SilentInspired's Special Chapter
Special Chapter of A Sky Full of Stars
by: SilentInspired
It is my third summer already away from home. Tatlong taon ng pag babago para sa sarili, tatlong taon para mag-hilom ang lahat.
We all love going to places, especially those that we haven't seen before but who would have thought that the place I used to hate to think of as a home will make me feel everything I only dreamt of.
The way I miss the place is surreal.
I can remember myself being down and sad because of the fact that my family moved to that place before but now, ngayon na nasa ibang bansa ako, ngayon na nililibot ko ang mundo... doon ko naintindihan yung sinasabi nila na masarap malibot ang buong mundo pero mas masarap kung kasama mo ang taong nilalaman ng puso mo.
It is also the time wherein I feel home sick then I'll ask myself where is that place I call home and there is only one place I could think of.
Argao.
Funny isn't?
To be specific... my home is in his arms.
I'm being so corny, yes, maybe it really flows in our blood.
Gustong gusto ko ng umuwi pero hindi ko alam kung kaya ko na. Nahanap na namin si Evangeline, Uno got his happy ever after already, Simon and Tulip are now very much okay and a lot of things are going on with my cousins. Pakiramdam ko, ako nalang ang hindi handa sa lahat. I feel like I'm still stuck.
"Al, saan tayo mag lunch today?" tanong ni Agatha.
She followed me here because she said she's worried. Though isang linggo lang siya dito dahil may pamilya siyang kailangan din alagaan. I'm sure Markus wouldn't be able to sleep for a week too and probably he's cursing me already because her wife is not home.
Well, sorry nalang siya.
"Hm. Maybe dito nalang sa hotel?" Suhestyon ko.
Sumama ang tingin niya sa akin at nilapitan ako. Umupo siya sa harapan ko, sakto lang para mag-lebel ang paningin namin.
"Ilang taon?"
"What?" Nag-salubong ang aking dalawang kilay. "What do you mean?" I asked properly.
Nanglambot ang kanyang mga matang nakatingin sa akin at marahang inabot ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko roon at binalik din ang tingin sa kanyang mga mata. She held my hands as if she's worried and frustrated at the same time.
"Ilang taon pa ang sasayangin mo para sa kalokohan mo?"
My lips parted from what I heard from her. "Anong kalokohan ang sinasabi mo? I am doing this for myself, besides... hindi naman kalokohan ang lumibot sa buong mundo." Depensa ko.
Napabuga siya ng hangin at napailing-iling. Sandali siyang nakatingin sa malayo na para bang tinatantya niya ang sinabi ko. I only watched her while she did this countless sighs, napayuko nalamang ako at malungkot na tinignan ang aming mag-kahawak na kamay.
Nanikip ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Usually, okay naman ako. Masaya naman ako sa ginagawa ko pero this past few days, nagiging emosyonal ako. Mas na-mimiss ko ang Pilipinas at mas umiigting ang kagustuhan kong makita siya.
"Alice." She called me.
"Why ba?" Tanong ko sabay angat ng tingin.
Nag-salubong ang aming mga paningin at isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata.
"Tatlong taon mo ng pinaparusahan ang sarili mo. Oo nga at sinabi mo kay Cabello na kailangan mo 'to, para sa sarili mo. You said that you'll use the time to find Evangeline to let yourself heal too. You talked about kapatawaran and shit. I understand that, nandoon na tayo sa time heals everything but its been two years since we saw her. Kasal na nga sila ni Uno at magkaka-anak na sila. Ang dami ng nangyari, ang dami ng lumipas na taon, kailan ka uuwi? Kailan mo hahayaang maging masaya ang sarili mo."
Her words stabbed me to the center of my heart. It was a good shot, damang-dama ko ang sakit at hirap sa puso ko. I want to gasp for air because of the pain that I feel, hindi na rin tumigil ang mga luha ko sa pag-agos, tila ngayon lang sila nakaramdam ng kalayaan dahil pilit ko silang tinatago sa loob ng mga taong lumipas.
I want to say something, to defend myself, to let her see my point like I always do.
Gustong-gusto ko buksan ang puso ko at ipakita sa kanya kung anong nilalaman 'non pero hindi ko alam kung paano. The brave me is gone, puro takot ang nasa puso ko dahil sa katotohanang hindi ko na alam kung ano ba ang tama pa o ang hindi na.
"Okay sana kung masaya ka, I will tolerate this madness if I'll see you happy and contented but this is bullshit. Nakikita mo ba ang sarili mo, Al? Mas gugustuhin ko pang makita kang nag-susungit at nag-iinarte kay'sa parang tinatalikuran mo ang mundo. Kung tutuusin ay wala ka ng problema, you can be happy with him now, he's more willing to be with you than ever. Lagi nga siyang dumadalaw sa bahay niyo, he's also attending our family gatherings as if he's your representative. For the past three years, wala siyang ginawa kung hindi kuhanin ang tiwala ulit ng pamilya sa kanya. Ginagawa niya ang part niya para maging deserving para sa'yo..."
She took a deep breath and raised her hands to reach for my right cheek. Banayad ang kanyang ginawang pag-punas sa aking mga luhang walang kapaguran.
Nakinig lamang ako sa kanya, dinadama ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Maybe this is what I need dahil alam kong si Agatha lang ang may kakayahang sampalin ako ng katotohanan. Sino nga ba naman ang mag lalakas loob na pag sabihan ako nito? But is it enough for me to listen>
"...Al, ikaw? Kailan mo gagawin ang part mo? O baka ganito nalang talaga? Wala na ba? Gusto mo na ba talagang hanggang ganito nalang kayo? Is this your way of escaping? Hindi mo na siya mahal, ga'non ba 'yon?"
Maagap akong umiling at mapait na ngumiti. "You know it isn't like that, Gath. Alam niyong lahat kung gaano ko siya kamahal. I love him and I will always love him, hindi na ata mapapagod ang puso kong gawin 'yon."
"Then what are you doing here? Umuwi ka na ng Pilipinas. Sumabay ka na sa akin, let us chase your happiness this time." Aniya.
Muli akong umiling na siyang nagpabuga muli ng hangin sa kanya.
"Damn it. Ano bang gusto mo? Do you remember when I was the one you were lecturing about this things? Nagagalit ka pa na para bang wala ng imamali pa sa desisyon ko dahil lagpas one hundred percent ang kahibangan ko noon but look at you, bakit hindi mo kaya sabihin sa sarili mo yung mga sinabi mo sa akin 'non, baka magising ka. It helps to slap yourself sometimes." Inis na inis niyang sabi.
Napayuko lamang ako at malungkot na tinignan ang mga kamay namin. Muli kong narinig ang pag buntong hininga niya at napasinghap nalamang ako nang hilahin niya ako patayo. Sobrang lakas 'non at hindi ko magawang bawiin ang kamay ko mula sa kanya, hinila niya ako pati na rin ang coat namin na nakasabit sa isang sofa ng suite na tinutuluyan namin.
Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero malakas lamang niyang hinila 'yon pabalik.
"You might break my hand! What are you doing?" Pigil inis kong daing.
She was a soldier before and I can't imagine how my bones are going to ache later because of her.
Sinubukan kong 'wag na mag pumiglas at laking pasasalamat ko na hindi na masyadong masakit sa kamay ang hawak niya dahil doon.
"Well I'm doing something about your whole kabaliwan thing." Aniya sa tonong alam kong ginagaya niya ako.
Umirap ako at hinayaan nalang siya.
"This is the Trevi Fountain." Ani Agatha habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko.
We are standing in front of a fountain that I am very familiar with because it is one of my favorites.
Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. "I know—"
"Sh. Let me speak, Al." Aniya.
"Whatever." Balik ko sabay irap at ikot ng mata.
Huminga siya ng malalim at muling binalik ang tingin sa harapan. I did the same too, hahayaan ko nalang siyang umaktong tour guide kahit hindi ko naman kailangan.
"The legend holds that a coin thrown into the fountain will ensure a return to rome. Travellers threw coins in the water to make the gods of water favour their journey back home. Sa totoo lang hindi ako sigurado sa mga sinasabi ko pero gusto ko 'tong subukan at dahil wala ka naman planong lumabas sa suite mo, then just follow my adventure for today. Pwede ba 'yon? Tutal aalis na ako niyan habang ikaw... balak mo atang gawing tahanan ang Rome. You have all the time to spend your days here, give this to me."
Napailing nalang ako at hinayaan siyang bitawan ako, well scratch that... thank God na binitawan na niya ako.
"Do you actually believe on that? Baka mamaya mas lalo kang hindi makauwi niyan." Tudyo ko.
"Of course I do believe na makakauwi ako. Wala man ang fountain na 'to o nandyan, I'll definitely reach home because if not... I know home will come to me." Mayabang niyang sabi habang kinakalkal ang gamit niya para makahanap ng baryang ihahagis.
I smirked. "Are you saying na si Markus ang pupunta rito pag hindi ka pa nakauwi?"
"Yes!" She exclaimed and showed me a coin.
"Yes?" Tanong ko.
"Yes, alam kong gagawin niya 'yon."
I shrugged and looked at the sky. "You're too confident. Baka mamaya makahanap ng iba 'yon habang wala ka." Tudyo ko sa kanya.
"Oh well, ewan. Basta ako naniniwala ako na mas takot siyang makahanap ako pero baka hindi rin kasi alam naman ng hinayupak na 'yon kung gaano ko siya kamahal pati na rin si Terenz. I will never hurt my family, Al. Besides... we have trust. May tiwala kami sa isa't isa at hanggang kaya ko ay pang hahawakan ko 'yon."
"Trust..." I uttered as she smiled and walked towards the fountain.
Wala sa sariling lumapit din ako roon. Usually ay napakaraming taong pumupunta rito, laging puno at kailangan makipag siksikan ka para lang makita ng maayos ang tubig ng fountain pero mukhang swerte kami ni Agatha ngayon dahil kakaunti lang ang mga tao ngayon. Sa totoo lang, its weird to see that most of the people here are Filipinos.
Hindi ako sigurado pero mukhang Pilipino lahat ng nandito.
"I'll wish, baka gusto mo rin." Aniya.
Umiling ako at hinayaan siyang pumikit pero nang makitang pumikit na siya ay mabilis akong kumuha ng barya sa bulsa ko at pumikit din.
I turned my back from the fountain as I closed my eyes and let my ears hear the beauty of the sound from the people's voice. May mga nag-uusap sa paligid, ang hangin ay umiihip at may mga naririnig din akong nag tatawanan sa paligid. Unti-unti ay nawawala ang mga boses na 'yon, it is as if I'm pulled in no where and there, I said my wish.
"I wish to be with him, for the wounds to heal and for me and his happiness. Before, I don't doubt myself. I am confident and sure of what to do and not to do but right now, takot na ako magkamali o magawan ng mali dahil alam ko ang sakit na kapalit 'non. It will really hurt a lot because I can still feel the pain from yesterday. Alam ko na kahit papaano ay mas naiintindihan ko na ang lahat pero sapat na ba 'yon para bumalik ako? Wala naman kasiguraduhan sa lahat at ngayon ko lang din naintindihan 'yon. That it is not just me going away and returning to chase my happiness, hindi naman ga'non ka-simple 'yon. This is reality and I'm scared that I might not reach home. Dahil hindi naman lahat ng umaalis ay nag babalik pero alam kong 'yon lang din ang paraan para sumaya ako ulit. So I wish to have the courage to return home."
Habang nakapikit pa rin ang mga mata ko ay hinagis ko ang barya. Narinig ko ang pag tunog ng tubig dahil doon. Napangiti ako at nag-mulat ng mata.
Sa pag-mulat kong 'yon ay siya rin na pag talon ng puso ko.
"Looks like, your home came to get you." Ani Agatha sa gilid ko.
Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa taong hindi ko inaasahang makikita ko. My heart is shouting and crying with so much emotions, umaapaw lahat ng nararamdaman ko kaya hinanap ko ang mga mata niya. When our eyes met, mas sumabog ang puso ko sa saya na siyang nagpaiyak sa akin.
Napatakip ako ng bibig dahil sa hikbing kumawala sa akin. The people gathered behind him, doon ko lang napansin na may set sa likuran niya. They are shooting for something for people's sake! Nakakahiya na rito pa kami gumawa ng kalokohan ni Agatha pero si Agatha ay lumakad lamang palapit kay Sky na nakatayo sa harapan namin, ilang distansya lamang pero sapat na para magulo ang buong sistema ko.
Tinapik ni Agatha ang balikat niya at pinuntahan ang ilang staff doon. I saw some familiar faces from the management I worked before, gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa katangahan. Hindi ko man lang sila napansin kanina? How stupid!
How stupid...
Stupid for me to cry.
How I missed him...
Missed seeing him this close.
"Alice." Pag-tawag niya sa akin.
Napapikit ako at mas napahagulgol.
"Sunshine..." He carefully said.
Naramdaman ko ang papalapit niyang presensya. Mas naguluhan ako at mas nag-wala ang puso ko. Mababaliw na ata ako dahil sa kanya at hindi nakakatulong na alam kong nakatingin ang maraming tao sa amin.
Naramdaman ko ang kamay niyang inabot ang buhok ko. Inilagay niya ang ilang takas sa likuran ng tenga ko at hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob pero mabilis ko siyang niyakap. I cried my heart out in his arms, I felt him hugged me back which made me cry harder. Ramdam na ramdam ko ang bisig niya at sobra akong nakakaramdam ng saya dahil doon. I feel safe and damn happy while hugging him.
Siniksik ko ang mukha ko sa kanyang leeg dahil sa kahihiyan at ayaw ko rin na makita niya kung gaano karami na ang naluluha ko dahil sa kanya.
"Pwede ka na bang umuwi?" Bulong niya habang marahang hinahaplos ang likuran ko.
I hugged him a little bit tighter.
"I missed you." I whispered back.
Narinig ko ang pag singhap niya at ang pag dampi ng kanyang labi sa aking noo. Inabot ko ang mukha niya at hinaplos 'yon.
I reached for his jaw and kissed it before returning to hide on his neck.
"You don't know how much I was dying while missing you, Sunshine."
I bit my lower lip and nodded.
"I'm home."
He is my home.
Kahit saan pa, kahit anong lugar...
It won't matter as long as I'm with him.
Wounds will be wounds, marahil ang ibang sugat ay hindi na maghihilom pero alam kong basta kasama ko siya, sapat na 'yon para makalimutan ko sila. I know I have to work hard for the trust and I'm willing to give my all for that.
"I hope that this is the last summer that you're away from me." Aniya habang dinadampian ng halik ang noo ko.
"This is our first summer together for our lifetime, Sky."
Nag-angat ako ng tingin at inabot ang kanyang labi para hagkan siya roon. I smiled between our kiss while my eyes are still blurred due to my tears.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro