala pa rin ang book 2 nila Cache and Cookies. Hayaan na lang natin. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Miss ka na naming mga readers mo.
April 23 2016
@GirlInTheMoon Oh my gooooood! KD may bago kang update! May bago ka ring story! Gad, how to kalma?! Nagbalik ka na! Gosh! Naiiyak ako. Alam mo ba birthday ko ngayon? Ang gandang birthday gift sa akin 'to. Ang saya ko lang talaga. Naiiyak ako. (T_T) I love you! <3 Welcome back Author!
@KaeDrian Happy Birthday Moon!
@GirlInTheMoon Ohmygaad! Na notice ako! Humaygad! Huhu. Na notice mo po ako. How to kalma po? Thank you po.
@KaeDrian Buti 'di ka nagsawa sa kahihintay sa akin. Noon pa man ay napapansin na kita. Thank you Moon. Some of my KDers are already gone. Thank you for staying. Rest assured, I will not stop writing. God Bless! Happy birthday ulit sa'yo. I wish you all the best in life. God Bless!
"KD, 'yong mga gamit mo!" napalingon ako sa nagsalita – si Mama. I was smiling from ear to ear. "Tama na 'yang social media. Asikasuhin mo 'tong mga dadalhin mo sa booksigning mo sa Cebu bukas. Flight mo na mamaya pero nakahilata ka pa rin diyan. Kumilos ka na!"
"Ma chill, nakahanda na ang mga gamit ko kagabi pa."
"Oh bakit ang saya mo pa? Sino na naman 'yang ka chat mo?"
"Wala po, I'm just looking at random funny videos sa facebook." Bumangon na ako at tumayo. Lumapit ako kay Mama at pumwesto sa likod niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at mula sa likod ay dahan-dahan ko siyang itinulak palabas ng silid ko. "Don't worry about me Ma. Hindi naman ito ang unang booksigning event ko out of town. Chill."
"Hay naku! Bahala ka na nga sa buhay mo. Basta magdala ka ng lechon pag-uwi mo."
Natawa ako. "Ma naman, paano ko naman 'yon dadalhin sa Manila?"
"Ipa-chop-chop mo! Kaloka kang bata ka." Nasa hamba na kami ng pintuan nang lingonin ako ni Mama mula sa balikat niya. "'Yong leave mo, okay na ba 'yon? Baka pagbalik mo wala ka nang trabaho. One week ka ring mawawala."
Yes, 3 days ang Summer LitFest sa Cebu. The rest will be a summer vacation for me. Hopefully, may makuha akong inspiration sa isang linggo ko sa Cebu.
"Okay na po 'yon. Malakas ako kay Boss."
"Oh siya sige na. Bumaba ka na mayamaya. Kakain na tayo."
I simply nodded. Tinalikuran na ako ni Mama at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto. Mabilis at patalon akong na upo sa kama at binalikan ang thread ng mga messages namin ni Moon. Muli akong napangiti.
KaeDrian: Diba taga Cebu ka? Punta ka ng BS. Pipirmahan ko lahat ng mga books mo sa akin. Isang linggo naman ako sa Cebu. Haha.
GirlInTheMoon: Malayo ang sa amin. Saka na kapag handa na akong magkita tayo. Haha. Choosy?
KaeDrian: Minsan lang ako sa Cebu. C'mon let's meet.
GirlInTheMoon: We will meet soon. Laban lang!
KaeDrian: I want to meet you. Hug you. Thank you. You're one of my blessings in life Moon. At least, let me repay you with seeing you in person. May ibibigay ako sa'yo.
GirlInTheMoon: Naku! 'Di na kailangan pa. A fan's happiness is to see their idols happy and loved by everyone. No need for that KD. Masaya na ako na kasama ako sa mga panahon na nagsisimula ka pa lang. I knew from the start that you'll make a name someday. Oh, diba, tama ako? Haha. You're a great writer KD. You inspired me in so many ways. Bonus na 'yang kagwapohan mo.
KaeDrian: Alam mo ba kung bakit isa ka sa mga pinagkakatiwalaan kong readers? Kasi alam kong minahal mo ako bilang ako. Minahal mo ako simula pa lang nang nagsisimula ako. You believed in me when I couldn't even do that to myself. Mas malaki pa yata ang trust mo sa writing skills ko kaysa sa akin. Haha. Ngayon kasi, 'di ko alam kung 'yong ibang fans ko. Mahal ako dahil sa mga gawa ko? O mahal ako dahil sa mukha ko?
GirlInTheMoon: Huwag kang nega. Mag-focus ka lang sa pagsusulat saka sa trabaho mo. Tandaan mo, marami pa rin kaming naniniwala sa'yo. Sulat lang nang sulat. Nandito lang ako, handang rumesbak sa'yo. Laban! Haha. Grabeh naman 'yong minahal mo ako na linya. Lakas maka wattpad story. Pwedeng kiligin? Haha.
KaeDrian: Haha! Meet mo muna ako.
GirlInTheMoon: Soon nga! Haha.
KaeDrian: Let's make it sooner. See you!
GirlInTheMoon: Haha, lol!
KaeDrian: I'm serious.
GirlInTheMoon: Haha, basta nga.
KaeDrian: Sa lahat ng fans ko ikaw lang ay ayaw makita ako. Haha. 'Yong totoo?
GirlInTheMoon: Saka na kasi! Soon. Kapag payat na ako. Lol! Basta love kita. Fan mo ako forever. Magkikita rin tayo.
"ATE isara mo nga ang pinto." My eyebrows furrowed.
Kung maka utos naman kasi ang babaeng 'yon sa kakarating lang na babae na may dalang malaking eco bag akala mo utusan niya. I hate it when I see someone taking advantage of someone. Lalo na sa isang author na katulad ko. I know her, isa siya sa mga authors na kasama sa booksigning pero hindi siya gaanong kilala.
Minsan ko na rin 'yong naranasan dati. Noong unang mga booksignings ko. 'Yong feeling na wala kang karapatang mag-inarte dahil 'di ka naman sikat. Hindi ko maiwasang mainis. No one deserve to be treated like that. Famous man o hindi. The organizers should have given fair attention to other invited authors regardless of their numbers of followers.
Dahil maaga pa naman at dumaan lang ako sa venue lumapit agad ako at ako na mismo ang nagsara ng pinto. I was wearing a black bull cap kaya 'di agad ako gaanong na pansin ng iba maliban sa babaeng author na nakahawak na sa knob ng pinto.
Bahagya siyang napasinghap nang masilip niya ang mukha ko mula sa visor ng bull cap. I gave her a smile saka ko dinala ang isang daliri sa labi. I hushed her and winked at her. Pero 'di ko naman iiwan ang cute na babae nang ganoon na lamang.
Hinubad ko ang bull cap na suot at pinasuot 'yon sa cute na author. Napakurap-kurap siya sa ginawa ko. Halos lahat nang nandoon ay napasinghap sa gulat nang makita ako. Nakangiting inayos ko ang nagulong buhok habang nakatingin sa kanila. Sinadya kong padaanan ng tingin ang babae kanina na nag-utos sa babaeng author.
Alam ko na gwapo ako. Why would I deny it? Most of my readers love me because of my looks, second with my works. I'm a writer so I don't give a damn if someone criticizes my physical appearance. Mas ma-a-appreciate ko pa kung ang kwento ko ang mapupuna. 'Di naman ako naging writer para lang maging artista.
"KD!" tili ng mga nasa loob ng event hall kung saan gaganapin ang Summer LitFest booksigning mamaya. It's actually a 3 day event sa mismong event hall ng Mall.
Kumaway ako sa kanila. "Good morning," bati ko. "Napadaan lang ako. Goodluck everyone." Muli kong binalingan ang babaeng author na tahimik pa rin sa tabi ko. Yakap-yakap niya ang malaking eco bag na mukhang may lamang books niya. Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Hindi naman 'yon awa. Sort of nasaktan lang ako dahil wala man lang pumansin sa kanya.
"Ako na," kinuha ko sa kanya ang eco bag na dala. Damn, it was really heavy. Magpo-protesta pa sana siya but I held the bags securely in my arms; not minding the odd stares they're giving us. "Nabuhat mo 'to mag-isa? Wow! Saan ko ba 'to ilalagay?"
"D-Doon lang sa table." Napakamot ito sa noo sabay turo sa mesa kung saan may nagdi-display na ng mga books. Mukhang naiilang siya sa mga tingin ng ibang tao.
"This is your first time, right? It's okay, don't mind them. Masasanay ka rin."
She's cute. Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar siya sa akin kahit sa photo ko lang siya nakita. Once lang naman 'yon. Sa poster lang ng mga invited authors for the event. Hindi ko inasahan na ganoon ang magiging mukha niya in person. Medyo matured kasi siya tignan sa photo.
"You're Punished Dreamer, right?"
Tipid na tumango siya. Inilapag ko ang buong eco bag sa mesa at bahagyang sinilip ang nasa loob. Feeling close rin ako masyado, eh, no? "These are your books?" sure ako roon kasi may pen name niya sa cover.
Nahihiyang tumango ulit siya. "Thanks."
"Reserved me one. Papa-sign ako mamaya sa'yo." Nanlaki ang mga mata niya. Napangiti lang ako. "See you later Punished Dreamer." Akmang iiwan ko na siya nang maalala ko 'yong bull cap. Mula sa balikat ay nilingon ko ulit siya. "You can keep the cap Dreamy. Fighting!"
Nang makalabas sa venue bigla akong na weirduhan sa sarili ko. Naikiling ko ang ulo at napa-isip. Hindi pa ba talaga kami nagkikita ng author na 'yon? She really seems familiar. Hmm. Ah, mamaya ko na iisipin 'yon. Inilabas ko ang cell phone sa bulsa ng jeans ko.
Sa messenger lang kami nag-uusap ni Moon. Real account ang gamit ko pero dummy account ang gamit ni Moon. Walang photo. May sarili akong admin ng KDers. Sila ang nag-ha-handle ng official KaeDrian facebook account ko. I seldom login to that account kasi mas gusto ko ang pribadong buhay away from the toxic life of a writer na kasama ng kasikatan ko ngayon. Paminsan-minsan gusto ko rin namang huminga. Thankful din naman ako sa kanila pero hindi talaga maiiwasan na toxic na 'yong iba. Hindi mo alam kung fan ba talaga o sumasama lang sa bandwagon ng lahat. Tsk.
I sent a half faced photo to Moon's account. May caption na "I'm already in Cebu. See you!" pero ang ni reply lang niya "HAHAHA", bully talaga masyado nitong si Moon.
Napasimangot ako. "Hay naku! Kung 'di lang kita mahal. Tsk." Ibinulsa ko na lang ulit ang cell phone at bumalik na sa hotel.
NATAPOS ang buong booksigning event na hindi ko napapirmahan ang book ni Punished Dreamer. Her books were displayed pero mukhang wala naman gaanong na bawas. Bigla rin siyang nawala. Hindi ko na rin siya naka usap kanina sa sobrang dami nang nagpapirma at nagpa-picture. Kaya lumapit ako sa book seller at binili ang libro na gawa ni Punished Dreamer.
I was intrigued by the book title – "Silent Love Reader".
"My only greatest sin was loving you." Basa ko sa unang pahina ng libro. "Loving you means paying all the sins I've committed because I fell in love with you."
Ilang linya pa lamang ang nababasa ko pero sobra na akong apektado sa emosyong ibinibigay ng bida. Wow!
The teaser of the story is a bit tragic. As a first time reader of Punished Dreamer masasabi mong papunta ang kwento sa isang sad ending. Malungkot ang tema. Tungkol sa nakaraan and reincarnation. It's a story of an unrequited love of two writers from the past. Isang undiscovered writer ang lalaki at isang sikat na writer naman ang babae but something happened from the past that resulted to a tragic ending. They were reincarnated again but the girl's memory was retained. She remembers all had happened from the past and what she did to the guy. It was a her punishment. I don't know why though. It was not stated in the teaser. At present, the reincarnated guy doesn't remember anything.
This is surprisingly good. Why wouldn't they like this story? Para sa akin, this is really highly recommended story. A must read.
Dala-dala ko ang libro habang papalabas ng hotel. Kadikit lang ng hotel na 'yon ang mall kung saan ang venue ng Summer LitFest. At sa gabing 'yon may kasalukuyang event na nagaganap. Bon Odori 'yong nakalagay sa halos tarps at signages na nakikita ko. If I'm not mistaken, this is somewhat related to the Obon Festival in Japan. A Japanese Buddhist custom that honor's the spirits of their ancestors. Parang ghost festival lang din. May entrance na fifty pesos.
'Di na ako sumama sa ibang authors na gumala. Gusto ko rin na mapag-isa. Unwind for a little while. Breath. Nakakapagod na masaya ang pagiging writer. Pero mahal ko ang pagsusulat kaya 'di ako magsasa-sawa. I will write and write. Writing is my life.
Hindi naman maiiwasan 'yong mapagod ka lalo na kapag bigla kang nawalan ng gana dahil sa mga taong pilit na humihila sa'yo pa ibaba. Idagdag pa ang mga insecurities mo as a writer na unti-unting kakain sa'yo kapag nagpadala ka sa mga 'yon. 'Yon 'yong mga toxic people na nakikilala mo. 'Yong magpapanggap na kilala ka or fan pero wala naman pa lang nababasa ni isang kwento mo. Kaasar, diba? Some will use you for fame. Noon nga, pati assignment nila ikaw pa ang sasagot. Wow! Ako namang tanga, 'di sasagot din ako para 'di masabihang snob. Those were the days of my stupidity. One thing I've learned, kung gusto mong maging writer. Magsulat ka, huwat puro social media.
Once in awhile, I always make sure to reply to some of my messages in my fan account. Nagri-reply naman 'yong iba pero may times naman na nag-reply ka na nga sini-seenzone naman. Kaya minsan, 'di na ako nagri-reply. Nadala ako. Tsk. Kaya kapag story feedbacks ang nasa message most likely 'yon ang mari-replyan ko.
"Aw," nabitiwan ko ang librong hawak nang may bumanggo sa akin.
"Ay sorry!" singhap ng babae na nakabunggo sa akin. Nagulat ako nang makita kung sino 'yon. 'Yong author ng 'Silent Love Reader'. Likewise, she was stunned to see me as well. "KD? KaeDrian?"
"Dreamy?"
"A-Anong ginagawa mo rito?"
"I should ask you the same. What are you doing here?" yumuko ako para kunin ang libro na nahulog. "Bigla ka na lang nawala kanina." Maingat na pinagpag ko ang libro.
"Binili mo talaga?" manghang tanong niya.
"I told you I'm gonna buy it. Do you have a pen with you?"
"W-Wala –"
"That's fine. I have." Naalala kong nadala ko 'yong ballpen na gamit ko kanina. Kinuha ko ang ballpen sa back pocket ng pantalon ko. "Here, paki sign na lang." Nakangiting inabot ko sa kanya ang pen. "Write my name, Kaedrian."
"Seryoso ka?" diskumpyado pa niyang tanong ulit.
"Nasa chapter 3 na ako. Sa tingin mo ba, magpapa-pirma ako kung hindi ako na hook sa kwento? Nadadala ako sa kwento. Parang pamilyar sa akin ang mga eksena. Ang weird, right?" tila natigilan siya sa mga sinabi ko pero dagli rin 'yon nawala at nagpatuloy sa pagpirma ng libro. "If ganoon ang reaksyon na naibibigay mo sa mga nagbabasa ng kwento mo then masasabi kong you're a rare gem Dreamy. Everyone should read your stories."
Nakangiting ibinalik niya sa akin ang libro. "Thank you."
"You're welcome. I'm now one of your fans."
"Thanks,"
"Kumain ka na ba? I'll treat you –"
"Ako na," putol niya sa akin. "Pasasalamat ko sa ginawa mo kaninang umaga. Salamat nga pala roon."
"Nah, don't think too much about it. Been there, so no worries. Resbak mo ako."
"You're really a good person KD."
Natigilan ako nang tawagin niya akong KD. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang pumasok sa isipan ko si GirlInTheMoon. Naibaling ko ulit ang mukha sa kanya at tinitigan siya. I haven't seen Moon in person. Kahit na photos niya ay wala rin akong nakuha. She has always been the mysterious silent reader of KaeDrian in wattpad.
Sure, some calls me KD pero iba talaga ang pagtawag niya sa akin ng palayaw ko na 'yon. There was this strong familiarity that I couldn't explain – that strong connection that tells me I've already met her before.
Pero saan?
At kailan?
"Are you sure we haven't met before?" basag ko.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro