Starine's New Story Chapter Teaser
Never In Summer
1
"Isa na lang at lalarga na pa-Sentral!" bulyaw ng barker ng jeep.
Nagkumahog ako sa pagtakbo sa narinig ko. Hapon na at dumidilim na ang langit.
Ilang oras akong bored kanina sa bangka. First time ko eh, kaya sobrang kabado. Konting gewang lang ng roro pakiramdam ko ay tataob na kaagad. Ito ang napapala ng pagpanood ng Pirates of the Caribbean bago bumyahe! Di ko alam kung bakit ko pa naisipan iyon!
Akala ko kasi makakakuha ako ng tips kung lulubog man ang roro, o kaya ay kapag may sira—what's gonna be the repair. Bukod sa wala naman akong nakuhang impormasyon, eh malamang sa malamang aatakihin na ako ng asthma bago pa ako makakuha ng repair tools!
Kaladkad ko ang maleta ko habang tumatakbo sa terminal. Ayoko nang maghintay pa sa susunod na jeep papuntang sentral. Ang sabi kasi ni Ate Reiya, bilisan ko na lang daw makasakay sa jeep dahil hindi niya rin alam kung gaano karami ang papuntang sentral ngayon kung dito sa Kustan manggagaling. Kadalasan kasi ang mga turista ay sa port ng Central tumutungo.
Doon naman daw talaga, eh kaso lang short ako ngayon kaya rito ako sa tipid.
"Boss, pa-Sentral?" tanong ng lalaki sa barker.
Ay, shit!
Ano ba?Saang lupalop siya nanggaling?
"Oo. Sumakay ka na kahit masikip, madalang ang jeep ngayon mula rito. Karamihan ay nasa Vergara port," sagot nung barker.
Kinilatis ko muna si Kuya Guy kung kakayanin ba 'tong pikutin ng charms ko.
Siguro turista rin siya na walang pera (oo na manlalait na lang din ako), kasi dito siya nanggaling. Okay sige na, joke lang! Masyado naman ako.Sa bag pa lang niya na North Face, sapatos na Nike, sa wrist watch na g-schock yata (I'm not sure, di kasi ako mahilig mag-relo. Kaya lagi akong late sa mga lakad ko. Sorry na!), at sa simpleng get-up niya ay hindi naman siya mukhang short. Siguro tipid lang. Kahit simpleng white v-neck lang iyon, malakas ang kanyang dating.
Hindi ko na muna papansinin ang facial features ni kuya kasi one word: distraction. As in, mga men!
Lumapit ako. Kinalimutan ko ang sinabi ng barker na isa na lang ang kulang. Siguro naman kasya pa ako.
"Magkano po ang pa-Sentral?" tanong ko. Umakto pa akong nagmamadali. Patingin-tingin sa phone, that worried face look with a subtle irritation.
"Miss, nauna ako," singit nung lalaki.Aba aba.
Napairap ako.Mukhang mailap ito ah. Parang hindi magpapakuha sa charms.
"Nagtatanong lang ako kung magkano," I sniped.
"Alright.Sasakay na ako." The guy just shrugged. Hindi siguro familiar ito sa ladies first. Masyadong dinamdam ang gender equality.
Dumungaw iyong barker sa loob ng sasakyan, with matching kalampag sa katawan ng jeep, at pinaayos ang mga pasahero. "O, aalis na! Aalis na! Sige boss, doon sa dulo."
Humiyaw ako bago pa makasakay iyong lalaki.
"Wait!"
"Kuya, baka naman makasiksik pa ako?Nagmamadali lang talaga ako."
"Wala na ho talaga, ate. Maghintay na lang kayo sa susunod na jeep. Kung meron pa sanang mga tricycle, makakaalis ka kaagad. Kaso ay umalis na ang huling trike kanina pang alas tres."
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Simple lang ang ang waiting area rito sa Kustan kumpara sa Sentral. Sa ilalim ng malaking silong ng bubong ay ang mga pahabang upuan na nakahanay para sa mga pasahero. Iyong sa Sentral naman ay halatang pinagkagastusan dahil sa pagkakakita ko sa online ticketing ay nasa loob ng building ang waiting area.
Kakaunti na ang mga pasahero rito sa Kystan Port. Ang iba ay naghihintay pa sa pila para sa ibang byahe.
Wala naman akong ibang alam na lugar dito sa Camea. O kung ano ang iba pang pwede kong kunin na byahe. Dapat talaga ay sa Vergara Port ng Central na ako dumiretso! O kaya naman ay inagapan ko ang byahe parito sa Kustan!
Tinungo ko ang waiting area. Nagrereklamo na ang gulong ng maleta ko dahil sa lubak at mabatong daan.
Hinanap ko ang karatulang nagsasabing Sentral at umupo sa likod nito. Ang saya na mauna sa pila! Wooo! Pilang naghihintay sa wala.
Kinuha ko ang phone ko at nagsuot ng earphones para mag-music. Wala naman kasing signal dito. Minsan magkakaroon ng isang bar pero ano bang mararating n'on! Sending failed pa rin naman. Tss!
Nakadalawang kanta na ako ay hindi pa rin umaalis iyong jeep kanina. So sinilip ko na. I saw a very old woman talking to the barker. I guess she's going to have the same fate as mine.
Mukhang magiging waiting buddies kami ni Lola pagkarating niya rito. Pero akala ko lang pala. Dahil si Kuya Guy kanina ay bumaba mula sa jeep at kinausap iyong barker.
Seconds later ay mabagal siyang tumakbo patungo rito. Medyo nawala na ang hidden dislike feelings ko toward Kuya Guy kasi hindi rin naman siya nakasakay. At tsaka dahil nagpaubaya siya para sa senior citizen, diba? At tsaka...
Wait.
Wait lang.
"Walang nakasabit?"
Dahil sa realization ay napatulala ako sa jeep habang umaalburuto na ang makina nito. Ang barker ay nakaupo na sa sampahan ng jeep. Kinakalampag na nya ang katawan ng sasakyan para sumenyas na lalarga na ang byahe.
"Shit!"
Muling umiyak ang gulong ng maleta ko nang tumakbo ako para habulin ang jeep.
Kaya 'to ng powers ko! Kiber na ang mga gamit ko basta makasakay lang ako. Winagayway ko ang libre kong braso habang kinukuha ko ang atensyon ng barker.
"Kuya!!!Pasabit ako!!!"
Omaygad! Nagsuot pa si kuya ng earphones! Totoo ba siya??? Hoy, paano kung may bababa na? Paano kung may magbabayad?
"Hoy, kuya!!! Sasabit na lang ako!!!"
Dahil mabagal pa ang takbo ng jeep ay tinangka ko pang bilisan ang takbo ko. Nagulat ang mundo ni Kuya Barker nang makita niya akong humahabol. Nakahinga ako nang maayos for one second dahil nakuha ko na ang atensyon niya, pero nalagutan lang ulit ako ng hininga nang tawanan niya lang ako.
Hindi ka totoo, kuya!!!
Bwisit.
Hindi nakakatulong ang mabatong daan, ha! Pero dahil nga I'm such a great person, naabot ko iyong something curve sa jeep na pwedeng makapitan.
"Iyong ate! Humahabol!" hiyaw ng matanda sa loob.
Nagpanic na si Kuya Barker dahil sa lagay ko pero hindi niya pa rin alam ang gagawin. He's obviously younger than me. Tinatakot ko siya gamit ang mata kong nanlilisik ngayon na para bang nagsasabing, 'wag kang magsusumbong, nananapak ako. Ganorn.
Nabitiwan ko ang maleta ko dahil sa napakalaking pwersang humihigit sa akin! Kung kanina ay sobrang bilis ng takbo ko, ngayon naman ay pwede ko ng kabogin si Flash sa bilis para lang hindi ako ang makaladkad.
Shit. What about my luggage?
I guess I could buy. But guess lang pala, dahil naalala kong wala na nga pala akong pera!
Shit; part two.
"Ate, bitiw na po! Bago pa kayo masaktan," nagaalalang sabi ni Kuya Barker.
Aba aba...
Pupunahin ko pa sana ang hugot niya kung hindi lang pumulupot ang braso ni Reverse Flash sa balakang ko. What the!
Mas bumilis ang takbo ng jeep nang tuktukin ni Kuya Barker iyong kisame ng jeep sa loob. And because of that, I lost my strength to the force that's tearing me away from the jeep.
Dahil may law of motion nga, and I think it's the third, ayon nabuwal ako at nadaganan ko si Kuya Guy, na siya naman palang nagsilbing opposing force!
"What were you trying to do?!" naiinis niyang tanong na para bang friends kami.
Napakunot ang noo ko at awtomatikong tumaas ang isa kong kilay. Hindi ko na lang pinansin kasi medyo tumalas ang tabas ng bibig ko ngayon, so baka kung ano pang masabi ko. But he hasn't got any reaction besides the irk that's definite on his face. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng sagot.
Nakatayoako bago siya. Pinapagpagan ko ang sarili ko dahil sa alikabok sa pants ko, habang siya ay nanatiling nanonood sa akin. Ganda ko?
He slanted his face, as if to send an implied message that he's still waiting for me to speak. I subtly scoffed and brushed past him without saying anything.
O diba nagmamaganda na naman ako! Sensya na, inis lang!
Hinahanap na ng mata ko kung saan tumilapon ang maleta ko. Pero iba ang na-discover ko.
"Shit!" I grimaced. Then I cussed some more loudly. "Shit! Shit! I'm. So.So. Sorry!"
Nagdu-dugo ang magkabilang siko niya at may kaunting gasgas sa likod ng braso niya. It's because of the rocks! Most of it were too sharp.
Iyong noo naman niya ang kumunot to the highest level! Hindi niya ba ramdam?Masokista ba siya?
Kinagat ko ang labi ko dahil sa hindi maiwasang pagaalala. Maingat kong itinuro iyong siko niya habang nagdadasal na sana hindi siya mag-panic. Dahil sa mukha niya ngayon ay tila kaya niya akong kainin ng buhay!
When he saw it, it looked as if it's nothing to him. 'Wag niyang masabi-sabing malayo iyan sa bituka, ha! Makakasapak ako dahil wala akong band-aid!
"Sorry... sorry talaga," sabi ko sa tonong humihingi talaga ng sorry. Nakangiwi ang labi ko dahil doon ako sa sugat niya nakatingin.
"Gagaling din ito."
His face is still expressionless. Tipid din ang mga salita niya. So feeling ko (omg) galit siya ng sobra!
E kaso wala talaga akong band-aid, tapos medyo marami talagang dugo! At wala ako ni isang panyo sa maleta ko! Ewan ko ba sa sarili ko.
So this leaves me to one option. Kinuha ko ang braso niya para itapat sa labi ko iyong sugat. When I did a primal remedy thing, he shouted his infamous words once more.
"Really?! What the heck are you trying to do?!"
He hastily snatched his arm away and I pulled myself back. I'm panicking again! Galit na talaga si Kuya Guy!
"Sipping the blood off your skin. Sooooorry!" my voice cried as I answered.
Sobrang nakakahiya! Anong gagawin ko!
Starine: Hi! I'd like to grab this opportunity to say that Never In Summer is my second try to do a different kind or incorporate a different vibe in writing. This one is a more go-with-the-flow story and a chill-lang writing, see the dialogues, chill lang din si character. So there. If you want a slight-serious and (slight) maayos na narration, I have 3 completed stories under Chase Series: The Exes Club, MASH Romantic, and Friendshipidity. You might want to check those out. J
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro